Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?”
“So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter. “Ngayon, niloloko mo si lola, at naiisip mo pa, na dapat makasama ko ang anak mo, araw araw? Na aalagaan ko siya? Humanap ka ng yaya kung gusto mo!” iritang sagot ni Sapphire sa lalaki. “Sapphire, huwag mong isipin na bibigyan kita ng pagkakataon, para saktan si Arabella, at isa pa, pareho nating alam, na hindi ka ganoong klase ng babae. Hindi ka masama at hindi ka pumapatol sa mga bata.” ngumisi pa si Dexter na may halong pagbabanta, “kung anuman ang galit mo sa amin ni Emerald, tiyak na gagantihan mo kami, pero alam ko, na hindi mo kayang manakit ng isang inosenteng bata.” Sinabi ni Dexter iyon, na parang sigurado ito, na mabuti pa rin siyang tao. Nakaramdam ng labis na sakit sa puso si Sapphire. Pakiramdam niya ay minamaso ang kanyang dibdib, at parang nais durugin ang kanyang puso.Bigla siyang ngumiti ng walang kagalakan. Anong klaseng buhay ito? Niloko na siya, tinarantado at winalanghiya, tapos iisipin ng lalaking ito na wala siyang masamang puso? Anong kagaguhan ang tumatakbo sa isipan ng kanyang asawa para mag isip ng ganoong bagay? Oh baka naman, masyado siyang mabait noon, kaya ang kanyang kakambal, at si Dexter ay nagsanib pwersa upang pabagsakin at sirain ang buhay niya? Sa huli, siya ba ang nagkamali, sa pagiging mabuti niyang tao at nilinlang siya ng mga taong mahal niya? Ang ekspresyon niyang iyon, ay napansin ng kanyang asawa. Nilapitan siya nito, hinawakan ang kanyang baba at itinaas ang kanyang ulo paharap sa lalaki, “anong nakakatawa? Anong naiisip mo?” Itinaas niya ang kanyang ulo alinsunod sa kung paano ito hawakan ni Dexter. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatingin sa mga mata ni Dexter na kung kayang dukutin ng kanyang tingin ang mga mata nito ay ginawa na niya, “ang tinutukoy mong babae, ay ang babaeng pinakasalan mo, hindi ang babaeng nakulong at nasentensiyahan.” Ngumiti siya ng may pangungutya, ang mga mata niya ay malungkot at madilim, subalit walang luha, saka siya pabulong na nagsalita, “limang taon na ang nakakaraan, muntik ko ng patayin si Emerald. At ipinakulong mo ako, humabi ng kasinungalingan, at ngayong nakalaya na ako, iniisip mong ako pa rin ang dating si Sapphire na may mabuting puso, nahihibang ka na ba?” Pinagmasdan ni Dexter ang kanyang itim na mga mata, parang sinusubukang tuklasin ang katotohanan sa mga salitang iyon. "Kaya, para maiwasan ang anumang aberya sa iyong mahal na anak, maghiwalay na tayo agad. Sabihin mo na lang sa lola mo na hindi mo na gusto ang asawa na pinalaya mula sa kulungan. Wala akong pakialam kahit ako ang magmukhang masama. Dahil ang pagsasamang ito para sa akin ay wala ng kwenta." Narinig ito ni Dexter at pinakawalan ang isang mapanuyang ngiti. Ang lahat ng nangyari bago ito ay tila isang paunang anunsyo, at ang huling pangungusap ay ang kanyang tunay na layunin. Wala ng maaaring sabihin si Dexter kay Sapphire na magpapalugmok sa babae. Alam niyang tapos na itong magsalita. Wala na rin siyang plano pang sabihin dito. Halos sabay na nang natapos magsalita si Sapphire, nagpasyang kumilos nang si Dexter at biglaan at pinunit ang damit ng asawa mula sa balikat. Bumaling ang mapuputi at namumutlang mukha ng babae, sabay takip sa kanyang mga dibdib, “Dexter! Anong ginagawa mo!?” galit na tanong niya sa lalaki. "Anong ginagawa ko?" Ang lalaki ay ngumisi nang may kahulugang pangungutya habang lumalapit sa kanya, "Tayo lang naman ang nandito sa kuwarto, anong pa bang pwede kong gawin sayo?" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, at hindi siya nag-isip ng matagal, tumakbo siya palayo dito. Ngunit bago pa siya makalayo, madali siyang naabutan ng lalaki, niyakap ang kanyang maninipis na baywang at hinila siya pabalik sa mga braso nito, sumubsob siya sa matipunong dibdib ng lalaki. "Hayop ka, pakawalan mo ako!" Daing nya, tiniis ang matinding sakit sa kanyang bukung-bukong, at desperadong lumaban sa pagkakadikit ni Dexter sa kanya. Halos madapa siya sa paghila ng lalaki sa kanya kanina. Nang maisip niyang ito ang tunay na mukha ni Dexter, bigla ang pagba balik-tanaw niya ng mga panahong iniibig pa niya ito ng buong kababaang-loob, naramdaman niya na nakakasuka pala itong mahalin. Napakahayup ng ugali nito. Idiniin pa ni Dexter ang kanyang katawan sa katawan ni Sapphire, at bumulong siya sa babae, na parang pag aari niya ito at pinakamamahal, “may naisip akong permanenteng solusyon, upang hindi ka na makipaghiwalay sa akin, bigyan mo ako ng anak.. Bubuntisin na kita..” ang malademonyong boses na iyon ay nagbigay sa kanya ng ibayong kilabot. Tumitig siya sa lalaki, habang nanlalaban, at nakangisi siyang tumugon, “managinip ka!” patuloy niyang kinakalas ang braso nito na nakapulupot sa kanya. Noong mahal pa niya ito, kahit isang dosenang anak, handa niyang ibigay sa lalaki, subalit ngayon, isipin pa lang niyang magsisiping sila, nasusuka na siya. Maaaring dahil sa sobrang galit, ang mga mata niyang may mga luha ay kumikislap nang may maliwanag na determinasyon. Ang maganda niyang mukha ay puno nggalit, na mas pinili niyang mamatay kaysa sumuko, at wala ni katiting na tanda ng pag-kompromiso sa kanya. Hindi siya papayag na magtagumpay ang lalaking ito sa balak na gawin sa kanya. Nakatutok ang mga mata ni Dexter sa mga pulang mata ni Sapphire na puno ng pagtutol at pagkadisgusto, at hindi niya maiwasang magdamdam ng matinding pagkahulog ng kanyang hininga. Hindi na ito ang babaeng kilala niya. Pagkalipas ng dalawang o tatlong segundo, nagsalita siya nang malamig at malalim: "Kapag nagdalang tao ka sa anak ko, sana hindi mo pagsisihan ang pagiging matigas ang ulo mo ngayon." Pagkatapos, hindi niya alam kung bakit, ngunit nagbago ang tono niya at naging mas malumanay at malambing, "Kung magiging maayos ka naman, susubukan kong hindi ka saktan." Pagkatapos nito, muling itinaas ni Dexter ang baba ng asawa nang may malinaw na layunin. Ang mga mata niyang madilim at malupit ay nakatutok sa mga labi nito na pink at kaakit-akit, at awtomatikong yumuko siya upang halikan ang babae. Hindi niya alam kung ilusyon lang niya, ngunit ang Sapphire na nakikita niya ngayon ay lubhang matigas ang ulo at palaban, hindi gaya ng Sapphire limang taon na ang nakakalipas, na mabait at malambing. Nais na sana niyang halikan ang magagandang labing iyon na kahit kailan ay hindi pa niya natitikman. Ang buong katawan ni Sapphire ay tila naubusan na ng lakas. Tumawa siya nang mapait at biglaang sumuko sa lahat ng laban. Napagod na siyang magpumiglas. Ang hindi pangkaraniwang reaksyon niya ay nagpatigil kay Dexter. Sinuri niya ang ekspresyon ni Sapphire nang malapitan: "Hindi ka na ba lalaban pa, o ito na ba ang gusto mong mangyari?" "Dexter, maganda ang plano mong gamitin ang anak ko para takutin ako, pero sa simula pa lang, hindi ito magiging posible." may pananakot sa tinig niya. Itinaas niya ang kanyang mga mata nang malamig, parang nagsasalita tungkol sa ibang tao, at binigkas ang bawat salita nang malinaw: "Kung nabasa mo lang sana ang surgery report ko noong limang taon na ang nakalipas, malalaman mong nawalan na ako ng kakayahang magkaanak magpakailanman, at lahat ng ito ay dahil sa iyo at kay Emerald. Kayong mga walanghiya kayo ang may kasalanan ng lahat!" Habang sinasabi ito, nanginginig ang buong katawan nya, ngunit pinipigilan niyang hindi umiyak o sumuko.Sa labanang ito, hindi siya papayag na matalo. "Ano'ng sinabi mo?" napakunot ang noo ni Dexter sa kanyang narinig. Bumigat ang kamay ni Dexter na humahawak sa kanya, at hindi naiwasang tumigas ang boses nito”Sapphire, kapag nalaman kong nagsinungaling ka sa akin..." Ngumiti lang si Sapphire na tila walang pakialam. Ang ngiti niya ay maliwanag at puno ng mga bulaklak sa mga mata. Masaya ang kanyang pakiramdam. Magsasalita na sana si Dexter, ng bigla silang abalahin ng butler mula sa labas. Kumatok ito ng may mabibigat na kamay. “Sir Dexter, nais daw kayong makausap ng inyong uncle sa study room. Ipinapatawag niya kayo.” sabi nito mula sa labas. "O sige, pupunta na ako." Hindi mapakali siDexter, ngunit hindi siya makatanggi sa kagustuhan ni Ezekiel. Humakbang siya paatras at binitiwan si Sapphire. Isang matalim na sulyap ang ibinigay niya sa babae bago tuluyang lumingon palabas at naglakad palayo. Nang bumangga ang pinto sa dingding, ang mga