"Mayumi, anak..." mahinang tinapik ni Mithi si Mayumi para magising lalo pa't umiiyak na ito habang nakapikit. Unti-unting binuksan ni Mayumi ang mga mata niya. Nang makita niya si Mithi ay agad itong tumigil sa pag-iyak. “Mama,” mahinang sambit nito. “You’re having a bad dream anak,” she whispered. Napatingin si Mayumi sa harapan nang mapansin niya si Kallahan. Bigla siyang natakot dito at humarap uli sa mama niya. Nakita ni Mithi kung paano umiling si Mayumi kasabay ng pagtulo muli ng luha sa mga mata niya. “Mama, papa will send me to America.” Natatakot na sambit niya at humawak ng mahigpit sa kamay ni Mithi. “Mama, ayoko…” takot na takot na sabi niya… “Please tell him na ayoko po..”Tumingin si Mithi kay Kallahan bago niya balingan muli si Mayumi. “Mayumi, no… hindi yun gagawin ni papa.” Nag-aalalang sabi niya. Tumulo na rin ang luha niya at hinawakan pa niya sa pisngi si Mayumi. “Listen.. Hindi yun gagawin ni papa. Dito ka lang sa amin.” AniyaPero umiling lang muli si M
Kinabukasan, agad na pinuntahan ni Mithi si Bagwis at Mayumi sa kwarto. Naabutan niya itong gising na at kasama pa nila ngayon si Alab.Naglalaro ang tatlo ng puzzle at kita niya kung gaano ka seryoso ang mga anak niya sa paglalaro.Hindi na ito umiiyak pero halata sa mata na galing ito sa pag-iyak. Sa likod ni Mithi ay naroon si Kallahan na malungkot ang matang nakatingin sa mga anak niya. May suot itong apron, kagagaling lang niya sa kusina. Gumawa siya ng breakfast at nagbake rin ng cake.Tumikhim si Mithi kaya napatingin sa kaniya ang mga anak nila. Si Alab lang ang lumapit sa kanila pero si Mayumi at Bagwis ay hindi.“Papa has something to say,” sabi ni Mithi.Tumingin siya kay Kallahan na nakatingin lang kay Mayumi.“I made a cake..” Sabi ni Kallahan na kinakabahan.. “I w-wanted to say sorry..” Sabi niya at tumingin kay Mithi para humugot ng lakas ng loob.“I wanted to say sorry to the princess of this house.”Tumingin si Alab at Bagwis kay Mayumi. Masaya silang marinig iyon sa
After a week, Kallahan and Mayumi are now heading to plaza na silang dalawa lang. Ilang pa rin si Mayumi sa kaniya, pero nang ayain na niya ito kung sasama ba ito sa kaniya, Mayumi agreed.Kinakabahan nga si Kallahan dahil first date niya ito sa prinsesa niya na silang dalawa lang. “Are you ready my love?” tanong niya matapos niya itong suotan ng seatbelt. He chuckled upon seeing his princess looking cute while staring at him. “Why?” he asked, softly. Nakita niya kung paano namula si Mayumi. Tama nga si Mithi na bata pa si Mayumi, madali pang suyuin. For how many years that Kallahan pushing her away, araw lang ang binilang niya para unti-unting mawala ang galit at tampo ng anak niya sa kaniya.And he’s been preparing for this day, ang date na pinaghandaan niya para sa anak niya. Narealize niya na hindi lang si Mithi ang dapat niyang suyuin sa buhay niya… Pati na rin pala doon si Mayumi. “Papa, hindi ka na po ba galit sa akin?” Ganoon pa man, kahit na lumalapit na si Mayumi sa kan
“Papa, look!!” tuwang tuwa na sabi ni Mayumi habang nakatingin sa mga butterfly na dumaan sa harapan nila. Busy naman si Kallahan sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila. “You want me to put some butterflies sa botanical garden ni mama?” tanong ni Kallahan kay Mayumi pero umiling si Mayumi sabay sabing, “huwag na po papa.. Nakakaawa po ang mga butterfly kung ikukulong po natin sila. Baka po may family din sila tapos hindi sila makauwi sa family nila dahil ikinulong po natin sila.” Mahabang litanya ni Mayumi. Si Kallahan na nakikinig ay napangiti nalang. Wala na siyang sinabi pa at tinapos nalang ang pagliligpit niya. Maya-maya pa ay dumating si Luis kasama ang anak niyang si Louise Amelie. Agad na napatayo si Kallahan. Wala siyang sinabi pero ang mata niya ay nakatitig na ngayon kay Luis na palapit sa kanila. “Hi Louise Amelie,” pagbati ni Mayumi kay Louise na ngayon ay kumaway pabalik kay Mayumi. "Hello Mayumi. It's nice seeing you today.""It's nice seeing you too." Lumapit si
“Goodnight,” sabay na sabi ni Kallahan at Mithi kay Mayumi bago nila isara ang pinto. Nagdoor to door sila sa kwarto ng mga triplets just to send their ‘goodnights and goodnight kisses’.Pagkababa nila, nakita nila si Angel na kakarating lang. Hinahayaan ni Mithi ang mama niya na mag-explore, umalis at mag-enjoy.Hindi na rin naman siya nangarap na magkakabalikan ang mga magulang niya. What matters ay masaya ang mga ito.At nang magharap sila ni Angel, tumigil sila ni Kallahan sa paglalakad. Nagulat siya ng biglang hawakan ni Angel ang kamay niya. “Mithi, anak… pwede ba kitang makausap?”“Tungkol saan po ma?”Nagbaba ng tingin si Angel. “I’m sorry..” Sabi nito. “I’m sorry dahil isa ako sa nagduda sa katauhan ni Mayumi.”Tumingin si Mithi kay Kallahan bago siya ngumiti sa mama niya. “Tapos na po yun ma.. Bumawi nalang po kayo kay Mayumi ngayon. Mabait po ang ating Mayumi, I’m sure lalapit siya sa inyo agad at makakalimutan niya lahat ng mga nangyari.”Ngumiti si Angel dahil narealize ni
Matapos ang anim na buwan….“Kal, gising,” sabi ni Mithi kay Kallahan lalo’t dumating si Shamcey kasama ang mommy nito, si Luwi at Shaira.Si Kallahan na pagod sa trabaho, nagmulat ng mata. “Yes, wife?”“May bisita tayo.” Sabi ni Mithi at ngumiti sa asawa niya.Wala ang triplets dahil nasa swelahan at si Kelly naman na anak ni Shamcey ay wala rin.“Magbihis ka muna,” sabi ni Mithi. “Dapat magpagwapo ka ah?”Nagbihis si Kallahan ng damit at nagtaka pa bakit kailangan niyang magpagwapo. Pagkatapos, agad silang bumaba dalawa. Pagdating nila sa sala, naabutan nila sina Shamcey na nakatingin sa kanila.Tumingin si Kaitlyn sa asawa niya na si Luwi na nakatingin ngayon kay Kallahan.“Hi Shams, what brings you here?” tanong ni Kallahan.Tumikhim si Shamcey at sinabing, “wala naman.. Gusto lang namin bumisita dito sa inyo ni Mithi.” Sagot ni Shamcey sabay tingin kay Mithi na siya ring nakatingin sa kaniya pabalik.“Ganoon ba?” sabi ni Kallahan at tumingin kay Luwi.Si Shaira na teenager noon a
Problemado si Luis matapos niyang malaman ang resulta ng DNA test. Kallahan is not his daughter's father pero may koneksyon sa kaniya si Louise Amelie.At iyon ang iniisip ni Luis kung ano. Ang DNA test result ay 25%. Sumasakit ang ulo ni Luis para tukuyin kung pamangkin ba ni Kallahan ang anak niya o ano. Isang buwan na ang nakalipas at mas nawawalan na rin siya ng pag-asa para mahanap ang totoong mga magulang ni Loiuse. Iyong matanda sana ang pag-asa niya pero hindi na niya yun mahagilap pa. “Anak,” napatingin si Luis sa mama niya. “Kung ayaw na magpahanap, huwag mo nalang hanapin.” Sabi nito. Bumuntong hininga si Luis. “Wala rin naman akong plano ma na isuli ang anak ko oras makita ko sila. Pero kasi, ang iniisip ko ay ang anak ko. Alam kong darating ang araw na malalaman niyang hindi siya galing sa akin. At kung magtanong man siya saan siya nagmula, kung sino ba ang mga magulang niya, gusto kong may masagot ako. Gusto kong tulungan siyang maliwanan tungkol sa pagkatao n
Walang naisagot si Mithi kay Donya Merita dahil hindi niya alam kung nasaan na ang anak nito. “Hindi ko po alam la.” Sabi niya.“N-Nasaan si Ludwig? Nais ko siyang makausap, Mithi.” Sabi nito.Natigilan si Mithi at nag-iisip ng isasagot niya.“La, parang wala na po siyang balak na magpakilala pang muli kay Kallahan. Nalaman ko lang ang lahat ng ito dahil sinabi ni Shamcey sa akin. At malinaw po niyang sinabi na nahihiya si tito Luwi na magpakilala kay Kallahan.”Kumunot ang noo ni Donya Merita. “Bakit ngayon pa siya nagpakita?”“Nawala po ang ala-ala niya la,” sabi ni Mithi. “Ngayon pa po nagbalik.”Napasinghap si Donya Merita. “Nawala?”“Opo la..”“Kung ganoon, kailangan ko siyang makausap… Kailangan kong itanong nasaan ang anak ko. B-Baka buhay si Elena, Mithi. Baka buhay ang anak ko.” Desperadang sabi ni Donya Merita sa kaniya.“Kakausapin ko po si Shamcey la..”“Please, Mithi… Kailangan kong makausap si Ludwig.”Agad na tinawagan ni Mithi si Shamcey. Kailangan niyang humingi ng per