Diana’s POV
“Goodbye, Ryan. I love you. Only you.”
Mula sa maliit na siwang ng kurtina, pinagmasdan ko si Ryan habang naglalakad itong papalayo sa apartment. Pilit kong inuukit sa aking isipan ang malungkot nitong pigura at agad akong nakaramdam ng labis na dalamhati.
Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko.
Hinayaan kong umagos ang aking luha. Akala ko ay naubos ko na ang luha ko kahapon, pero may natira pa pala ngayon. Ewan ko lang kung magagawa ko pang makabangon mula sa pighating nararamdaman.
Parang ang hirap. Parang imposible.
Kung nahihirapan ako, paano na lang si Ryan? Pumasok ako sa mapayapa nyang buhay at ginulo lamang ito. He doesn’t deserve all of this pain. Bakit kailangang mangyari ito sa aming dalawa? Pareho lang naman kaming nagmahal ah?
“Is he worth it?”
I didn’t need to look back to know it was Jade. Jade, my childhood friend. My ever-loyal friend.
“He is worth more than my everything.” I said under my breath.
Last year, nang sinabihan ako ng aking pamilya na ikakasal na ako sa susunod na taon ay tinanggap ko ang balita nang mahinahon. Pero, hindi ibig sabihin nito na gusto ko ito; I just couldn’t say no. In a rich family like ours, hindi pwede ang sumuway sa bawat sabihin ng mga nakatatanda.
My father has full control of my life. With my father’s instruction, my mother groomed me since birth to serve a single purpose- that is to get married into a rich household.
I learned arts, crafts, horseback-riding, ballet, and many more to increase my worth. I maintained good grades and was taught proper etiquette.
All of my parents’ investment on me paid off. The Compton family eventually asked my hand for marriage. I was deemed good enough.
The finalization of the arranged marriage was a joyous occasion for the family. Everyone was in high spirits, except me.
Because I don’t like Brandon Compton, my fiancé. He was arrogant, narcissistic, and cruel.
Yes, cruel. Nasa iisang high-school kami noon. Si Brandon ang pinaka-popular na estudyante at sa last year nito ay tumayong Student Council President pa.
May isa pa itong identity na kinatatakutan ng marami. Siya ang pinakamatinding bully sa school namin. Marami sa mga nakaalitan nito ang muntik na nitong lumpuhin sa gulpi. May iilang babae rin na dinaan nito sa dahas.
Nagbubulag-bulagan lang ang mga guro dahil nga isang Compton si Brandon. Ang mga Compton ang pinakamayaman sa aming siyudad. Hawak din nila sa leeg ang maraming politiko. Sa madaling sabi, napakalawak ng kanilang impluwensya sa larangan ng negosyo at pulitika.
Mas malawak pa sa impluwensyang hawak ng mga Miller, ang aking pamilya.
Dahil nakataga na sa bato ang aking kasal ay wala na akong magagawang kahit ano. Wala nang atrasan. Mabuti na lamang at may isang taon pa ako para sa aking sarili.
I was never rebellious. But just this one time, I demanded that I be allowed to choose where to go for college. Just a year, then I’d go back home to get married. Ito ang pangako ko sa aking ama at ina.
I chose a backward city and a third-rate university to enroll. It was the farthest place from home that I could find which my family had the least influence of. Of course, hindi pumayag ang pamilya ko sa hiling ko. They refused saying na hindi mabuti ito para sa imahe ng pamilya, but I was prepared. Sinabi ko na I’ll enrol myself using a fake name.
Hindi ko gagamitin ang tunay kong pangalan na Nadia Miller.
That settled most of my family’s concerns but they were still hesitant. It was Jade, my ever loyal friend, who eventually convinced them, albeit reluctantly.
“We’ll go together. I’ll watch over Nadia.” She assured my family.
I’ve known Jade since we were little. Our families have been friends for three generations. The Millers and The Adlers are tied to the hip.
Our great-grandfathers were comrades in the great war decades ago, and built together businesses that have grown big and successful today.
The day we arrived at Dumaran City, Palawan to start a year of wonderful college, I felt free for the first time.
Malayo na sa pressure ng pamilya, ang ganda pa ng mga tanawin.
“Thank you, Jade.” Hinawakan ko ang kamay nya at nagpasalamat.
