Hello po! Thank you po for your continuous support to this story. Salamat din po sa gems—it means a lot to me as a writer po. Happy 400 reads din po sa story na ito. Enjoy reading!
Sunod-sunod ang naging bilin ni Almirah kay Lazarus nang nasa private plane na sila nito. She kept on reminding him to not make a scene when they arrive at Italy. She's already expecting them to freak out dahil ngayon lang siya may dadalhin sa kanilang bahay at lalaki pa. It makes her anxious but she's trying to calm herself down. "Kung tanungin ka man nila kung magkaano-ano tayo, just tell them that you're Almiah's father," bilin niya pa rito. Alam na rin naman kasi ng pamilya ang tungkol kay Almiah. They actually love to see her, pero dahil hindi pa puwedeng isama dahil mayroon pa itong pasok, sa susunod niya na lang gagawin iyon. Nakatitig lamang sa kaniya si Lazarus habang panay pa rin ang pagsasalita nito. Ayaw niya ng gulo kaya mabuti na iyong binibilinan niya ito ngayon. As she was explaining everything to him, he was just watching her lips at it moves while she utters every word. Alam niyang nagsasalita ito pero wala siyang naririnig. It was like he's lost in his own worl
After thirteen long and tiring hours, sa wakas ay nakarating din naman sila nang ligtas sa Italy and the first thing Almirah did was to tell Lazarus to check on their daughter. Nakausap naman nila ito at ipinangako na pagdating nila ay magbabakasyon silang tatlo bilang pambawi sa bata. "Hintayin na lang natin saglit iyong sasakyan natin papunta sa bahay. On the way na rin naman daw," Almirah informed Lazarus while they were still on the plane. Bababa na lang sila mamayang nasa baba na rin ang ipinadala ng ama ni Almirah para sumundo sa kanila. "How many years have you been here?" Kunot noong tanong ni Lazarus. She turned her head to look at him only to be met by a serious pair of eyes. "Say three?" Hindi siguradong sagot ni Almirah. Parang kailan lang din kasi nang malaman niya na taga-Italy pala ang kaniyang tunay na mga magulang. Napadpad lamang siya sa Pilipinas dahil itinakas siya ng dating kasambahay ng kaniyang mga magulang noong ipinanganak ito. After years of searching fo
Hanggang sa matapos silang kumain ay wala pa ring naging imik si Almirah. Hindi niya alam kung paano ba dapat siya mag-re-react sa sinabi ni Lazarus sa kaniyang mga magulang. Gusto niyang maniwala na nagbibiro lang ito pero seryoso naman ito habang nakikipag-usap sa kaniyang ama nang tanungin siya nito kung bakit pa siya nito liligawan gayong may anak na sila. Alam ni Almirah na sinusubukan lamang ng kaniyang ama ang katatagan ni Lazarus kaya gan'on na lamang ang mga tanong nito—bulgar at walang pasikot-sikot. She wasn't expecting him to answer anything that would satisfy her, but wherever he does... parang hinahalukay ang tiyan niya dahil hindi magkamayaw ang mga paru-paro rito. "Signora, Signor wants to talk to you in his office," she snapped when one of their house helps spoke to her. Napakurap-kurap siya bago pa makatango bilang tugon sa sinabi nito. She was in her room, nakatulala at iniisip kung ano pa nga ba ang dapat pag-usapan ng kaniyang ama at ni Lazarus nang tawagin i
When Almirah thought she's early, may mas maaga pa palang nagising sa kaniya sa sumunod na araw. It was his father and Lazarus having coffee in the kitchen. Maaga siyang nagisin sa araw na iyon dahil mayroon silang importanteng lalakarin ng kaniyang ama. She wasn't actually informed yet kung ano iyon, pero iyon din ang dahilan kung bakit siya pinauwi pansamantala sa Italy ng kaniyang pamilya. They were talking very comfortably with each other kaya hindi muna siya tuluyang pumasok sa kusina. Sumandal lamang siya sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip na pinapanood ang dalawa na nag-uusap tungkol sa isang bagay na hindi niya naman naiintindihan. Nang sa tingin niya ay safe na para ipaalam ang kaniyang presensiya ay tuluyan na siyang pumasok doon. It was Lazarus who first saw her and the first thing he did was to scan her from head to toe. She was just wearing her silk night dress. Iyon naman ang palagi niyang sinusuot kapag naroon siya sa kanilang bahay, but she somehow regrets wea
