<3
Napansin ni Mithi na hindi na madalas pinapansin ni Mayumi ang papa niya. Kapag kasama nila si Kallahan lalo na sa hapagkainan e tatahimik nalang ito.At pansin rin ni Mithi ang kilos ni Kallahan. Hindi ito nagbago kay Bagwis at Alab, he still has the image of a loving father to them pero hindi ganoon pagdating sa prinsesa nila.And now, dahil ngayon pa lang niya nakikita ang mga bagay-bagay, saka pa lang niya na napagtanto na hindi dahil sa introvert ang anak niya kaya hindi ito nakikipaglaro kay Kallahan.Iyon ay dahil natatakot ang anak niya.Nakatayo siya habang naaawang nakatingin kay Mayumi na nakatingin lang sa papa niya at mga kuya niya na naglalaro.Kung noon, dahil ignorante siya sa paligid, pipilitin niya ang anak niya na sumali at sasabihin pa niyang huwag mahiya sa papa niya.‘Ano bang nangyayari?’ tanong ni Mithi sa sarili niya. ‘May hindi sinasabi si Kallahan sa akin.’ Ang sabi niya.She cleared her throat kaya napatingin ang lahat sa kaniya. “Aalis muna ako. Pupunta ak
“LUIS!” Napataas ang boses ni Mithi. “Anong akusasyon yan?”Agad na nilabas ni Luis ang mga litrato ng mga tauhan ni Kallahan na umaaligid sa bahay niya. Wala pa siyang isang buwan sa Pinas, sumasakit na ang ulo niya.“Mga tauhan yan ng asawa mo. I think someone spotted my daughter at inakala nilang baka siya ang isa sa triplets.”“Sinasabi mo bang inakala ng asawa ko na si Mayumi ay hindi namin anak?” tanong ni Mithi na habol habol na ang hininga.“Ano pa bang ibang rason Mithi para hindi niya mahalin si Mayumi gaya sa kung paano niya mahalin ang dalawang anak niyo?”Doon na natigilan si Mithi. Para siyang may napagtanto.“I’m here to check kung tama ba ang inakala ng asawa mo. Ayos lang ba sayo kung ipa DNA test natin si Mayumi para malaman kung anak niyo ba siya?”Nanginig sa galit si Mithi. Umiling siya. “Kalokohan ito Luis. Bakit naman magdududa si Kallahan na hindi namin anak si Mayumi? Saka anong pinapalabas mo? Na baka may baby switching na nangyayari? Paano naman kami malulus
“Sa hospital… pakiramdam ko e may babaeng nagpunta sa kwarto ko kung nasaan rin ang triplets.” Sabi ni Mithi na nakatingin sa kape niya. Kinukwento niya ang mga hula niya kung bakit nagsuspetya si Kallahan kay Mayumi bilang peke nilang anak. “I remembered bago mag 1 year old ang mga bata, pinakuha ko kay Kallahan ang CCTV footage nong delivery ko. Baka nakita niyang may tao ngang pumasok sa kwarto ko at inakala niyang may nagpalit sa anak namin.” Kumunot ang noo ni Luisa. “But, ang weird naman Mithi kung basta nalang maniniwala doon si Kallahan. Hindi ba niya pina DNA test si Mayumi?” “I think ginawa na niya yun ma. Pero kung ganito ang reaction niya kay Mayumi, then maybe negative ang resulta ng DNA test kaya naniwala siya ngayon na hindi niya anak si Mayumi.” Sabi ni Luis. “Kaya ang tanong, kung negative man ang resulta ng DNA test na sinagawa niya, sino ang may kagagawan bakit nag negative?”“Luis, that’s too much anak. Let’s not jump into conclusion.” Sabi ni Luisa.“Mithi, wal
“Wife wait!” Ang sabi ni Kallahan at sinundan pa sila na papasok na sana ng sasakyan. “I was wrong. If you want me to say sorry to Mayumi then I’ll do it.”Karga karga ni Mithi ngayon si Mayumi na patuloy pa rin sa pag-iyak. Naaawa na ng husto si Mithi sa anak niya. At habang tinatawag siya ni Kallahan, mas lalo siyang naiirita at nagagalit.Ibinaba ni Mithi si Mayumi at tumingin siya kay Bagwis. “Bantayan mo si Mayumi.”Matapos non ay agad siyang pumunta kay Kallahan at hinigit ito papunta sa gilid, malayo ng konti sa mga bata. Kita sa mga mata niya ang talim at galit na hindi niya mailabas.“Gusto kitang sampalin. Napakatanga mo!”“Ano bang mali sa ginawa ko? I’m just disciplining her.”“Discipline? Disiplina tawag mo dun? Hindi ba tinulak mo siya at inalo mo lang ay si Alab kahit na alam mong siya ang may kasalanan?”“Hindi pa rin tama na saktan niya ang kapatid niya.”Kwinelyuhan ni Mithi si Kallahan. Hindi na siya nakapagpigil. “Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan. Akala mo ba hin
