Ryan’s POV
Two days akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas. Ni hindi ako kumain. Ngayon ang ikatlong araw magmula nang iwan ako ni Diana. Ewan kung paano ko nagagawang bumangon pa rin at ipagpatuloy ang buhay.
“Kring… kring…”
As soon as I turned my phone on, pumasok agad ang maraming text messages. Karamihan mula sa mga professors ko sa art class, at ang iilan ay sa mga kaklase ko.
Lahat ay nagtatanong kung anong nangyari sa akin at kung kelan ako babalik sa klase.
“Kumusta na? Okay ka lang? Blah… Blah… Blah…” Hindi ko na binasa pa ang lahat. Wala ako sa mood. Nag-scroll down ako at hinanap ang pangalan ni Diana sa mga nagpadala ng mensahe. Baka naman, kasi, pero talagang wala. Wala ni isa man lang.
Agad ko na namang naramdaman ang bigat ng dibdib. Ang realidad na wala na nga sa buhay ko si Diana.
I was about to turn my phone off nang bigla itong nag-ring. May tumatawag. Si Manang Flor, ang may-ari ng pinapasukan kong food delivery and restaurant.
“Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko. Ilang araw ka ring hindi mahagilap.” Ang pambungad na sabi nito.
Hindi tulad nang dati na pabulyaw ito kung magsalita. Mahinahon ang boses niya ngayon. Pero kahit medyo maangas siyang magsalita ay matagal ko nang alam na mabait itong tao. Kumbaga yung typical na “hard on the outside but soft on the inside.”
Kaya naman kahit labag sa kagustuhan ko ay hindi ko magawang tanggihan ang tawag ni Manang Flor.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Isa siya sa mga kumupkop sa akin nang una akong mapadpad sa lugar na ito. Wala akong dalang pera noon, walang dalang gamit maliban sa suot na damit at lumang laptop na nakatago sa aking backpack.
Lumayas ako mula sa amin dahil sa isang matinding alitan namin ng aking ama.
Naghanap ako ng trabaho, pero walang interesadong tumanggap sa isang tulad ko na walang experience sa mabibigat na gawain. Isa pa, masyado pa daw akong bata. Masyado pang totoy.
Si Manang Flor ang bukod-tanging tumanggap sa isang bagito na tulad ko. Nagsimula ako bilang tagalinis ng restaurant nya at taga-hugas ng mga pinggan. Kalaunan ay naging waiter, tumutulong sa chef sa kusina, at nitong nag-enrol na ako ng college ay natuto akong mag-drive ng motorsiklo at naging taga -deliver ng mga pagkain.
Tuwing Lunes at Martes ng hapon kung kelan matumal ang customers sa restaurant, ay ni-rekomenda naman niya ako sa ilang kaibigan nyang may negosyo rin para magtrabaho nang ilang oras.
Dahil sa mga raket kong ito kaya nakayanan ko ang mangupahan sa isang mumurahing kwarto at mapag-aral ko ang aking sarili.
“Pasensya na Manang Flor, masama lang talaga ang pakiramdam ko sa ngayon.” Ang matipid kong sabi.
“Ryan, alam ko’ng may pinagdadaanan ka. H’wag kang magkaila dahil narinig ko sa mga kabataang nakasaksi ng breakup nyo ni Diana.”
So, malamang kumalat na sa buong school ang nangyari sa amin ni Diana. Isa pa naman sa pinaka- popular na estudyante ng Fashion Design Department si Diana. Kaya siguradong laman ng maraming group chats ang hiwalayan naming dalawa.
Dahil sa wala akong naging reaksyon sa sinabi niya, ay nagpatuloy si Manang Flor sa pagbigay ng payo sa akin.
“Bata ka pa, Ryan. Kahit hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon nyong dalawa, malay mo, sa huli ay maging kayo rin? Habang may buhay, may pag-asa. Kaya tigilan mo na ang pagmumukmok, at bumangon ka. Pumunta ka rito sa restaurant at dito ka na mananghalian. Marami tayong deliveries ngayon.”
Kahit hindi ako bigyan ng paalala, alam ko naman sa loob-loob ko na walang magagawang mabuti ang pagmumukmok at pagsi-self-pity. Alam ko rin na wala nang second chance sa aming dalawa ni Diana dahil ikakasal na ito.
“Okay.” Ito lang ang tanging nasabi ko bago pinutol ang tawag ni Manang Flor.
