It has come to my attention that there are people who have stolen my story and are making money out of it. Ayoko sanang pansinin kaya lang it's getting worse by the day! Yung isang post umabot ng 1k comments, people wanting to buy soft copies. And that hurts so much for me because I have put in so much time, sweat and blood just to write updates every day. Please help me report such profiles and pages. At sa mga gumagawa no'n, sana tubuan kayo ng konsensiya. Bagong taon na. Magbago na kayo. Hindi umaasenso ang mga nanlalamang ng kapwa. Alam ko nababasa ninyo ito. Tumigil na kayo! Or I will stop my updates para wala na kayong maibenta!
“Samalat sa paghatid, Keith,” ani Lara nang marating nila ni Keith ang apartment building ni Erin. Doon idiniretso ng doktor ang dalaga matapos nilang manggaling sa LDC. Ang orihinal na plano ni Lara ay dadaanan pa siya kay Erin sa marketing department upang ipaalam dito ang resulta ng pagbabasa ng last will and testament ni Doña Cristina, gaya ng bilin ng kaibigan bago sila maghiwalay kanina dahil nakisabay siya sa pagpunta sa LDC. Subalit dahil sa mga nangyari sa loob ng boardroom, nakalimutan nang lahat ni Lara ang bilin ng kaibigan.She was hurting and the only thing that she wanted to do was to get away from LDC and Jace as far as she could. Kaya naman nang ayain siya ni Keith na umuwi na sa bahay ni Erin, umoo na lang din siya. Kahit na ang totoo, ayaw pa sana niyang umuwi. Mas malulungkot lang siya sa bahay ni Erin dahi mag-isa lang siya roon. At tuwing mag-isa siya, mas lalo lamang niyang nararamdaman ang awa sa sarili at sa kanyang anak na hindi pa man naisisilang ay kasama
“Larissa, what are you doing here?” si Jace nang tuluyang makapasok sa kanyang opisina. Honestly, he’s still on edge dahil sa nangyari kanina sa board room. But he cannot take all of his emotions to Larissa, can he? Wala itong alam sa nangyayari sa kanya o sa LDC. Wala itong kinalaman sa galit niya kina Keith at Lara. At lalong wala itong kinalaman sa mga kamalasang sabay-sabay na dumarating sa kanyang buhay. But...“Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e. Kaya dinalhan kita nitong coffee,” masiglang sabi ng dalaga, inilapag a mesa ang to-go cup ng kape na dala nito.“Don’t put the damn thing on the table!” saway agad ni Jace kay Larissa, hindi na napigilan ang pagtataas ng tinig.Sandali namang napatda si Larissa, agad na binawi ang kape na inilagay niya sa mesa ng binata. May kung anong poot sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita. At kung hindi lang siya determinadong paamuin ito at kunin ang buong atensiyon nito gaya ng kanyang plano, baka kanina pa siya tumakbo palabas ng opis
“Larissa? Ayos ka lang ba apo?” untag ni Carmelita kay Larissa na noon ay tila naisemento na sa kanyang kinatatayuan, namumutla habang nakatingin lamang sa matandang donya.Sa loob-loob ni Carmelita’y alam na niyang sukol na ang dalaga. She was angry. Subalit iniisip niya ang kanyang kalusugan. She knew she had accomplices out there. Or probably a mastermind who would want to claim her wealth through the fake Larissa.Huminga ng malalim ang matanda, nagpakalma ng emosyon. Kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangang mayroong magbayad sa panlolokong ginawa nang kung sino sa kanya. Hinding-hindi siya magpapatalo sa mga taong nais siyang gulangan.“Hija? Hindi ka na nagsalita?” muling untag ni Carmelita kay Larissa.Kumurap ang dalaga, pilit na hinamig ang sarili. Subalit wala siyang maisip na paraan o anumang palusot upang sandaling maudlot ang nais ng matanda. Maya-maya pa, lumapit si Carmelita sa kanya, may kung anong puot ang nababanaag sa mga mata nito. Bagay na noon lamang niya
“Sir, wala pa rin daw po sa opisina iya si Lt. Alejandro. May pinuntahan daw pong appointment sabi ng secretary niya,” balita ni Eli kay Jace na noon ay tutok na tutok sa laptop nito.Malapit nang mag-alas singko ng hapon, subalit ni hindi maisipan ng binata ang huminto sa pagtatrabaho. Mula nang umpishan nito ang pagtatrabajo kaninang umagay’ ni hindi ito nag-break. Hindi rin ito nananghalian. Bagay na labis na ipinag-aalala ng assistant subalit hindi nito magawang isatinig.Bahagyang natigilan si Jace, sumulyap sa kanyang mamahaling wristwatch. “But working hours are almost over. Hindi na ba talaga babalik sa presinto si Lt. Alejandro?” anang binata, may pag-aalala sa tinig.“Hindi raw po sigurado ng serkretarya niya. Urgent daw po ang pinuntahan niya,” sagot ni Eli.Napabuga ng hininga si Jace, pagod na sumandal sa kanyang upuan. He is tired from all the day’s work and yet… he cannot stop working. He must not stop thinking of solutions. Because if he does…“My concern is urgent to
“Via, saan ka nanggaling? Umaga na pero ngayon ka pa lang umuwi?!” namamanghang tanong ni Rosie sa anak na nakita niyang papasok ng kanilang bahay.Alam ng matandang babae na umalis ang anak kahapon, gaya ng mga nakaraang araw. Subalit hindi niya napansin na hindi pala ito umuwi nang nagdaang gabi! Nang makatulog siya matapos niyang magsugal gamit ang kanyang cellphone, akala niya’y nakauwi na ang anak. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang makitang, papasok pa lamang ito sa front door, suot-suot pa rin ang damit nito nang nagdaang araw.“Pumunta ako kay Lola,” walang ganang sagot ni Via, dumiretso sa hagdan.,“Sandali! Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita!” ani Rosie, nagmamadaling hinabol ang anak sa hagdan. “Inuumaga mo ‘ko, Via! Alam mong pinakaayaw ko sa lahat ang binabastos ako. Humarap ka!” ani Rosie.Umirap si Via, pagod siya at puyat sa pagbabantay kay Doña Carmelita sa magdamag. Kahit na hindi nito sinabi sa kanya na gawin ‘yon, she volunteered. It was for a purpo
Marahas na tinulak pabukas ni Jace ang pinto ng kanyang opisina. Subalit imbes na sa kanyang mesa, dumiretso ang binata sa mini bar.He poured himself a drink on the crystal glass and drank it all in one go. But once was not enough! He did it three times more and yet, still it was not enough! Not enough to calm himself!‘I’m sorry, Jace but you have to go,’ ani Mr. Abesamis kanina. ‘And cheers to our new CEO Mr. Reymond Lagdameo!’Lalong nagngitngit ang binata sa naalala, makailang ulit na uminom ng alak bago gigil na ibinagsak ang baso sa counter mini bar.“Those fckers! How can they trust a thief more than me?!” singhal ng binata, mahigpit na ikinuyom ang mga kamay. “Pagsisisihan nila ang lahat ng ito! And when they realize their mistake, luluhod din sila sa pagmamakaawa sa akin. LDC is mine! Hinding-hindi nila makukuha nang buo ang kumpanya ng pamilya ko!” anang binata, bago muling nagsalin ng alak sa baso at sinaid ang laman niyon.Maya-maya pa, “S-Sir,” ani Eli.“What? Hwag mo k
Agad na namanhid si Lara sa tanong ni Via, hindi alam kung ano ang dapat sabihin o gawin sa nadatnan. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanagan, alam na agad ng dalaga kung bakit naroon si Via at kung bakit ganoon ang suot nito.Pero pinapunta siya roon ni Jace. Bakit---“Si Jace baa ng hinahanap mo?” naiinip na untag ni Via kay Lara. The shock on the woman’s face was just but entertaining in her eyes. Oh, the woman was so naïve and pathetic. She cannot wait to kick her out of Jace’s life. At siya ang papalit sa pwesto nito. Hindi pwedeng hindi siya. Handa siyang pumatay masiguro lang na hindi siya aalis sa pwesto ni Jace, Dahil kanya lang si Jace. Kanyang kanya lang!“Oh hindi ka na sumagot?” muling untag ni Via kay Lara na noon ay nanatiling tahimik, tinakasan na ng kulay ang bibig. Umirap na si Via. “Kung si Jace ang hanap mo, nasa kwarto siya, nagpapahinga, Malamang tulog na ‘yon. Kanina pa kasi kami. Alam mo na,” dugtong pa ni Via, makahulugang ngumiti bago inayos ang kwelyo n
Nanginginig ang mga paa ni Lara pagbaba niya ng taxi sa isang makipot na daan ‘di kalayuan sa dati nilang tinitirhan. Ilang daang metro mula roon ay naroon na ang batis, sa tabi niyon ay ang dampa ng kanyang T’yo Berto.“Miss, sigurado ka bang dito ka na bababa?” tanong ng taxi driver kay Lara nang makita ang madilim na daan na lalakaran ng dalaga.Alanganing nilingon ng dalaga ang taxi driver bago tumango. “O-opo. D-dito po talaga ang destinasyon ko. Salamat po ulit, Manong,” anang dalaga bago tuluyang naglakad patungo sa kanyang pupuntahan. Hindi naglaon, narinig na ng dalaga ang pagharurot ng papalayong sasakyan.Napabuga ng hininga si Lara, pilit na pinatatag ang sarili habang naglalakad sa dilim. Nagpapasalamat siya na bilog ang buwan ng gabing iyon at malakas ang buhos ng liwanag na nagmumula roon, tinatanglawan ang kanyang daan. Kabisado niya ang daan patungo sa batis kahit madilim dahil doon sila naglalaba ng kanyang T’ya Linda noon. Mga panahong hindi pa umaabot sa sukdulan a
“Excuse me?” ani Michelle, kunot ang noong tumingin kay Erin. What Erin said didn’t settle well with her. Well, that is, if she heard it correctly kaya siya nagtatanong.Si Erin naman ay tarantang tumayo, nanirik sandali ang lohika, naguguluhang tumingin sa mga tauhan na noon ay halos laglag din ang mga pangang nakatingin sa dalaga.“W-what I mean is… w-wedding bells! Yes! That’s it! I-I hear wedding bells f-for you two dahil bagay na bagay kayo, M-Michelle and Engr. B-Benavidez,” naguguluhang paliwanag ni Erin, halos manginig na ang mga tuhod sa sobrang pagkataranta lalo na nang magtama ang mga mata nila ni Kiel.Kung mayroon lamang siyang pagpipilian, kanina pa niya siguro hiniling na bumukas ang sahig at lamunin siya pansamalanta. How can she say aloud what’s inside her head? At sa harap pa mismo nina Kiel at Michelle!How stupid can she be?Kapag nagkamali talaga siya sa project niyang ‘yon, hindi lang siya ang malilintikan sa tiyahin niya, pati na rin ang kanyang ad agency. And
Palinga-linga si Erin sa loob ng restaurant na kanyang kinaroronan habang hinihintay ang mga kakausapin tungkol sa ad campaign project na inirekomenda ng kanyang tiyahin.Ang sabi ng tiyahin niya bago siya nito pinapunta roon, ang unica hija daw ng mga Dela Fuente ang kakausapin niya—ang interim CEO ng DF Steels who is expanding the business now to appliances production. Kaya nila kailangan ng isang solid ad campaign to promote their new products.She had never tried working for a whole line of product before. This would be the first. Kaya naman excited siya na kinakabahan para sa project na iyon.“Ms. Erin, ano kayang trip ng bago nating kliyente? Wine ba o hard drink?” tanong ni Chantal, ang isa mga creatives niya sa firm.“Baka ma-wine. Parang matanda na kasi ang pangalan e, Michelle Dela Fuente. Parang sosyal na hindi, di ba?” hirit ni Paul, ang isa pang tauhan ni Erin. Isinama ng dalaga ang dalawa para marinig nila mismo mula sa kliyente ang tungkol sa project na gagawin nila.Us
Kanina pa nakatunganga sa harap ng laptop niya si Erin subalit ni ayaw gumana ng kanyang isip upang magtrabaho. Pasado alas nueve pa lamang ng umaga subalit pakiramdam niya, tila pagod na pagod na siya.Well, sleep was elusive last night. After the truths she had learned yesterday, hindi na siya tumigil sa kakaisip. How did she end up sleeping with Lucas’ brother? Well, older half-brother, the one she didn’t have the opportunity of meeting noong sila pa ng dating nobyo.Alam niyang may kapatid si Lucas pero ang sabi nito nasa abroad ito at doon nagta-trabaho. Alam niyang magulo ang buhay pamilya nina Lucas kaya iniiwasan niya talagang magtanong tungkol sa pamilya nito. And when they broke up dahil nakabuntis ito at nagpakasal sa iba, mas lalo naman siyang nawalan ng interes dito. She vowed to forget everything about Lucas. Dahil para ano pa, tadhana na mismo ang nagtakda na hindi sila ang para sa isa’t-isa. And so she moved on.She focused on AdSpark Media, her very own ‘baby’. Workin
Napaungol si Erin Jade Villegas or Erin nang tumama ang malakas na buhos ng liwanag sa kanyang mukha nang tangkain niyang magmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong nangyayari; kung bakit tila may bumabarena sa ulo niya nang magising siya nang umagang iyon. Ang tanging alam ng dalaga ay umaga na at kailangan niyang bumangon. Muling napapikit ng mga maga si Erin, mariing hinawakan na ang nananakit na ulo.That's when she remembered last night.Last night.Well, last night, bumaha ang inumin dahil um-attend siya at ang kanyang mga kasamang empleyado sa launching ng isang brand ng alak. It was a genius move from the owners dahil talagang tinaon nila sa ad congress ang launching ng bagong produkto. She's sure, there's already more than a dozen of free ads for the product circulating now in various platforms. Baka nga pati mga empleyado niya may kanya-kanya na ring‘post’ tungkol sa alak na ‘yon. Which, she must stop.At AdSpark Media, her ad agency, they don’t do free advertising. No
TEASERErin Jade Villegas was done with love. Matapos siyang saktan ng kanyang huling nobyo na si Lucas, nangako siya sa sariling hindi na iibig pang muli. Itinuon niya ang kanyang buong atensyon sa kanyang sarili at sa advertising agency na kanyang naipundar sa tulong ng kanyang mayamang tiyahin na si Aunt Ingrid, ang pinsan ng kanyang namayapang ina.Minsan, binigyan siya ng tiyahin ng isang malaking kliyente, ang mga Dela Fuente. Malapit ang pamilya sa tiyahin ni Erin. Kaya naman ang sabi nito’y kapag maayos niyang naitawid ang transaksiyon sa mga Dela Fuente, bayad na siya sa lahat ng utang niya rito. Handang gawin ni Erin ang lahat, maging maayos lang ang kanyang trabaho. Subalit paano kung tila pinaglalaruan siya ng tadhana dahil ang direkta niyang makakatrabaho ay ang fiancé ng nag-iisang dalaga ng mga Dela Fuente, si Engr. Ezekiel ‘Kiel’ Benavidez, ang half-brother ni Lucas at ang lalaking nakasama niya sa isang gabi ng pagkakamali?Magawa pa kaya ni Erin ang kanyang trabaho g
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g