Share

Chapter 6

Author: Jops Writes
last update Huling Na-update: 2024-04-15 13:28:00

Third Person POV

“Okay. Everything is ready. From here on out, we’re on our own, Diana.”

Jade turned off the phone at pinaharurot ang dalang sasakyan. May isang oras pa sila bago marating ang pier ng karatig bayan.

Mabuti na lang at walang naging aberya sa daan. Habang nagbibiyahe sila ay umidlip sandali si Diana.

Medyo madilim na ang paligid nang maalimpungatan si Diana sa pagyugyog ni Jade.

“Diana, gising. Andito na tayo.”

Nagpunas ng mata si Diana at inayos ang sarili. Daglian silang nagsuot ng sombrero at face mask bago bumaba ng sasakyan.

Medyo matao ang lugar dahil nagkataong may long holiday at maraming pasaherong bumibiyahe pabalik sa mga probinsya nila.

Magandang balita ito para sa kanila dahil madali silang makakahalubilo sa karamihan at mas mahirap silang mapansin kung mangyari mang may maghanap sa kanila.

Pero habang nagbabayad si Jade ng ticket ay tumunog ang cellphone nito.

“Shit!” Kinabahan si Jade nang mabasa ang text message ni Troy.

“Ano’ng sabi?” Ang tanong ni Diana pero hindi siya pinansin ng kaibigan, bagkus ay luminga-linga ito sa paligid.

“Halika bilis, doon tayo sa hintayan ng mga ferry.”

Hindi na nagtanong pa si Diana at mabilis na sumunod ito sa kaibigan. Naghanap sila ng mas tagong pwesto at naghintay kung kelan pwedeng sumakay na sa barko.

May mahigit kumulang bente minutos pa base sa schedule ng alis.

Nahalata ni Diana na medyo aligaga si Jade kaya nag-usisa ito.

“May problema ba sis? Ano ba ang sabi ni Troy?”

“Apparently, your father didn’t fall for the ‘airport’ trick. Ang sabi ni Troy ay mag-ingat tayo dahil baka may mga tauhan ng papa mo na maghahanap sa atin dito.”

Namutla si Diana sa narinig. Muli pa nitong inayos ang kanyang disguise at mas naging mapagmatyag sa paligid.

Ilang sandali pa at may napansin ang dalawa na mga lalaking naghahalughog sa paligid ng pier. May hawak na piraso ng papel ang mga ito at parang kinukumpara sa mga babaeng nakakasalubong nila.

“Don’t look at them!” Ang paalala ni Jade sabay hatak kay Diana palayo.

May isang nakakita sa kanila at agad tinawag ang kanilang pansin. Nagpanggap silang walang narinig at nagpatuloy sa paglakad palayo.

Dahil nasa loob sila ng pahingahan ng mga pasahero at naka-kordon ang lugar, hindi agad sila naabutan ng mga kalalakihang humahabol sa kanila.

Hindi na matandaan ni Diana kung ilang beses silang nagpalibut-libot upang mailigaw lang ang mga ito.

“Paano na, mukhang mahuhuli tayo nito!”

Nagpalinga-linga pa sila hanggang may mapansin si Diana na mga kahon-kahong bagahe sa may gilid ng nakaparadang isang maliit na barkong luma.

Agad silang nagtago sa likod ng mga kargamento at huminga nang malalim. Nakapikit ang mga mata nila at taimtim na nagdasal.

Halos tumalon ang kanilang kaluluwa nang dumungaw ang isang maitim na mukha at nagtanong sa kanila: “Anong ginagawa nyo dyan?”

Isa itong binatilyo na patpatin. May kagat-kagat itong toothpick na palatandaang kakatapos lang nitong kumain.

Hindi nakapagsalita ang dalawa dahil sa nerbyos.

“May nakasalubong akong mga lalaking may hinahanap na dalawang babae. Mga ate, aminin nyo, kayo ang hinahanap nila ano?” dagdag pa nito na nakangisi.

Sa takot ay umiling lang ang dalawa. Mariing itinanggi ang paratang ng binatilyo.

“Talaga? Hehhh.” Lumaki pa lalo ang ngisi ng binatilyo. “Natatanaw ko rito yung mga lalaki, ano kaya’t sila ang tanungin ko?”

“Huwag, please.” Ang pagsusumamong sabi ni Diana sa binatilyo. “Tulungan mo kaming makapagtago sa kanila at bibigyan ka namin ng pera.”

“Magkano ba para sa inyong kaligtasan?” Ang tanong ng binatilyo.

“Dalawampung libo?” Ang sagot ni Jade.

“Limampung libo sa inyong dalawa. Walang tawad-tawad, mga ate.”

“Okay.” Agad dumukot ng pera si Jade sa dalang bag at inabot sa nakangising binatilyo.

Itinuro nito ang nakaparadang maliit na barko at sinabihan sila, “Pumasok na kayo sa barko, bilis. Bago pa sila mapadpad dito at makita kayo.”

Agad namang tumalima ang dalawa. Tumakbo sila sa loob at naghanap ng matataguan. May nakila silang isang maliit na silid na lagayan ng mga bagahe. Daglian silang pumasok at naghintay sa loob.

Kahit nangako ang binatilyo na hindi sila isusuplong ay hindi pa rin nagpakampante ang magkaibigan. Nakahinga lang sila nang maluwag nang bumukas ang pinto at bumungad ang nakangising mukha ng binatilyo.

“Wala nang problema, mga ate. Aalis na tayo.” Ang sabi nito.

“Ha? Teka muna at bababa kami. Sa ibang barko kami dapat sasakay.”

Tumayo ang dalawa at nagpasalamat sa binatilyo. Pero nailing lang ang binatilyo at nagwika, “Mga ate, kung bababa kayo sa barkong ito ay siguradong mahuhuli kayo. Mas dumami pa yung naghahanap sa inyo sa buong pantalan. Tingnan nyo.”

At itinuro ng binatilyo ang mga unipormadong mga lalaki na may hawak-hawak pang two-way radios. Sumilip si Diana sa isang siwang, at namataan nya sa malayo ang isa sa mga ito na kumpirmadong tauhan nga ng kanyang ama.

Napagtanto ni Diana na tama nga ang binatilyo. Sa oras na bumaba sila ng barko ay siguradong agad silang mahuhuli.

Habang abala ang mga pahinante ng barko sa pagkalas ng mga lubid na nagdudugtong sa maliit na barko sa daungan ay nakita ni Diana mula sa siwang na sinipat ng lalaking naghahanap sa kanila ang maliit na barko kung saan sila nakasakay.

Nakakunot ang noo nito. Nagmamando ito sa mga lalaking unipormado, at paminsan-minsan ay may kinakausap sa radyong dala.

Paulit-ulit ay tumitingin talaga ito sa gawi ng barko na parang naghihinala na andoon sila.

“So, ano na mga ate? Aalis na itong barko. Bababa ba kayo?”

Si Jade na ang tumugon dahil mukhang na-blangko na sa takot si Diana.

“Hindi. Hindi kami bababa. Salamat ulit sa tulong. We’ll go down kung saan dadaong itong barko. May malinis ba kayong cabin o kwarto rito?”

Tumango ang binatilyo at ngumiting muli. Sinenyasan nya ang dalawa na sumunod.

----------------

Binilang ni Diana ang mga araw na lumipas habang lulan sila ng barko. Apat na araw na, pero wala pa rin siyang natatanaw na kalupaan.

Nababagot na siya sa kakapanood sa mga naglalakihang alon at mga paminsan-minsang pagsirko ng mga lumba-lumba.

Wala naman kasing masyadong sakay na tao ang barko. Maliban sa kanila ni Jade at yung binatilyo na napag-alaman nya na ang pangalan ay Biboy, nasa mga anim na tao lang ang nandito. Kasama na roon ang kapitan ng barko na si Mang Danny.

Ang siste ay hindi pala nagpaalam si Biboy kay Mang Danny, ang kapitan, na may isasakay na ibang pasahero si Biboy. Hindi nga naman kasi pampasaherong sasakyan ang barkong ito, kundi isang mid-sized na cargo ship.

Nang malaman ito ni Mang Danny ay nasa gitna na sila ng paglalayag. Agad silang ipinatawag ng matandang kapitan para usisain.

Hindi naman ito nagalit, bagkus ay nahabag pa ito nang malamang tumakas ang magkaibigan dahil sa kagustuhang mailigtas ang pinagbubuntis ni Diana.

Pinasauli din ng kapitan ang perang ibinayad nila kay Biboy. Napakamot na lang ng ulo ang binatilyo pero isinoli pa rin nya ang limampung libo kay Jade.

Overall, kahit na mukhang nakakatakot ang hitsura ng mga crew ng barko ay maayos naman ang pakikitungo ng mga ito sa dalawang babae.

Pero sa araw-araw ay napapansin ni Diana ang kakaibang lebel ng disiplina ng mga sakay ng barko.

Kaya naman nang magkausap sila ni BIboy ay hindi maiwasang mag-usisa ni Diana kung bakit mukhang hindi mga ordinaryong tripolante lang ang lulan ng barko. Kung tutuusin kasi, parang mga sundalo ito kung kumilos, o hindi kaya ay may kasanayan sa pakikidigma.

Maliban kasi kay Biboy ay armado din lahat ang sakay ng barko.

Hindi naman direktang sinabi ni Biboy ang dahilan, pero nagpahiwatig ito na sa mundong ginagalawan nila, ang kahandaang ipagtanggol ang sarili ay isang pangangailangan.

“Kapag dumaong na tayo sa isla ay maiintindihan mo rin ito, ate, kahit hindi ko na ipaliwanag.” Ang sabi pa ng binatilyo sabay tikom na ng bibig nito.

Ang destinasyon daw kasi ng barko nila ay isang isla sa may West Philippine Sea. Hindi daw ito okupado ng kahit na sino man sa mga nag-aagawang mga bansa.

Bagkus, ay kinikilala pa daw ng mga ito ang awtonomiya ng isla. Kahit naririnig sa mainstream media ang mainit na tunggalian ng mga bansang umaangkin sa mga teritoryo dito, bukod tangi daw na ang islang ito ang iniiwasan ng mga nasabing bansa.

“May ganoon?” Gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Jade.

“Hindi ko alam ang detalye mga ate. Basta espesyal ang islang ito, bukod tangi sa mundo. Hindi ito isang bansa, at lalong hindi rin kontrolado ng kahit anong nasyon. May sarili itong palakad. Maayos na magulo. Naghalo rin ang mga mabubuti at yung mga halang ang kaluluwa.”

“Ano nga ulit ang pangalan ng islang ito?”

“Frelsi. Halaw daw ito sa banyagang salita na ang ibig sabihin ay kalayaan.” Ang may pagmamalaking saad ng binatilyo.

Frelsi…

Ang gandang pangalan. Ito lang ang naisip ni Diana, bago nabaling ang atensyon nito sa natatanaw nitong kalupaan sa dulo ng karagatan.

“Jade, tingnan mo. Yan na yata ang isla?” Tumingin si Diana kay Biboy para ikumpirma at tumango naman ito.

Tumayo na ang binatilyo at biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.

“Maghanda na kayo mga ate. Kalahating oras ay dadaong na tayo.”

Umalis ito at pumanhik sa hagdanan patungo kung saan naroroon ang kwarto ni Mang Danny.

Naiwan ang dalawang magkaibigan na magkahawak ang mga kamay na nakatingin sa malayong isla Frelsi.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 7

    Dianna’s POV--- Seven Years Later at Dumaran, Palawan port----Pagkadaong ng barko sa pantalan ay agad akong nakadama ng magkahalong saya at lungkot.Ibang-iba na kasi ang itsura ng lugar na ito; yung dating mga puno at luntiang tanawin ay napalitan na ng mga gusali. Dumami na rin ang mga tao. Wala na ang dating tahimik at mapayapang kapaligiran.Nanlumo ako nang mapagtanto na parang hindi na pamilyar sa akin ang lugar na ito. Parang napag-iwanan na ng panahon ang memoryang nakaukit sa aking puso.Kumusta na kaya si Ryan? Andito pa kaya siya? Hindi ko maiwasang mapaisip.I smiled bitterly and tried to push away such meaningless thoughts. Tapos na ang lahat, at inaamin kong sobrang nasaktan ko si Ryan noon. Malamang ay may sarili na rin itong pamilya.Katulad ko- pagkatapos ng mga unos sa buhay ay may sariling pamilya na rin- si Freslin ang nag-iisa kong anak.Magiliw kong tiningnan si Freslin, ang bibong bata na bunga ng isang gabing kapusukan namin ni Ryan. Ang kapusukang nagpabago

    Huling Na-update : 2024-04-15
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 8

    Ryan’s POVI’m back, Palawan.Hindi maipaliwanag na emosyon ang aking nadarama pagkalapag ng eroplano sa bagong gawang international airport ng Dumaran, Palawan.After leaving this place 7 years ago, I was determined to come back and transform it, to make it the best city in the country and in the world.But it was not easy at the start. Maraming executives ng kumpanya ang hindi sang-ayon sa mga plano ko, using several excuses, like saying “it’s not profitable enough,” or “we have other priorities.”Pero ang nagmarka talaga sa akin ay ang sabihang lubhang bata ko pa at wala pang alam. They scorned at me and blocked every plan I had.Kakabalik ko pa lang sa poder ng aking bilyonaryong pamilya noon, at marami sa mga senior executives ng Collins Holdings ang hindi bilib sa akin.In fact, they used to look down on me- the entire board of directors and the several high-level managers.“Used to” dahil sa simula lang iyon. Ngayon, lahat sila ay parang mga asong ulol na nagkukumahog sa aking

    Huling Na-update : 2024-04-15
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 9

    Diana's POVHabang nag-aagahan, nag-usap kami ng masinsinan ni Jade sa napag-alaman namin tungkol sa Genius Class program mula sa mismong head ng project na si Mrs. Samson.Ang sabi nya, kung saka-sakaling pumasa si Freslin sa assessment at tuluyang maging estudyante nila, ako bilang ina at legal guardian ay may dalawang opsyon.Una, ay ang italaga ang eskwelahan na maging legal guardian ng anak ko, in favor of free board and lodging. Mayroon kasing isang modernong dormitoryo sa likurang bahagi ng campus kung saan libreng makakatira ang mga estudyante ng Genius Class.Pabor ito sa mga mag-aaral na galing sa malalayong probinsya dahil hindi na nila kailangang gumastos pa para sa boarding house o apartment. Hindi na rin kelangan ng taga-sundo dahil nasa loob ng bakuran ng eskwelahan ang mismong dormitory at nagkalat ang mga guwardiya sa institusyon, at may round-the-clock CCTV monitoring pa.Pangalawa, ay ang ihatid-sundo si Freslin araw-araw mula sa inuupahan naming maliit na apartment

    Huling Na-update : 2024-04-15
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 10

    Diana’s POVUmuwi akong parang naguguluhan sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang trabaho nang walang kahirap-hirap.P80,000 basic salary, plus a free three-bedroom condo unit. It felt too good to be true.The man even showed me a pamphlet of the condos in CLS Towers when I hesitated signing the contract.At nang mapirmahan ko na, mabilis nyang hinablot ang dokumento na animo’y takot siyang magbago ang isip ko. At yung ekspresyon ng mukha nya. Parang mas masaya pa siya kaysa sa akin.Nakita ko na halos abot-tenga ang ngiti nya. He even laughed and said “good” three times.It’s just so odd to see an employer looking forward to an employment more than the job seeker.May kakulangan ba sa workforce dito sa Dumaran? Iyon ba ang dahilan kaya walang ibang aplikante akong nadatnan kundi ako lang?O baka naman sobrang pangit ng ugali ng magiging boss ko kaya’t walang gustong kumuha ng trabahong ito kahit nakakalula yung sweldo at benepisyo?Hindi na ako binigyan ng pagkakataon n

    Huling Na-update : 2024-04-15
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 11