Damn it, Ryan! Pull yourself together. Babae lang yan.
Naghilamos ako at pilit pinapatatag ang aking kalooban. Ni sa hinagap hindi ko naisip na dadanasin ko ang ganitong klaseng sakit. Sa bilis ng mga pangyayari, ay parang panaginip lang ang lahat.
I’m still at the stage of denial.
Sabi nga nila may limang yugto ang pagdadalamhati. Nasa unang yugto pa lamang ako, at may apat pang natitira bago ko marating ang stage of acceptance, at mag-move on sa buhay.
Kakayanin ko kaya?
Hindi na ako masyadong nag-ayos, dahil pakiramdam ko wala na rin namang silbi. Pagkatapos maghilamos ay nagpalit lang ako ng damit at umalis na ng bahay.
Mayroon akong lumang bisikleta na ginagamit ko papunta sa trabaho. On the way, nakasalubong ko ang maraming college students dahil nga naman malapit lang sa school ang kainan ni Manang Flor.
Napansin ko na maraming nakatitig sa akin. Nagbubulungan ang karamihan sa kanila at meron pang mga pasimpleng tinuturo talaga ako.
May iilan na naririnig ko pa ang usapan dahil hindi man lang hinihinaan ang boses nila.
“Siya ba yung iniwan?” Narinig kong sinabi noong isa.
“Oo, maraming nakarinig. Kalat na kalat na sa GC ng school natin ang nangyari. Ang sabi noong babae, hindi daw sila bagay. Bored na daw si Ms. Beautiful. Paano, super rich girl pala sa totoong buhay.” Sabi ng isa pang tsismosa.
“Ay, kawawa naman pala si kuya. Ang sabi mamahaling sports car daw ang sumundo kay girl. Kita mo naman si kuya, nakabisikleta na nga lang, luma pa.”
At nagtawanan pa sila na animo’y tuwang-tuwa sa kamalasan ng kapwa nila.
Sa mga narinig ko ay muling nanumbalik ang sakit sa puso na dulot ng paghihiwalay namin ni Diana. Mukhang kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat ay hindi ako matatahimik dahil sa mga taong walang magawa sa buhay.
Magkagayon pa man ay sobrang nanliit ako sa kanilang pangungutya. At hindi ko maiwasan na ang sama ng loob na nadarama, ay unti-unting napapalitan na ng pagkamuhi.
Poot sa aking sarili. Poot sa aking nakakaawang sitwasyon. Poot sa mga hindi nakakaintindi. At poot kay Diana.
Ngayon ko lang napagtanto na talagang pinaglaruan lang ni Diana ang damdamin ko. Kaya nagdalawang-isip akong ligawan siya noon, dahil parang imposible. Dapat pala ay sinunod ko ang aking unang kutob at iniwasan na lang ito.
Paano kasi Ryan, ang tanga mo. Ang dali mong naniwala. Ang bilis mong umasa.
Habang nagsiself-pity ako ay naalala kong muli ang sabi nya at mas tumindi pa ang galit sa dibdib ko.
“Swerte mo nga at ikaw ang natipuhan ko.”
Ito ang sinabi nya nang makipaghiwalay sa akin.
Mapalad ba ang maging tampulan ng tukso at pangungutya, ha, Diana?
Sa bilis ng pagpadyak ko ay narating ko agad ang restaurant ni Manang Flor. Giniya ko ang bisikleta sa may likuran at naupo muna sa isang sulok.
Nanginginig ang buong katawan ko, marahil sa magkahalong galit, hiya, at pagod na rin. Pinahid ko ang namumula kong mga mata at nakayukong pinakalma ang sarili ko.
Nasa ganoon akong ayos nang madatnan ni Manang Flor.
“O, Ryan andyan ka na pala? Kumain ka muna sa staff kitchen bago ka mag-report sa trabaho, okay?” Sabi nya.
Tumango lang ako, pero nanatili pa rin akong nakayuko.
Naramdaman ko na lumapit si Manang Flor at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap bago ito bumalik sa loob.
Matagal ako sa ganoong ayos nang maisipan kong tingnan ang group chat ng school namin. Hindi na ako nagulat at nandoon sa pinakatuktok ng forum ang thread tungkol sa hiwalayan naming dalawa.
Hot topic ang nangyari sa amin dahil nga naman sa popularity ni Diana sa school. Binasa ko ang mga komento kahit nakakainsulto ang halos lahat ng sinasabi nila.
