Tahimik na pinagmamasdan ni Keith is Lara habang nakahiga ito sa hospital bed. Nakatulog na ito matapos nilang bigyan ng pampatulog. Sa tabi nito ay si Erin na panay ang hikbi habang hawak ang kamay ng kaibigan.Napabuga ng hininga si Keith. In his years of career as a doctor, hindi pa siya nataranta nang ganoon. Subalit kanina, hindi magawang kumalma ng doktor. Hearing Lara’s screams of pain was tearing something in him—making him lose his focus. Idagdag pa na abot-langit ang kaba niya dahil...Lara is pregnant with Jace’s child and yet…Naisuklay na ng doktor ang kamay sa kanyang buhok. It seemed like that everything that could go wrong, went wrong for Jace. And he’s not really sure how he must feel about it.Maya-maya pa, lumapit si Dr. Darius Monteverde kay Keith. Ito ang nuerologist na tumingin kay Lara. “Keith, I already ordered and MRI. The staff will take her in a few minutes. Just get her a room, I need to observe her for a few days.”Marahang tumango si Keith. “Have you page
Kinabukasan“Sir, hindi pa po ba tayo aalis?” untag ni Eli sa boss na noon ay nananatiling nakatayo sa musoleo ng mga Lagdameo kahit na kanina pa natapos ang libing ni Doña Cristina.Subalit imbes na sumagot, naanatiling tahimik si Jace, nakamasid lang sa mga tauhan ng memorial park na siyang umaasikaso sa nitso ni Cristina. Ngayong nailibing na si Cristina, alam ni Jace na umpisa na ng tunay niyang paglaban para sa kapakanan ng LDC. Dahil kahit na nakaburol ang abuela ay hindi siya tinantanan ng kanyang mga kaaway. They even took his grief as an opportunity to continue to beat him up because they’d know he is at his weakest.But now that Cristina is finally laid to rest, it’s time for him to fight back. He needs to fckin show his enemies that he ain’t a pushover. He never was. Haharapin niya ang mga kalaban niya at hinding-hindi siya magpapatalo sa mga ito.Nasa ganoon ang takbo ng isip ni Jace nang lumapit si Larissa sa kanya. “Jace, gusto mo bang samahan na muna kita? It seemed lik
“Magsalita ka naman o,” untag ni Lara kay Erin matapos niyang sabihin dito ang lahat-lahat ng namagitan sa kanila ni Jace.Kinuwento ng dalaga mula umpisa hanggang sa magkalabuan sila ng asawa. Wala na siyang inilihim pa. Sa puntong iyon ng relasyon nila ni Jace, sa tingin ni Lara ay wala na ring silbi kung maglilihim pa siya. Ang sabi ni Jace, tapos na raw sila. Ano pang pag-iingatan niya?Ang dapat niyang gawin ngayon, harapin ang kunsekwensiya ng kanyang naging desisyon.“E-Erin,” muling tawag ng dalaga sa kaibigan. Nakaupo pa rin ito sa gilid ng hospital bed subalit wala nang imik at nakabaling ang tingin sa bintana. “Alam ko, galit ka dahil marami akong inilihim sa ‘yo tungkol sa akin, tungkol sa amin ni Jace at sa maraming pang bagay—““Hindi ako galit sa ‘yo, Lara,” putol ni Erin sa kaibigan, ibinalik ang tingin dito. “I’m just… a little hurt that you don’t trust me enough with your secrets.”Humikbi na si Lara, inabot ang kamay ng kaibigan. “S-sorry, Erin. Sorry talaga. Akala
“Jace, salamat at pinaunlakan mo ako sa meeting na ito kahit alam kong nagluluksa ka pa subalit narito ka na agad. Muli nakikiramay ako sa pagkawala ni Doña Cristina, hijo. But there are urgent matters we need to attend to. Cases are piling up at kahit ako’y hindi ko na rin masigurado kung may darating pa sa mga susunod na araw,” ani Atty. Marquez ang legal counsel ng LDC. Nitong nakaraang ilang araw habang nakaburol si Doña Cristina, ang abogado ang palaging humaharap sa mga otoridad tungkol sa mga patong-patong na kasong kinakaharap ni Jace. Ito rin ang gumawa ng legal remedies upang pansamantalang mabinbin ang mga kasong kinakaharap ng binata to buy them some time to respond to the allegations and also to allow Jace to grieve and collect himself. Subalit sa dami ng mga kasong nagsusulputan para sa binata, hindi na agad makapaghintay pa ang abogado upang makausap si Jace at malaman dito kung anong plano nito.Pormal na tumango si Jace, umupo sa sofa sa sala ng bahay ni Atty. Marqu
“Hija, maaga pa subalit bihis na bihis ka na,” ani Carmelita kay Larissa na nakagayak na kahit halos alas-otso pa lamang ng umaga.Tantiyado ng matanda ang gising ng apo, late na itong nagigising dahil sa pampatulog na inihahalo niya sa gatas nito gabi-gabi. Kaya naman nagtataka ang matandang donya kung bakit maagang nagising ang dalaga. Isa pa, mula nang hilingin nitong hayaan siyang lumakad nang mag-isa ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas nito na para bang alam na alam na nito ang ginagawa. Malayong-malayo sa takot at naguguluhang Larissa na bumalik sa kanya mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.“Pupuntahan ko po si Jace, Lola. Aayain ko po siyang mag-breakfast,” ani Larissa, ngumiti bago lumapit sa matanda at bi*neso ito.Nangunot-noo naman si Carmelita, pinagmasdan ang dalaga at ang nangingintab na mga mata nito, hindi maalis sa isip ang natuklasan noong isang araw.“Gano’n ba? Akala ko naman ay masasamahan mo ako sa agahan ngayong araw dahil maaga kang nagising, hija,”
Bumakas ang gulat sa mukha ni Atty. Marquez dahil sa sinabi ng dalaga. Alam ng abogado na may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa sa ngayon. Alam din niya ang tungkol sa sirkumstansiya ng pagpapakasal ng mga ito. Siya ang gumawa ng kasunduan sa pagitan ng dalawa bago sila ikasal. But he had seen them during better days. At sigurado siyang nagkakamabutihan na ang dalawa noon. Subalit ngayon…Humalakhak si Jace, sarkastiko. “May kunsensya ka pa pala, Lara. Akala ko’y wala na matapos mo kong pagtaksilan,” ani Jace agtatagis ang mga bagang.“Jace, hijo—““Hayaan mo sila, attorney. Kung tatanggihan nila ang bigay ni Lola, well and good. It only proves that their conscience is still working.”Noon bumaling si Lara kay Jace, kumuyom ang mga kamay. “I-ikaw? Nasaan ang kunsensiya mo? Nag-iisip ka pa ba nang tama gayong ganyan ang mga paratang mo sa ‘kin?” anang dalaga puno ng hinakakit ang tinig, hindi na niya napigilan.Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan nitong mga huling araw, hindi na
“Samalat sa paghatid, Keith,” ani Lara nang marating nila ni Keith ang apartment building ni Erin. Doon idiniretso ng doktor ang dalaga matapos nilang manggaling sa LDC. Ang orihinal na plano ni Lara ay dadaanan pa siya kay Erin sa marketing department upang ipaalam dito ang resulta ng pagbabasa ng last will and testament ni Doña Cristina, gaya ng bilin ng kaibigan bago sila maghiwalay kanina dahil nakisabay siya sa pagpunta sa LDC. Subalit dahil sa mga nangyari sa loob ng boardroom, nakalimutan nang lahat ni Lara ang bilin ng kaibigan.She was hurting and the only thing that she wanted to do was to get away from LDC and Jace as far as she could. Kaya naman nang ayain siya ni Keith na umuwi na sa bahay ni Erin, umoo na lang din siya. Kahit na ang totoo, ayaw pa sana niyang umuwi. Mas malulungkot lang siya sa bahay ni Erin dahi mag-isa lang siya roon. At tuwing mag-isa siya, mas lalo lamang niyang nararamdaman ang awa sa sarili at sa kanyang anak na hindi pa man naisisilang ay kasama
“Larissa, what are you doing here?” si Jace nang tuluyang makapasok sa kanyang opisina. Honestly, he’s still on edge dahil sa nangyari kanina sa board room. But he cannot take all of his emotions to Larissa, can he? Wala itong alam sa nangyayari sa kanya o sa LDC. Wala itong kinalaman sa galit niya kina Keith at Lara. At lalong wala itong kinalaman sa mga kamalasang sabay-sabay na dumarating sa kanyang buhay. But...“Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e. Kaya dinalhan kita nitong coffee,” masiglang sabi ng dalaga, inilapag a mesa ang to-go cup ng kape na dala nito.“Don’t put the damn thing on the table!” saway agad ni Jace kay Larissa, hindi na napigilan ang pagtataas ng tinig.Sandali namang napatda si Larissa, agad na binawi ang kape na inilagay niya sa mesa ng binata. May kung anong poot sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita. At kung hindi lang siya determinadong paamuin ito at kunin ang buong atensiyon nito gaya ng kanyang plano, baka kanina pa siya tumakbo palabas ng opis
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Jac
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sinas
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap