“Papa, look!!” tuwang tuwa na sabi ni Mayumi habang nakatingin sa mga butterfly na dumaan sa harapan nila. Busy naman si Kallahan sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. “You want me to put some butterflies sa botanical garden ni mama?” tanong ni Kallahan kay Mayumi pero umiling si Mayumi sabay sabing, “huwag na po papa.. Nakakaawa po ang mga butterfly kung ikukulong po natin sila. Baka po may family din sila tapos hindi sila makauwi sa family nila dahil ikinulong po natin sila.” Mahabang litanya ni Mayumi. Si Kallahan na nakikinig ay napangiti nalang. Wala na siyang sinabi pa at tinapos nalang ang pagliligpit niya. Maya-maya pa ay dumating si Luis kasama ang anak niyang si Louise Amelie. Agad na napatayo si Kallahan. Wala siyang sinabi pero ang mata niya ay nakatitig na ngayon kay Luis na palapit sa kanila. “Hi Louise Amelie,” pagbati ni Mayumi kay Louise na ngayon ay kumaway pabalik kay Mayumi. "Hello Mayumi. It's nice seeing you today.""It's nice seeing you too." Lumapit si
“Goodnight,” sabay na sabi ni Kallahan at Mithi kay Mayumi bago nila isara ang pinto. Nagdoor to door sila sa kwarto ng mga triplets just to send their ‘goodnights and goodnight kisses’.Pagkababa nila, nakita nila si Angel na kakarating lang. Hinahayaan ni Mithi ang mama niya na mag-explore, umalis at mag-enjoy.Hindi na rin naman siya nangarap na magkakabalikan ang mga magulang niya. What matters ay masaya ang mga ito.At nang magharap sila ni Angel, tumigil sila ni Kallahan sa paglalakad. Nagulat siya ng biglang hawakan ni Angel ang kamay niya. “Mithi, anak… pwede ba kitang makausap?”“Tungkol saan po ma?”Nagbaba ng tingin si Angel. “I’m sorry..” Sabi nito. “I’m sorry dahil isa ako sa nagduda sa katauhan ni Mayumi.”Tumingin si Mithi kay Kallahan bago siya ngumiti sa mama niya. “Tapos na po yun ma.. Bumawi nalang po kayo kay Mayumi ngayon. Mabait po ang ating Mayumi, I’m sure lalapit siya sa inyo agad at makakalimutan niya lahat ng mga nangyari.”Ngumiti si Angel dahil narealize ni
Matapos ang anim na buwan….“Kal, gising,” sabi ni Mithi kay Kallahan lalo’t dumating si Shamcey kasama ang mommy nito, si Luwi at Shaira.Si Kallahan na pagod sa trabaho, nagmulat ng mata. “Yes, wife?”“May bisita tayo.” Sabi ni Mithi at ngumiti sa asawa niya.Wala ang triplets dahil nasa swelahan at si Kelly naman na anak ni Shamcey ay wala rin.“Magbihis ka muna,” sabi ni Mithi. “Dapat magpagwapo ka ah?”Nagbihis si Kallahan ng damit at nagtaka pa bakit kailangan niyang magpagwapo. Pagkatapos, agad silang bumaba dalawa. Pagdating nila sa sala, naabutan nila sina Shamcey na nakatingin sa kanila.Tumingin si Kaitlyn sa asawa niya na si Luwi na nakatingin ngayon kay Kallahan.“Hi Shams, what brings you here?” tanong ni Kallahan.Tumikhim si Shamcey at sinabing, “wala naman.. Gusto lang namin bumisita dito sa inyo ni Mithi.” Sagot ni Shamcey sabay tingin kay Mithi na siya ring nakatingin sa kaniya pabalik.“Ganoon ba?” sabi ni Kallahan at tumingin kay Luwi.Si Shaira na teenager noon a
Problemado si Luis matapos niyang malaman ang resulta ng DNA test. Kallahan is not his daughter's father pero may koneksyon sa kaniya si Louise Amelie.At iyon ang iniisip ni Luis kung ano. Ang DNA test result ay 25%. Sumasakit ang ulo ni Luis para tukuyin kung pamangkin ba ni Kallahan ang anak niya o ano. Isang buwan na ang nakalipas at mas nawawalan na rin siya ng pag-asa para mahanap ang totoong mga magulang ni Loiuse. Iyong matanda sana ang pag-asa niya pero hindi na niya yun mahagilap pa. “Anak,” napatingin si Luis sa mama niya. “Kung ayaw na magpahanap, huwag mo nalang hanapin.” Sabi nito. Bumuntong hininga si Luis. “Wala rin naman akong plano ma na isuli ang anak ko oras makita ko sila. Pero kasi, ang iniisip ko ay ang anak ko. Alam kong darating ang araw na malalaman niyang hindi siya galing sa akin. At kung magtanong man siya saan siya nagmula, kung sino ba ang mga magulang niya, gusto kong may masagot ako. Gusto kong tulungan siyang maliwanan tungkol sa pagkatao n
