"Ano'ng sinabi mo?" sa kabila ng panghihina ay naintindihan niya kung ano ang sinasabi nito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig iyon at napatingin sa doctor. Hindi siya makapaniwala dito, paanong hindi magiging anak ng asawa niya ang batang dinadala niya?
"Pasensya na,Sapphire." Hindi makatingin si doctor Romualdez sa kanya dahil sa pagkahulog ng konsensya: "Nung dumaan ka sa akin para sa IVF, nagkamali ang assistant doctor sa pagkuha ng tamang sperm test tube. Nang malaman ko, huli na na ang lahat." "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" may luha sa kanyang mga mata ng malaman iyon. Labis na nadurog ang kanyang puso. "Pasensya na, talagang pasensya na." Humagulgol si doctor Romualdez at naputol ang boses sa pag-iyak: "Alam mo naman ang kalagayan ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Briones. Kung malaman nila na nagkamali ako ng ganito kalaking pagkakamali, siguradong mawawala ako sa trabaho at pati lisensiya ko ay maaaring mawala." Wala nang masabi pa si Sapphire. Ang sikreto ng kanyang pagbubuntis ay biglaang dumating kung kailan, nasa kritikal na siyang sitwasyon. Hindi siya maaaring maging mahina ngayon. Kailangan niyang mag isip upang mapangalagaan ang kanyang anak. Habang tahimik silang dalawa, biglang dumating ang nars, kaya naudlot ang kanilang pag uusap. “Nasa kabilang operating room ang asawa ni Sapphire doc, binabantayan ang operasyon ng ibang pasyente.” "May puso ba siya?" Hindi napigilan ni doctor Romualdez ang sigaw: "Kung hindi niya itinulak si Sapphire para sa ibang babae, hindi sana nauwi sa ganito. Paano ba siya..." Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin, dahil pinigilan siya ni Sapphire sa braso, saka ito nagsalita ng kalmado. "I-salba mo ang bata." pakiusap nito sa kanya. "Pe-pero Sapphire–." "Kung hindi man anak ni Dexter ang bata,siya naman ay anak ko,." nakangiti niyang sabi, “buti na lang at hindi ito anak ng aking asawa. Mas maluwag kong tatanggapin sa aking puso ang aking anak. Buti na lang at sinabi mo sa akin ang katotohanan.” Masyado ng malupit ang buhay para sa kanya. Paano niya maaatim na ang kanyang anak ay ibigay sa dalawang taong nagtaksil sa kanya? Hindi niya iyon pahihintulutan. “Napabuntung hininga ang doctor, saka hinawakan ang kanyang mga kamay, may awa sa mga mata nito at sinabi sa kanya, “sige, isasalba ko ang buhay niyong mag ina..” “Naniniwala ako sayo doc. Kapag nailigtas mo ang anak ko, makikipaghiwalay ako agad kay Dexter..” determinado ang tinig ni Sapphire ng mga sandaling iyon. —-- Tatlong oras ang mabilis na lumipas.. Habang pinapalakas ng doctor ang loob ni Sapphire, iniharap niya ang baby sa ina, “tingnan mo kung gaano kaganda ang anak mo,” siya ay naiiyak sa labis na tuwa habang hawak ang batang nakabalot sa lampin. Ipinakita niya iyon sa babae. Pinilit imulat ni Sapphire ang kanyang pagod na mga mata, at nakaramdam ng ginhawa ng makita ang kanyang anak na tangan ng doctor. Labis ang saya ng kanyang puso ng mga sandaling iyon. Nasa kasiyahan sila, ng biglang bumukas ang pinto ng operating room, at nagsalita ang taong naroroon, “kailang matatapos ang operasyon? Nakatanggap kami ng ulat na may sinaktang tao ang babaeng nagngangalang Sapphire Briones. Kailangan agad siyang mailipat sa pangangalaga ng kapulisan.” Nanginig si Doctor Romualdez habang hawak ang bata, at tumingin sa pinto na waring naguguluhan, “tumawag ng pulis ang asawa mo, upang arestuhin ka.” Ang ngiti ni Sapphire ay biglang napawi. Hindi niya akalaing ganoon kalupit ang lalaki. Hindi makapaghintay na mamatay siya, at kunin ang kanyang anak upang makasama nila ng kanyang kakambal. Kung malalaman ng lalaki na hindi niya anak ang bata, baka kung ano pa ang gawin nito. Wala na siyang pagpipilian. Nagdisisyon siya ng biglaan, para na rin sa kaligtasan ng kanyang supling, “Doc, may paraan ba, upang maibigay sa tunay niyang ama ang bata?” Alam niya, na gusto iyon ng tatay nito, dahil kaya ito nagpreserved ng sperm, upang magkaanak. Gusto ng lalaki na maging tatay. Biglang nagpanic si Doctor Romualdez. “Si-sigurado ka ba sa nais mo?” mahina lang ang usapan nilang iyon. Tumango siya bilang pag sang ayon. Tinitigan siyang maigi ng doctor, pati na ang batang bagong panganak. Parehong mahina ang mag ina, nakonsensiya ang doctor, saka nagsalita, “pangako.. Gagawin ko ang nais mo..” Napabuntunghininga si sapphire. Buo na ang kanyang disisyon. Hindi siya papayag na bigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa at ang kabit nito. “Huwag mong alalahanin ang mga pulis sa labas. Hanapin mo ang tatay ng anak ko, at sabihin mo sa kanya, na naipanganak na ang bata..” utos niya dito. KInausap ni doctor Romualdez ang nars, at napatingin ito ng may awa kay Sapphire, saka tuluyang lumabas ng operating room. Hindi pa nagtatagal, pumasok sa operating room si Dexter, na matalim ang mga mata. “Kumusta ang anak ko?” tanong niya sa doctor na kaharap. “Pasensiya na sir, hindi pa stable ang lagay ni Sapphire..” sabi ng doctor habang nakatingin ng malungkot kay Dexter. “Wala akong pakialam sa kanya, ang kailangan ko ay ang bata, nasaan siya?” may pagkahari kung mag utos ang lalaki na parang siya ang Diyos ng lahat. “Labis na pagdurugo ang nangyari sa asawa mo dahil sa tindi ng pagkakatulak mo sa kanya,” may diin na wika ng doctor, “hindi na namin naisalba ang bata. Nais mo ba siyang makita? Patay na siya noong ilabas, hindi na humihinga..” malamig na tiningnan ng doctor si Dexter, dala na rin ng pagkainis niya sa nangyari. Napatingin si Dexter sa babaeng nakahiga sa operating table. Hindi niya alam kung bakit parang may kumurot sa kanyang puso. Ang babaeng iyon ay walang emosyon, na hindi niya nakikita noon. Sa kanyang alaala, si Sapphire ay babaeng puno ng buhay. Masiyahin siya at laging masigla. Hindi gaya ni Emerald na laging malungkot at parang kailangan ng karamay. Ilang taon na ang nakakalipas, ng magdonate ito ng bone marrow para sa kanyang lolo. Ganito din ang eksena noon. Nakahiga ang babae sa operating table, may mga matang kumikislap na kapag nakatingin sa kanya ay mababanaag ang labis na paghanga. Ngunit sa sandaling iyon, walang bakas ng kasiyahan o kalungkutan sa mga mata ng babae. Malamig lang itong nakatingin sa kanya, saka nag iwas ng tingin, na para bang inalis na siya ng tuluyan sa puso nito. Subalit ang damdaming ipinakita ng babae, ay parang nagbigay sa kanya ng labis na inis. Hindi siya sanay sa ganoong klase ng pakikitungo nito sa kanya. Lagi itong nagbibigay sa kanya ng masayang mukha at masigasig na ngiti. Biglang sumikip ang kanyang dibdib. Pinigilan niya ang kanyang damdamin bago nagsalita, “sige..” Wala naman siyang magagawa, anak niya iyon, kaya nais pa rin niya iyong makita. Si Sapphhire ay nakatingin lang sa kisame at hindi nagsasalita. Nagtama pa ang mata nila ni Doc Romualdez na sa tantiya niya ay kinakabahan din. Bitbit ang buting lampin kung nasaan ang natutulog na bata, unti unti itong iniaabot ng doctor kay Dexter. Kinakabahan siya na baka malaman ng lalaki na niloloko lang nila ito. Pigil ang hininga, itinaas ni Dexter ang kanyang kamay, upang abutin ang puting lampin na nasa braso ni Doctor Romualdez. Habang papalapit na ang kanyang mga kamay sa bata, isang nars ang humihingal na dumating at tinawag siya. “Mr. Briones, si Miss del Mundo ay nasa kritikal na kalagayan sabi ng doctor..” Napatigil ang kamay niya sa ere, at mabilis na umikot palabas ng silid ng walang pag aalinlangan. Itinaas ni Sapphire ang kanyang braso sa kanyang noo. Tumawa siya ng sobrang pait at kalungkutan. Ang pag agos ng likidong iyon mula sa kanyang mga mata, ay hindi maampat. Wala siyang salitang makuha para ilarawan ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Ganito pala ang magiging wakas ng pagmamahal niya kay Dexter. Ngayon, naiintindihan na niya. Ang mga taong nagmamahal ng tapat kay Dexter, ay binabalewala nito at pinapasakitan. Kokontrolin ang buhay pero hindi tutugunan ang pagmamahal. At talagang ipinakita nito na wala itong pagmamahal sa kanya, ni katiting, dahil kahit sa huling sandali ng buhay ng anak nito, ang babaeng mahal pa rin nito ang kanyang piniling puntahan. Hindi siya kayang mahalin ng lalaki, kahit kailan. At doon, dumaloy ang pagsisisi sa kanyang puso. Matapos ang ilang oras, ang mga pulis sa labas ay hinuli siya, at dinala sa kulungan. Hindi makapaghintay ang asawa niya na hindi siya itapon sa bilangguan at ng patuloy na nitong makasama ang kanyang kakambal. Isang linggo ang ginawang pagdinig sa kaso niya, at nakasuhan siya ng intentional injury. Nagkaroon ng panganib sa buhay ng biktima at hinatulan siya ng limang taon na pagkakabilanggo. —---- LIMANG taon ang matuling lumipas… Bumukas ang dalawang bakal na pinto ng correctional kung saan nanirahan si Sapphire ng limang taon. Isang payat na katawan ang mabagal na lumakad palabas ng gate, suot ang isang maternity dress suot niya noong mapasok sa lugar na iyon. Hindi siya nagmamadali na umalis tulad ng karamihan na nakakalaya. Sinipat niya ang building na iyon na may mataas na pader, huminga ng malalim at tumayo ng maayos. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid. Mula sa edad na bente hanggang bente-singko, dahil lang sa pagmamahal sa maling tao, kailangan niyang ilibing ang pinakamagandang taon ng kanyang buhay dito. Kailangan niyang magsakripisyo dahil lamang sa kamaliang nagawa niya na ang mga taksil niyang minamahal ang may kagagawan. "Sapphire…." Isang pamilyar na boses iyon sa kanya, na kung maaari ay ayaw niyang marinig. Biglang kumabog ang kanyang puso, at ang mga mata niya ay parang mga alon sa tubig. Hindi niya maintindihan, ngunit iyon ay dahil sa galit.Hindi kalayuan, isang lalaki ang lumabas ng sasakyan at tumitig sa payat na pigura ng babae na bagong laya. May habag sa mga mata ni Dexter ng makita ang asawa.Marahil, ang limang taong sentensiya sa babae ay masyadong mahaba, kaya ito ay nagbunsod sa ganitong klase ng pangangatawan nito. Biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nila, na parang hindi sila magkakilala.Nakakunot ang noo ng babae ng makita siya. Agad niya itong nilapitan, itinaas ang kanyang kamay, at ninais na hawakan ang mga balikat nito. Ahit ano pa ang mangyari, nananatili pa ring asawa niya si Sapphire kahit limang taon silang nagkahiwalay.Sa susunod na segundo, nagulat siya, ng mismong ang babae ang umiwas sa kanyang paghipo, na noon ay gustong gusto nito.Inuri ni Sapphire si Dexter, mula ulo, hanggang paa, saka mapait na ngumiti. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Sa malapitan, makikita ang kaungkutang nasa mga mata niya, na nagdulot sa lalaki, ng pag iwas at matinding pagkalito.“Sumakay ka na,” iginiit ni D
Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito.Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute at kaaya aya sa suot na beige na damit. Para siyang eksaktong kopya ng munting prinsipe mula sa isang fairy tale.Ang batang nasa kanyang mga bisig ay hindi natatakot o nahihiya. Mas ibinilog nito ang kanyang malalaking mata at ngumiti sa kanya: "Ayos lang po, si Liam ay isang lalaki, hindi natatakot sa sakit."Lumingon ang bata sa kabilang gilid at nakita ang isang taong nakatayo sa harapan, “daddy, nahuli ka, naunahan ka ng magandang ate na ito upang saluhin ako..”Ngumiti si Sapphire at ibinaba ang bata, saka sinalubong ang tingin ng isang lalaking nasa harapan nila. May madilim itong mga mata na parang kulimlim sa kalangitan.Sa mainit na sikat ng araw, ang guwapong lalaki ay matangkad
Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?”“So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter.“Ngayon, niloloko mo si lola, at naiisip mo pa, na dapat makasama ko ang anak mo, araw araw? Na aalagaan ko siya? Humanap ka ng yaya kung gusto mo!” iritang sagot ni Sapphire sa lalaki.“Sapphire, huwag mong isipin na bibigyan kita ng pagkakataon, para saktan si Arabella, at isa pa, pareho nating alam, na hindi ka ganoong klase ng babae. Hindi ka masama at hindi ka pumapatol sa mga bata.” ngumisi pa si Dexter na may halong pagbabanta, “kung anuman ang galit mo sa amin ni Emerald, tiyak na gagantihan mo kami, pero alam ko, na hindi mo kayang manakit ng isang inosenteng bata.”Sinabi ni Dexter iyon, na parang sigurado ito, na mabuti pa rin siyang tao. Nakaramdam ng labis na sakit sa puso si Sapphire. Pakir
Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang napatingin sa hagdanan.Napakurap si Sapphire at sinundan ang tingin ng bata. Nauunawaan niya ang nais ipahiwatig nito.Masasabing magkadugtong ang puso ng mag-ina.Kahit hindi karapat dapat si Emerald na tumira sa bahay kasama ang pamilya, narito naman ang anak nito, na parang hindi siya nais patahimikin."Hmph!"Si Arabella iyon, na pumapadyak sa hagdanan, at ng mapansin na nahuli siya ng mga tao sa taas, nagmamadali siyang tumakbo sa ibaba ng bahay."Naku, siguradong magsusumbong na naman siya kay Kuya Dexter," naiiling na sabi ni Liam, habang inaakay siya papasok sa loob ng walk in closet upang makapamili ng damit na susuotin."Magaling pumili si Daddy ng damit. Maganda ka sa kahit alin,
Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain. Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hining
Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw.Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayamanan nito. Kapag nakabayad siya sa lalaking iyon, makakalaya na siya.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Sapphire mula sa sasakyan at diretso nang pumasok, pilit na pinapalampas ang sakit sa kanyang bukung-bukong na sumisigid sa kanyang binti. Ang heels na nagpapahirap sa kanya ay masyadong mataas.Ang kanyang make up, na nagbibigay sa kanya ng kaakit akit na aura, at off shoulder na damit ay bumagay sa kanyang anyo. Ang kanyang makurbadang katawan ay talagang kaaya aya at kapansin pansin. Sino ang mag aakalang bagong laya lang siya?"Kumalma ka, Sapphire, gusto ni Dexter ng laro? pagbigyan mo siya!" bulong niya sa kanyang sarili, habang nabibingi sa tugtugan sa entrance pa lang ng club.Sa kal
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong na tunog ng nabaling buto at daing ng sakit.Ang lalaking kanina’y arogante ay napangiwi ang mukha, at sa isang iglap ay napasigaw at bumagsak sa sahig.“Master Ezekiel..”Nanginginig sa takot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan ngunit hindi maglakas-loob na lumapit, ibinaba na lamang ang kanilang mga ulo nang mababa. Hindi nila kayang pigilan ang lalaki na bugbugin ang kanilang amo.Ang babaeng hawak nila ay hindi na isang kasiyahan para sa kanilang batang amo, kundi isang delikadong pasanin na magdadala ng sakuna. Sinong mag aakalang nais lang ng lalaki ng babaeng makakaulayaw, subalit ang natagpuan ay isang babaeng magpapahamak dito?“Lumayas kayo.” sigaw ni Ezekiel sa kanilang lahat.
Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nang hindi lumilingon.Sa loob ng silid, natakot si Emerald sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto. Nanginig ang buong katawan niya, at bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad.Mula nang magkita sila ni Dexter at mahulog ang loob sa isa’t isa, maliban sa ilang araw noong ikinulong si Sapphire limang taon na ang nakalilipas, hindi pa naging ganito kalamig at walang pakialam si Dexter sa kanya.Matagal na silang magkakilala at nagmamahalan, kaya hindi siya ganoon kahina para hindi matanggap ang anumang pagbabago nito.Ngunit hindi niya matanggap ang bawat pagbabagong ginagawa ni Dexter sa kanya, lalo na kapag may kaugnayan iyon kay Sapphire.Noong gabing iyon, bumalik si Dexter sa lumang b
Dito niya unang ginamit ang gps. Para malaman niya, kung anong oras pumasok si Sapphire ng bar, at anong oras ito lumabas.Alam niya na hindi makakapunta ng hotel mag isa ang kanyang kapatid, siguradong may kasama iyon. At nung pakiramdam niyang nasa kalagitnaan na ng paghalinghing ang kapatid at may kaulayaw na ibang lalaki, doon na siya tumawag sa mga pulid.Sa pagkakataong ito, malalaman ni Dexter na niloloko siya ng kanyang asawa.Ang pornograpiya ay isang krimen na mahigpit na ipinagbabawal. Maaaring makulong na naman ang babae, at malalaman ng lahat ang krimen na ginawa nito, at hindi na ito matatanggap ng pamilya ni Dexter. At siya, bilang matagal ng karelasyon ng asawa ng kanyang kapatid, ay magkakaroon na ng pagkakataon na makapasok sa tahanan ng mga Briones, at maging bagong young madam saa bahay na iyon.Kailangang bumalik sa kanya ang pagmamahal ni Dexter, dahil napapansin niya ang pagbabago sa ikinikilos nito, magmula ng makalaya ang kanyang kapatid.----NAGISING si Sapp
Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, ang babaeng mahinhin at hindi makabasag pinggan, ay biglang nagbago.Hindi masyadong common na nakikita ang kabilang pag uugali ni Sapphire, ang kanyang kayigasan ng ulo, at kakulitan. Subalit hindi iyon nakakairita, mas cute pa iyong tingnan, at nakakapagpataas ng interest na mas kilalanin pa ito.Inalalayan ni Ezekiel ang babae, ng pumasok ito sa banyo, upang hindi ito madulas. Ang kanyang mahabang braso ay nakaikot sa balingkinitan nitong beywang. Pinagpasensiyahan niya na lang ang inaasal nito, "May tubig sa lamesa, malapit sa kama. Halika, sasamahan kita doon para makainom ka na ng tubig.""Oo nga.." tatawa tawa si Sapphire habang kumakapa sa dingding ng shower, "ano ba? wala ba akong makukuhanan ng tubig dito? nauuhaw na talaga ako, gusto ko ng uminom!" may kakulitan niyang sambit."Saglit lang!" pigil sa kanya ni Ezekiel.Subalit bago pa mabuo ang mga salitang nais sabihin ni Kiel, napindot na ng babae ang button ng shower.Nabasa ang dalawang
Habang nagsasalita si Arabella, binitiwan niya ang kamay ng yaya at inosenteng tumakbo papasok sa silid."Humph, siguradong ako ang pinakaminamahal ni Daddy, kaya ayaw kong magkaroon ng kahit sinong mommy na makikipag-agawan sa pagmamahal niya," bulong niya sa sarili.Natutuwa si Sapphire ng makita ang bata na pumasok sa kwarto. Nailigtas siya nito sa tiyak na kapahamakan, "oh, sasama na sayo si Daddy," napangiti siya habang nakatingin siya kay Dexter."Ara, bakit ka nandito?" Tumayo mula sa kama si Dexter, ang gwapo niyang mukha ay napakadilim na parang babagsak ang ulan, at sinigawan ang yaya sa likod ni Ara, "Walang silbi! Sinabi kong bantayan mo ang bata. Mag-impake ka ng mga gamit mo at umalis ka na ngayon din!"Habang pinapaiyak niya si Ara at ang yaya, tumalikod siya at tiningnan si Sapphire, pero napansin niyang lihim na itong bumangon at nakapuslit palabas sa side door ng dressing room.------PAGKAALIS mula sa lumang bahay, naghanap si Sapphire ng banyo upang magpalit ng dam
Matapos niyang bugbugin ng salita si Emerald, at durugin ng husto, nakangiti siyang lumabas ng bahay na iyon.Nang magsara ang pinto, natakpan nito ang paranoid at galit na mga mata ni Emerald na puno ng poot.Pagdating ng tanghali, nakauwi na siya sa lumang bahay ng mga Briones. Subalit mababanaag doon ang kakaibang atmosphere, parang nakakakaba.Kinuha ng kasambahay ang bag mula sa kanyang kamay at nininerbiyos na sinabi, "Madam, hinihintay ka ng Master sa kwarto."Sandaling natigilan siya ng marinig iyon, bago marahang tumango at umakyat sa itaas ayon sa utos.Sa kwarto, isang matangkad at payat na lalaki ang nakaupo sa mesa na may madilim na ekspresyon. Ang kanyang kurbata ay basta na lang itinapon sa gilid ng mesa, at ang mga dokumentong dati’y maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig dala ng galit.Nang buksan niya ang pinto at pumasok, nagtama ang kanilang mga mata ni Dexter. Pareho silang natigilan.Noon pa man, si Sapphire ay laging tahimik na nagmamasid sa anyo ng lalaki
Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way, hindi umuwi ang kapatid mo kagabi, may kinalaman ka ba dito? wag mo siyang sasaktan ulit, hindi pa maayos ang heart transplant niya."Pagkalipas ng limang taon, si Emerald pa rin ang mahalaga sa bahay na ito. Siya pa rin ang inaalala ng pamilya niya.Tumigil si Sapphire habang nakatalikod sa ina. Parang tinaga ang kanyang puso sa pangungusap nito. Medyo masakit iyon kung tutuusin. Parang hindi siya anak sa bahay na iyon.Mula pagkabata, sanay na siyang tratuhin ng ganito ng kanyang pamilya, ngunit bawat pagkakataon, hindi maiiwasan ang lungkot na dulot ng pagbasag sa kanyang puso."Huwag kayong mag alala, alam kong mahal niyo si Emerald, bakit ko naman siya sasaktan?" hindi na niya nilingon