Nakakapanlumo lang na wala man lang isang nag-iwan ng komento ng pakikiramay sa akin. Lahat ay halos tuwang tuwa sa kasawian ko.
Tama nga siguro ang kasabihan na kapag nasa baba ka ay malamang sisipain ka lang ng iba imbes na tulungang makabangon.
Siguro maging ang mga kaklase ko sa art class ay pinagpipiyestahan din ang nangyari sa akin. Iniisip ko pa lang ito, ay parang pinanghihinaan na ako ng loob na pumasok sa klase.
Nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo kaya minasahe ko ang aking sintido at pumikit sandali.
Nakarinig ako ng papalapit na yabag. Ang akala ko ay si Manang Flor ito at bumalik lamang para tingnan kung ano na ang nangyayari.
Pero nang tumayo ako para kausapin si Manang Flor ay nagulat ako sapagkat hindi pala siya ang dumating.
Yumuko ang bagong dating at buong paggalang na binati ako.
“Young Master Matthew!” ang sabi nito.
Kusang tumaas ang kilay ko at galit kong tiningnan ang matandang nakayuko sa aking harap.
“Anong ginagawa mo dito? At anong ‘young master’? Nilinaw ko na sa inyong lahat na simula nang pinutol ko ang ugnayan namin ni Papa ay hindi na ako parte ng walang pusong pamilya Collins!”
Ang kausap ko ay si Mr. Carlson, my father’s personal butler. Matagal na itong naninilbihan sa aming pamilya at lubos na pinagkakatiwalaan ito ng aking ama.
The fact na nandito sya ay siguradong may importanteng pinapatrabaho ang aking ama sa kanya.
“Young Master Matthew Ryan Collins,” ang muli nitong sabi. Napangiwi ako sa aking narinig pero hindi ko na siya kinontra at hinayaang magpatuloy sa kanyang sasabihin.
“I personally came dahil may mahalagang bilin si Master Collins para sa iyo.”
Master Collins- ito ang tawag ng marami sa aking ama.
May inilabas na telepono si Mr. Carlson mula sa ilalim ng kanyang magarang itim na suit. Sandaling may pinindot sya bago iniabot ang telepono sa akin.
“Hello!” Alam ko na ang aking ama ang nasa kabilang linya kaya tinapangan ko ang aking boses.
“Hmmp, Matthew! Tatlong taon na ang lumipas, pero mukhang hindi ka pa rin marunong gumalang.”
Cold and detached. Yan ang pagkakakilala ko sa aking ama. Ni minsan ay hindi ko ito nakitaan ng anumang emosyon. All business ang expression ng mukha nito. Yung parang palaging may kaalitan. Ang bukambibig nito ay palaging negosyo, profit, at success.
Wala itong panahon sa pamilya- sa akin, at sa aking ina. Kabaliktaran sila ng aking namayapang ina. Puno ito ng liwanag at pag-asa, kahit na may iniinda itong matinding karamdaman sa mga huling taon ng kanyang buhay.
Pero alam ko na sa kabila ng kanyang ngiti nang siya ay namayapa ay may lungkot sa kanyang mga mata dahil wala sa tabi niya ang kanyang asawa. My father didn’t come home kahit nakaratay na ang aking ina dahil mas inuna niya ang isang engrandeng pagtitipon na may kinalaman sa negosyo kaysa samahan sa huling sandali ang kanyang maybahay.
Lahat ng pagtitimpi ay may hangganan. At ang pagpanaw nga ng aking ina ang naging hangganan ng aking pagtitimpi sa aking ama.
Right after my mother’s funeral, kinompronta ko ang aking ama, at nagkaroon kami ng mainit na pagtatalo. I ended up calling him a useless husband. He retorted by calling me a bastard.
When I intentionally dropped his favorite antique and ruined it, our argument almost turned into a fist fight. Our quarrel turned the Collins household upside down.
Ang mga utusan sa mansion ay nagkumpulan sa sulok at nanginginig sa takot. Kakalibing lang ni Mrs. Collins, ang aking ina, at heto kami ng aking ama, halos magpambuno sa loob ng bahay.
That day, I broke relations with my father. I didn’t say goodbye. I just grabbed a couple of clothes, took some money from my savings, and with an old laptop and a backpack, I simply walked out of the mansion.