“Isang taon, Nadia. Isang taon kitang sasamahan sa kabaliwan mo. Gawin natin lahat ang mga hindi pa natin nagawa noon.”
Hindi sumagi sa isipan ko nang mga oras na iyon na mararanasan ko ang maraming “una” sa buhay ko sa lugar na ito.
Higit sa lahat, dito ko naramdaman kung paano umibig. Dumating ito sa buhay ko nang hindi inaasahan- sa katauhan ni Ryan.
Guwapo, matangkad, at masayahing tao. Mabait din ito at magalang. Ang unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang makinang nyang mga mata na punong-puno ng buhay at pag-asa.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng hirap na pinagdadaanan nya ay nagagawa pa rin niyang ngumiti nang tagos sa puso, yung walang pag-aalinlangan.
“Interesado ka ba sa kanya?” Si Jade ang unang nakapansin sa kakaibang ikinikilos ko kapag nandyan si Ryan. May isang subject kami na magkaklase kaming tatlo- ako, si Jade, at si Ryan. Palagi akong nahuhuli ni Jade na nakatitig kay Ryan.
“Maybe. I don’t know.” Maging ako ay hindi alam kung ano ang nararamdaman ko kay Ryan at that time.
“Go, girl. Remember, isang taon lang tayo to try new things. This time, subukan mo kung paano ma-in love nang totoo.”
Jade made it possible for Ryan to notice me. She became our matchmaker. Kaya lang, kahit gwapo ay may pagka-torpe si Ryan.
Ang dami nang pagkakataon na sinayang nito, mga pagkakataong sinadya ni Jade na kami lang sanang dalawa ang magkasama sa iisang lugar. Unfortunately, ang gwapong si Ryan ay hindi marunong dumiskarte.
Kaya naman nang sa wakas ay nagkaroon na ito ng sapat na lakas ng loob upang magtapat ay hindi ko na pinahirapan pa. Sinagot ko na agad.
Sa simula, wala akong masyadong expectations sa relasyon namin ni Ryan. Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon?
Hindi ko inaasahan na mahuhulog nang tuluyan ang loob ko sa kanya. Sa huli, ang hirap nang bumitaw. Ang hirap nang iwanan siya. Pero kailangan.
Makapangyarihan ang pamilya ko. At ang mga Compton, hindi nila matatanggap na may naging karelasyon akong iba. Ang mas kinatatakutan ko ay kung makaabot ang balitang ito kay Brandon. Malupit itong tao. Sigurado akong mapapahamak si Ryan kapag nagkataon.
Ayokong may masamang mangyari kay Ryan dahil mahal na mahal ko siya.
Kaya naman mas pinili kong makipaghiwalay sa kanya sa pinakamalupit na paraan. Ayokong bigyan pa siya ng katiting na pag-asa at baka ikapahamak lang nya ito.
Di bale nang masaktan siya sa ganitong paraan kaysa malagay sa peligro ang buhay nya nang dahil lang sa pagmamahal nya sa akin.
Tama. Tama lang itong ginawa ko.
Habang tanaw tanaw ko sa huling sandali si Ryan, narinig kong muli ang boses ni Jade.
“Naisip mo na ba kung paano mo haharapin si Brandon kapag kinasal kayo?”
“What do you mean?”
“My God Diana, binigay mo ang virginity mo kay Ryan! There’s no way that Brandon wouldn’t know about it on your first night. You were really crazy you know that? And I am even crazier for agreeing with your plan.”
Napabuntung-hininga ako. Brandon is a cruel man. At sa dami ng mga babaeng pinaglaruan niya, alam kong mahirap itong lokohin.
“I know, Jade. I’ll think of a way to fool him.”
Though hindi naman talaga ako siyento-porsiyentong sigurado, nagsisimula na rin akong kabahan.
Alam kong dahil sa ginawa ko ay maaaring mas maging komplikado ang sitwasyon ko pag-uwi ko sa amin. Pero wala nang dapat pagsisihan pa dahil nagawa ko na. At sa totoo lang, wala naman talagang dapat pagsisihan.
Ginusto ko ito. I wanted Ryan to be my first man, even though malabo na siya ang maging huling lalaki sa buhay ko.
Babaunin ko ang mga magagandang alaala at pakakaingatan ang sikretong ito sa nalalabing hibla ng buhay ko.
