“Here you go. Salamat sa paggawa ng request ko,” ani Via habang inaabot sa host ang isang libo dahil ginawa nito ang utos ng dalaga na pagsayawin sina Keith at Lara.“Thank you, Ma’am. ‘Pag may request ka pa sa akin or sa band, lumapit ka lang," anang host, kuntodo ngiti bago pasimpleng ibinulsa ang pera kabibigay lang ng babae.Ngumiti lang si Via bago naglakad palayo, ang mga mata nakina Keith at Lara na noon ay nagsasayaw sa gitna ng makeshift stage.Now that both are occupied at naipakilala na rin sa buong LDC na si Lara ang girlfriend ni Keith, wala nang pipigil pa sa pag-angkin niya sa pwesto ni Lara sa buhay ni Jace. Hindi niya pa rin alam ang sirkumstansiya ng pagpapakasal ng dalawa. Walang nababanggit si Jace tuwing binibisita niya ito at nagkukwentuhan sila. But that’s the least of her concerns now. Batid niyang hindi magkasundo ang mag-asawa ngayon. Napansin niya iyon sa ilang beses niyang nasaksihan na pakikitungo ni Jace kay Lara. And there’s no better time for her to tak
“Let me help you,” ani Keith lay Lara na noon ay nakasubsob pa rin sa baldosa. Hindi umimik ang dalaga, humikbi lang.Marahang itinayo ng binata si Lara. At nang mapansing bahagya itong napangiwi nang humakbang nay nagpasya ang doktor na pangkuin na lang ito palabas ng hall. Idiniretso niya ang dalaga patungo sa may poolside ng hotel kung saan kakaunti ang tao bago ito marahang inilapag sa lounge chair. Pagkatapos niyon ay nagtanggal sngcoat Keith at ipinatong iyon sa magkabilang balikat ni Lara.Lara was sobbing uncontrollably. Hindi niya akalaing mapapahiya siya nang ganoon sa harap ng maraming tao. Kung bakit ba naman kasi pinasayaw-sayaw pa sila ni Keith ng kung sino. Lalo tuloy siyang nataranta. Idagdag pa na kalat-kalat talaga ang kanyang isip nang muli niyang makita sina Jace at Via na nag-uusap nang malapitan. Alam niya, siya na dapat ang kusang umiwas sa gano’n, but she cannot look away. Her heart doesn’t want to look away. Her heart continue to long for Jace—the man who wil
Hindi alam ni Lara kung gaano katagal siyang hinalikan ni Jace o kung paano niya nagawang gantihan ang mapupusok na halik nito. Ang tanging alam ng dalaga ay nalulunod siya, nalulunod siya sa iba’t-ibang sensasyon na dulot ng halik na ‘yon ni Jace. Mga sensasyong nagpapasidhi sa kung anong pangangailangan ng kanyang katawan na alam niyang ang tanging si Jace lamang ang makakapagbigay.Maya-maya pa, marahang binitiwan ni Jace ang asawa at sandali itong pinagmasdan. Lara was catching her breath and her addicteve lips were parted slightly, a delectable torment for him.“J-Jace…” she called, warming his heart even more.His name rolling from her mouth sounded so right, like a caress, a temptation, a torture all rolled in to one. Oh she could ask him the world at that moment and he’d give it to her without thinking twice. Lara had him captured… hook, line, and sinker. At that moment, he’s done. He’s done pretending na wala lang si Lara para sa kanya. He’s done lying to himself that everyt
“Thank you for gracing this occasion with your presence, Mr. Jones and Mr. Smith. We at LDC were really looking forward to meet you,” ani Reymond matapos makiupo sa table ng mga bisita mula sa Aura Project.“Thank you, Mister… What’s your name again? Sorry, I didn’t catch your name,” ani Mr. Jones, pilit ang ngiti.Lumawak ang ngiti ni Reymund, inalahad ang mga kamay sa mga bisita. “I am Mr. Reymond Lagdameo, Jace’s uncle and one of the board of directors of LDC,” pagpapakilala ng matandang lalaki sa sarili.“Nice to meet you, Mr. Lagdameo,” ani Mr. Smith, lumawak na ang ngiti. “Glad that it was you who Jace sent here in his place. I heard he has a family emergency that’s why he needed to go. He said his grandmother is in the hospital,” anang bisita.Sandali namang napatda si Reymond sa sinabi ng kausap. Hindi niya alam na naospital ang biyuda ng kanyang tiyuhin. Lalong lumawak ang ngiti ng matandang lalaki. Time is really in his favor this time, naisip niya, kapag kuwan ay muling