Almirah was exhausted when they arrived home from their errand. Hindi niya inaasahan iyon ngunit mabuti na lang at handa naman siya sa mga tanong na ibinato sa kaniya ng board members, and because of that, she's one step ahead on taking over her father's position sa main branch ng kanilang negosyo. Pabagsak siyang napahiga sa kama dahil sa sobrang pagod. Ni hindi pa nga siya nakakapagbihis ay ipinikit na niya ang kaniyang mga mata para maka-idlip muna. Maaga pa kaninang umalis sila, pero kaninang alas otso lang sila natapos. Nakatulog naman siya ngunit sa maikling oras lang. Naalimpungatan lang siya nang maramdaman ang mahinang tapik ni Lazarus sa kaniyang braso. Sa pagod niya kanina, nakalimutan niya na itong hanapin. Nawala sa isip niya na kasama pala niya ito sa iisang bahay sa Italy. Isa pa, hindi pa rin niya nakalimutan ang ginawa nito sa kaniya kaninang umaga. "What?" Naiinis niyang tanong dahil gusto pa sana niyang matulog. Madilim na sa loob kanina dahil pinatay niya na an
Their life was back to normal when they got back to the Philippines. Naiiwan siya sa bahay samantalang si Lazarus naman ay pumapasok sa opisina lalo pa at maraming mga gawaing naghihintay sa kaniya roon kahit pa dalawang araw lang naman siyang nawala. "Manang, ano po bang paboritong ulam ni Lazarus?" Tanong niya sa kasambahay nang maisip niyang sorpresahin ito. Nagbilin kasi ito na late siyang makakauwi mamaya dahil sa workload sa opisina na kailangang habulin bago ang deadline. Napangiti muna ang matanda bago ito sumagot sa tanong ni Almirah. "Wala naman talagang paborito iyong si Senyorito, Mirah. Kahit anong ulam naman ang ihain mo sa lamesa ay kakainin ng batang iyon," nakangiti nitong sinabi. Lihim siyang napangiti. "Magugustuhan niya po kaya kapag sinigang at kare-kare?" "Ay oo naman, hija. Matutuwa iyon kapag nalaman niyang nilutuan mo siya ng pagkain!" Anang mayordoma sa tonong nasasabik. Wala pa man pero tila ba nakikita na nito ang magiging reaksyon ni Lazarus kapag naka
The girl named Dessa already left but Almirah still couldn't help but to pace back and forth while she's inside their room. The scene earlier made her feel anxious even when it shouldn't bother her most as the house helps assured her that Dessa and Lazarus' business with each other is long over. Hindi niya mawaglit sa isip niya ang mga sinabi ng babae kanina. Na paano kung totoo naman pala lahat ng sinabi niya? She shook her head to get that thought away from her head. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo lalo pa at wala pa namang paliwanag na galing kay Lazarus. She wants to give him the benefit of the doubt kaya huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Hindi siya puwedeng mag-isip na lang ng kung ano-ano. Bago siya magalit o makaramdam ng ano pa, dapat ay marinig niya muna ang side ni Lazarus. From then, maybe she could tell who and what to believe. Umupo siya sa paanan ng kama habang pinapakalma ang sarili dahil ayaw niyang abutan pa siya ni Lazarus na gan'on ang ayos
"Are you in Italy right now, Mirah? Hindi ka na kasi nagagawi rito sa bahay. The last time you called I was busy so I wasn't able to talk to you over the phone, pero nagbilin ka raw kay Bonny?" It was Arthur who's on the other line. Kahapon pa ito tumatawag sa kaniya pero ngayon lang siya nagkaroon ng oras para sagutin iyon. "Ah, oo. I'm sorry kung hindi na ako nakakauwi riyan. Nasa Pilipinas lang din ako actually pero may inaasikasong importante. Dadalaw ako this week kung walang biglaang errands," ani Mirah dahil medyo guilty na rin siya na matapos siyang tanggapin sa bahay ng mga ito nang nangangailangan siya ay basta na lang siyang aalis. Arthur chuckled. "Ayos lang, ano ka ba? Unahin mo iyang mga kailangang tapusin. Alam ko naman kung gaano ka ka-busy na tao. Kaya ko pa rin namang i-handle iyong mga kailangang asikasuhin sa site. Tumatawag din naman ang Papa mo para mangamusta sa progress," he explained. Sa dami ng kaniyang iniisip, halos makalimutan na niyang mayroon silang