Kahapon, nang magdesisyon ako na putulin na ang ugnayan namin ni Ryan, sinadya kong magpasundo kay Troy na pinsan naman ni Jade.
Si Troy ay mas bata nang dalawang taon sa amin ni Jade, pero dahil malaking tao ito, ay madalas napagkakamalan itong nasa kolehiyo na. Nais ko na mapagkamalan ni Ryan si Troy na fiancé ko para naman mapagtanto nya ang tunay na agwat ng estado namin.
Lumipad si Troy at nakipagkita sa akin para bigyan ako ng babala na nakakaabot na sa aming pamilya ang bali-balita tungkol sa pagkakaroon ko ng karelasyon dito.
Bago pa ako mahuli ay pinayuhan nya ako na tapusin na ang lahat. Sa totoo lang ay hindi ako handa. Ang akala ko ay may ilang buwan pa akong natitira. I wanted to break the news to Ryan gently. Yun sana ang gusto ko, pero dahil sa wala na ngang panahon pa ay kinailangan kong maging marahas.
Seeing Ryan cry broke my heart. But I had to hold my tears off. Gusto ko siyang aluin at yakapin pero kapag ginawa ko iyon ay siguradong mawawalan na ako ng lakas ng loob na bumitaw pa sa kanya.
Pagkahatid ni Troy sa akin sa apartment ay doon ko naramdaman na parang pinagsakluban ako ng buong mundo. Ang sakit pala kapag wala kang magawa kung hindi ang magkunwaring hindi mo na mahal ang isang tao.
Panay ang iyak ko, lalo na kapag naiisip ko na iyon na ang huli naming pagkikita ni Ryan. Then sa gitna ng pagdadalamhati ko ay may biglang pumasok na ideya sa aking isipan. Isang mapangahas na ideya.
Tutal ay wala na akong magagawa pa dahil nakataga na sa bato ang pagpapakasal ko kay Brandon Compton, sa isang taong hindi ko mahal. Baka naman sa huling pagkakataon ay pwedeng ibigay ko ang aking buong sarili sa talagang karapat-dapat sa akin?
I asked Jade to help me with my plan. Of course, she refused and told me I was crazy. But I told my friend that I would die if I let go of this chance. Nagmakaawa ako sa kanya.
In the end, she was forced to agree to my unreasonable request.
So tinawagan nya si Ryan at pinapunta sa bahay. Ako naman ay nandoon lang sa loob ng kwarto ni Jade at nagtatago, habang dinig na dinig ko ang usapan nila habang nag-iinuman. Parang dinikdik ang puso ko nang pinong-pino sa bawat masasakit na salitang binibitawan ni Ryan.
I couldn’t blame him for feeling that way. Wala akong karapatang magtanim ni katiting na sama ng loob dahil totoo namang nasaktan ko siya ng sobra. Ginawa ko siyang parang tanga, pinaikot-ikot sa aking mga palad.
Naghintay ako na talagang malasing siya bago ako lumabas sa kwartong pinagtataguan ko. Mabuti na lang at mababa ang alcohol tolerance niya at ilang oras lang ay lango na ito sa alak.
Sa loob ng kwarto, binigay ko sa kanya ang buo kong pagkatao. Hindi ko alintana ang kirot na dulot ng pagkabasag ng aking pagkadalaga. Umindayog ako sa ibabaw nya at nagpakasasa sa nakaw na sandaling iyon.
Labis ang tuwa ko na sa gitna ng kalasingan nya ay namukhaan pa rin nya ako. Sinabi kong mahal na mahal ko siya, na siya ang buhay ko, na sa kanya ako nang buong gabi na iyon.
Wala akong pinagsisisihan. Kung meron man, ay kung bakit ngayon ko lang ito ginawa.
Tahimik na napailing na lang si Jade. Alam ko na alam nya kung ano ang iniisip ko “I know I should have done my best to stop you.”
“You did your best, Jade. And thank you.” I said simply.
“Para saan?”
“For going crazy with me.” I smiled.
“Sira.” Napatawa ito at lumapit sa akin.
Niyakap nya ako nang mahigpit. At doon na umagos nang tuluyan ang lahat ng luha ko. Hindi ko na pinigilan pa at inilabas ko na ang lahat ng sakit, sama ng loob, at pighati. Umaasa ako na ito na ang huli kong pag-iyak sa iyo, Ryan.