“How was the event last night, Eli? Hindi mo ko agad binalitaan,” ani Jace sa assistant nang makarating ang binata sa LDC. Kasalukuyang nasa loob ng elevator ang dalawang lalaki, paakyat sa executive floor.“Maayos naman po ang party, Sir. Siniguro kong nag-enjoy ang mga bisita. Kaya lang…”“Kaya lang, ano?” anang binata, salubong ang mga kilay na bumaling kay Eli.“Kaya lang… maaga pong umuwi ang mga bisita from Aura Project.”“What? Why? Hindi mo ba ibinigay sa kanila ang regalo ko?” Naghanda ng regalong espesyal na alak ang binata kagabi para kina Mr. Jones at Mr. Smith. He specifcially instructed Eli to only serve the drink to the guests.“I tried, Sir. Kaya lang pagdating ko, nagpaalam na rin sila agad. Ang sabi nila may appointment pa raw silang iba,” nagmamadlaing paliwanag ni Eli.“Appointment? At almost nine in the evening?” nagtatakang tanong ng binata.Umiwas ng tingin si Eli, sandaling nag-alinlangang bago, “Kausap nila sina Sir Reymond at Mr. Lim pagdating ko sa event ka
Agad naramdaman ni Lara ang tensiyon sa loob ng silid. Batid ng dalaga na hindi pa rin nag-uusap ang magkaibigan dahil sa kanya. Bagay na labis na nagpapabigat sa kanyang diddib.Keith was nothing but helpful to her. Hindi dapat nagagalit si Jace sa kaibigan nito.“Jace, hijo. Mabuti naman at nariyan ka na,” pukaw ni Cristina sa apo. “Please, talk to the doctors. Gusto ko nang umuwi.”Bumaling ang binata sa abuela bago naglakad sa tabi ni Lara. Marahan nitong hinapit sa baywang ang asawa bago kinintalan ng magaang halik ang buhok nito. It was more than enough to calm the chaos inside his head and the restlessness in his heart.“You didn’t tell me that you’re going to visit Lola today,” masuyong tanong ng binata sa asawa, pabulong.Alanganing tiningala ni Lara ang asawa, pilit na pinapakalma ang damdamin. Her heart was overdriving again because Jace’s presence was surrounding her. Oh she really will never get used to him.“Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, Jace. Kaya naisipan ko
Malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang muling nagpagising kay Via. “Sino ba ‘yan? Sinabi nang h’wag akong istorbihin e!” anang dalaga bago muling isinubsob ang ulo sa kanyang unan.“Aba, Olivia! Gabi na! Halos buong araw ka nang tulog! Ano ka bampira?! Buksan mo nga itong pinto!” gigil na utos ni Rosie sa labas ng silid.Dumating si Via sa kanilang bahay nang pasado alas tres na ng madaling araw. Amoy alak ito at alam na agad ni Rosie na nag-party ang anak. Kung sa event ng mga Lagdameo o sa isang club, hindi masiguro ni Rosie. Ang tanging alam lang niya, kailangan niyang gisingin ang anak upang tanungin ito tungkol sa mga naganap sa party.“Go away, Mommy! Just let me sleep!” singhal ni Via sa ina, kinapa ang isa pang unan sa kanyang tabi bago iyon itinakip sa kanyang ulo.She doesn’t want to wake up. She felt like she’s still in a middle of a nightmare. Bakit hindi, basta na lang siya iniwan ni Jace kagabi sa anniversary party ng LDC! She begged for him to stay subalit hin
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang papasok siya sa LDC na lulan ng isang pang sasakyan ni Jace na minamaneho ni Daniel. Ang dalaga ang humiling na magkahiwalay silang papasok ni Jace nang araw na ‘yon sa opisina. Kahit na tutol ang asawa, ipinilit ni Lara ang kanyang gusto dahil alam niyang maiintriga sila ni Jace. And that would be too overwhelming for her.Halos hindi pa nga rin siya makapaniwala na naging totohanan na ang dati’y pekeng relasyon nila ni Jace. At ayaw niyang masira ang kaligayahang 'yon kung makakarinig lang siya ng opinyon ng ibang tao lalo na sa mga taga-LDC. Because people will talk. Sigurado siya roon. They will have opinions about her and Jace—pleasant and unpleasant. Kaya mas gusto muna ni Lara na panatilihing tago ang relasyon nila ng asawa.‘So what, they know I’m married. Don’t you think it’s high time that I tell them who I am married to?’‘Yan ang sinabi ni Jace kanina habang nagdidikusyon silang mag-asawa kung paano sila papasok sa opisina.