Of course, dahil masama ang loob ko, iniwan kong lahat ang binigay na luho at ang privilege ng isang Collins- ang aking koleksyon ng mga magagarang kotse, ang aking platinum-level MasterCard with no spending limit, at ang susi ng isang mamahaling apartment complex na nakapangalan kay Matthew Ryan Collins.
Dahil mula sa araw na iyon ay hindi ko na ulit ginamit ang pangalang Matthew. Sabi ng aking namayapang ina, ang ama ko ang nagpangalan sa akin ng Matthew. He liked the noble sound of that name kasi daw bagay sa isang household na tulad ng Collins.
Ang pangalawang pangalan ko naman ay bigay ng aking ina. Gusto ng ina ko ang isang simpleng pangalan dahil nais nyang lumaki akong malayo sa kumplikadong buhay na tulad ng aking ama.
I traveled to many places before I landed in the city of Dumaran. I knew some people who could fake documents for money. I paid for one and for three years now, I’ve been using the name Ryan Davis.
“Alam ko kung sino ang dapat nirerespeto, Master Collins. And you’re definitely not one of them.” Paanas na sabi ko.
“Look, Master Collins, I’m in a hurry. Can you please tell me what this is all about?” Dagdag ko pa.
Talking to my father brings back bad memories. As much as possible, gusto ko nang matapos ang usapan naming ito.
“Matthew, come back to your rightful place. I already have everything booked. I especially asked Mr. Carlson to bring you back.” I heard my father say.
I hate it whenever my father uses this kind of tone. Yung parang wala ka nang magagawa kundi sundin kung anuman ang ipag-utos nya. Sumiklab muli ang galit ko sa kanya.
“I told you before, I would never come back. Besides, I’m doing well on my own.” I retorted.
“What? You’re doing well?” Tumawa pa nang malakas ang aking ama na parang nakakaloko. “Three years, Matthew. I indulged you and your rebellious phase for three years. Pero mukhang wala ka pa ring natutunan.”
I wanted to answer back, pero natameme akong bigla.
“You thought I had no idea what you’ve been up to lately? Akala mo hindi ko alam kung paano ka dinurog ng kasintahan mong si Diana? Wait, hindi pala Diana ang pangalan nya—because she never told you the truth.”
This is my father. He seems amused at how I terribly failed at my life.
“How ironic. You accused me of being a useless lover to your mother. But look at your pathetic self. You are much worse than me. At least ako, I got your mother. I had her love and devotion. You? With just a second-rate woman, you are already this hopeless.”
“Son, you’ve been looking at a very small sky. When you leave that place, you’ll see that there’s a much wider world out there. So come back home and take your rightful place. This is also a lesson for you. Without power and money, true love is just a fantasy, a wishful thinking.”
When I still didn’t respond, he continued.
“Ano ba ang gusto mo? Si Diana? If you return, you can snatch that Diana back. No, kahit sampu o isandaang Diana pa ang gusto mo, pwedeng-pwede. Baka naman you want revenge? Do you want to get back at her?”
I was not surprised at what my father said. Tama nga naman, Collins family has the capital to do those things. But I couldn’t possibly hurt Diana. Kahit galit ako, o may hinanakit. I guess it’s time na bumalik na nga ako kung saan ako nararapat. But not before doing some things.
“No, Dad. I’m done with Diana. I have other conditions though.”
“Go ahead. Tell me.”
“Say, Dad. What do you think about investing in education or an entertainment center?” I asked.
“Why?”
“I want Collins Foundation to buy Northfield University and turn it into a topnotch educational facility.”
My father was silent on the other end but he didn’t disagree right away.
“Then that entertainment center?” He asked.
“There’s a wide plot of land near a riverfront here in Dumaran City. How about we buy it and turn it into an entertainment center?”
“Sure.” This time, I could hear relief in my father’s voice. A problem that could be solved by money is never a problem, he would always tell me. He must be glad he could solve his “son’s problem” by just spending hundreds of millions.
“Alright. But in exchange,” he added. “You, young man must follow all of my arrangements. You can’t take arts again, they’re pretty useless. Learn how to run the family business. Also, as a kid you had that uncanny interest for technology. That you can pursue again. Technology is very important in today’s businesses.”
“Okay. And one more thing, Dad.”
“There’s more?”
“Yes, just one more favor. It’s Manang Flor. If you’ve investigated me, you should know she’s taken good care of me all these years. I just want our family connection to boost her restaurant business.”