Hindi ako nagsisisi na binigay ko ang pagkababae ko sa iyo na ilang taon kong iningatan. Sana, makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka ng tunay. Hindi katulad ko na nakatali na ang tadhana sa isang tao.
Today, I’m going back home. Iiwan ko na ang naging buhay ko dito sa Dumaran, Palawan. Iiwan ko rin ang buhay estudyante ko sa Northfield University.
At higit sa lahat, iiwan ko ang aking puso, ang aking una at huling pag-ibig.
Ryan, aking mahal… Paalam.
Ryan’s POV Two days akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako lumabas. Ni hindi ako kumain. Ngayon ang ikatlong araw magmula nang iwan ako ni Diana. Ewan kung paano ko nagagawang bumangon pa rin at ipagpatuloy ang buhay. “Kring… kring…” As soon as I turned my phone on, pumasok agad ang maraming text messages. Karamihan mula sa mga professors ko sa art class, at ang iilan ay sa mga kaklase ko. Lahat ay nagtatanong kung anong nangyari sa akin at kung kelan ako babalik sa klase. “Kumusta na? Okay ka lang? Blah… Blah… Blah…” Hindi ko na binasa pa ang lahat. Wala ako sa mood. Nag-scroll down ako at hinanap ang pangalan ni Diana sa mga nagpadala ng mensahe. Baka naman, kasi, pero talagang wala. Wala ni isa man lang. Agad ko na namang naramdaman ang bigat ng dibdib. Ang realidad na wala na nga sa buhay ko si Diana. I was about to turn my phone off nang bigla itong nag-ring. May tumatawag. Si Manang Flor, ang may-ari ng pinapasukan kong food delivery and restaurant. “Mabuti naman at sinago
Diana’s POVIt has been three weeks since I left Dumaran. Wala namang masyadong nagbago sa buhay ko, maliban na lang sa mga gabing masyadong nami-miss ko si Ryan.Sa unang linggo ko nga sa bahay ay palagi akong pagod. Siguro sa dami ng dinadala kong bigat sa dibdib ay parang gusto na lang ng katawan ko na magpahinga.May napansin pa akong kakaiba sa katawan ko. Maliban sa pagod ay parang palagi akong nakakaramdam ng gutom. Nakaka-dalawang servings ako ng pagkain, minsan ay tatlo pa nga, pero ang masama, in between meals ay gusto ko na namang kumain ulit.Kaya lang hindi maaari ito. Mahigpit ang sinusunod na alituntunin ng pamilya namin pagdating sa pagkain. May tamang oras ang kada meal, at hindi rin pwedeng magpakabusog nang husto.Parte daw ito ng pagiging aristocrat ng pamilya Miller, at bilang ‘young lady of the house’ kelangan kong sumunod sa alituntuning ito.Buti na lang pumapasyal si Jade sa akin at palihim akong dinadalhan ng mga junk food at chocolates. Ito rin ang request k
Third Person POV “Krriinggg…” Agad sinagot ni Diana ang telepono pagkatapos niyang mabasa na si Jade ang tumatawag. “Jade, please help me.” Agad naiyak si Diana nang marinig ang boses ng kaibigan sa kabilang linya. “Sis, kagagaling ko lang sa inyo. Ano ba’ng nangyari? Totoo ba yung text mo?” Ang tanong ni Jade na halatang nagulat sa nabalitaan. “Oo, seryoso. Buntis ako, Jade. Dinadala ko ang magiging anak namin ni Ryan. Pero gusto ni Dad na magpa-abort ako. Nag-usap sila ni Dr. Martel and after three days, ooperahan daw ako. I don’t want to kill my baby, please Jade ikaw lang ang makakatulong sa akin.” Kahit umiiyak, pilit hinihinaan ni Diana ang boses dahil baka may makarinig na iba. Halos malunod ito sa sariling pinipigilang luha. “What the fuck Diana? I can’t believe it. Ano bang sabi ni Tita? Hindi man lang ba siya tumutol?” Tanong ni Jade. “No. Wala akong kakampi dito. Mom agrees with Dad. Plantsado na lahat. Kakilalang doktor daw ni Dr. Martel ang magsasagawa ng operasyo
Third Person POV“Okay. Everything is ready. From here on out, we’re on our own, Diana.”Jade turned off the phone at pinaharurot ang dalang sasakyan. May isang oras pa sila bago marating ang pier ng karatig bayan.Mabuti na lang at walang naging aberya sa daan. Habang nagbibiyahe sila ay umidlip sandali si Diana.Medyo madilim na ang paligid nang maalimpungatan si Diana sa pagyugyog ni Jade.“Diana, gising. Andito na tayo.”Nagpunas ng mata si Diana at inayos ang sarili. Daglian silang nagsuot ng sombrero at face mask bago bumaba ng sasakyan.Medyo matao ang lugar dahil nagkataong may long holiday at maraming pasaherong bumibiyahe pabalik sa mga probinsya nila.Magandang balita ito para sa kanila dahil madali silang makakahalubilo sa karamihan at mas mahirap silang mapansin kung mangyari mang may maghanap sa kanila.Pero habang nagbabayad si Jade ng ticket ay tumunog ang cellphone nito.“Shit!” Kinabahan si Jade nang mabasa ang text message ni Troy.“Ano’ng sabi?” Ang tanong ni Diana
Dianna’s POV--- Seven Years Later at Dumaran, Palawan port----Pagkadaong ng barko sa pantalan ay agad akong nakadama ng magkahalong saya at lungkot.Ibang-iba na kasi ang itsura ng lugar na ito; yung dating mga puno at luntiang tanawin ay napalitan na ng mga gusali. Dumami na rin ang mga tao. Wala na ang dating tahimik at mapayapang kapaligiran.Nanlumo ako nang mapagtanto na parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang napag-iwanan na ng panahon ang memoryang nakaukit sa aking puso.Kumusta na kaya si Ryan? Andito pa kaya siya? Hindi ko maiwasang mapaisip.I smiled bitterly and tried to push away such meaningless thoughts. Tapos na ang lahat, at inaamin kong sobrang nasaktan ko si Ryan noon. Malamang ay may sarili na rin itong pamilya.Katulad ko- pagkatapos ng mga unos sa buhay ay may sariling pamilya na rin- si Freslin ang nag-iisa kong anak.Magiliw kong tiningnan si Freslin, ang bibong bata na bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Ryan. Ang kapusukang nagpabago
Ryan’s POVI’m back, Palawan.Hindi maipaliwanag na emosyon ang aking nadarama pagkalapag ng eroplano sa bagong gawang international airport ng Dumaran, Palawan.After leaving this place 7 years ago, I was determined to come back and transform it, to make it the best city in the country and in the world.But it was not easy at the start. Maraming executives ng kumpanya ang hindi sang-ayon sa mga plano ko, using several excuses, like saying “it’s not profitable enough,” or “we have other priorities.”Pero ang nagmarka talaga sa akin ay ang sabihang lubhang bata ko pa at wala pang alam. They scorned at me and blocked every plan I had.Kakabalik ko pa lang sa poder ng aking bilyonaryong pamilya noon, at marami sa mga senior executives ng Collins Holdings ang hindi bilib sa akin.In fact, they used to look down on me- the entire board of directors and the several high-level managers.“Used to” dahil sa simula lang iyon. Ngayon, lahat sila ay parang mga asong ulol na nagkukumahog sa aking
Diana's POVHabang nag-aagahan, nag-usap kami ng masinsinan ni Jade sa napag-alaman namin tungkol sa Genius Class program mula sa mismong head ng project na si Mrs. Samson.Ang sabi nya, kung saka-sakaling pumasa si Freslin sa assessment at tuluyang maging estudyante nila, ako bilang ina at legal guardian ay may dalawang opsyon.Una, ay ang italaga ang eskwelahan na maging legal guardian ng anak ko, in favor of free board and lodging. Mayroon kasing isang modernong dormitoryo sa likurang bahagi ng campus kung saan libreng makakatira ang mga estudyante ng Genius Class.Pabor ito sa mga mag-aaral na galing sa malalayong probinsya dahil hindi na nila kailangang gumastos pa para sa boarding house o apartment. Hindi na rin kelangan ng taga-sundo dahil nasa loob ng bakuran ng eskwelahan ang mismong dormitory at nagkalat ang mga guwardiya sa institusyon, at may round-the-clock CCTV monitoring pa.Pangalawa, ay ang ihatid-sundo si Freslin araw-araw mula sa inuupahan naming maliit na apartment
