Hindi alam ni Lara kung gaano katagal siyang hinalikan ni Jace o kung paano niya nagawang gantihan ang mapupusok na halik nito. Ang tanging alam ng dalaga ay nalulunod siya, nalulunod siya sa iba’t-ibang sensasyon na dulot ng halik na ‘yon ni Jace. Mga sensasyong nagpapasidhi sa kung anong pangangailangan ng kanyang katawan na alam niyang ang tanging si Jace lamang ang makakapagbigay.Maya-maya pa, marahang binitiwan ni Jace ang asawa at sandali itong pinagmasdan. Lara was catching her breath and her addicteve lips were parted slightly, a delectable torment for him.“J-Jace…” she called, warming his heart even more.His name rolling from her mouth sounded so right, like a caress, a temptation, a torture all rolled in to one. Oh she could ask him the world at that moment and he’d give it to her without thinking twice. Lara had him captured… hook, line, and sinker. At that moment, he’s done. He’s done pretending na wala lang si Lara para sa kanya. He’s done lying to himself that everyt
“Thank you for gracing this occasion with your presence, Mr. Jones and Mr. Smith. We at LDC were really looking forward to meet you,” ani Reymond matapos makiupo sa table ng mga bisita mula sa Aura Project.“Thank you, Mister… What’s your name again? Sorry, I didn’t catch your name,” ani Mr. Jones, pilit ang ngiti.Lumawak ang ngiti ni Reymund, inalahad ang mga kamay sa mga bisita. “I am Mr. Reymond Lagdameo, Jace’s uncle and one of the board of directors of LDC,” pagpapakilala ng matandang lalaki sa sarili.“Nice to meet you, Mr. Lagdameo,” ani Mr. Smith, lumawak na ang ngiti. “Glad that it was you who Jace sent here in his place. I heard he has a family emergency that’s why he needed to go. He said his grandmother is in the hospital,” anang bisita.Sandali namang napatda si Reymond sa sinabi ng kausap. Hindi niya alam na naospital ang biyuda ng kanyang tiyuhin. Lalong lumawak ang ngiti ng matandang lalaki. Time is really in his favor this time, naisip niya, kapag kuwan ay muling
“How was the event last night, Eli? Hindi mo ko agad binalitaan,” ani Jace sa assistant nang makarating ang binata sa LDC. Kasalukuyang nasa loob ng elevator ang dalawang lalaki, paakyat sa executive floor.“Maayos naman po ang party, Sir. Siniguro kong nag-enjoy ang mga bisita. Kaya lang…”“Kaya lang, ano?” anang binata, salubong ang mga kilay na bumaling kay Eli.“Kaya lang… maaga pong umuwi ang mga bisita from Aura Project.”“What? Why? Hindi mo ba ibinigay sa kanila ang regalo ko?” Naghanda ng regalong espesyal na alak ang binata kagabi para kina Mr. Jones at Mr. Smith. He specifcially instructed Eli to only serve the drink to the guests.“I tried, Sir. Kaya lang pagdating ko, nagpaalam na rin sila agad. Ang sabi nila may appointment pa raw silang iba,” nagmamadlaing paliwanag ni Eli.“Appointment? At almost nine in the evening?” nagtatakang tanong ng binata.Umiwas ng tingin si Eli, sandaling nag-alinlangang bago, “Kausap nila sina Sir Reymond at Mr. Lim pagdating ko sa event ka
Agad naramdaman ni Lara ang tensiyon sa loob ng silid. Batid ng dalaga na hindi pa rin nag-uusap ang magkaibigan dahil sa kanya. Bagay na labis na nagpapabigat sa kanyang diddib.Keith was nothing but helpful to her. Hindi dapat nagagalit si Jace sa kaibigan nito.“Jace, hijo. Mabuti naman at nariyan ka na,” pukaw ni Cristina sa apo. “Please, talk to the doctors. Gusto ko nang umuwi.”Bumaling ang binata sa abuela bago naglakad sa tabi ni Lara. Marahan nitong hinapit sa baywang ang asawa bago kinintalan ng magaang halik ang buhok nito. It was more than enough to calm the chaos inside his head and the restlessness in his heart.“You didn’t tell me that you’re going to visit Lola today,” masuyong tanong ng binata sa asawa, pabulong.Alanganing tiningala ni Lara ang asawa, pilit na pinapakalma ang damdamin. Her heart was overdriving again because Jace’s presence was surrounding her. Oh she really will never get used to him.“Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, Jace. Kaya naisipan ko
Malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang muling nagpagising kay Via. “Sino ba ‘yan? Sinabi nang h’wag akong istorbihin e!” anang dalaga bago muling isinubsob ang ulo sa kanyang unan.“Aba, Olivia! Gabi na! Halos buong araw ka nang tulog! Ano ka bampira?! Buksan mo nga itong pinto!” gigil na utos ni Rosie sa labas ng silid.Dumating si Via sa kanilang bahay nang pasado alas tres na ng madaling araw. Amoy alak ito at alam na agad ni Rosie na nag-party ang anak. Kung sa event ng mga Lagdameo o sa isang club, hindi masiguro ni Rosie. Ang tanging alam lang niya, kailangan niyang gisingin ang anak upang tanungin ito tungkol sa mga naganap sa party.“Go away, Mommy! Just let me sleep!” singhal ni Via sa ina, kinapa ang isa pang unan sa kanyang tabi bago iyon itinakip sa kanyang ulo.She doesn’t want to wake up. She felt like she’s still in a middle of a nightmare. Bakit hindi, basta na lang siya iniwan ni Jace kagabi sa anniversary party ng LDC! She begged for him to stay subalit hin
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang papasok siya sa LDC na lulan ng isang pang sasakyan ni Jace na minamaneho ni Daniel. Ang dalaga ang humiling na magkahiwalay silang papasok ni Jace nang araw na ‘yon sa opisina. Kahit na tutol ang asawa, ipinilit ni Lara ang kanyang gusto dahil alam niyang maiintriga sila ni Jace. And that would be too overwhelming for her.Halos hindi pa nga rin siya makapaniwala na naging totohanan na ang dati’y pekeng relasyon nila ni Jace. At ayaw niyang masira ang kaligayahang 'yon kung makakarinig lang siya ng opinyon ng ibang tao lalo na sa mga taga-LDC. Because people will talk. Sigurado siya roon. They will have opinions about her and Jace—pleasant and unpleasant. Kaya mas gusto muna ni Lara na panatilihing tago ang relasyon nila ng asawa.‘So what, they know I’m married. Don’t you think it’s high time that I tell them who I am married to?’‘Yan ang sinabi ni Jace kanina habang nagdidikusyon silang mag-asawa kung paano sila papasok sa opisina.
Napatda si Lara. Hindi alam ang isasagot sa asawa. She just stared at his handsome face and allowed herself to be amazed by his presence.Si Erin ang sumagot para kanilang dalawa. “Sure, Sir!” masiglang sagot nito bago bumaling sa kaibigan. “Lara, usog ka kaunti para makaupo si Sir Jace. Dito ka na lang sa tabi ko, Sir Eli,” dagdag pa ng dalaga.Agad na lumipad ang tingin ni Lara sa likuran ni Jace. Naroon nga si Eli. She was too preoccupied with Jace na hindi niya napansin na kasama pala nito ang assistant nito.Tumikhim si Lara, mabilis na inayos ang sarili. Ilang sandali pa, umupo na ang dalawang lalaki sa kanilang tabi.Kung tensiyonado si Lara kanina, mas dumoble ang kanyang pagtetensiyon ngayon nasa kanyang tabi na nsi Jace. Bakit hindi, gayong nararamdaman niya na halos lahat ng mga mata na naroon sa pantry ay nakatingin sa kanya. Nakikita rin niya ang mga kapwa niya babaeng empleyada na nagbubulungan. At sigurado si Lara na kung saan-saang planeta na naman nakarating ang esp
“Sir, nandito po si Ma’am Via,” pukaw ni Eli sa boss na noon ay tutok ang atensiyon sa laptop nito.Ni hindi tumingin si Jace kay Eli. “Tell her I am busy. Sa ibang araw na lang siya kamo bumalik,” anang binata, nagptuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.He was sending an emaili to Mr. Jones and Mr. Smith. Kahapon, matapos ang kanilang luncheon meeting ay nangako ang mga itong ipapadala agad sa kanyang email ang draft ng kanilang kontrata para sa Aura Project. Subalit hapon na at wala pang email ang mga ito. Kaya siya nagfa-follow up ngayon.“Jace, I need your help,” si Via. Hindi namalayan ng binata na nakapasok na pala ito sa kanyang opisana.She was standing in front of him again with that pitiful look on her face. Other times, he would’ve believed the act but… he knew Via too much. At ang muling pakikipaglapit nito sa kanya ay kasalanan niya. Aaminin niya, kinasangkapan niya ang dating kasintahan upang makalimutan ang anumang espesyal na damdaming niya para kay Lara. He invited her
Four years later“Papa!” anang tatlong taong gulang na si Cami kay Keitth na noon ay kararating lamang mula sa ospital. Mula sa hagdan ay nagtatakbo ang batang babae patungo sa frontporch ng malaking bahay at sinalubong ang lalaki ng yakap.Halos dalawang araw nang hindi umuwi si Keith dahil tinatapos nito ang training para sa kanyang specialization. May duty siya ulit mamayang gabi but he missed Cami so much that he needs to go home to see his little girl.Agad namang kinaraga ni Keith si Cami at pinupog ng halik ang pisngi ng bata. Hindi naglaon, napuno ng halakhak ni Cami ang buong bahay ng mga De Guzman.“Oh Keith, nandito ka na pala, hijo,” ani Doña Carmelita na noon ay naglalakad papasok sa french door ng bahay mula sa garden. Kasunod nito ang nurse nitong si Alma.“Yes, Lola. Miss na miss ko na kasi si Cami. At saka nangako ako sa kanya na dito ako magbe-breakfast ngayon kaya pinilit ko talagang pumunta,” paliwanag ni Keith, muling pinatakan ng magaang halik ang ulo ng bata.
Kanina pa naroon sa investigation room si Jace at hinihintay ang pagbabalik ni Atty. Marquez. Humiling ang binata sa mga pulis na bigyan siya ng isang pribadong lugar upang muling makausap ang kaniyang abogado. At ang investigation room ang ibinigay sa kanya ng mga ito.Hindi naglaon, bumukas na ang pinto ng silid. Agad namang bumaling sa direksyon niyon si Jace at bahagyang ngumiti nang makita ang bulto roon ni Attorney Marquez.“Attorney, salamat at pinaunlakan mo ang—“ Nabitin sa ere ang sana’y mga sasabihin ni Jace nang makitang hindi nag-iisa ang abogado. Nakasunod dito ang isang taong kahuli-hulihan niyang gustong makita, si Reymond. “What is he doing here?!” sabi agad ni Jace, tinuro ang tiyuhin.He balled his fists as he rein in his emotions.“Jace, hijo, please calm down,” anang abogado sa malumanay na tinig. “Ang sabi niya ay gusto ka niya munang makausap bago mo pirmahan ang kasunduan.”Napatayo na ang binata, lalong nagtagis ang mga bagang bago bumaling sa tiyuhin. “Wha
Kuyom ang mga kamay ni Jace habang nakaupo siya sa selda na siyang pinagdalhan sa kanya ng mga pulis na humuli sa kanya kanina. He was alone in the cell yet he had never felt more suffocated in his entire life. Ang apat na sulok ng selda iyon ang nagpapatunay kung anong klaseng pagkalugmok ang inihanda ng tadhana para sa kanya.He lost his grandmother and LDC. Lara is still missing. Now, will he lose his freedom too? He used to have everything and yet…Pilit na nilunok ng binata ang bikig sa kanyang lalamunan. Just thinking about the past, the things he had lost, makes his chest felt heavy. Hanggang ngayon na naroon na siya sa piitang ‘yon, hindi pa rin makapaniwala si Jace na sunod-sunod niyang naiwala ang mga importanteng bagay at tao sa kanyang buhay. He used to think he has everything. He used to have a great life. Hence, he was arrogant and ruthless, thinking all the things he had will always be with him. At ngayon, naiwala na niyang lahat ng ‘yon.Totoo nga ang sabi nila. May h
“Hija, handa ka na ba?” ani Doña Carmelita kay Lara na noon ay nasa silid na nito sa mansiyon at nag-aayos pa rin ng mga dadalhing gamit para sa kanikang flight papuntang Washington.Bumalik sa pagtira sa mansiyon ang mag-lola dalawang araw na ang nakararaan. Dahil para kay Carmelita, ngayong nakabalik na ang apo, dapat lamang na doon sila muling tumira bilang tanda ng pag-aalala sa kanilang mga yumao sa buhay. Subalit hindi rin naman magtatagal ‘yon dahil aalis din sila. But they will take the important things with them. “Tapos na po akong mag-empake, Lola. I’m just checking kung wala na po akong nakalimutan,” anang dalaga, inilagay ang isang lumang stuff toy sa kanyang bag.“Dadalhin mo ‘yan?” tanong ng matanda, pumasok na sa silid ng apo bago pinulot ang stuff toy.“Naisip ko lang po, na matagal na walang kasama si Mr. Boogie dito sa kwarto ko, Lola. Nakakunsensiya kapag iniwan ko siya ulit ngayon,” anang dalaga, nangingiti. Ang stuff toy na ‘yon ang welcome gift ni Carmelita sa
Pinagsalikop ni Via ang kanyang nanginginig na mga kamay habang naroon siya sa loob ng investigation room. Ang sabi ng pulis na humuli sa kanya, hintayin raw niya ang pagdating ni Lt. Alejandro. Ito raw ang magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang kaso.Kaso.Nagtagis ang mga bagangn ng dalaga nag bumaba ang kanyang mata sa mga kamay niyang nakaposas. Bakit siya ang ikukulong? Wala naman siyang kasalanan. That bitch deserved to die. Inaagaw nito si Jace sa kanya.Tumalim ang mata ni Via nang maalala si Larissa or Delia or whatever her damn name is. The girl fake! She did everyone a favor! Lalo na si Doña Carmelita.That old woman would’ve been living with a fake until now kung hindi niya idinispatsa si Delia. Everyone should be thanking her. She killed the fake Larissa. Hindi na ito makakapanloko pa. At lalong wala na ito sa landas nila ni Jace.Ngumiti ang dalaga nang maalala ang dating nobyo. Now that fake Larissa is out of the picture, wala nang hadlang sa pagbabalikan nila ni Jace
Nagising si Jace na ramdam ang kirot sa kanyang buong katawan. He felt like he had been into some kind of a fight and he lost. Nang tuluyang magmulat ang binata, ang una niyang namulatan ay ang puting kisame at ang dextrose stand. Hindi naglaon, naramdaman niyang nakasuot siya ng oxygen mask.Hospital. He really was in the hospital.Marahang bumaling si Jace sa kanyang kanan at doon niya nakita si Eli na nakaupo sa sofa, pikit ang mga mata. Nang huling makita niya si Eli ay noong paalis sila sa presinto dahil hinahanap nila si Lara at…And then just like that, the memories of the incident with Jeff surfaced in his mind. It felt like a dream though. Wala sa sarili niyang kinapa ang kanyang tiyan, mayroon siyang nakapang gasa doon at bahagyang pagkirot. Noon napagtanto ng binata na totoo ang mga nangyari at hindi panaginip lang.Sinubukang bumangon ni Jace, subalit hindi niya magawa. He was in pain, in a lot of pain that all he could do was wince and groan.Noon naman nagising si Eli na
Abala si Keith sa pagche-check ng kanyang naka-admit na pasyente nang marinig niya ang page mula sa information desk. They were asking all trauma surgeons to go to the ER to assist with the victims of a small collision accident nearby. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata at dali-daling tinungo ang ER.Gaya nang madalas mangyari, agad na sumalubong sa binata ang kaguluhan. Sa ER nangyayari ang unang laban ng mga pasyente sa pagitan ng buhay at kamatayan. And they, doctors, are there to help, to give their patients their best fighting chance at life.Mabilis na nagsuot ng gloves ang binata at humakbang sa bay 2 ng ER kung saan naroon ang apat na biktima ng aksidente. Naroon na rin ang iba pang miyembro ng trauma team, naghihintay sa assessment ng kanikang chief na si Dr. Pasion.“Keith,” ani Dr. Pasion, ang chief ng surgery departmet at ang kanyang immediate boss. “May stabbing victim sa cubicle 4. Doon na lang kayo ni Ronnie,” ang sabi ng doktor.Sandaling nagkatinginan ang magka
Sandaling natigilan si Carmelita, pinagmasdang maiigi ang dalaga na tinatawag siyang Lola. Pamilyar ang mukha nito. Hindi ba ito ang asawa ni Jace? Bakit…“L-Lola, a-ako po ito si L-Larissa,” muling sabi ni Lara, panay ang patak ng luha.Ngayong muling nakita ni Lara ang matanda, naiintindihan na niya kung bakit siya nakaramdam ng kung anong emosyon sa kanyang dibdib nang una niya itong makita. It was her grandmother. The grandmother she had forgotten for a long time.And seeing her now, old and frail makes her heart break. They have lost so much time. At wala nang nais pa ang dalaga kundi ang yakapin ito at sabihing hindi na ito muling mag-iisa dahil nakauwi na siya.Muling humakbang palapit ang dalaga sa abuela. Subalit muli itong nagsalita.“D’yan ka lang!” ani Carmelita sa mataas na tinig. “H’wag mo nang tangkaing lumapit. Kilala ko ang mga gaya mo, nais lamang pagkakitaan aang kalungkutan ko. Anong kailangan mo? Kwarta? Alahas? Bahay at lupa? Ano?!”Sandaling naguluhan si Lara, hi
“Maraming salamat, Agnes,” ani Doña Carmelita sa katulong nang maiupo siya nito sa kanyang kama. Si Agnes ay pamangkin ni Lita at naiwan sa mansiyon kasama ang ilan pa niyang katulong upang pangalagaan iyon. Subalit pinatawag ng matanda sa penthouse upang samahan sila roon pansamantala.Kararating lang ng matandang donya mula sa ospital. Kanina lang ay kasama niyang na-discharge mula sa ospital sina Lita at Manuel na nagtamo ng kaunting sugat sa ulo matapos ang ginawang pananakit ni Delia sa kanila kahapon.Nagpapasalamat ang matanda at walang napinsala sa kanila ng mga kasama niya sa bahay. At ngayong nasa mas maayos na silang kalagayan at nakauwi na, she can start moving on from the nightmare Delia had caused her.Three weeks. Tatlong linggo siyang nilinlang ng babaeg inakala niyang kanyang apo. Hanggang ngayon, hind pa rin lubos maisip ng matandang babae na nagpaloko siya nang ganoon katagal sa isang tao. Now that she had known the truth, looking back, there were tell-tale signs De