Almirah is married to a future mafia boss. Isang katotohanang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapaniwalaan. Nang akalain niyang higit na nang nagpakasal siya sa isang mayaman, maimpluwensiya, at kilalang businessman, hindi pa pala dahil may mas hihigit pa roon. "At least we can relate to each other with that, right? Parehong may naghihintay na mabigat na responsibilidad," natatawang ani Almirah habang naglalakad palapit sa isang wall kung saan nakasabit ang iba't ibang klase ng baril at katana. "I won't mind having that big of a responsibility as long as I have you and the kids by my side," sagot naman ni Lazarus. "Gan'on din naman ako. Dahil hindi na rin naman natin ito matatakasan, mas mabuting gawin na lang natin ang lahat ng makakaya natin para protektahan ang mga mahal natin sa buhay," Almirah said as she extended her arm to reach for one of the pistols on the wall. "That's a pistol, Glock 19... that's what it's called," Lazarus explained to his wife. Nakatalikod ito sa
When Almirah thought she knew her husband very well, napatunayan niya lang sa mga oras na nakapasok siya sa sikretong silid na iyon sa ilalim ng mansion nito na hindi pa pala. Matapos niyang makita ang kabuuan ng isang malawak na silid na iyon ay wala na siyang ibang naging reaksyon kung hindi ang pagkagulat. "Why are there so many firearms here?" Tanong niya sa wakas nang nagkaroon siya ng lakas para magsalita pagkatapos ng matagal na katahimikan dahil sa pagmamasid sa buong silid. Ni hindi niya matapunan ng tingin ang kaniyang asawa dahil abala pa rin siya sa paninitig sa iba't ibang armas na nakikita roon. Habang naghihintay ng sagot mula kay Lazarus ay hindi niya maiwasang pasadahan ng hagod ang bawat armas na nakikita niya roon. All those firearms, the katanas, and any other tools for combat…"I have this room… because I'm just like you," ani Lazarus dahilan para makuha niya ang buong atensiyon ni Almirah. When she looked at her husband, bakas sa mukha nito na hindi niya maint
"You're extra touchy today, huh? Siguro may nagawa kang kasalanan kaya ka ganiyan?" Nahihiwagaang paratang ni Almirah kay Lazarus habang nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Kanina niya pa napapansin na sa tuwing nakakakuha ito ng pagkakataon para mahawakan siya ay wala itong pinalalampas. Hindi niya lang pinupuna dahil inoobserbahan niya pa, pero ngayong nakumpirma na ay saka lang isasaboses ang kanina pa niya napapansin sa asawa. "Bawal na ba akong maglambing ngayon?" anito bago mas isiniksik pa ang kaniyang sarili sa pagitan ng leeg at balikat ni Almirah. Nasa terasa sila ngayon ng kanilang silid, tanaw ang malawak na lupain sa harap ng mansion ni Lazarus, payapa ang paligid at tanging sariwang hangin lamang ang nanunuot sa kanilang pang-amoy. "That's not what I meant," si Almirah habang sinusubukang kalasin ang kamay ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang, ngunit sa bawat kalas na ginagawa niya ay mas humihigpit lamang ang pagyakap nito sa kaniya. "Masyado lang kita na-miss
"You've got to be kidding me, Almirah. Isn't he the one who bought the artifact? The one that you're having transaction with?" Tanong ng kaniyang boss nang nakabawi ito mula sa mahabang katahimikan. "Yes, that's him," sagot niya, ngunit tipid lamang. "Then that means that you can give me that artifact sooner, right? Because he's your husband?" There was a glimpse of joy in his voice. "We haven't talked about that yet, but if you really want that artifact to be yours, please expect that my husband will have his conditions," she said as a matter of fact. When it comes to these things, Lazarus always comes with his own terms. "Whatever term that is, as long as that artifact will be mine soon," aniya dahilan para lalo siyang magtaka kung bakit gan'on na lamang nito kagusto na mapasakamay ang bagay na iyon. "What's with that artifact that you would do everything just so you could have it? Does it have magic or something?" Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip n
"Papa..." Kabadong sinambit ni Almirah ang iisang salitang iyon nang sagutin nito ang tawag ng kaniyang ama. Isang araw pa lang simula nang nakabalik siya mula sa kanilang bahay ay palagi na itong tumatawag sa kaniya. Alam niya naman ang dahilan pero mas pinili niyang bumawi muna sa kaniyang mga anak kaya ngayon niya lang mapapaunlakang kausapin. "How are you doing there, my love?" Tanong nito kahit pa alam niyang atat na atat na itong kausapin siya tungkol sa desisyon nito. Marahil ay nakarating na ito sa kaniyang ama dahil ipinarating na ito ng mga tauhan na pagmamay-ari ng organisasyon. "I'm fine, Papa..." aniya habang pinapanood ang kaniyang mga anak na nanonood ng pambatang palabas sa silid nilang mag-asawa. Her father let out a deep sigh before he continued on the reason why he called his daughter. "Are you really sure about the decision you made, hija? You know by doing that, you've gotten them involved in our world," anito kagaya lamang ng inaasahan niyang sasabihin nito
"Sigurado ka na ba talagang uuwi ka na?" Tanong ni Arthur kay Almirah habang nasa hardin ang mga ito para sa isang mahalagang pag-uusap. Bukas kasi ang napag-usapan nilang pag-alis nito sa bahay ni Arthur para makabalik ito sa kanilang bahay. She misses her kids so much so she's looking forward to it, but still can't help but feel sad as she'd have to leave the house which has been part of her life for years now. She requested for just the two of them to have a conversation about her decision kaya nasa kaniyang silid si Lazarus ngayon dahil iyon sa kaniyang hiling kahit pa gusto rin sana nitong malaman kung ano ang pag-uusapan nila. "I can't just hide like this forever, Art. He wants to get involved at ilang beses ko mang itanggi, hindi ko rin siya matatakasan," aniya dahil iyon naman ang totoo. She tried to for so many times, but her she is again, failing. Kaya buo na ang desisyon niyang pagkatiwalaan ang kaniyang asawa na kaya nitong ibigay ang kaligtasan sa kanilang mga anak la
"Mabuti naman at naisip mong lumabas kahit sandali lang sa kwarto ng asawa mo?" Nakangising tanong ni Arthur kay Lazarus nang magpang-abot ang mga ito sa kusina. He was rummaging through the fridge when Arthur saw him kaya kinailangan niya pang pumihit para maharap ito nang marinig niya itong nagsalita. "I'm gonna cook us breakfast," simple niyang sinabi habang nilalapag ang mga nakuhang pagkain sa fridge. Arthur let out a soft chuckle. "Kung makakalkal ka sa fridge ko, parang bahay mo 'to, a?" Napailing-iling pa ito habang naglalakad palapit sa isang highchair. "Forward me your bank account at babayaran ko sa'yo kung magkano 'to lahat," ani Lazarus nang hindi siya binabalingan. Nagpatuloy ito sa pag-aayos ng mga gagamitin para sa pagluluto ng kanilang agahan. Arthur shook his head more. Nagbibiro lang naman siya at masyadong seryoso ang kaniyang kausap. "Hindi na kailangan," sabi rin naman nito kalaunan. "Almirah is like a sister to me, at dahil asawa ka niya, it's fine for me
When Lazarus woke up, mahimbing pa rin ang tulog ni Almirah kaya hindi rin muna siya gumalaw. He just stared at his peacefully sleeping wife. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok nitong tumatabing sa kaniyang mukha para mas malinaw niyang makita ang mukha nito. She looks so innocent, kaya lalo siyang nasasaktan kapag naiisip niyang ang dami nitong pinagdadaanang hindi niya alam. Kahit hindi naman nito sabihin sa kaniya, alam niyang marami itong iniisip at marami ring nakadagang responsibilidad sa dibdib nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang malambot nitong mukha at habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang maisip ang mga desisyong nagawa niya noon. "Are you sure you want this position, son?" His father asked. Pareho silang nasa opisina nito noon habang pinag-uusapan ang paglipat sa posisyon nito sa kaniya. "I trust in you, but you don't have to do this just because you're pressured. Kaya ko pa namang gampanan ang pagiging CEO ng kompanyang ito kaya ayos lang kung gagawin m
Madaling araw nang maalimpungatan si Almirah. Kumpara sa pakiramdam niya kahapon ay mas mabuti na ang ngayon. Nakakagalaw na rin siya nang mas maayos ngayon at nang nakaupo na sa kama ay namataan niya si Lazarus na nasa sofa, kaharap ng kama kung saan siya nakahiga. Gising pa rin ito habang seryosong nakatingin sa kaniyang laptop na tila ba may kung anong pinapanood o binabasa. His fist was on his chin making him look more serious on what he was doing, ngunit nang nakita ang paggalaw ni Almirah ay kaagad nitong isinantabi ang kaniyang laptop bago ito lumapit sa kaniya. "How are you feeling now?" Baka pa rin ang pag-aalala sa mukha at boses nito nang lumuhod ito sa gilid ng kama. Mabilis na dumapo ang likod ng kaniyang kamay sa noo ni Almirah para damhin kung mainit pa ba ito o mas bumuti na. He let out a sigh of relief when he felt that her body is now warm, not hot as last night. Parang may kung anong mabigat na bagay ang naalis sa kaniyang dibdib. "Hindi ka pa natutulog 'no?" S