“He is arrogant and a despicable liar! We will never do any business with that hateful man ever again!” gigil na pahayag ni Erin habang kumakain siya kasama sina Lily, Paul at Chantal. Wala si Suzanne dahil may inayos ito sa isa sa kanilang mga on-going projects.They were having lunch inside the pantry. Matapos manggaling sa EB Builders, nagpasyang bumalik sa opisina si Erin. She didn’t want to at first. Subalit dahil sa resulta ng pag-uusap nila ni Kiel, alam ng dalaga na kapag umuwi siya, mag-isa lang siyang magngingitngit sa condo niya. Bagay na ayaw niyang mangyari, she knew herself too well. The last time she threw a fit over a project, nabato niya ng vase ang 95-inch TV niya dahil sa sobrang inis. She doesn’t want that to happen again. Mabuti nang nasa opisina siya habang nanggigil. At least doon, may kasama siya, may nagtitiyagang makinig sa kanya.“Ma’am gusto po ninyo, kausapin ulit namin ni Chantal si Engr. Benavidez? Baka po magbago pa ang isip ni Sir,” suhestyon ni Paul,
Tahimik subalit puno ang kaba ang dibdib ni Erin habang naghihintay sila ni Lily sa labas ng opisina ni Kiel. Ang sabi ng sekretarya nito na nagpakalilang si Sara, may kausap daw na kliyente si Kiel na nauna kaysa sa kanila. Sara told them to just come back after an hour or so. Subalit nagpasyang maghintay si Erin. She might not have the courage to face Kiel again if she leaves."Ma'am gusto po ninyo ng bottled water? Pwede ko po kayong kunan sa--" "H'wag na, Lily," mabilis na tanggi ng dalaga sa alok ng sekretarya. "I'm okay." "Sure po kayo?" "Yes, I'm sure," pormal na sagot ni Erin, ang mga mata, nakatitig sa pinto ng opisina ni Kiel. She was training her mind not to be swayed by her emotions when she finally face Kiel. She was composing her thoughts too, determined to just say the words she needs to say and nothing else. Ayaw niyang awayin si Kiel kahit na alam ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyon na 'yon. Kung sabagay, mabuti na rin na siya na ulit
“M-Ma’am Erin, b-bakit nandito ka na?” gulat na bungad ni Lily kay Erin pagpasok na pagpasok pa lamang niya sa kanyang opisa sa AdSpark Media. “H-Hindi po ba dapat nagpapahinga ka pa? Ang sabi ng doktor—““May importante akong gagawin, Lily. The DF Appliances proposals, get them for me,” putol ni Erin sa sekretarya bago nagtuloy-tuloy sa kanyang swivel, umupo at binuksan ang laptop.Si Lily naman ay nanatiling nakatanga sa boss. Matapos nitong ma-discharge kahapon sa ospital, hindi inaasahanng sekretarya na papasok agad si Paige nang araw na 'yon, lalo pa at ganoon kaaaga. Mahigpit ang bilin ng doktor na kailangan nito ng pahinga para sa ikabubuti ng dinadala nito. Kaya lang…“Lily, what are you looking at? I said give me the proposals for DF Appliance,” pag-uulit ni Erin.“S-sure kayo, Ma’am? Ang sabi ng doktor kahapon bawal kayong magpagod at saka—““Alam ko kung anong ibinilin ng doktor, Lily. I was there with you. Narinig ko ang lahat. But like I told you, may importante akong ga
“What are you doing here, Kiel?” pag-uulit ni Erin nang hindi sumagot agad si Kiel. This time, pinakalma ng dalaga ang nagwawalang puso at pinatatag din ang tinig.Umigting naman ang panga ni Kiel. hindi nagawang makasagot agad dahil paulit-ulit na ipinasada ng binata ang kanyang mga mat sa kabuuan ng dalaga. She looked relaxed and well-rested. Habang siya, halos mabaliw na sa kakaisip ng paraan kung paano muling makikita at makakausap ang dalaga.The past few days had been pure hell. Kahit na anong gawin niya, ni ayaw siyang kausapin ni Erin. He even tried visiting her in her office subalit ang laging sagtot ng sekretarya nito ay may sakit ito at naka-sick leave. He asked for her number and they gave him the same number he had been calling and messaging for the past few days subalit wala siyang nakukuhang sagot dito. It’s clear that his number had been blocked. All the damn new numbers he tried to use were all blocked from Erin’s phone.Malinaw sa kanya ang naging usapan nila. But…
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya na ninyo? Kung matulog na lang po ako ngayon sa condo ninyo para may kasama pa rin kayo at—““H’wag na, Lily. Promise, kaya ko na. At saka baka hinahanap ka na rin sa inyo. Go home and rest. Halos hindi ka natulog kagabi habang binabantayan ako,” putol ni Erin sa sekretarya. Naroon sila sa lobby ng St. Anthony Hospital at hinihintay ang rented car na kinuha ni Lily na siyang maghahatid kay Erin pabalik sa condo ng dalaga. Matapos ang ilang pagsusuri at bilin ng doktor, Erin finally got discharged from the hospital. She feels a little better now. She feels more energized too. Malaking tulong ang pagpapa-confine ng dalaga sa ospital upang umayos ang kanyang pakiramdam. She even feels she can already go back to work tomorrow. Pero bawal pa. Ibinilin ng doktora na tumingin sa kanya na kailangan pa niyang magpahinga ng isang linggo upang tuluyan siyang makabawi ng lakas.“Pero Ma’am, mag-isa kayo do’n sa condo mo. Baka bigla ka na namang mahilo o magsu