Walang naisagot si Mithi kay Donya Merita dahil hindi niya alam kung nasaan na ang anak nito. “Hindi ko po alam la.” Sabi niya.“N-Nasaan si Ludwig? Nais ko siyang makausap, Mithi.” Sabi nito.Natigilan si Mithi at nag-iisip ng isasagot niya.“La, parang wala na po siyang balak na magpakilala pang muli kay Kallahan. Nalaman ko lang ang lahat ng ito dahil sinabi ni Shamcey sa akin. At malinaw po niyang sinabi na nahihiya si tito Luwi na magpakilala kay Kallahan.”Kumunot ang noo ni Donya Merita. “Bakit ngayon pa siya nagpakita?”“Nawala po ang ala-ala niya la,” sabi ni Mithi. “Ngayon pa po nagbalik.”Napasinghap si Donya Merita. “Nawala?”“Opo la..”“Kung ganoon, kailangan ko siyang makausap… Kailangan kong itanong nasaan ang anak ko. B-Baka buhay si Elena, Mithi. Baka buhay ang anak ko.” Desperadang sabi ni Donya Merita sa kaniya.“Kakausapin ko po si Shamcey la..”“Please, Mithi… Kailangan kong makausap si Ludwig.”Agad na tinawagan ni Mithi si Shamcey. Kailangan niyang humingi ng per
“Shaira,” sabi ni Kallahan matapos niyang makita si Shaira sa malapitan. “What are you doing here?” tanong nito.“Ah—may shooting po kami kuya,” nahihiyang sabi niya.Tumingin si Kallahan sa mga kasamahan niya na agad bumati sa kaniya.“Magtatagal ba kayo dito?” “Opo kuya,”“I see..”Bumaling na si Kallahan sa mga anak niya na si Bagwis at Mayumi. “5 minutes lang kayo pwedeng maligo sa dagat dahil may meeting kami ng tito Ismael niyo mamaya.”“What? Pero papa, ang bilis ng 5 minutes at gusto pa namin gumawa ng sand castle ni Mayumi.”“Opo papa..” Sang-ayon ni Mayumi sa kuya Bagwis niya.“But you guys can’t stay long dahil may meeting si papa mamaya.”Bumagsak ang balikat ng dalawa. Naawa naman si Shaira kaya agad siyang nagsalita.“Ah kuya, ako nalang po magbabantay kay Bagwis at Mayumi kung ayos lang po.” Sabi ni Shaira, kinakabahan na baka ayawan siya ni Kallahan.Tumingin si Kallahan sa kaniya, habang pinagkunutan naman siya ni Ismael ng noo.“Papa, sige na po…” BagwisTumingin ul
“What are you doing here, wife?” tanong ni Kallahan kay Mithi. Tapos bumaling ang paningin niya kay Donya Merita at naabutan niya itong umiiyak habang nakatangin sa kaniya. Sa harapan ni Donya Merita, naroon si Luwi na siyang nakatingin rin sa gawi niya. Kumabog ang puso ni Kallahan. Para bang batid na niya kung ano ang nangyayari. “Pa,” sabi ni Shaira at lumapit kay Luwi. Kinakabahan na rin siya. “Nagkita kami ni kuya Kallahan sa resort. Hinatid niya po ako dito.” Saad ni Shaira. Tumingin ulit si Luwi kay Kallahan at makikita sa mukha ni Kallahan ang gulat. Noon pa lang, naghinala na siya na baka papa niya si Luwi. Ngayon na narito ang lola niya, sigurado na siyang hindi pala siya nagkamali noon. "Kal," tawag ni Mithi. Tumingin si Kallahan sa kaniya. "Gusto mo bang dumito pa tayo? O uuwi na muna?" Kallahan knew right away kung anong ibig sabihin ni Mithi. "Ang mga bata, nasa labas. Pwede mo ba silang iuwi na muna?" mahinahong tanong ni Kallahan sa kaniya. Nag-alala a
"MAMA!" Umalingawngaw ang boses ni Alab habang paakyat ng hagdan. Pagdating niya, kumunot ang noo niya sa nakita... "MAMA! How's papa? Bakit nasa bed siya?" tanong niya. Pagpasok niya sa loob ng kwarto, nakita niya si Mithi na nilalagyan ng basang towel ang noo ni Kallahan para bumaba ang lagnat nito. Sumunod sa kaniya sa pagpasok si Mayumi at Bagwis na agad ring natigilan nang makita ang kalagayan ng papa nila. Inapoy si Kallahan ng lagnat kaninang madaling araw kaya abala si Mithi hanggang sa nagpakita na ang araw. Hindi na siya natulog pa at sinamahan nalang si Kallahan. Matapos nilang umiyak kagabi, hindi na niya ito nilubayan. Tabi sila sa kama, at ginawa pa siyang unan ni Kallahan. Hindi naman siya nag reklamo. Basta ang mahalaga sa kaniya e maramdaman ni Kallahan ang presensya niya. "Why is he sick mama?" tanong naman ni Mayumi na naaawa sa papa niya. "Papa will be fine. Don't worry, okay?" ngumiti siya para gumaan ang nararamdaman ng mga anak niya. "Dalhin nalang