    Diana's POV“R—yan? Anong ginagawa mo dito?” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.Ang dati kong nobyo na mas mahirap pa sa daga, bakit ngayon ay nakasuot na ng mamahaling Armani suit? At ang suot nitong relos sa kaliwang kamay, kung hindi ako nagkakamali ay isang designer watch na limited edition at gawa ng Patek Philippe.Ang kumikinang sa kislap na Testoni shoes nito, gawang Italya na siguradong mahal dahil sa iilang palamuti nitong diamante.Halos nasa singkwenta milyones siguro kung susumahin lahat ng suot nito sa katawan.For a second, parang tumigil ang utak ko at natuliro. Nakatingin lang ako kay Ryan at nakanganga. Halos hindi rin ako makahinga sa magkahalong gulat at kaba.Mula kasi nang bumalik ako ng Dumaran, palaging sumasagi sa isipan ko kung nasaan na ba si Ryan, ang dati kong kasintahan.Marami akong dapat linawin at ihingi ng tawad sa kanya, kung tutuusin. Makailang beses kong naisip na kung sakaling magkasalubong kami sa daan, magagawa ko bang magtapat ng mga tot

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 12

    Ryan / Matthew's POVI watched Diana walk out of the restaurant without any kind of hesitation. Bigla akong nainis lalo pa’t kasa-kasama ko itong bwiset na artista na grabe kung makapulupot sa akin.“Darling, what shall we eat?”Ang sakit sa tengang pakinggan ang boses ng babaeng ito na nag-iinarte na naman.“Wala akong gana.” Tumayo ako sabay tanggal ng kamay ni Lisa sa aking braso.“You can tell them what you want to eat. The chef will cook it for you.”Then I started to walk away.“Is it because of that woman?” Narinig kong sabi nya, may halong yamot sa boses nito.Tumigil ako at lumingon sandali sa kanya.“Lisa Hues.” Ang marahan kong sabi. “Siguro hindi pina-intindi ng agency mo ang totoong papel mo sa buhay ko. Let me get it straight. You should only act as my girlfriend whenever I need you to. So in front of other people, act like you’re the perfect girlfriend. But when we’re alone, get as far away as you can from me. Got that? Remember, you neither have the right to be jealous

    Huling Na-update : 2024-04-17
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 13

    Diana's POVSunday, Lunchtime“Ano bang kasalanan ng pagkain at halos durugin mo, Sis?”“Huh?” Napatingin ako kay Jade, inaalam kung anong ibig nyang sabihin.“Kaninang agahan, halos hindi mo rin ginalaw ang pagkain mo. Ngayon naman tinutusok-tusok mo lang ng tinidor. Ano ba ang problema?”“Ah ito? Walang problema, Sis. Medyo wala lang akong gana.”Napabuntunghininga si Jade at tinitigan akong maigi.“Magtapat ka nga. Kagabi umuwi kang walang imik at matamlay. Ngayon, wala ka namang gana. May masama bang nangyari sa pagkikita nyo ng boss mo kahapon?”Matagal na nabalot ng katahimikan ang hapag-kainan bago ko nagawang magsalitang muli.“Sa totoo lang, pilit ko ring inaalala kung totoo ba ang lahat ng nangyari kahapon. Kahit kasi kumbinsihin ko ang aking sarili ay parang napaka-imposible.” Pailing-iling kong sagot.“Ano bang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.” Nakakunot ang noo na giit ni Jade.“Kung tapos ka nang kumain, doon tayo sa kwarto mag-usap. Huwag dito at baka marinig

    Huling Na-update : 2024-04-19
  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 14

    Diana's POVPagkatapos kong marinig ang sinabi ni Brody ay agad akong nagbihis. Hindi ko alam kung anong klaseng emergency ang tinutukoy ni Brody at kung talaga bang may maitutulong ako.Pero nitong hapon ay tinulungan niya si Freslin na makahanap ng angkop na computer parts para sa laptop nito. Isa itong malaking pabor, at nais ko sanang suklian ito ngayon.“Sweetie, kayo lang muna ni Tita Ninang ang sabay maghapunan. May pupuntahan akong importante. I’ll be back right away,” sabi ko sabay halik sa pisngi ng aking anak.“Ingat ka, mommy.” Kumaway si Freslin at nagpatuloy na tumulong mag-ayos ng lamesa.“Go, ako na ang bahala dito.” Sabi naman ni Jade.Agad akong pumara ng taxi at ilang minuto lang ay narating ko ang matayog na gusali ng Collins Industries.Sa hallway pa lang papuntang opisina ni Ryan ay dinig na dinig ko na ang nagsusumamong boses ni Brody.“Boss, pumili ka na nang isa sa mga damit dito, at ma-le-late na tayo sa interview,” udyok ni Brody, sabay kuha ng mga naka-hang

    Huling Na-update : 2024-04-20

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 49

    Ryan / Matthew's POVThe National Computer Conference? Hmm… Kung hindi ako nagkakamali ay para itong business expo ng mga bagong invention ng mga kilalang computer hardware and software manufacturers.Tampok din dito ang mga freelance designers na balak i-promote sa madla ang gawa nila.Kada dalawang taon ay may nagaganap na pagtitipon para ipahayag sa buong mundo ang mga innovations na may kinalaman sa mga computers.Bukod pa dito, mayroon ding nagaganap na mga paligsahan sa huling araw ng conference. Tatlong araw ang buong event at ang talagang dinudumog ay ang huling gabi kung saan nagtitipon-tipon ang mga magagaling sa computer hacking.May paligsahan sa pabilisan ng pag-decode ng isang computer system. Ang nakataya ay hindi lang ang karangalang maitanghal na pinakamagaling na hacker sa bansa, kung hindi pati na rin ang malaking premyo para sa kalahok na mananalo.Noong huling conference, ang pot money ay nasa P20 million na nilahukan ng mahigit isandaang hackers mula sa iba’t-iba

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 48

    Diana's POVNagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nangyari at the end of the event.Pagkatapos kasi akong maisayaw ni Ryan ay may binulong ito sa akin. Sa labis na gulat ko ay hindi ako naka-react kaagad. Ayun, naisuot na naman pala ulit ni Ryan ang jade bracelet sa kamay ko.Huli na nang mapansin ko at nakalayo na ito, bitbit ang nanggagalaiti na si Lisa. Literally, hinatak ito ni Ryan paalis ng venue, dahil kung hindi ay baka sinugod na ako nito sa stage dahil nag-aapoy na naman ang mga mata nito sa selos at galit.Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa anumang isipin ni Lisa nang mga oras na iyon. Mas interesado ako sa sinabi ni Ryan bago siya umalis. Ano kaya ang ibig nyang sabihin?Habang nakahiga ako ay itinaas ko ang aking braso at pinagmasdan ang berdeng bracelet na nakasabit sa aking kamay. Kumikinang ito sa ganda at totoong bagay ang kulay nito sa aking balat.Ang sabi nya ay bigay ito ng kanyang ina bago ito n

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 47

    Diana's POVClarissa was mildly surprised at Ryan’s request to dance with the person who donated the jade bracelet. Perhaps she was thinking that Ryan was so captivated by the jewelry and wanted to thank the person by offering to dance with her.But, I know for a fact that Ryan does not only know who owned the bracelet, he was also the one who actually gave it to me.The last thing I want is to dance with him! I nervously looked at Clarissa and prayed that she would refuse Ryan.Clarissa’s gaze went my way for a second. It might just be my imagination but I could swear she mouthed ‘I’m sorry’ to me before smiling mischievously at Ryan.“That can be arranged, Mr. Collins. That is, if you manage to win this last auctioned piece.”Napangiti si Ryan na puno ng kumpyansa. Kung pera lang ang usapan, may tatalo ba sa kanya sa Dumaran? Sumandal ito sa upuan nya at sumenyas na ipagpatuloy na ang naudlot na auction dahil sa anunsyo niya.Nakuha naman agad ni Clarissa ang ibig ipahiwatig ni Ryan

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 46

    Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 45

    Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 44

    Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 43

    Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 42

    Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay

  • The Billionaire's First Love Has a Secret Child   Chapter 41

    Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka

DMCA.com Protection Status