Agad na napabangon sa kanyang kama si Erin nang muling makaramdam ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Tinakbo ng dalaga ang CR at muling nagduduwal sa sink. She stayed there for a few minutes bago siya tumigil nang pakiramdam niya wala na siyang maisusuka pa.Nanghihinang naglakad palabas ng banyo ang dalaga at nagtungo sa sala. Doon niya ibinagsak ang nanghihinang katawan sa couch at naghabol ng hininga.Ikatlong araw na iyon na sa tuwing gumigising siya sa umaga, she had the urge to throw up everything she ate from last night.She doesn’t want to worry but she is beginning to worry. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong klaseng matagal na pagkakasakit. She’s taking supplements, everything there is! Kaya nagtataka ang dalaga dahil gano’n na lang ang epekto ng stress at fatigue sa kanya ngayon.Stress and fatigue, ‘yon ang naiisip niyang sanhi kung bakit siya nagkakagano’n ngayon. She had been resting for the past few days. Tumatawag na lang siya kay Lily for updates. Staying at home a
"Lily nasaan na 'yong papers ng Dove Realties? I believe I left it here yesterday. Bakit wala na?" ani Erin habang panay ang kanyang halughog sa tambak na mga papeles na nasa kanyang table.Pasado alas-dos na ng hapon subalit hindi pa nanananghalian ang dalaga. May hinahabol siyang meeting sa Dove Towers which is an hour away from her office. Idagdag pa na susuungin niya ang traffic sa mainit na hapon na iyon. Maisip pa lang niya ang magiging biyahe niya mamaya, natetensyon na siya. And now she is all the more panicked dahil hindi niya makita ang dokumentong kailangan niya! "Ma'am nandito po sa drawer ninyo sa kabilang cabinet, sa may outgoing box," kalmadong sagot ng sekretarya, kinuha na ang dokumento mula sa nakahiwalay na filing cabinet at inabot iyon sa amo. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Erin. "Bakit nandiyan?" "Ma'am, kayo po ang naglagay diyan kagabi bago tayo umuwi. Sabi niyo pa nga po, dapat d'yan niyo ilagay 'yan para madali ninyong mahahanap ngayon," pagpapaal
Kanina pa pabiling-biling si Erin sa kanyang higaan subalit hindi siya makatulog. Ang akala niya, dahil pagod siya sa biyahe, dadalawin siya agad ng antok sa oras na makauwi siya sa kanyang condo unit. Subalit pasado alas onse na ng gabi ay mulat na mulat pa rin siya. Napabuntong-hininga ang dalaga, sandaling tumingin sa kisame bago bumaling sa bouquet ng rosas na inilagay niya sa bureau. Hanggang ngayon na lumipas na ang maraming oras, hindi pa rin sigurado si Erin kung ano ang dapat niyang maramdaman tuwing titignan niya ang bouquet. Of course she felt happy seeing the beautiful flowers. Bukod sa paborito niya ang mga iyon, galing pa ang mga sa taong espesyal sa kanya. Kaya lang... Wala sa sariling hinawakan ni Erin ang kanyang dibdib. Her heart was racing even just by the thought of Kiel. "Be still, heart. He is not for me and he will never be," bulong ng dalaga.Ilang sandali pa, muling tumunog ang cellphone ni Erin. Nang tignan niya, naka-flash sa screen ang bagong number ni Ki
Kanina pa mulat si Erin at tahimik na pinagmamasdan ang madilim pang langit sa may balcony ng kanyang silid sa resort. Maraming tumatakbo sa kanyang isip ng mga oras na iyon. Subalit pinipilit niyang h'wag munang bigyan ng pansin ang alin man sa mga 'yon. She wanted to numb herself and focus on the last few remaining moments she has with Kiel. Maya-maya pa, pumulupot ang kamay nito sa kanyang baywang mula sa kanyang likuran at dinampian ng masuyong halik ang kanyang balikat. "You awake, Erin? Hindi ka yata natulog e," anang binata, may himig ng biro ang tinig. Hinawakan ni Erin ang braso nitong nakapulupot sa kanya. "Natulog ako. I'm just an early riser. Besides, maaga kami ngayon ng mga tauhan ko. May shoot kami sa beach." "Right. I have a breakfast meeting too with my client sa susunod na bayan. I need to leave early," ani Kiel, muling hinalikan ang balikat ng dalaga. Hindi naglaon, pinagapang ni Kiel ang kanyang labi patungo sa leeg ni Erin, sa panga, sa pisngi, hanggang sa ma