“No problem. But remember to keep your promise.”
“I will.”
“Good. Give the phone back to Mr. Carlson. I’ll make all the necessary arrangements. Tonight, you’ll be flying back home.”
Halos sampung minuto lang ang naging usapan namin ng aking ama, pero parang naubos lahat ng lakas ko. Alam ko na sa pagsang-ayon ko sa kagustuhan nya, mawawalan na ako ng kalayaang gawin ang gusto ko.
I’m sorry, Mom. I could not fulfill your final wish for me.
Ang huling hiling ng aking ina bago ito namayapa ay mamuhay ako nang taliwas sa aking ama. She wanted me to find my own place in this world, to find my own true love. My mom was a sentimental person. My father is the opposite. He is cold and calculating.
With my father’s arrangement, it would not be impossible for me to turn out like my father. Malamang maging tulad nya rin ako. But with how crushed and broken I felt, I didn’t think it would be a bad choice.
Diana’s POVIt has been three weeks since I left Dumaran. Wala namang masyadong nagbago sa buhay ko, maliban na lang sa mga gabing masyadong nami-miss ko si Ryan.Sa unang linggo ko nga sa bahay ay palagi akong pagod. Siguro sa dami ng dinadala kong bigat sa dibdib ay parang gusto na lang ng katawan ko na magpahinga.May napansin pa akong kakaiba sa katawan ko. Maliban sa pagod ay parang palagi akong nakakaramdam ng gutom. Nakaka-dalawang servings ako ng pagkain, minsan ay tatlo pa nga, pero ang masama, in between meals ay gusto ko na namang kumain ulit.Kaya lang hindi maaari ito. Mahigpit ang sinusunod na alituntunin ng pamilya namin pagdating sa pagkain. May tamang oras ang kada meal, at hindi rin pwedeng magpakabusog nang husto.Parte daw ito ng pagiging aristocrat ng pamilya Miller, at bilang ‘young lady of the house’ kelangan kong sumunod sa alituntuning ito.Buti na lang pumapasyal si Jade sa akin at palihim akong dinadalhan ng mga junk food at chocolates. Ito rin ang request k
Third Person POV “Krriinggg…” Agad sinagot ni Diana ang telepono pagkatapos niyang mabasa na si Jade ang tumatawag. “Jade, please help me.” Agad naiyak si Diana nang marinig ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. “Sis, kagagaling ko lang sa inyo. Ano ba’ng nangyari? Totoo ba yung text mo?” Ang tanong ni Jade na halatang nagulat sa nabalitaan. “Oo, seryoso. Buntis ako, Jade. Dinadala ko ang magiging anak namin ni Ryan. Pero gusto ni Dad na magpa-abort ako. Nag-usap sila ni Dr. Martel and after three days, ooperahan daw ako. I don’t want to kill my baby, please Jade ikaw lang ang makakatulong sa akin.” Kahit umiiyak, pilit hinihinaan ni Diana ang boses dahil baka may makarinig na iba. Halos malunod ito sa sariling pinipigilang luha. “What the fuck Diana? I can’t believe it. Ano bang sabi ni Tita? Hindi man lang ba siya tumutol?” Tanong ni Jade. “No. Wala akong kakampi dito. Mom agrees with Dad. Plantsado na lahat. Kakilalang doktor daw ni Dr. Martel ang magsasagawa ng operasyo
Third Person POV“Okay. Everything is ready. From here on out, we’re on our own, Diana.”Jade turned off the phone at pinaharurot ang dalang sasakyan. May isang oras pa sila bago marating ang pier ng karatig bayan.Mabuti na lang at walang naging aberya sa daan. Habang nagbibiyahe sila ay umidlip sandali si Diana.Medyo madilim na ang paligid nang maalimpungatan si Diana sa pagyugyog ni Jade.“Diana, gising. Andito na tayo.”Nagpunas ng mata si Diana at inayos ang sarili. Daglian silang nagsuot ng sombrero at face mask bago bumaba ng sasakyan.Medyo matao ang lugar dahil nagkataong may long holiday at maraming pasaherong bumibiyahe pabalik sa mga probinsya nila.Magandang balita ito para sa kanila dahil madali silang makakahalubilo sa karamihan at mas mahirap silang mapansin kung mangyari mang may maghanap sa kanila.Pero habang nagbabayad si Jade ng ticket ay tumunog ang cellphone nito.“Shit!” Kinabahan si Jade nang mabasa ang text message ni Troy.“Ano’ng sabi?” Ang tanong ni Diana
Dianna’s POV--- Seven Years Later at Dumaran, Palawan port----Pagkadaong ng barko sa pantalan ay agad akong nakadama ng magkahalong saya at lungkot.Ibang-iba na kasi ang itsura ng lugar na ito; yung dating mga puno at luntiang tanawin ay napalitan na ng mga gusali. Dumami na rin ang mga tao. Wala na ang dating tahimik at mapayapang kapaligiran.Nanlumo ako nang mapagtanto na parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang napag-iwanan na ng panahon ang memoryang nakaukit sa aking puso.Kumusta na kaya si Ryan? Andito pa kaya siya? Hindi ko maiwasang mapaisip.I smiled bitterly and tried to push away such meaningless thoughts. Tapos na ang lahat, at inaamin kong sobrang nasaktan ko si Ryan noon. Malamang ay may sarili na rin itong pamilya.Katulad ko- pagkatapos ng mga unos sa buhay ay may sariling pamilya na rin- si Freslin ang nag-iisa kong anak.Magiliw kong tiningnan si Freslin, ang bibong bata na bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Ryan. Ang kapusukang nagpabago
Ryan’s POVI’m back, Palawan.Hindi maipaliwanag na emosyon ang aking nadarama pagkalapag ng eroplano sa bagong gawang international airport ng Dumaran, Palawan.After leaving this place 7 years ago, I was determined to come back and transform it, to make it the best city in the country and in the world.But it was not easy at the start. Maraming executives ng kumpanya ang hindi sang-ayon sa mga plano ko, using several excuses, like saying “it’s not profitable enough,” or “we have other priorities.”Pero ang nagmarka talaga sa akin ay ang sabihang lubhang bata ko pa at wala pang alam. They scorned at me and blocked every plan I had.Kakabalik ko pa lang sa poder ng aking bilyonaryong pamilya noon, at marami sa mga senior executives ng Collins Holdings ang hindi bilib sa akin.In fact, they used to look down on me- the entire board of directors and the several high-level managers.“Used to” dahil sa simula lang iyon. Ngayon, lahat sila ay parang mga asong ulol na nagkukumahog sa aking
Diana's POVHabang nag-aagahan, nag-usap kami ng masinsinan ni Jade sa napag-alaman namin tungkol sa Genius Class program mula sa mismong head ng project na si Mrs. Samson.Ang sabi nya, kung saka-sakaling pumasa si Freslin sa assessment at tuluyang maging estudyante nila, ako bilang ina at legal guardian ay may dalawang opsyon.Una, ay ang italaga ang eskwelahan na maging legal guardian ng anak ko, in favor of free board and lodging. Mayroon kasing isang modernong dormitoryo sa likurang bahagi ng campus kung saan libreng makakatira ang mga estudyante ng Genius Class.Pabor ito sa mga mag-aaral na galing sa malalayong probinsya dahil hindi na nila kailangang gumastos pa para sa boarding house o apartment. Hindi na rin kelangan ng taga-sundo dahil nasa loob ng bakuran ng eskwelahan ang mismong dormitory at nagkalat ang mga guwardiya sa institusyon, at may round-the-clock CCTV monitoring pa.Pangalawa, ay ang ihatid-sundo si Freslin araw-araw mula sa inuupahan naming maliit na apartment
Diana’s POVUmuwi akong parang naguguluhan sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang trabaho nang walang kahirap-hirap.P80,000 basic salary, plus a free three-bedroom condo unit. It felt too good to be true.The man even showed me a pamphlet of the condos in CLS Towers when I hesitated signing the contract.At nang mapirmahan ko na, mabilis nyang hinablot ang dokumento na animo’y takot siyang magbago ang isip ko. At yung ekspresyon ng mukha nya. Parang mas masaya pa siya kaysa sa akin.Nakita ko na halos abot-tenga ang ngiti nya. He even laughed and said “good” three times.It’s just so odd to see an employer looking forward to an employment more than the job seeker.May kakulangan ba sa workforce dito sa Dumaran? Iyon ba ang dahilan kaya walang ibang aplikante akong nadatnan kundi ako lang?O baka naman sobrang pangit ng ugali ng magiging boss ko kaya’t walang gustong kumuha ng trabahong ito kahit nakakalula yung sweldo at benepisyo?Hindi na ako binigyan ng pagkakataon n
Diana's POV“R—yan? Anong ginagawa mo dito?” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.Ang dati kong nobyo na mas mahirap pa sa daga, bakit ngayon ay nakasuot na ng mamahaling Armani suit? At ang suot nitong relos sa kaliwang kamay, kung hindi ako nagkakamali ay isang designer watch na limited edition at gawa ng Patek Philippe.Ang kumikinang sa kislap na Testoni shoes nito, gawang Italya na siguradong mahal dahil sa iilang palamuti nitong diamante.Halos nasa singkwenta milyones siguro kung susumahin lahat ng suot nito sa katawan.For a second, parang tumigil ang utak ko at natuliro. Nakatingin lang ako kay Ryan at nakanganga. Halos hindi rin ako makahinga sa magkahalong gulat at kaba.Mula kasi nang bumalik ako ng Dumaran, palaging sumasagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Ryan, ang dati kong kasintahan.Marami akong dapat linawin at ihingi ng tawad sa kanya, kung tutuusin. Makailang beses kong naisip na kung sakaling magkasalubong kami sa daan, magagawa ko bang magtapat ng mga tot
Ryan / Matthew's POVThe National Computer Conference? Hmm… Kung hindi ako nagkakamali ay para itong business expo ng mga bagong invention ng mga kilalang computer hardware and software manufacturers.Tampok din dito ang mga freelance designers na balak i-promote sa madla ang gawa nila.Kada dalawang taon ay may nagaganap na pagtitipon para ipahayag sa buong mundo ang mga innovations na may kinalaman sa mga computers.Bukod pa dito, mayroon ding nagaganap na mga paligsahan sa huling araw ng conference. Tatlong araw ang buong event at ang talagang dinudumog ay ang huling gabi kung saan nagtitipon-tipon ang mga magagaling sa computer hacking.May paligsahan sa pabilisan ng pag-decode ng isang computer system. Ang nakataya ay hindi lang ang karangalang maitanghal na pinakamagaling na hacker sa bansa, kung hindi pati na rin ang malaking premyo para sa kalahok na mananalo.Noong huling conference, ang pot money ay nasa P20 million na nilahukan ng mahigit isandaang hackers mula sa iba’t-iba
Diana's POVNagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nangyari at the end of the event.Pagkatapos kasi akong maisayaw ni Ryan ay may binulong ito sa akin. Sa labis na gulat ko ay hindi ako naka-react kaagad. Ayun, naisuot na naman pala ulit ni Ryan ang jade bracelet sa kamay ko.Huli na nang mapansin ko at nakalayo na ito, bitbit ang nanggagalaiti na si Lisa. Literally, hinatak ito ni Ryan paalis ng venue, dahil kung hindi ay baka sinugod na ako nito sa stage dahil nag-aapoy na naman ang mga mata nito sa selos at galit.Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa anumang isipin ni Lisa nang mga oras na iyon. Mas interesado ako sa sinabi ni Ryan bago siya umalis. Ano kaya ang ibig nyang sabihin?Habang nakahiga ako ay itinaas ko ang aking braso at pinagmasdan ang berdeng bracelet na nakasabit sa aking kamay. Kumikinang ito sa ganda at totoong bagay ang kulay nito sa aking balat.Ang sabi nya ay bigay ito ng kanyang ina bago ito n
Diana's POVClarissa was mildly surprised at Ryan’s request to dance with the person who donated the jade bracelet. Perhaps she was thinking that Ryan was so captivated by the jewelry and wanted to thank the person by offering to dance with her.But, I know for a fact that Ryan does not only know who owned the bracelet, he was also the one who actually gave it to me.The last thing I want is to dance with him! I nervously looked at Clarissa and prayed that she would refuse Ryan.Clarissa’s gaze went my way for a second. It might just be my imagination but I could swear she mouthed ‘I’m sorry’ to me before smiling mischievously at Ryan.“That can be arranged, Mr. Collins. That is, if you manage to win this last auctioned piece.”Napangiti si Ryan na puno ng kumpyansa. Kung pera lang ang usapan, may tatalo ba sa kanya sa Dumaran? Sumandal ito sa upuan nya at sumenyas na ipagpatuloy na ang naudlot na auction dahil sa anunsyo niya.Nakuha naman agad ni Clarissa ang ibig ipahiwatig ni Ryan
Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som
Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad
Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag
Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay
Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka