“Kuya Alfred, pakisabi kay Kallahan na sa bahay na siya dumiretso.”“Opo Miss Mithi. Patawad po.”“Ayos lang po.” She said and took a peek of Luis na nakayuko ang ulo at nakaupo pa rin sa loob ng café.Napailing siya dahil naalala niya ang sarili niya. Noong sila pa ni Luis, hindi niya ramdam na mahal siya nito pero ganoon pa man, mabait ito sa kaniya or better to tell, na mabait sa kaniya kapag may ibang taong kaharap.Hindi pa niya iyon narealize no’ng una. Nakikita niya si Luis bilang mabait na fiancé niya not until nahuli niya itong may kasex na iba.She wasn’t sure back then kung sigurado ba siyang magkasal kay Luis. Naniwala na lang siya na baka magdi-develop ang feelings nila ni Luis sa isa’t-isa kapag nagpakasal na sila.She wasn’t sure pero hindi siya makaatras because to back out is not an option.Kaya alam niya ang nararamdaman ni Luis.Pero gaya ng sabi ni Shamcey, wala na siyang pakialam pa kung anong magiging kahihinatnan niya kasama ni Analia. She’s out of the picture.
Kinabukasan, pinapapunta ni Michael si Mithi sa bahay nila. Bukas na gaganapin ang kasal ni Luis at Analia kaya hindi na siya pumasok sa trabaho sa utos na rin ni Donya Merita.Kasama niya si Kallahan dahil hinahatid siya nito sa sasakyan.“Why do I feel like hindi na kita makikita matapos nito?” he said.“Silly. Uuwi pa rin naman ako mamaya kasi dadalo tayo ng kasal bukas.”But still, hindi nagbago ang expression sa mukha ni Kallahan. Ang random nang pagpapapunta ni Michael kay Mithi sa bahay. Tuloy ay kinakabahan siya.“Kay papa lang ako uuwi. Pero babalik rin naman ako. Promise!”Kallahan sighed. “Fine. But promise me na tatawag ka kada oras.”"Okay po Mister ko." Puno ng lambing na sabi ni Mithi bagay na ikinapula ng pisngi ni Kallahan.Only Mithi can make him react this way.Kallahan snake his hand around her waist and pulled her closer to him nang sa ganoon ay mahaIikan niya ang labi ni Mithi.It's a passionate kiss. Mas lalong pinailalaliman nito ang haIik na pinagsaluhan nilan
“Mikaela, what’s wrong?” tanong ni Michael sa anak niya. Bigla kasi itong namutla kaya nag-alala siya. “Wala po pa,” sabi ni Mithi at napipilitang ngumiti. “Bakit para kang namumutla? May masakit ba sayo? Dadalhin na ba kita sa doctor?” agad siyang umiling. “Huwag papa. I’m perfectly fine.” Aniya at sinubukang tumayo. ‘Ang tattoo ng anghel. Ang pangalang Antonio. Ang Venice. Ang galit ni Donya Merita sa akin noong una kaming magkita.. Bakit parang nagtutugma?’ tanong ni Mithi sa sarili niya. Pagtayo niya, natigilan siya at napatingin sa mesa nang biglang nagvibrate ang phone niya. Tumatawag si Kallahan. Agad niya iyong kinuha at sinagot. “Wife,” unang bati ni Kallahan sa kaniya. “Kallahan,” aniya sa mababang tono. Gusto niyang iwakli sa isipan niya ang mga haka-haka niya pero hindi niya magawa. Gusto niyang magtiwala kay Kallahan dahil iyon ang pinangako niya. “Anong oras ka uuwi? Sunduin na kita.” Sabi niya. “Huwag.” Biglang sabi ni Mithi. “I mean, huwag na… Pupunta pa ako n
“MITHI!” Sigaw ni Shamcey at nagmamadaling pumasok sa loob. Nakita niya si Mithi na nakaupo sa sofa habang ang mga pictures ay nasa harapan at nakakalat pa sa mesa. “Mithi, magpapaliwanag ako. Kasi, noong nakita ko ang mga litratong yan, inakala ko e baka kilala ka ni Kallahan noon pa. Pero naisip ko rin kasi na baka nagkataon lang lahat. Kaya ko pina-photocopy ang mga pictures dahil plinano kong ipakita sayo ang mga pictures na yan pero nagbago ang isip ko ng makita ko kung gaano ka kasaya sa piling niya.” Sunod sunod ang sinabi ni Shamcey, hinihingal. Nag-alala siya ng husto na baka magtampo si Mithi sa kaniya. “Saka kasi, naisip ko na walang halaga ang nakaraan dahil nakikita kong masaya ka ngayon sa piling ni Kallahan kaya hindi ko na lang pinakita. Natatakot akong magcause pa yan ng conflict sa inyo. Ayaw kong makasira ng isang magandang relasyon.” Napahilamos si Mithi sa mukha niya gamit ang kaniyang mga kamay. "Naalala mo pa ba iyong kwento ko sa'yo? Iyong tungkol sa lola ni
Nagising si Mithi at nasa kwarto na siya. Bigla siyang napatingin sa pinto ng bumukas ito at nakita niya si Shamcey na may dalang nilagang baka. Naamoy niya agad ang aroma nito. “Nahimatay ka. Kumain ka muna.” Hindi siya nagreklamo dahil natakam ang sikmura niya nang makaamoy no’n. Agad siyang umupo sa kama at hinintay si Shamcey na makalapit. Mugto ang mga mata niya kaya hindi siya pwedeng umuwi na ganoon ang itsura. “Uuwi ako kay Donya Merita, Shams.” Kumunot ang noo ni Shamcey. “Bakit?” “Mukhang alam niya kasi na si mama ko ang kabit ni Kallahan. May nasabi siya sa akin noon na lapitan ko siya oras na mag-away kami ni Kallahan. Pakiramdam ko e, inaasahan na niya ang gagawin ko.” “Naniniwala ka na ba talagang kabit ni tita ang asawa mo?” “Sinusubo na sa akin ang mga ebidensya Shams. Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan.” “Ang akin lang naman Mithi, paano kung hindi siya at nagkataon lang pala lahat?” “E paano kung siya nga?” Natahimik si Shamcey. Hindi rin niya alam kung anon
“Wife?” narinig ni Mithi ang boses ni Kallahan na tinatawag siya. Tumingin muna siya kay Donya Merita bago balingan ito ng tingin. “Kal?” ngumiti siya at tumayo para salubungin ito. “Bakit hindi mo ‘ko tinawagan?” maririnig ang pagtatampo sa boses niyo. “I’m sorry. Pinatay ko kasi ang phone ko.” Hindi nagbago ang expression sa mukha ni Kallahan. Kanina pa siya hindi mapakali na hindi niya matawagan si Mithi. Agad niya itong niyakap. “I love you so much my wife but please call me or text me kung saan ka magpunta.” Kumuyom ang kamao ni Mithi. Hindi na niya alam kung anong klaseng pagmamahal meron ang asawa niya sa kaniya ngayon. “Kumain ka na?” tanong ni Kallahan nang matapos nilang magyakapan. “Yup. Ikaw?” “Hindi pa. Gusto kong makasabay ka. Hinintay kong makauwi ka kanina e.” “I’m sorry. Dapat pala sabay tayong pumunta dito.” “It’s okay.. Tara na? Uwi na tayo?” Kinuha ni Mithi ang kamay niya na hawak ni Kallahan dahilan kung bakit agad na kumunot ang noo nito.
“Wife?” tawag ni Kallahan dahil nakatitig na lang sa kaniya si Mithi. “Is there something wrong?” he asked. “Wala. Ready ka na?” sabi ni Mithi at kinuha ang bag niya. Kinagat niya ang mariin ang labi para lang pigilan ang sarili na huwag umiyak. “Yeah.” Lumapit si Kallahan sa kaniya at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa. Bumaba sila at naabutan pa nila si Donya Merita na nakatitig sa kanilang dalawa. “Let’s go.” Sabi nito at naunang lumabas. Sumunod si Kallahan at Mithi. Ramdam niyang pinipisil ni Kallahan ang kamay niya and she just smiled, na para bang ayos lang ang lahat kahit na hindi. Pagdating nila ng simbahan, mainit silang tinanggap ng mga tao lalo na’t isa silang pamilyang Siao. “Madam,” sinalubong sila ni Chairman Yeon. “Chairman,” mahinang sabi ni Donya Merita, habang silang dalawa ni Kallahan na nasa likuran ay bahagyang yumuko. “Masaya ako at dumalo kayo sa kasal ng apo ko.” “Hindi na rin kami makapaghintay na makitang kinasal na si Luis sa babaeng pin
Nasa bahay sila ni Donya Merita. Kasama nila si Michael na nag-aalala sa anak. Hindi niya ito kayang iwan. Nakiusap siya kanina kay Donya Merita na kung maaari sana ay pwede ba siyang isama. At pumayag ito. Hinihintay niyang magising si Mithi dahil nahimatay ito kanina. May doctor na ring pinapunta si Donya Merita para matignan si Mithi. Nang makita ni Michael na iminulat ni Mithi ang mata niya, agad siyang napatayo. Ngunit luha ang agad niyang nakita na dumaloy sa pisngi ni Mithi matapos siyang makita nito. Tumagilid siya ng higa sa kama at doon na umiyak. “Mikaela, anak…” pagtawag niya. Ngunit hindi siya sinagot ni Mithi. “M-Maiintindihan ko kung habambuhay mo ‘kong kakamuhian dahil sa ginawa ko sa mama mo.” “Dahil ba sa akin papa?” tanong niya. “Dahil ba sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin sinukuan si mama?” Maririnig ang hagolgol sa boses ng ama sa likuran niya. At nasasaktan si Mithi dahil naiintindihan niya kung bakit hindi pinakulong ng papa niya si