“Don't worry as long as you love each other, walang magiging problema.” Hindi nawala sa isipan ni Mithi ang sinabi ni Connor. Nakarating na sila sa bayan, doon mismo sa hotel kung saan sila magchi-check in ni Shamcey. Nang makababa sila ng sasakyan, hinawakan ni Mithi ang damit ni Connor kaya tumigil ito at tumingin sa kaniya ng may pagtataka. "I don't love him now." Natawa si Connor. "Isang oras mo inisip ang isasagot mo sa sinabi ko. Iyon ba ang you don't love him mo?" "I hate you." Sabi ni Mithi at inirapan siya. Nginisihan lang siya ni Connor at sumunod dala ang bag niya. "Para kang teenager na nagsisinungaling sa magulang." "Bakit ba pakialamera ka? Huwag mo nga akong kausapin.” "Wala naman akong masamang sinabi. Saka bakit ang sungit mo? Wait, same room ba kayo ni Shamcey?" Nakasunod lang siya kay Mithi. Papunta sila sa second floor. Nandoon na kasi si Shamcey at hinihintay sila. Pagdating nila sa hotel room, agad silang sinalubong ni Shamcey. Nakapambahay na ito at may
“Kelleon, ano ba! Bakit mo pa ako dinala dito para mag-usap?” nagagalit na si Shamcey lalo’t ayaw pa naman niyang kinakaladkad siya ng kung sino-sino. “Is it true? Na ipagkakasundo kayo ni Connor?” Bigla siyang natahimik. “Anong sabi mo?” “He told me.” Aniya. “Na ipagkakasundo daw kayo. Paano ako, darling?” napuno ng lambing ang boses nito sa huling sinabi niya. Napakamot si Shamcey sa noo niya. Gusto nalang niyang makita si Connor ngayon at balatan ng buhay. “Pwede ba Connor— I mean Kelleon."Biglang nandilim ang mukha ni Kelleon. “Now.. I’m not happy. Let’s go straight to your father. Dapat malaman niya na ako ang gusto mo.” Kinuha ni Connor ang kamay niya kaya agad niya itong binawi. “Teka nga muna. Pwede ba, huwag ka munang praning.” Saka anong gusto pinagsasabi mo? Gusto pa sana niyang itanong. “Bakit si Connor ang nabanggit mo? Kelleon naman ang pangalan ko.” “Huy! Okay ka lang? Hindi ba pwedeng magkamali?” pang-aalaska ni Shamcey sa kaniya. Siya ang buntis pero pakira
Kinabukasan… kabado si Mithi habang papalapit siya sa resto na pinag-usapan nila ni Kallahan. Pagpunta nila Shamcey, naka close ang buong lugar. Para bang nirentahan ni Kallahan ang buong resto kaya sila lang ang tao. Pagpasok niya, alam na niya agad na pinalagyan ni Kallahan ng decoration ang buong lugar dahil maraming mga heart designs at balloon sa paligid. “Para namang magpo-propose si Kallahan sayo, Mithi.” Sabi ni Shamcey sa tabi. Nakatayo ang dalawang lalaki sa harapan, hinihintay nila na makaabot si Mithi at Shamcey sa kanila. “Darling, let’s give them a space?” sabi ni Kelleon sabay lahad ng kamay. “Hindi ako aalis dahil baka mamaya, tangayin ni Kallahan itong kaibigan ko.” Napakamot si Kelleon sa ulo niya. "We'll not go out. Sa tabi lang tayo ng sa ganoon ay makita mo pa rin sila." Pinagkunutan ni Shamcey ng noo si Kelleon bago siya tumingin kay Mithi. "Ayos lang ba iwan kita mag-isa sa kaniya?" "She's my wife. I won't hurt her." Pagsingit ni Kallahan. "You already
“Iyon lang ang gusto kong malaman… Aalis na ako.” Sabi ni Mithi. Tumalikod na sila ni Shamcey dahil buo na ang desisyon niya na hindi siya babalik kay Kallahan pero sa pagtalikod nila, nagulat sila ng makita na may mga guards na sa harapan nila. Nanlaki ang mata ni Mithi. “What’s this?” gulat na tanong niya kay Kallahan. Nakita niyang pinunasan ni Kallahan ang luha sa mga mata niya. Pagkatapos ay kinuha ang isang silya na nasa tabi lang at umupo dito habanag nakakrus ang paa. “First of all, I’m tired with the chase…” Biglang kinabahan si Mithi lalo na nang makita niya ang nakakatindig balahibo na ngiti ni Kallahan sa kaniya. “Second, bakit ka uuwi e ako ang asawa mo? Hindi ba dapat uuwi ka sa bahay ko?” "KALLAHAN! Wala ito sa usapan..” "Third, you promised you'll stay with me. Are you going to break that promise, wife?" "Nababaliw ka na ba Kallahan?" tanong ni Shamcey na itinago pa si Mithi sa likuran niya. Siya ang labis na nagagalit ngayon sa asal ni Kallahan. "I am complete
Pagdating ni Kallahan at Mithi sa bahay nila, mas dumoble ang bilang ng mga maid at security guards ang nakikita niya. Hindi niya makita si Shy, tanging si Alfred lang at ibang mga katulong dati.“Are you tired?” she heard Kallahan pero hindi niya ito pinansin.Umupo sya sa sofa at pumikit. Ang hapdi na ng mata niya kakaiyak kanina. Gusto nalang niya magpahinga ngayon.Wala rin naman siyang magagawa kung patuloy siyang makikipag-away kay Kallahan.Napamulat siya ng mata ng maramdaman na may kamay na tila humihilot sa mga paa niya.“Don’t move,” Kallahan said. “It’ll tire you kung makikipagtalo ka sa akin.”“Do you think magiging maayos tayo sa ginagawa mo?”“No. But at least I make an effort to show how sincere I am to you.”Hindi nakapagsalita si Mithi. Nakatingin lang siya sa asawa niya na seryoso sa ginagawa.“Nasaan si mama?”“Your mom can wait. Magpahinga ka muna. Pupuntahan natin siya bukas.” Sabi nito at binuhat siya para dalhin siya sa kwarto nila.“I hate you.”“I know but I l
Nagising si Mithi bandang madaling araw. Bumangon siya ngunit natigilan ng makita ang asawa niya sa sahig na natutulog. Kahit na may sapin ang hinihigaan niya, alam niyang iba pa rin ang lambot pag sa kama mismo natulog. Narinig niya ang sinabi ni Kallahan kanina sa papa niya at kay Donya Merita. Bigla siyang may napaisip. Napatawad nga niya ang papa niya kaagad, pero bakit hirap siyang maging maayos sila ni Kallahan ngayon? Bakit hirap siyang patawarin ito? Hindi niya mapilit ang sarili niya na maging okay sila. Kahit pa may baby na sa tiyan niya, hindi niya pa rin mahanap sa sarili niya na patawarin ito.Nagutom siya bigla kaya tumayo siya para magluto ng makakain niya lalo’t wala siyang maid na mauutusan dahil tulog na lahat. “Where are you going?” napatingin siya sa sahig at nakita niya si Kallahan na nakaupo na at nakatingala sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin. Ngayon lang niya napansin na mahaba na pala ang buhok ni Kallahan. “Are you hungry? May gusto ka bang kainin?” Hind
When Kallahan said hinihintay siya ni Angel sa loob, nagmamadaling pumasok si Mithi sa loob ng bahay. Naabutan niya doon ang mama niya.Nakatayo ito habang nakaharap sa labas ng bintana.Bigla siyang napatakip ng bibig niya. “M-Mama!”Si Angel, na narinig ang boses ng anak ay agad na lumingon kay Mithi. Kitang kita sa mukha nito ang pagkabigla.Alam ni Francheska na maliban sa Mithi e wala ng ibang nari-recognize ang pasyente niya. But right now, she saw plenty of emotions. Na para bang si Mithi ang susi para magtrigger ang mga ala-ala ni Angel na nakabaon na sa kanyang subconscious mind.“Mama… Ako to.. Si Mithi.”Nakita nila ang luha na tumulo sa isang mata ni Angel.Suddenly, plenty of memories flashed into her mind.Nakita niya ang ibang ala-ala niya noon na kasama ang anak niya.Hindi lahat but she recalls some. And at this point, all of them heard her say, “anak…”She recognized her only daughter. The reason why she’s still holding on.Mas lalong umiyak si Mithi at agad na tumakb
Pagpasok ni Kallahan sa loob ng bahay, naabutan niya si Mithi na nakayakap sa mama niya patagilid ngunit nakaupo na sa sofa.Lumapit siya dito at yumuko sa harapan nila. Ngumiti siya at inabot ang pisngi ni Mithi. Pinunasan niya ang luha sa pisngi nito at marahang hinimas ang ulo nito.“Are you happy?”Mahinang tumango si Mithi. Hindi pa rin siya makapaniwala na gising na ang mama niya ngayon.“Kailangan na nating umuwi.”Biglang natakot si Mithi. Ayaw niyang umuwi. Gusto lang niya sa bahay kung nasaan ang mama niya.“Si mama..”“Kailangan pa niyang magpagaling.”“Sa bahay nalang natin siya Kal..” Pakiusap niya. Natawag na nga niyang Kal si Kallahan at tuwang tuwa naman si Kallahan na marinig yun.Nang makita na hindi pa siya sumasagot, agad na lumapit si Mithi sa kaniya at niyakap siya. Ibinaon pa nito ang kaniyang mukha sa leeg niya at umiyak. “Please…. Isama natin si mama. Doon na lang siya sa bahay natin.”Tumingin si Kallahan kay Francheska. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Ram