MAY ISA PA PONG UPDATE. WAIT LANG PO TAYO AT E POST KO SIYA AGAD.
Umuwi si Mithi sa bahay ng papa niya pero ang naabutan niya lang ay si Annaliese na nasa labas at nag-aalala ang mukha.“Mithi, ang papa mo…” Sabi ni Annaliese sa kaniya.“B-Bakit? Nasaan si papa?”“Pumunta siya kina Kallahan. Dumating kasi si Kallahan dito kanina at sapilitan niyang kinuha si Bagwis at Mayumi. S-Si Michael… galit na galit at may dala pa siyang itak. Baka magkagulo Mithi.”Hindi na nagtagal si Mithi. Bumalik siya sa sasakyan ni Luis na siyang naghatid sa kaniya.“Sa bahay Luis.. Pahatid ako.” sabi ni Mithi kay Luis.Pagdating nila sa bahay nila ni Kallahan, sa labas pa lang ng gate, naabutan niya na si Bagwis na umiiyak at ayaw pumasok kahit na pinipilit siya ni Kallahan pumasok.Wala pa si Michael. Naunahan pa nila ito ni Luis.“Papa, noooo!” Umiiyak na sabi ni Bagwis. “Let go of me.. Pupuntahan ko si Mayumi, papa.”Kumunot ang noo ni Mithi sa narinig. “Nasaan si Mayumi?” tanong niya kaya napatingin si Kallahan, Bagwis, at ibang mga katulong sa kaniya.“MAMA! MAMA HEE
“M-Miss Mithi!” Sabi ni Joy na kinakabahan.Nakatingin si Mithi sa sahig. Hindi niya kasi alam anong gagawin niya para hindi magdilim ang paningin niya. Ang tignan pa lang si Joy ay sobra ng nakakagalit, natatakot siyang mapatay niya ito agad na hindi man lang niya pinaparanas ang sakit na dinulot nito sa kanila.Ayaw niyang bigyan ng madaling kamatayan si Joy.“Alam mo ba ang ginawa mo sa mag-ama ko?” nakangiting tanong ni Mithi. Ang ngiting kabaliktaran sa pinapakita ng mga mata.“M-Miss Mithi-"“Alam mo ba kung anong apelyido ang dala ko?”For the first time, nakaramdam ng kilabot si Joy kay Mithi. Kahit kailan, nakangiti si Mithi sa lahat. She's warm and jolly. Hindi kailanman sumagi sa isipan niya na makikita niya ang reaction na ito kay Mithi. “Alam mo bang kaya kitang balatan ng buhay na hindi ako makukulong?”“Miss Mithi-"“Magpainit kayo ng mantika!” Sabi ni Mithi sa mga katulong na nasa labas. Nanlaki ang mata ng mga katulong sa sinabi ni Mithi. Bigla silang kinabahan. Lal
Akmang kukunin ni Mithi ang kawali kung saan ay may mainit na mantika nang hawakan ni Kallahan ang kamay niya. Natigilan si Mithi at nanlalaki ang matang bumaling sa kaniya. Nakita ni Mithi ang mukha ni Kallahan na basa dahil sa luha. "Let's stop, wife." Pakiusap ni Kallahan sa kaniya. "What? Stop?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Kinuha ni Kallahan ang kawali na hawak ni Mithi. Binalik niya yun sa kalan at pagkatapos, niyakap niya si Mithi ng mahigpit."Nagkamali ako." Sabi niya, inaamin ang katangahan na ginawa niya. "Nagkamali ako at kasalanan ko rin lahat."Nakagat ni Mithi ang labi niya at doon bumuhos ang lahat ng emotion na kinikimkim niya. Ibinaon ni Mithi ang mukha niya sa dibdib ni Kallahan habang umiiyak. "Si Mayumi.... Hindi ko kayang kalimutan ang iyak at sakit na nararamdaman niya dahil sa ginawa ng babaeng yan. Pinaniwala ka niyang hindi natin anak si Mayumi." Sabi ni Mithi kay Kallahan. "Punish me." Sagot ni Kallahan. "Pagbabayaran ko lahat ng mga malin
“K-Kuya,” pinasigla ni Joy ang boses niya habang kausap niya ang mga kapatid niya. “Joy!”“Kuya, kamusta na kayo diyan?” tanong niya sabay sulyap kay Kallahan.“Maayos naman kami dito. Ikakasal na si kuya Aron next month. Kailan ka uuwi dito Joy? Dapat narito ka sa kasal niya.”Sumisikip ang dibdib ni Joy sa narinig niya. Gusto niyang umuwi at dumalo sa kasal ng kuya Aron niya. Pero paano niya magagawa yun kung sigurado na ang kamatayan niya.“Hindi ko alam kuya kailan ako makakauwi. Aalis na kasi ako kuya.”“Huh? Saan ka pupunta?”“Sa ibang bansa kuya.. Kailangan ko ng umalis bago pa malaman ni Kallahan at Mithi ang ginawa ko sa kanila.”Sumulyap siya muli kay Kallahan na walang buhay na nakatingin sa kaniya.“Kung ganoon umuwi ka na dito Joy!”“Hindi na kuya… Baka e madamay lang kayo diyan. Mas mabuti ng hindi nila malaman ang koneksyon natin.”“Nasaan ka ngayon?” matutunugan ang pag-aalala sa boses ng kapatid niya.“Nag-iimpake na ako kuya. Bukas na ang flight ko. Kailangan ko ng u
“Saan ka galing?” tanong ni Mithi kay Kallahan pagkauwi nito kasama ni Alfred. Gabi na at wala na rin ng kahit na anong bakas ng dugo ang makikita sa katawan niya.Tulog na ang lahat ng mga bata maliban kay Mithi na hinihintay si Kallahan sa labas ng bahay. Agad na lumuhod si Kallahan sa harapan niya at nagsimulang umiyak.“W-Wife… p-patawad…”Tumingin si Mithi kay Alfred na naaawang nakatingin kay Kallahan.Nakagat ni Mithi ang labi niya habang ang mata ay lumuluha sa labis na sakit na nararamdaman niya. Naiintindihan niya si Kallahan kung bakit ganoon ang trato nito kay Mayumi pero hindi niya kayang balewalain ang paghihirap ng anak niya.Takot na takot si Mayumi… Iniisip nito na hindi siya kamahal-mahal.At nasasaktan siya ng husto dahil doon. Hind niya kayang ipagsawalang bahala ang lahat ng pasakit na naranasan ng anak niya.“Patawarin mo ko… Nagkamali ako..”Gayunpaman, hindi rin niya kayang balewalain si Kallahan. Alam niya kung gaano katindi ang sakit na dinaramdam nito.Na an
"Mayumi, anak..." mahinang tinapik ni Mithi si Mayumi para magising lalo pa't umiiyak na ito habang nakapikit. Unti-unting binuksan ni Mayumi ang mga mata niya. Nang makita niya si Mithi ay agad itong tumigil sa pag-iyak. “Mama,” mahinang sambit nito. “You’re having a bad dream anak,” she whispered. Napatingin si Mayumi sa harapan nang mapansin niya si Kallahan. Bigla siyang natakot dito at humarap uli sa mama niya. Nakita ni Mithi kung paano umiling si Mayumi kasabay ng pagtulo muli ng luha sa mga mata niya. “Mama, papa will send me to America.” Natatakot na sambit niya at humawak ng mahigpit sa kamay ni Mithi. “Mama, ayoko…” takot na takot na sabi niya… “Please tell him na ayoko po..”Tumingin si Mithi kay Kallahan bago niya balingan muli si Mayumi. “Mayumi, no… hindi yun gagawin ni papa.” Nag-aalalang sabi niya. Tumulo na rin ang luha niya at hinawakan pa niya sa pisngi si Mayumi. “Listen.. Hindi yun gagawin ni papa. Dito ka lang sa amin.” AniyaPero umiling lang muli si M
Kinabukasan, agad na pinuntahan ni Mithi si Bagwis at Mayumi sa kwarto. Naabutan niya itong gising na at kasama pa nila ngayon si Alab.Naglalaro ang tatlo ng puzzle at kita niya kung gaano ka seryoso ang mga anak niya sa paglalaro.Hindi na ito umiiyak pero halata sa mata na galing ito sa pag-iyak. Sa likod ni Mithi ay naroon si Kallahan na malungkot ang matang nakatingin sa mga anak niya. May suot itong apron, kagagaling lang niya sa kusina. Gumawa siya ng breakfast at nagbake rin ng cake.Tumikhim si Mithi kaya napatingin sa kaniya ang mga anak nila. Si Alab lang ang lumapit sa kanila pero si Mayumi at Bagwis ay hindi.“Papa has something to say,” sabi ni Mithi.Tumingin siya kay Kallahan na nakatingin lang kay Mayumi.“I made a cake..” Sabi ni Kallahan na kinakabahan.. “I w-wanted to say sorry..” Sabi niya at tumingin kay Mithi para humugot ng lakas ng loob.“I wanted to say sorry to the princess of this house.”Tumingin si Alab at Bagwis kay Mayumi. Masaya silang marinig iyon sa
After a week, Kallahan and Mayumi are now heading to plaza na silang dalawa lang. Ilang pa rin si Mayumi sa kaniya, pero nang ayain na niya ito kung sasama ba ito sa kaniya, Mayumi agreed.Kinakabahan nga si Kallahan dahil first date niya ito sa prinsesa niya na silang dalawa lang. “Are you ready my love?” tanong niya matapos niya itong suotan ng seatbelt. He chuckled upon seeing his princess looking cute while staring at him. “Why?” he asked, softly. Nakita niya kung paano namula si Mayumi. Tama nga si Mithi na bata pa si Mayumi, madali pang suyuin. For how many years that Kallahan pushing her away, araw lang ang binilang niya para unti-unting mawala ang galit at tampo ng anak niya sa kaniya.And he’s been preparing for this day, ang date na pinaghandaan niya para sa anak niya. Narealize niya na hindi lang si Mithi ang dapat niyang suyuin sa buhay niya… Pati na rin pala doon si Mayumi. “Papa, hindi ka na po ba galit sa akin?” Ganoon pa man, kahit na lumalapit na si Mayumi sa kan