Agad na namanhid si Lara sa tanong ni Via, hindi alam kung ano ang dapat sabihin o gawin sa nadatnan. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanagan, alam na agad ng dalaga kung bakit naroon si Via at kung bakit ganoon ang suot nito.Pero pinapunta siya roon ni Jace. Bakit---“Si Jace baa ng hinahanap mo?” naiinip na untag ni Via kay Lara. The shock on the woman’s face was just but entertaining in her eyes. Oh, the woman was so naïve and pathetic. She cannot wait to kick her out of Jace’s life. At siya ang papalit sa pwesto nito. Hindi pwedeng hindi siya. Handa siyang pumatay masiguro lang na hindi siya aalis sa pwesto ni Jace, Dahil kanya lang si Jace. Kanyang kanya lang!“Oh hindi ka na sumagot?” muling untag ni Via kay Lara na noon ay nanatiling tahimik, tinakasan na ng kulay ang bibig. Umirap na si Via. “Kung si Jace ang hanap mo, nasa kwarto siya, nagpapahinga, Malamang tulog na ‘yon. Kanina pa kasi kami. Alam mo na,” dugtong pa ni Via, makahulugang ngumiti bago inayos ang kwelyo
“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito
“S-Sir… h-hindi ko po maintindihan--”“Fine, let’s get things straight. Hindi ba nasa labas lang ang mapapangasawa mo na hindi mo gusto?” Tumango si Lara. “I am offering you an escape from your current dilemma, Miss…”“Martinez, Sir. Lara Veronica Martinez.” “Well, Miss Martinez, I am offering you an escape. Six months of marriage, no strings attached. Marry me and I’ll solve your problems. How’s that?” ani Jace sa pormal na tinig.Lalong natulala si Lara sa sinabi ng boss.Sa dalawang taon ng dalaga sa LDC ni hindi pa niya ito nakakausap ng harapan. Kaya naa-amuse siya ngayon na kinakasuap siya nito nang harapan lalo pa at inaalok siya ng kasal!Kasal.Madalas ipaalala sa kanya ng kanyang tiyahin na ang kasal ay sagrado at ginagawa lamang nga mga taong lubos na nagmamahalan. Subalit… may iba pa ba siyang pagpipilian ngayon gayong iniipit siya ng kanyang tiyuhin?“Look, it’s just six months. It’s not like your signing your life away with me. It’s just half a year,” muling untag ni
“Siya nga? Halik hija, umupo ka rito sa tabi ko,” ani Doña Cristina ang abuela ni Jace. Agad namang tumalima si Lara, umupo sa gilid ng kama ng matanda. “Nang sabihi ni Jace sa akin na nag-asawa na siya’y hindi ako agad naniwala. Subalit ngayong nandito ka na, sobra talaga akong natutuwa. You are beautiful, hija. Magaling pumili ang aking apo. Inaasahan kong mula sa ‘yo ay magpapatuloy ang lahi ng pamilya Lagdameo.”Alanganing ngumiti si Lara. “Makakaasa po kayo, L-lola,” anang dalaga mabilis na sumulyap kay Jace na nasa kabilang gilid lang ng kama ng matanda.“Mabuti kung gano’n. Si Jace ay nag-iisang apo ko. We have a curse in this family, Lara. Isang anak na lalaki lang sa bawat henerasyon ng Lagdameo ang ipinapanganak. At umaasa akong ikaw ang puputol sa sumpang ‘yon—““Alright, that’s too much information, Lola. Please, h’wag po ninyong takutin si Lara,” masuyong saway ni Jace sa abuela, mabilis na iniba ang usapan. “Nakainom ka na ng gamot mo? Nasaan nga pala si Nurse Mandy? Bak
“Uy, Lara, tawag ka ni boss,” bulong ni Erin kay Lara na mula pa nang dumating sa opisina ay tila hulog sa malalim na pag-iisip.Agad namang napakurap si Lara, mabilis na hinamig ang sarili. “H-ha? Ano ‘yon?”“Ms. Martinez, tinatanong kita kung ano nang progress sa pinagawa ko sa ‘yo noong isang araw?” mataas ang boses na sabi ni Amanda, ang marketing manager nila sa LDC at immediate boss ni Lara. “May progress na ba o tinambak mo na naman sa desk mo?”Sandaling napangiwi si Lara, hindi pa niya tapos ang pinapagawa nitong marketing plan dahil sa marami siyang iniisip. But that doesn’t mean she’s not efficient. Isang linggo ang ibinigay ni Amanda na palugit sa kanya She still has four days to finish it. “I’m half way through it, Ma’am. Pwede po akong mag-overtime mamaya para matapos ko,” pormal na sagot ng dalaga.Umirap si Amanda, noon pa ma’y mainit na ang dugo nito kay Lara dahil mabilis talaga magtrabaho ang dalaga kumpara sa ibang empleyado. Subalit, nangangahulugan din ‘yon na i
Sandaling napatanga si Lara sa sinabi ng babae. Tila sanay na sanay itong mag-utos, gaya rin Jace. At sigurado si Lara na galing din ito sa maalwang pamilya gaya ni Jace.Biglang nanliit si Lara. Hindi niya napigilan sarili na ikumpara sa babae. While Via was a star, she was but juts a speck of dust.“Hey, did you hear me? Bakit nakatanga ka pa riyan? Ang sabi ko, kape. Pronto!” untag ni Via kay Lara, iritado. Nagkumahog naman si Lara na sundin ang utos ng babae at dali-daling nagtungo sa panty.Si Via naman ay umupo sa swivel chair ni Jace, bumusangot. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinaghihintay siya lalo na ng mga utusan. She is a prima ballerina. Her time is precious and must not be wasted. Sa totoo lang, she shouldn’t be there yet because her plane from Milan just landed. Kaya lang, may nais siyang malaman agad kay Jace. Nangako ito sa kanya na hihintayin siya nito. That he will always wait for her to achieve her dreams before they get married. Noong umalis siya two years a
“Sir, ito na po ‘yong pinahanda ninyong document na kailangang pag-aralann ni Ms. Martinez. Ako po ba ang magbibigay sa kanya o kayo na?” ani Eli habang nakasunod sa amo na noo’y patungo na sa lift.“Umuwi na ba siya? Did you check?” tanong ni Jace kay Eli habang papasakay sila sa lift. Pasado alas-otso na ng gabi but he just got off from work dahil may inasikaso siyang mahahalagang bagay para sa isang malaking project ng LDC abroad.The project is worth billions of dollars. And he is confident that he would get the project dahil pinag-aralan niya iyon ng husto. Nagbigay siya at ang kanyang team of architects ng designs na hindi lang maganda subalit economical rin. And he cannot to see the shocked face of his Uncle Rey when that project is successfully awarded to LDC under his leadership.Sigurado ang binata na titigil itong muli sa pagkakalat ng mga kasiraan sa kanya upang mapapatalsik siya sa kanyang pwesto.Reymond Lagdameo is his father’s only cousin. Anak ito ng nag-iisang kapati
Namilog agad ang mga mata ni Lara sa sinabi ni Jace, niyakap ang sarili. “S-Sir… w-wala po sa usapan natin ito.”Sandaling nangunot ang noo ni Jace bago nagbuga ng hininga. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo ngayon, Ms. Martinez. But whatever is it, scrap it! I am not spending the night with you nor you with me. Ang sabi ko lang, dumito ka habang inaayos ko ang gulo mo. Ang alam ni lola ikaw ang asawa ko. Masyadong magiging kumplikado para sa akin kung may mangyayaring masama sa ‘yo at malaman ni Lola. Do you understand my intention now?” ani Jace, may bahagyang pagsingkit ang mga mata.Kumurap naman si Lara, wala sa sariling tumango. “Ah… okay po Sir, naiintindihan ko na. Akala ko kasi...” Hindi na itinuloy ng dalaga ang sasabihin, alanganing ngumiti, lihim na hiniling na sana lamunin na lang siya muna ng sahig sa sobrang kahihiyan.“You sure? Loud and clear?” ani Jace, diskumpiyado“Y-yes, Sir.”“Good. Now go make yourself comfortable in the couch,” utos ni Jace sa dalaga na a
Agad na namanhid si Lara sa tanong ni Via, hindi alam kung ano ang dapat sabihin o gawin sa nadatnan. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanagan, alam na agad ng dalaga kung bakit naroon si Via at kung bakit ganoon ang suot nito.Pero pinapunta siya roon ni Jace. Bakit---“Si Jace baa ng hinahanap mo?” naiinip na untag ni Via kay Lara. The shock on the woman’s face was just but entertaining in her eyes. Oh, the woman was so naïve and pathetic. She cannot wait to kick her out of Jace’s life. At siya ang papalit sa pwesto nito. Hindi pwedeng hindi siya. Handa siyang pumatay masiguro lang na hindi siya aalis sa pwesto ni Jace, Dahil kanya lang si Jace. Kanyang kanya lang!“Oh hindi ka na sumagot?” muling untag ni Via kay Lara na noon ay nanatiling tahimik, tinakasan na ng kulay ang bibig. Umirap na si Via. “Kung si Jace ang hanap mo, nasa kwarto siya, nagpapahinga, Malamang tulog na ‘yon. Kanina pa kasi kami. Alam mo na,” dugtong pa ni Via, makahulugang ngumiti bago inayos ang kwelyo
Marahas na tinulak pabukas ni Jace ang pinto ng kanyang opisina. Subalit imbes na sa kanyang mesa, dumiretso ang binata sa mini bar.He poured himself a drink on the crystal glass and drank it all in one go. But once was not enough! He did it three times more and yet, still it was not enough! Not enough to calm himself!‘I’m sorry, Jace but you have to go,’ ani Mr. Abesamis kanina. ‘And cheers to our new CEO Mr. Reymond Lagdameo!’Lalong nagngitngit ang binata sa naalala, makailang ulit na uminom ng alak bago gigil na ibinagsak ang baso sa counter mini bar.“Those fckers! How can they trust a thief more than me?!” singhal ng binata, mahigpit na ikinuyom ang mga kamay. “Pagsisisihan nila ang lahat ng ito! And when they realize their mistake, luluhod din sila sa pagmamakaawa sa akin. LDC is mine! Hinding-hindi nila makukuha nang buo ang kumpanya ng pamilya ko!” anang binata, bago muling nagsalin ng alak sa baso at sinaid ang laman niyon.Maya-maya pa, “S-Sir,” ani Eli.“What? Hwag mo k
“Via, saan ka nanggaling? Umaga na pero ngayon ka pa lang umuwi?!” namamanghang tanong ni Rosie sa anak na nakita niyang papasok ng kanilang bahay.Alam ng matandang babae na umalis ang anak kahapon, gaya ng mga nakaraang araw. Subalit hindi niya napansin na hindi pala ito umuwi nang nagdaang gabi! Nang makatulog siya matapos niyang magsugal gamit ang kanyang cellphone, akala niya’y nakauwi na ang anak. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagtataka nang makitang, papasok pa lamang ito sa front door, suot-suot pa rin ang damit nito nang nagdaang araw.“Pumunta ako kay Lola,” walang ganang sagot ni Via, dumiretso sa hagdan.,“Sandali! Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita!” ani Rosie, nagmamadaling hinabol ang anak sa hagdan. “Inuumaga mo ‘ko, Via! Alam mong pinakaayaw ko sa lahat ang binabastos ako. Humarap ka!” ani Rosie.Umirap si Via, pagod siya at puyat sa pagbabantay kay Doña Carmelita sa magdamag. Kahit na hindi nito sinabi sa kanya na gawin ‘yon, she volunteered. It was for a purpo
“Sir, wala pa rin daw po sa opisina iya si Lt. Alejandro. May pinuntahan daw pong appointment sabi ng secretary niya,” balita ni Eli kay Jace na noon ay tutok na tutok sa laptop nito.Malapit nang mag-alas singko ng hapon, subalit ni hindi maisipan ng binata ang huminto sa pagtatrabaho. Mula nang umpishan nito ang pagtatrabajo kaninang umagay’ ni hindi ito nag-break. Hindi rin ito nananghalian. Bagay na labis na ipinag-aalala ng assistant subalit hindi nito magawang isatinig.Bahagyang natigilan si Jace, sumulyap sa kanyang mamahaling wristwatch. “But working hours are almost over. Hindi na ba talaga babalik sa presinto si Lt. Alejandro?” anang binata, may pag-aalala sa tinig.“Hindi raw po sigurado ng serkretarya niya. Urgent daw po ang pinuntahan niya,” sagot ni Eli.Napabuga ng hininga si Jace, pagod na sumandal sa kanyang upuan. He is tired from all the day’s work and yet… he cannot stop working. He must not stop thinking of solutions. Because if he does…“My concern is urgent to
“Larissa? Ayos ka lang ba apo?” untag ni Carmelita kay Larissa na noon ay tila naisemento na sa kanyang kinatatayuan, namumutla habang nakatingin lamang sa matandang donya.Sa loob-loob ni Carmelita’y alam na niyang sukol na ang dalaga. She was angry. Subalit iniisip niya ang kanyang kalusugan. She knew she had accomplices out there. Or probably a mastermind who would want to claim her wealth through the fake Larissa.Huminga ng malalim ang matanda, nagpakalma ng emosyon. Kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangang mayroong magbayad sa panlolokong ginawa nang kung sino sa kanya. Hinding-hindi siya magpapatalo sa mga taong nais siyang gulangan.“Hija? Hindi ka na nagsalita?” muling untag ni Carmelita kay Larissa.Kumurap ang dalaga, pilit na hinamig ang sarili. Subalit wala siyang maisip na paraan o anumang palusot upang sandaling maudlot ang nais ng matanda. Maya-maya pa, lumapit si Carmelita sa kanya, may kung anong puot ang nababanaag sa mga mata nito. Bagay na noon lamang niya
“Larissa, what are you doing here?” si Jace nang tuluyang makapasok sa kanyang opisina. Honestly, he’s still on edge dahil sa nangyari kanina sa board room. But he cannot take all of his emotions to Larissa, can he? Wala itong alam sa nangyayari sa kanya o sa LDC. Wala itong kinalaman sa galit niya kina Keith at Lara. At lalong wala itong kinalaman sa mga kamalasang sabay-sabay na dumarating sa kanyang buhay. But...“Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e. Kaya dinalhan kita nitong coffee,” masiglang sabi ng dalaga, inilapag a mesa ang to-go cup ng kape na dala nito.“Don’t put the damn thing on the table!” saway agad ni Jace kay Larissa, hindi na napigilan ang pagtataas ng tinig.Sandali namang napatda si Larissa, agad na binawi ang kape na inilagay niya sa mesa ng binata. May kung anong poot sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita. At kung hindi lang siya determinadong paamuin ito at kunin ang buong atensiyon nito gaya ng kanyang plano, baka kanina pa siya tumakbo palabas ng opis
“Samalat sa paghatid, Keith,” ani Lara nang marating nila ni Keith ang apartment building ni Erin. Doon idiniretso ng doktor ang dalaga matapos nilang manggaling sa LDC. Ang orihinal na plano ni Lara ay dadaanan pa siya kay Erin sa marketing department upang ipaalam dito ang resulta ng pagbabasa ng last will and testament ni Doña Cristina, gaya ng bilin ng kaibigan bago sila maghiwalay kanina dahil nakisabay siya sa pagpunta sa LDC. Subalit dahil sa mga nangyari sa loob ng boardroom, nakalimutan nang lahat ni Lara ang bilin ng kaibigan.She was hurting and the only thing that she wanted to do was to get away from LDC and Jace as far as she could. Kaya naman nang ayain siya ni Keith na umuwi na sa bahay ni Erin, umoo na lang din siya. Kahit na ang totoo, ayaw pa sana niyang umuwi. Mas malulungkot lang siya sa bahay ni Erin dahi mag-isa lang siya roon. At tuwing mag-isa siya, mas lalo lamang niyang nararamdaman ang awa sa sarili at sa kanyang anak na hindi pa man naisisilang ay kasama
Bumakas ang gulat sa mukha ni Atty. Marquez dahil sa sinabi ng dalaga. Alam ng abogado na may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa sa ngayon. Alam din niya ang tungkol sa sirkumstansiya ng pagpapakasal ng mga ito. Siya ang gumawa ng kasunduan sa pagitan ng dalawa bago sila ikasal. But he had seen them during better days. At sigurado siyang nagkakamabutihan na ang dalawa noon. Subalit ngayon…Humalakhak si Jace, sarkastiko. “May kunsensya ka pa pala, Lara. Akala ko’y wala na matapos mo kong pagtaksilan,” ani Jace agtatagis ang mga bagang.“Jace, hijo—““Hayaan mo sila, attorney. Kung tatanggihan nila ang bigay ni Lola, well and good. It only proves that their conscience is still working.”Noon bumaling si Lara kay Jace, kumuyom ang mga kamay. “I-ikaw? Nasaan ang kunsensiya mo? Nag-iisip ka pa ba nang tama gayong ganyan ang mga paratang mo sa ‘kin?” anang dalaga puno ng hinakakit ang tinig, hindi na niya napigilan.Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan nitong mga huling araw, hindi na
“Hija, maaga pa subalit bihis na bihis ka na,” ani Carmelita kay Larissa na nakagayak na kahit halos alas-otso pa lamang ng umaga.Tantiyado ng matanda ang gising ng apo, late na itong nagigising dahil sa pampatulog na inihahalo niya sa gatas nito gabi-gabi. Kaya naman nagtataka ang matandang donya kung bakit maagang nagising ang dalaga. Isa pa, mula nang hilingin nitong hayaan siyang lumakad nang mag-isa ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas nito na para bang alam na alam na nito ang ginagawa. Malayong-malayo sa takot at naguguluhang Larissa na bumalik sa kanya mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.“Pupuntahan ko po si Jace, Lola. Aayain ko po siyang mag-breakfast,” ani Larissa, ngumiti bago lumapit sa matanda at bi*neso ito.Nangunot-noo naman si Carmelita, pinagmasdan ang dalaga at ang nangingintab na mga mata nito, hindi maalis sa isip ang natuklasan noong isang araw.“Gano’n ba? Akala ko naman ay masasamahan mo ako sa agahan ngayong araw dahil maaga kang nagising, hija,”