"S-Sorry wife.. G-Ginagawa ko na ang lahat para mahanap ang anak natin." Dagdag pa ni Kallahan. "May lead na ako kung nasaan siya. Kailangan ko lang ng pruweba na siya nga ang totoo nating anak." "Nagpa DNA test ka ba Kallahan? Alam mo ba kung gaano kabigat ang paratang mo sa anak natin? Mayumi is our daughter! She's your princess. Why are you like that?" Nakagat ni Kallahan ang labi niya. "She's not our daughter. Nagpa DNA test na ako, Mithi. Akala mo ba madali sa akin tanggapin na ang anak na kasama ko ay hindi pala galing sa atin?" 'Bakit? Hindi ba nag match ang DNA sample niyo?' Mithi wondered. "Anong resulta ng DNA test?" tanong niya. "Negative. Hindi kami match ng DNA ni Mayumi. Kaya ginagawa ko ang lahat para mahanap ang totoo nating anak. Dapat siya ang kasama natin at hindi ang impostor na bata na yun." Tumulo ang luha ni Mithi sa mata niya. Hearing her husband saying na impostor si Mayumi ay nakakadurog ng damdamin. "Paanong naging negative? Paano kung may lapses la
Bago niya ibunyag ang lahat, kailangan niya munang malaman kung tama ba ang hinala niyang si Joy ang may kagagawa non. At kung siya nga, nais niya ring malaman kung bakit niya yun nagawa sa pamilya niya.Kaya kailangan niya si Luis para mag-imbestiga.“Sino si Joy?” tanong ni Luis.“Ang personal nurse ng triplets.”Kumunot ang noo ni Luis pero hindi na siya nagtanong pa, bagkos binuksan niya ang gate para anyayahan si Mithi na pumasok na muna.Pagpasok ni Mithi sa loob, nakita niya si Loiuse, ang batang medyo hawig ni Kallahan. “Hi po tita Mithi!” Kumaway pa ito sa kaniya.“Hello Loiuse Amelie,”“Nasaan po si Mayumi, tita?”“Nasa bahay siya ng lolo niya e…”‘Sino kaya ang magulang ng batang ito?’ ang tanong ni Mithi sa isipan niya.“Amelie anak,” tawag ni Luis sa anak niya. “Go to your Nana Jelay. Mag-uusap muna kami ng tita Mithi mo.”“Opo papa,”Sumama si Louise kay Jelay kaya sila nalang ni Mithi ang naiwan.Agad na iminustwera ni Luis ang sofa niya para maupo doon si Mithi. Sa git
3 days after, hindi pa rin umuuwi sina Mithi sa bahay nila. She makes sure na naglalaro at masaya ang mga anak niya lalo na si Mayumi dahil ayaw niyang matrauma ang anak niyang babae. Gusto niyang makalimutan ni Mayumi ang mga naranasan nito kay Kallahan kahit na tingin niya ay impossible pa. She even turned off her phone dahil ayaw niyang tawagan siya ng mama niya. Alam niya kasing hindi siya pupuntahan ni Angel dahil nasa lugar siya kung nasaan ang papa niya at si Annaliese. Si Kallahan naman, binisita sila nito pero pinaalis lang niya ito. At ngayon, kasama niya ang triplets dahil nakiusap ang tatlo na gusto nilang kumain ng burger. Alas singko pa lang pero medyo madilim na. Nasa park na sila at nakatake-out na rin ng burger steak. Nakaupo lang si Mithi sa bench nang lapitan siya Alab.“Mama, hindi pa po ba tayo uuwi?” ang tanong ni Alab, na iniwan si Mayumi at Bagwis sa swing. “Hindi pa muna anak…” “Bakit po takot si Mayumi kay papa, mama?” Nangapa si Mithi ng sas
Habang naghihintay si Mithi sa labas ng banyo, nakita niya si Kallahan na palapit sa kaniya. Hindi niya ito pinansin kahit na batid niyang sa kaniya ito papunta.“Wife… Can I borrow our children? Gusto ko sana silang makatabi sa pagtulog mamaya.” Ang sabi ni Kallahan. “I miss them..”Hindi sumagot si Mithi. Nasira lang ang araw niya sa sinabi ni Kallahan. Lalo’t batid niyang hindi kasama si Mayumi sa children na yun.“Wife-" napatigil si Kallahan ng biglang nagring ang cellphone ni Mithi.Nang makita ni Mithi ang pangalan ni Luis sa screen niya, agad siyang lumayo kay Kallahan at sinagot ito. Kumunot ang noo ni Kallahan habang nakatingin sa kaniya.Iniisip niya sino marahil ang tumawag sa asawa niya.“Mithi, may nakuha na akong impormasyon tungkol kay Joy. Can you come here?”“Sige..” Sabi ni Mithi.Tumingin siya kay Kallahan at naabutan niya itong nakatingin sa kaniya ng mariin. Sakto namang lumabas si Alab at Bagwis galing CR.Nang makita nila si Kallahan ay agad silang tumakbo palap