Share

Kabanata 5: Unang pagkikita

Hindi pangkaraniwan ang masarap na paggising ko. Pero kahit na magaan ang pagtulog ko ay maaga akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko sa labas. Hindi ko alam kung saan galing pero alam ko na mga kaluskos iyon.

Napabangon ako sa malambot na kama na hinihigaan ko. Nakita ko pa sa kabilang side ang kapatid ko na mahimbing pa rin na natutulog. Inayos ko muna sya ng pwesto bago ako tuluyang tumayo.

Hindi naman ako natatakot sa kaluskos. Masyado na akong sawa sa mga ganyang klaseng tunog dahil matagal din kaming natira sa kalsada noon. Tumayo ako dahil gusto ko lang talagang malaman kung saan galing ang ingay na iyon. Papunta na ako sa pinto ng makita ko ang oras.

“Alas singko pa lang pero bakit may ingay na agad sa labas?” bulong ko sa aking sarili. “Napakaaga naman.”

Sinilip ko muna sa bintana kung may tao ba sa labas ng pinto o wala. Bahagya akong natakot, iyon ang totoo. May tao kasi sa labas ng pintuan. Napalunok pa ako at napaiktad nang marinig ko itong kumatok.

“Magandang umaga, gising na po!” sigaw nito habang paulit ulit na kumakatok. “Pinapagising na po kayo dahil maaga pong aalis ang young master. Kailangan nyo na raw pong maghanda ng gamot sabi ni Madam Loida!”

Gumalaw ang kapatid ko dahilan para agad akong magtungo sa pintuan. Mahirap na kasi at baka magising pa itong si Julius. Ni hindi pa naman ako nakaka pagluto ng almusal.

Nang buksan ko ang pintuan ay nadatnan ko ang isang lalaki. Nakasombrero ito at nakasuot ng apron. May itsura sya kung tutuusin dahil sa morenong nyang kulay at matangos na ilong. Bahagya pa syang napaatras nang makita nya ang mukha ko. Napaulunok sya at nagkusot pa ng kaniyang mga mata.

“M -ma’am?” gulat nyang tanong sa akin habang nakatitig pa rin sa mukha ko.

Nagtataka ako pero isinantabi ko na lamang dahil baka nga magising ang kapatid ko sa mahimbing nyang pagkakatulog. Ngumiti ako sa kaniya at nagtanong. “Ngayon na ba ako pinapag-asikaso? Pasensya na, nakalimutan kong tanungin kahapon kung anong oras ako mag-uumpisa.”

Matapos kong sabihin ang bagay na iyon ay nakatitig pa rin sya sa mukha ko. Para syang hindi makapaniwala sa mga nakikita nya. Wala tuloy akong choice dahil hindi na sya makausap ng matino. Kinawayan ko sya sa mukha nya para lang makabalik sya sa wisyo,

“S -sorry,” sagot nya. “P -pinapagising ka na kasi ni Madam at kailangan mo na raw mag-asikaso ng kakainin ng young master.”

Agad naman akong napatango nang makompirma ko ang sinabi nya kanina. Nakakahiya naman at ginising pa nila ako. Napalunok ako at ngumiti sa kaniya. Medyo matangkad sya kaya kailangan ko pang tumingala.

“Mag-aasikaso lang ako saglit,” sagot ko at agad na pumasok sa loob.

Shocks. Bakit naman biglaan? I mean hindi ko man lang naitanong kahapon kung anong oras ang pasok ko. Nakakahiya tuloy at nasundo pa ako ng wala sa oras.

Nagluto na ako ng makakain ni Julius. Nag-iwan na rin ako ng notes para mabasa nya mamaya ang dapat nyang gawin. Kinuha ko na rin ang maskara ko at ang maid uniform na nakita ko sa tapat ng pintuan kanina.

Paglabas ko ay sinuot ko na ang mask na binigay sa akin kahapon. Napaatras pa ako dahil nandito pa rin pala yung lalaki kanina.

“Anak ka ng patis!” sigaw ko dahil naroon pa rin sya at nakatayo.

“”S -sorry, nagulat ba kita?” nauutal na paumanhin nya. Tinignan ko sya sa mata ngunit umiwas lamang sya ng tingin. “”Ihahatid na sana kita at baka maligaw ka pa.”

Napangiti na lamang ako. Mukhang may gusto pa yata itong lalaking ito sa akin. Well, hindi ko rin naman sya masisisi. Maganda raw ako sabi ng mama at papa ko.

“Thank you,” tanging sagot ko. Tumalikod na sya at nag-umpisa nang maglakad. Sinundan ko sya at hindi ko maiwasang mamangha dahil matangkad talaga sya.

Bawat daanan na dinaanan namin ay kinabisado ko. Mahirap na kasi at baka maligaw pa ako. Grabe kasi sa laki ang mansyon, masyado pang mayaman talaga ang eksena.

Huminto kami sa office ni Madam Loida. Kumatok sya ng tatlong beses. Pagkatapos ay binuksan na nya ang pintuan. Pagpasok nya ay pumasok na rin ako. Bumati kami kay madam ng good morning. Mukhang wala pa nga rin sa wisyo si madam dahil mukhang kakagising lamang nya.

“Maui, go get that tray,” utos nya sa akin. Nakita ko naman kaagad ang tray na nakalagay sa isang table. May dalawang plato iyon at isang bottled water. “Dalhin mo na iyan sa kwarto ng young master sa taas. Bago ka umalis ng kwarto nya ay siguraduhin mong ubos ang laman ng plato at ng tubig. Is that clear? Mabuti at suot mo na ang mask mo. Huwag mong tatanggalin yan hanga’t wala ka sa tinutuluyan mo, ok?”

Tumango ako bilang sagot. “Yes, ma’am,” sagot ko.

Humarap si Madam sa lalaking kasama ko. “Rob, samahan mo muna ngayon si Maui sa daan papunta sa kwarto ng young master.”

“Yes, madam,” sagot ng lalaking na sa tabi ko.

Matapos ng eksenang iyon ay binitbit ko na ang tray. Grabe pala talaga ang mga mayayaman. Talagang may pa ganito pa sila. Samantalang ako e hindi pa nga ako kumakain ngayon.

Lumabas kami ng office ni madam. Nagtungo kami sa taas kung na saan ang floor ng young master. Nakakangalay pala ito, masyadong mabigat ang tray. May carbonara, may isang saging at may isang ulam na hindi ko mawari ang tawag. Nakakaloka, mukhang galing europe itong ulam.

“Nandito na tayo,” sabi ni Rob. “Lagi kang kakatok ng tatlong beses.”

Tinignan ko ang pinto. Nandito na nga kami. Dito kami huminto kahapon. Huminga ako ng malalim. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang taong pagsisilbihan ko. Nang makalma ko ang sarili ko ay kumatok ako ng tatlong beses.

“Come in,” sagot ng isang malamig na boses sa loob.

“Good luck,” bulong ni Rob bago ako tuluyang makapasok sa loob.

Pagpasok ko ay naabutan ko ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair. Maraming libro, may tv at computer din dito sa loob. Ang sarap tignan ng office nya, masyadong organized.

“I’m hungry, tatayo ka na lang ba dyan?”

Napaayos ako ng tayo at napalunok. Hindi ko namalayan ang sarili ko na napatitig na pala ako at nalunod sa pagkamangha sa office nya. Nang magtagpo ang mata namin ay kitang kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo.

Shocks.

Ang gwapo!

Bakit napakagwapo nya?

Ang makapal nyang kilay ay sakto na para maging sikat na modela sya. Matangos din ang ilong nya na para bang isang latino. Maputing mga balat na parang binabad sa gatas.

“Why are you wearing a mask?” takang tanong nya sa akin.

“P -pinapasuot po sa akin ni Madam Loida,” nauutal na sagot ko.

Napapikit sya at napailing. “Alright,” tanging sagot nya. “Let me have my breakfast.”

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Hindi ko alam sa sarili ko pero kinakabahan ako ng bongga. Siguro dahil sa presensya nya na masyadong intimidating? Grabe rin kasi sya tumitig sa mga kilos na ginagawa ko.

Pagbaba ko ng tray sa desk nya ay akma nyang tatanggalin ang mask ko ngunit agad akong napaatras. Agad akong napadaing sa sakit nang sumagi ang aking braso sa dingding. Napakagat ako sa labi ko dahil sa lakas ng pagkakatama non.

“Are you ok?” agad na tanong ng magaling na amo kong ito.

Tama ba namang tanungin ako kung ok ako? Malamang hindi! Sobrang sakit kaya nitong balikat ko na tumama sa dingding. Shocks, may regla pa naman ako ngayon. Siguradong magkakaroon ako ng pasa nito.

Para makalabas na agad ay sumagot ako sa kaniya. “O -ok lang po ako.”

Iindahin ko na lang muna ang sakit at lalagyan ko na lang ng ointment mamaya dahil for sure ay magkakapasa ito.

“Bakit kasi kailangan mo pang magsuot ng mask? Are you that ugly?” rinig kong bulong nya bago sya kumain.

Mabuti na lang at nakamask ako. Napatiim bagang ako sa inis. Nakatayo ako sa gilid nya at hinintay syang matapos. Ramdam ko na kumikirot na ang balikat ko pero kailangan kong tiisin ito.

Hinid ko na mabilang ang minuto basta namalayan ko na lang na bumabalik na sya sa pagtatrabaho nya. Nakainok na rin sya ng gamot. Napalunok ako at inangat ang kamay ko para kuhanin ang tray ngunit napadaing ako sa sakit. Narinig nya iyon dahil napatingin sya sa pwesto ko.

Agad kong ginamit ang kabilang kamay ko at agad na yumuko. “Lalabas na po, salamat,” sabi ko bago tuluyang umalis ng office nya.

Pagsara ko ng pinto ay napasandal ako sa dingding. Ang sakit ng kabilang balikat at braso ko. Napapikit ako at napakagat sa labi ko.

Kailangan kong magtiis, unang araw ko pa lang sa trabaho.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status