Diana’s POVUmuwi akong parang naguguluhan sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang trabaho nang walang kahirap-hirap.P80,000 basic salary, plus a free three-bedroom condo unit. It felt too good to be true.The man even showed me a pamphlet of the condos in CLS Towers when I hesitated signing the contract.At nang mapirmahan ko na, mabilis nyang hinablot ang dokumento na animo’y takot siyang magbago ang isip ko. At yung ekspresyon ng mukha nya. Parang mas masaya pa siya kaysa sa akin.Nakita ko na halos abot-tenga ang ngiti nya. He even laughed and said “good” three times.It’s just so odd to see an employer looking forward to an employment more than the job seeker.May kakulangan ba sa workforce dito sa Dumaran? Iyon ba ang dahilan kaya walang ibang aplikante akong nadatnan kundi ako lang?O baka naman sobrang pangit ng ugali ng magiging boss ko kaya’t walang gustong kumuha ng trabahong ito kahit nakakalula yung sweldo at benepisyo?Hindi na ako binigyan ng pagkakataon n
Ryan / Matthew's POVThe National Computer Conference? Hmm… Kung hindi ako nagkakamali ay para itong business expo ng mga bagong invention ng mga kilalang computer hardware and software manufacturers.Tampok din dito ang mga freelance designers na balak i-promote sa madla ang gawa nila.Kada dalawang taon ay may nagaganap na pagtitipon para ipahayag sa buong mundo ang mga innovations na may kinalaman sa mga computers.Bukod pa dito, mayroon ding nagaganap na mga paligsahan sa huling araw ng conference. Tatlong araw ang buong event at ang talagang dinudumog ay ang huling gabi kung saan nagtitipon-tipon ang mga magagaling sa computer hacking.May paligsahan sa pabilisan ng pag-decode ng isang computer system. Ang nakataya ay hindi lang ang karangalang maitanghal na pinakamagaling na hacker sa bansa, kung hindi pati na rin ang malaking premyo para sa kalahok na mananalo.Noong huling conference, ang pot money ay nasa P20 million na nilahukan ng mahigit isandaang hackers mula sa iba’t-iba
Diana's POVNagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nangyari at the end of the event.Pagkatapos kasi akong maisayaw ni Ryan ay may binulong ito sa akin. Sa labis na gulat ko ay hindi ako naka-react kaagad. Ayun, naisuot na naman pala ulit ni Ryan ang jade bracelet sa kamay ko.Huli na nang mapansin ko at nakalayo na ito, bitbit ang nanggagalaiti na si Lisa. Literally, hinatak ito ni Ryan paalis ng venue, dahil kung hindi ay baka sinugod na ako nito sa stage dahil nag-aapoy na naman ang mga mata nito sa selos at galit.Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa anumang isipin ni Lisa nang mga oras na iyon. Mas interesado ako sa sinabi ni Ryan bago siya umalis. Ano kaya ang ibig nyang sabihin?Habang nakahiga ako ay itinaas ko ang aking braso at pinagmasdan ang berdeng bracelet na nakasabit sa aking kamay. Kumikinang ito sa ganda at totoong bagay ang kulay nito sa aking balat.Ang sabi nya ay bigay ito ng kanyang ina bago ito n
Diana's POVClarissa was mildly surprised at Ryan’s request to dance with the person who donated the jade bracelet. Perhaps she was thinking that Ryan was so captivated by the jewelry and wanted to thank the person by offering to dance with her.But, I know for a fact that Ryan does not only know who owned the bracelet, he was also the one who actually gave it to me.The last thing I want is to dance with him! I nervously looked at Clarissa and prayed that she would refuse Ryan.Clarissa’s gaze went my way for a second. It might just be my imagination but I could swear she mouthed ‘I’m sorry’ to me before smiling mischievously at Ryan.“That can be arranged, Mr. Collins. That is, if you manage to win this last auctioned piece.”Napangiti si Ryan na puno ng kumpyansa. Kung pera lang ang usapan, may tatalo ba sa kanya sa Dumaran? Sumandal ito sa upuan nya at sumenyas na ipagpatuloy na ang naudlot na auction dahil sa anunsyo niya.Nakuha naman agad ni Clarissa ang ibig ipahiwatig ni Ryan
Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som
Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad
Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag
Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay
Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka