“Magsalita ka naman o,” untag ni Lara kay Erin matapos niyang sabihin dito ang lahat-lahat ng namagitan sa kanila ni Jace.Kinuwento ng dalaga mula umpisa hanggang sa magkalabuan sila ng asawa. Wala na siyang inilihim pa. Sa puntong iyon ng relasyon nila ni Jace, sa tingin ni Lara ay wala na ring silbi kung maglilihim pa siya. Ang sabi ni Jace, tapos na raw sila. Ano pang pag-iingatan niya?Ang dapat niyang gawin ngayon, harapin ang kunsekwensiya ng kanyang naging desisyon.“E-Erin,” muling tawag ng dalaga sa kaibigan. Nakaupo pa rin ito sa gilid ng hospital bed subalit wala nang imik at nakabaling ang tingin sa bintana. “Alam ko, galit ka dahil marami akong inilihim sa ‘yo tungkol sa akin, tungkol sa amin ni Jace at sa maraming pang bagay—““Hindi ako galit sa ‘yo, Lara,” putol ni Erin sa kaibigan, ibinalik ang tingin dito. “I’m just… a little hurt that you don’t trust me enough with your secrets.”Humikbi na si Lara, inabot ang kamay ng kaibigan. “S-sorry, Erin. Sorry talaga. Akala
“Jace, salamat at pinaunlakan mo ako sa meeting na ito kahit alam kong nagluluksa ka pa subalit narito ka na agad. Muli nakikiramay ako sa pagkawala ni Doña Cristina, hijo. But there are urgent matters we need to attend to. Cases are piling up at kahit ako’y hindi ko na rin masigurado kung may darating pa sa mga susunod na araw,” ani Atty. Marquez ang legal counsel ng LDC. Nitong nakaraang ilang araw habang nakaburol si Doña Cristina, ang abogado ang palaging humaharap sa mga otoridad tungkol sa mga patong-patong na kasong kinakaharap ni Jace. Ito rin ang gumawa ng legal remedies upang pansamantalang mabinbin ang mga kasong kinakaharap ng binata to buy them some time to respond to the allegations and also to allow Jace to grieve and collect himself. Subalit sa dami ng mga kasong nagsusulputan para sa binata, hindi na agad makapaghintay pa ang abogado upang makausap si Jace at malaman dito kung anong plano nito.Pormal na tumango si Jace, umupo sa sofa sa sala ng bahay ni Atty. Marqu
“Hija, maaga pa subalit bihis na bihis ka na,” ani Carmelita kay Larissa na nakagayak na kahit halos alas-otso pa lamang ng umaga.Tantiyado ng matanda ang gising ng apo, late na itong nagigising dahil sa pampatulog na inihahalo niya sa gatas nito gabi-gabi. Kaya naman nagtataka ang matandang donya kung bakit maagang nagising ang dalaga. Isa pa, mula nang hilingin nitong hayaan siyang lumakad nang mag-isa ay naging sunod-sunod na rin ang paglabas nito na para bang alam na alam na nito ang ginagawa. Malayong-malayo sa takot at naguguluhang Larissa na bumalik sa kanya mahigit dalawang linggo na ang nakararaan.“Pupuntahan ko po si Jace, Lola. Aayain ko po siyang mag-breakfast,” ani Larissa, ngumiti bago lumapit sa matanda at bi*neso ito.Nangunot-noo naman si Carmelita, pinagmasdan ang dalaga at ang nangingintab na mga mata nito, hindi maalis sa isip ang natuklasan noong isang araw.“Gano’n ba? Akala ko naman ay masasamahan mo ako sa agahan ngayong araw dahil maaga kang nagising, hija,”
Bumakas ang gulat sa mukha ni Atty. Marquez dahil sa sinabi ng dalaga. Alam ng abogado na may hindi pagkakaunawaan ang mag-asawa sa ngayon. Alam din niya ang tungkol sa sirkumstansiya ng pagpapakasal ng mga ito. Siya ang gumawa ng kasunduan sa pagitan ng dalawa bago sila ikasal. But he had seen them during better days. At sigurado siyang nagkakamabutihan na ang dalawa noon. Subalit ngayon…Humalakhak si Jace, sarkastiko. “May kunsensya ka pa pala, Lara. Akala ko’y wala na matapos mo kong pagtaksilan,” ani Jace agtatagis ang mga bagang.“Jace, hijo—““Hayaan mo sila, attorney. Kung tatanggihan nila ang bigay ni Lola, well and good. It only proves that their conscience is still working.”Noon bumaling si Lara kay Jace, kumuyom ang mga kamay. “I-ikaw? Nasaan ang kunsensiya mo? Nag-iisip ka pa ba nang tama gayong ganyan ang mga paratang mo sa ‘kin?” anang dalaga puno ng hinakakit ang tinig, hindi na niya napigilan.Matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan nitong mga huling araw, hindi na
“Samalat sa paghatid, Keith,” ani Lara nang marating nila ni Keith ang apartment building ni Erin. Doon idiniretso ng doktor ang dalaga matapos nilang manggaling sa LDC. Ang orihinal na plano ni Lara ay dadaanan pa siya kay Erin sa marketing department upang ipaalam dito ang resulta ng pagbabasa ng last will and testament ni Doña Cristina, gaya ng bilin ng kaibigan bago sila maghiwalay kanina dahil nakisabay siya sa pagpunta sa LDC. Subalit dahil sa mga nangyari sa loob ng boardroom, nakalimutan nang lahat ni Lara ang bilin ng kaibigan.She was hurting and the only thing that she wanted to do was to get away from LDC and Jace as far as she could. Kaya naman nang ayain siya ni Keith na umuwi na sa bahay ni Erin, umoo na lang din siya. Kahit na ang totoo, ayaw pa sana niyang umuwi. Mas malulungkot lang siya sa bahay ni Erin dahi mag-isa lang siya roon. At tuwing mag-isa siya, mas lalo lamang niyang nararamdaman ang awa sa sarili at sa kanyang anak na hindi pa man naisisilang ay kasama
“Larissa, what are you doing here?” si Jace nang tuluyang makapasok sa kanyang opisina. Honestly, he’s still on edge dahil sa nangyari kanina sa board room. But he cannot take all of his emotions to Larissa, can he? Wala itong alam sa nangyayari sa kanya o sa LDC. Wala itong kinalaman sa galit niya kina Keith at Lara. At lalong wala itong kinalaman sa mga kamalasang sabay-sabay na dumarating sa kanyang buhay. But...“Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast e. Kaya dinalhan kita nitong coffee,” masiglang sabi ng dalaga, inilapag a mesa ang to-go cup ng kape na dala nito.“Don’t put the damn thing on the table!” saway agad ni Jace kay Larissa, hindi na napigilan ang pagtataas ng tinig.Sandali namang napatda si Larissa, agad na binawi ang kape na inilagay niya sa mesa ng binata. May kung anong poot sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita. At kung hindi lang siya determinadong paamuin ito at kunin ang buong atensiyon nito gaya ng kanyang plano, baka kanina pa siya tumakbo palabas ng opis
“Larissa? Ayos ka lang ba apo?” untag ni Carmelita kay Larissa na noon ay tila naisemento na sa kanyang kinatatayuan, namumutla habang nakatingin lamang sa matandang donya.Sa loob-loob ni Carmelita’y alam na niyang sukol na ang dalaga. She was angry. Subalit iniisip niya ang kanyang kalusugan. She knew she had accomplices out there. Or probably a mastermind who would want to claim her wealth through the fake Larissa.Huminga ng malalim ang matanda, nagpakalma ng emosyon. Kailangan niyang malaman ang totoo. Kailangang mayroong magbayad sa panlolokong ginawa nang kung sino sa kanya. Hinding-hindi siya magpapatalo sa mga taong nais siyang gulangan.“Hija? Hindi ka na nagsalita?” muling untag ni Carmelita kay Larissa.Kumurap ang dalaga, pilit na hinamig ang sarili. Subalit wala siyang maisip na paraan o anumang palusot upang sandaling maudlot ang nais ng matanda. Maya-maya pa, lumapit si Carmelita sa kanya, may kung anong puot ang nababanaag sa mga mata nito. Bagay na noon lamang niya
“Sir, wala pa rin daw po sa opisina iya si Lt. Alejandro. May pinuntahan daw pong appointment sabi ng secretary niya,” balita ni Eli kay Jace na noon ay tutok na tutok sa laptop nito.Malapit nang mag-alas singko ng hapon, subalit ni hindi maisipan ng binata ang huminto sa pagtatrabaho. Mula nang umpishan nito ang pagtatrabajo kaninang umagay’ ni hindi ito nag-break. Hindi rin ito nananghalian. Bagay na labis na ipinag-aalala ng assistant subalit hindi nito magawang isatinig.Bahagyang natigilan si Jace, sumulyap sa kanyang mamahaling wristwatch. “But working hours are almost over. Hindi na ba talaga babalik sa presinto si Lt. Alejandro?” anang binata, may pag-aalala sa tinig.“Hindi raw po sigurado ng serkretarya niya. Urgent daw po ang pinuntahan niya,” sagot ni Eli.Napabuga ng hininga si Jace, pagod na sumandal sa kanyang upuan. He is tired from all the day’s work and yet… he cannot stop working. He must not stop thinking of solutions. Because if he does…“My concern is urgent to
“Are you awake, Jace?” bulong ni Lara habang nakahiga silang mag-anak sa kama. Kanina pa tulog si Cami na nakapagitna sa kanila. Subalit ayaw pa ring dalawin ng antok ang dalaga.“I’m awake. Why?” si Jace, nakatingin sa kisame ng kanyang silid. Kagaya ni Lara ay hindi rin ito makatulog. Hindi alam ng binata kung ano ang dapat maramdaman gayong matapos ang apat na taon, matutulog siyang muli sa higaan na ‘yon kasama hindi lang si Lara kundi pati ang kanilang anak.For four years he has avoided sleeping in that room. She and Lara shared so many memories there. At sa tuwing nagagawi siya roon, nadudurog ang puso niya dahil akala niya noon, wala na si Lara. And now, hindi lang si Lara ang naroon sa kanyang tabi, pati na rin si Cami.Hindi tuloy maalis sa isip ng binata kung nagsisimula na bang bumait ang langit sa kanya.’“I-I… Can we talk about the Subsidium Fund?” alanganing sabi ni Lara, pigil ang hininga.“What about it?”“Lola and I agreed that the fund will be released in staggered
“Yes, Lola we’re still here,” ani Lara nang tawagan ng dalaga ang abuela upang sabihin na nasa kabilang hacienda pa rin sila ni Cami at hinihintay ang pagtila ng ulan.“At kumusta naman si Cami, hindi ba naman siya natatakot sa kulog?” tanong ni Carmelita sa kabilang linya.“So far, hind pa naman po siya natatakot. She’s playing with Jace right now, Lola. Hinihintay lang namin matapos sa pagluluto ng dinner si Manang Lagring.”Napangiti sa kabilang linya si Carmelita. Mukhang pinaglalapit muli ng tadhana ang apo at si Jace. “You know what, why don’t you and Cami sleep there para makapag-bonding nang husto ang mag-ama?”Napasinghap si Lara, nanlaki ang mga mata. “Lola!”“What? Wala namang masama sa sinabi ko a. Besides, this is for Cami, hija. We have less than two weeks before we go back home. Give Jace a chance to enjoy his kid.”Lara bit her lower lip. Her grandmother has a point but… Iyong ilang oras na nga lang na pananatili niya roon, nate-tensiyon na siya. Paano pa kaya kung do
“I think we better go. Malapit nang gumabi, Jace. Baka hanapin kami ni Lola,” paalam ni Lara kaya Jace habang naroon pa rin sila sa mga kwadra. Ayaw kasing tantanan ni Cami ang ama, panay ang tanong nito na parang matagal silang hindi nagkita. Subalit nang mapansin ni Lara na malapit nang lumatag ang dilim, napilitan nang magpaalam ang dalaga.Besides, gusto rin sana niyang kausapin si Jace tungkol sa Sudsidium Fund at sa pasya nila ng kanyang abuela tungkol doon.“Cami, it’s getting late. Mommy said you’re going home,” ani Jace sa anak.“No! I wanna stay with the horses, Daddy!” reklamo ng paslit, kumapit ng husto sa leeg ng ama.“Cami, Lola and Uncle Coco will miss you if you won’t go home tonight. Do you want them sad?” si Lara, nilapitan na ang mag-ama at pilit na kinukuha ang anak kay Jace. Subalit ibinuro lang ng anak ang mukha sa leeg ng ama nito, yumakap pa lalo.“I want Daddy, Mommy. Just Daddy,” pagmamatigas ni Cami.Makahulugang nagkatingninan sina Lara at Jace. Kilala ni
Kanina pa nakabalik sa library si Lara subalit hindi mailis ng dalaga ang tingin sa bouquet na ibinigay ni Jace sa kanya. The flowers were very pretty. But that's not the reason why she's looking at the flowers. Nagre-replay kasi sa isip ng dalaga ang mga sinabi ni Jace sa kanya kanina.Mahal siya nito. Mahal pa rin siya nito. Napakadaling paniwalaan. Subalit...Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Apat na taon niyang dinala ang sakit at pait na idinulot nito sa kanyang buhay. Apat na taon. Subalit isang sabi lang nito ng 'mahal kita', tila nakalimutan na niya ang lahat-- kaya na niyang patawarin ang lahat. Ganon lang ba dapat 'yon? Ganoon lamang ba talaga kadali dapat?She lost a child. That’s something that must never be taken lightly, that’s something that can never be forgiven easily. And yet her heart… wants to do otherwise. Her heart wants to forgive and forget. But her logic does not want that.That’s the source of her confusion—the battle between her heart and mi
Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with
Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma
“Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n