Share

CHAPTER 62

MADALING araw pa lang nang dumating ang mga tauhan ni Matt, ipinasusundo na raw siya ng amo nito. Kung bakit hindi man lamang nito hinintay na mag-umaga ay hindi rin alam ng mga ito. Wala naman daw silang pupuntahan. Gusto lang nitong makasalo siya sa breakfast.

Pinuntahan niya sa kuwarto niya ang Papang niya para magpaalam. Saka sinilip ang mga kapatid na mahimbing pang natutulog. Hindi na niya ginising ang mga ito. Humalik lang siya sa mga ito saka lumabas na ng kuwarto ng mga ito. Kahit paano ay panatag na ang kalooban niya ngayong nagkaayos na sila ni Nathaniel. At nalaman niyang nasa maayos namang kalagayan si Girlie.

Habang binabagtas ang daan pabalik sa mansion ay may halo siyang excitement na nararamdaman lalo pa at alam na niyang hindi nito itinago si Girlie para sa personal nitong interes.

Muli ay nabubuhay na naman ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nainis siya nang pagdating sa mansion ay datnan na naman niya duon si Regina.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status