Share

Kabanata 3: Hired na ako?

Maui’s POV.

“G -grabe, ang ganda naman dito ate!” manghang sabi ng kapatid ko. “A -ang laki ng bahay at maraming flowers! Para tayong na sa ibang bansa!”

Kitang kita ng dalawa kong mata kung paano magningning ang mga mata ni Julius sa mga nakikita nya habang umaandar ang sasakyan na sinasakyan namin. Umukit ang ngiti sa labi ko. Marahil ay tama lang ang naging desisyon ko ngayon.

Thanful na rina ko dahil nahuli ako kahapon ng isang napakagandang babae habang hawak ang relo nya. Ang pangalan daw nya ay Fhiona. Noong una ay akala ko ay ikukulong na nya ako ngunit nagkamali ako. Nag-offer pa sya ng trabaho na talagang ikinagulat ko.

Masyadong weird, pero keri lang kasi trabaho naman ito. Pag-iisipan ko pa nga sana yung trabaho na in-offer nya pero nawalan na ako ng choice nang bigla na lamang akong makareceive ng notice galing sa floor manager namin na wala na raw akong babalikan na trabaho.

Wala akong idea kung bakit pero ok lang dahil mukhang sign naman na iyon para i-grab ko ang offer ni Fhiona.

So, after kong makuha ang una at huli ko na sahod ko ay umuwi akong nakatulala. Kainis. Balak ko pa naman sanang gawing part time ang pagiging janitres doon pero mukhang hindi para sa akin ang trabaho na iyon.

Naikwento ko sa mga katrabaho ko ang offer sa akin ni Fhiona kahapon. Sinabihan nila ako na baka scam raw dahil sobrang laki ng sahod. Pero para sa katulad kong wala ng kakapitan, kailangan kong sumugal.

Alam ko rin naman na maaring maging masama ang kalabasan nito pero wala akong choice kung hindi tignan. Malaking malaki ang kalahating milyon kada buwan, maipapasok ko si Julius sa isang magandang shool at makakapag-ipon ako para makapag-aral din.

Hayst, bakit ba kasi ako pinanganak na mahirap?

Katulad ng kapatid ko ay napahinto na rin ako sa mga nakikita ko. Tuluyan kaming huminto at haos mapanganga rin ako nang huminto kami sa isang napakalaking bahay.

Shocks, malacanang ba ito? Bahay ng presidente or bahay ng isang hari?

Mama at papa, sana talaga ay hindi ito scam!

Bitbit ang malaking maleta ay bumaba na ako. Kiniarga ko ang kaparid ko at pareho kaming natuwa sa mga bulaklak na nakapalibot sa isang fountain na nasa gitna.

“Ang ganda,” muling sambit ng kapatid ko.

Inalalayan kami ng guard. Nagulat pa nga ako ng tawagin ako nitong madam. Iyon ba ang tawag sa mga yaya rito?

“O -omg, welcome back madam,” bati ng ilang mga nadadaanan namin.

Bahagya pa nga silang nagulat pero hindi ko na nakita pa at narinig ang sasabihin nila dahil mabilis maglakad ang guard na sinusundan ko.

Pero nakakapagtaka nga.

Madam?

Bakit madam naman ang tawag sa akin ng mga ito?

Baka nga madam ang tawag sa mga yaya rito?

Naglakad pa kami ng kaunti. Sinundan ko lamang ang lalaki na nasa unahan ko. Pati ang uniform nila ay may gold lining. Perfect naman nito masyado! Talagang yayamanin ang may ari ng bahay o wait mali, mansyon nga pala ito. Para akong na sa isang movie!

Huminto kami sa isang pintuan. Pumasok kami sa loob at tumambad sa amin ang isang malaking office. Maraming libro ang nakalagay sa mga shelves. May ilang computer din dito sa loob. Pero ang mas nakakamangha ay ang chandelier na nakasabit sa gitna.

“Fhiona sent you here, am I correct?” tanong sa akin ng isang babae.

Panigurado ako na may edad na ito. Hindi naman sa pagiging judgemental, bumase lang ako sa mga kulay puti nitong buhok.

“O -opo,” sagot ko,

“Alright,” sagot nya. “Kanina pa kita hinihintay. Kung hindi lang ang heiress ang nagdala sayo rito ay baka pinaalis na kita ng tuluyan.”

Heiress?

Si Fhiona ay isang heiress?

Omg. Hindi na nakapagtataka!

May mamahaling relo si Fhiona at nag-offer pa ng kalahating milyon para sa trabaho na ito. Alam kong mayaman na sya pero hindi ko naman akalain na super yaman.

“Mukhang hindi masyadong sinabi ng heiress ang mga dapat mong malaman dito.”

“Umalis po kasi sya kaagad pagkabigay nya ng calling card nya,” sagot ko.

Ramdam ko ang pagtaas baba ng kaniyang tingin sa akin. Mukhang sinusuri nya ako. Nakakainis, lumang damit pa naman ang suot ko ngayon. Isang pants na medyo kupas at isang t-shirt lang na kulay black.

Mukha akong basahan sa mansyon na ito. Bakit kasi hindi ko pa in-expect na ganito kayaman ang babaeng iyon?

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya. Medyo kinakabahan na ako ng slight sa mga maaaring mangyari.

“Did you bring your resume ba?” tanong nya. Inayos nya pa ang salamin sa kaniyang mata. “Pwedeng patingin?”

Nagtaka pa ako sa tanong nya. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang hinihingi nya.

Resume? Nakalimutan ko!

Isa pa wala naman sinabi si Fhiona na kailangan kong magdala non. Ang tanging sinabi lang nya sa akin ay tawagan ko sya kapag nakapagdesisyon na ako. Hindi kaya pauwiin na ako nito dahil wala akong resume na dala?

Mukhang napansin ng babaeng na sa harapan ko na wala akong dalang resume dahil napabuntong hininga ito. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng aking damit. Nilalamon na ako ng kaba sa totoo lang.

“Mukhang wala kang dala,” sabi nito. Tumayo sya sa kaniyng kinauupuan at naglakad papalabas ng office. Huminto sya bago tuluyang makalabas. “Please, follow me.”

Nang makalabas kami ng office nya ay halos mapakagat ako sa labi sa sobrang ganda ng mga nadadaanan namin. Ang bawat vase na nadadaanan namin ay kumikinang. Nag-iingat nga ako sa bawat galaw ko dahil baka mabasag ko ang mga gamit na nandito. Nahihiya rin ako sa suot kong tsinelas at baka madumihan ko pa itong red carpet na nasa hallway.

“Wait me here,” sabi ng babae nang huminto kami sa isang mas malaking pintuan. May gold lining din ito na para bang nagsasabi na huwag akong pumasok.

“Good morning, young master,” sabi ng babae at kumatok ng tatlong beses.

“What?” rinig kong tanong ng isang lalaki mula sa loob. “I’m doing some paper works, make it quick,” dagdag nya.

“Young master, heiress has sent us another new maid.”

“Heiress?” tanong nito. “Go ahead and take care of them.”

“Alright, thank you young master.”

Yumuko ang babaeng na sa harap ko kahit na nasa labas lamang sya ng pintuan. Grabe, ang bastos naman ng young master nila. Ni hindi man lang ako nilabas para makita!

Humarap sa akin ang babae. Ramdam ko na naman ang kaba ko. Medyo nangangalay na ako kay Julius pero hindi ko iyon ininda, mas itinuon ko ang pansin sa sasabihin ng babaeng na sa harapan ko.

“Even tho wala kang dalang resume,” panimula nya. “You're still hired. Be thankful at ang heiress ang nagpapunta sayo…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status