pilikmata ni Sapphire, na parang mga pakpak ng paru-paro, ay kumilos ng bahagya, at isang malaking luha ang dumapo sa kanyang pisngi. Unti-unting bumulusok ang tuwid na katawan nya. Sa maluwang na silid, bumagsak siya sa sahig at niyakap ang sarili, tinatangkang pigilan ang mga hikbi habang pinipigilan ang sakit sa pamamagitan ng pagkagat sa kanyang mga labi. Subalit ang mga luhang iyon ay patuloy na umaagos at hindi niya mapigilan. Hindi tiyak kung gaano katagal ang lumipas,naisipan na niyang tumayo, naglakad siya patungo sa banyo na para bang isang isang ligaw na kaluluwa. Hinaplos niya ang kanyang maputlang pisngi sa harap ng salamin, wala siyang kabuhay buhay. Para na lang siyang naglalakad na patay. Wala pa ring balita tungkol sa kanyang anak, at ang kanyang ama ay may malaking utang kay Dexter. Hindi siya pwedeng mag-collapse ngayon. Madami siyang kailangang gawin. "Sapphire, tinatawag ka ng lola para kumain." Nang marinig niya ang malinis at matamis na tinigng batang si Liam, mabilis niyang binasa ang kanyang mukha at nagmadaling maghanda. Paglabas at pagbukas ng pinto, napansin niyang hindi pa pala siya nakapagpalit ng damit. Tumingin Liam sa kanya, ang maliit na ulo ay nakataas, at ang maliit na bibig ay medyo nakakunot, halata ang pag-aalala: "Yanyan, bakit ka umiiyak? Masakit ba ang katawan mo? Tatawagin ko si daddy para tulungan ka." "Okay lang ako."Hinawakan niya ang maliit na kamay ng bata, na naghahanda na sang tumakbo. Maligaya ang kanyang puso nang marinig niya ang malasakit ng bata sa kanya. "Salamat sa pagtawag sa akin para kumain." Tila nag-iisip ang bata, hindi sumagot agad, nang biglang mapansin niya ang isang maliit na anino na dumaan sa hindi kalayuan.Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang napatingin sa hagdanan.Napakurap si Sapphire at sinundan ang tingin ng bata. Nauunawaan niya ang nais ipahiwatig nito.Masasabing magkadugtong ang puso ng mag-ina.Kahit hindi karapat dapat si Emerald na tumira sa bahay kasama ang pamilya, narito naman ang anak nito, na parang hindi siya nais patahimikin."Hmph!"Si Arabella iyon, na pumapadyak sa hagdanan, at ng mapansin na nahuli siya ng mga tao sa taas, nagmamadali siyang tumakbo sa ibaba ng bahay."Naku, siguradong magsusumbong na naman siya kay Kuya Dexter," naiiling na sabi ni Liam, habang inaakay siya papasok sa loob ng walk in closet upang makapamili ng damit na susuotin."Magaling pumili si Daddy ng damit. Maganda ka sa kahit alin,
Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain. Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hining
Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw.Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayamanan nito. Kapag nakabayad siya sa lalaking iyon, makakalaya na siya.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Sapphire mula sa sasakyan at diretso nang pumasok, pilit na pinapalampas ang sakit sa kanyang bukung-bukong na sumisigid sa kanyang binti. Ang heels na nagpapahirap sa kanya ay masyadong mataas.Ang kanyang make up, na nagbibigay sa kanya ng kaakit akit na aura, at off shoulder na damit ay bumagay sa kanyang anyo. Ang kanyang makurbadang katawan ay talagang kaaya aya at kapansin pansin. Sino ang mag aakalang bagong laya lang siya?"Kumalma ka, Sapphire, gusto ni Dexter ng laro? pagbigyan mo siya!" bulong niya sa kanyang sarili, habang nabibingi sa tugtugan sa entrance pa lang ng club.Sa kal
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong na tunog ng nabaling buto at daing ng sakit.Ang lalaking kanina’y arogante ay napangiwi ang mukha, at sa isang iglap ay napasigaw at bumagsak sa sahig.“Master Ezekiel..”Nanginginig sa takot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan ngunit hindi maglakas-loob na lumapit, ibinaba na lamang ang kanilang mga ulo nang mababa. Hindi nila kayang pigilan ang lalaki na bugbugin ang kanilang amo.Ang babaeng hawak nila ay hindi na isang kasiyahan para sa kanilang batang amo, kundi isang delikadong pasanin na magdadala ng sakuna. Sinong mag aakalang nais lang ng lalaki ng babaeng makakaulayaw, subalit ang natagpuan ay isang babaeng magpapahamak dito?“Lumayas kayo.” sigaw ni Ezekiel sa kanilang lahat.
Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nang hindi lumilingon.Sa loob ng silid, natakot si Emerald sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto. Nanginig ang buong katawan niya, at bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad.Mula nang magkita sila ni Dexter at mahulog ang loob sa isa’t isa, maliban sa ilang araw noong ikinulong si Sapphire limang taon na ang nakalilipas, hindi pa naging ganito kalamig at walang pakialam si Dexter sa kanya.Matagal na silang magkakilala at nagmamahalan, kaya hindi siya ganoon kahina para hindi matanggap ang anumang pagbabago nito.Ngunit hindi niya matanggap ang bawat pagbabagong ginagawa ni Dexter sa kanya, lalo na kapag may kaugnayan iyon kay Sapphire.Noong gabing iyon, bumalik si Dexter sa lumang b
Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way, hindi umuwi ang kapatid mo kagabi, may kinalaman ka ba dito? wag mo siyang sasaktan ulit, hindi pa maayos ang heart transplant niya."Pagkalipas ng limang taon, si Emerald pa rin ang mahalaga sa bahay na ito. Siya pa rin ang inaalala ng pamilya niya.Tumigil si Sapphire habang nakatalikod sa ina. Parang tinaga ang kanyang puso sa pangungusap nito. Medyo masakit iyon kung tutuusin. Parang hindi siya anak sa bahay na iyon.Mula pagkabata, sanay na siyang tratuhin ng ganito ng kanyang pamilya, ngunit bawat pagkakataon, hindi maiiwasan ang lungkot na dulot ng pagbasag sa kanyang puso."Huwag kayong mag alala, alam kong mahal niyo si Emerald, bakit ko naman siya sasaktan?" hindi na niya nilingon
Matapos niyang bugbugin ng salita si Emerald, at durugin ng husto, nakangiti siyang lumabas ng bahay na iyon.Nang magsara ang pinto, natakpan nito ang paranoid at galit na mga mata ni Emerald na puno ng poot.Pagdating ng tanghali, nakauwi na siya sa lumang bahay ng mga Briones. Subalit mababanaag doon ang kakaibang atmosphere, parang nakakakaba.Kinuha ng kasambahay ang bag mula sa kanyang kamay at nininerbiyos na sinabi, "Madam, hinihintay ka ng Master sa kwarto."Sandaling natigilan siya ng marinig iyon, bago marahang tumango at umakyat sa itaas ayon sa utos.Sa kwarto, isang matangkad at payat na lalaki ang nakaupo sa mesa na may madilim na ekspresyon. Ang kanyang kurbata ay basta na lang itinapon sa gilid ng mesa, at ang mga dokumentong dati’y maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig dala ng galit.Nang buksan niya ang pinto at pumasok, nagtama ang kanilang mga mata ni Dexter. Pareho silang natigilan.Noon pa man, si Sapphire ay laging tahimik na nagmamasid sa anyo ng lalaki
Habang nagsasalita si Arabella, binitiwan niya ang kamay ng yaya at inosenteng tumakbo papasok sa silid."Humph, siguradong ako ang pinakaminamahal ni Daddy, kaya ayaw kong magkaroon ng kahit sinong mommy na makikipag-agawan sa pagmamahal niya," bulong niya sa sarili.Natutuwa si Sapphire ng makita ang bata na pumasok sa kwarto. Nailigtas siya nito sa tiyak na kapahamakan, "oh, sasama na sayo si Daddy," napangiti siya habang nakatingin siya kay Dexter."Ara, bakit ka nandito?" Tumayo mula sa kama si Dexter, ang gwapo niyang mukha ay napakadilim na parang babagsak ang ulan, at sinigawan ang yaya sa likod ni Ara, "Walang silbi! Sinabi kong bantayan mo ang bata. Mag-impake ka ng mga gamit mo at umalis ka na ngayon din!"Habang pinapaiyak niya si Ara at ang yaya, tumalikod siya at tiningnan si Sapphire, pero napansin niyang lihim na itong bumangon at nakapuslit palabas sa side door ng dressing room.------PAGKAALIS mula sa lumang bahay, naghanap si Sapphire ng banyo upang magpalit ng dam
Ang lahat ng mga muwebles dito ay inayos nina Sapphire at ng kanyang lolo, at inakala niyang nakalimutan na iyon ni Dexter.Biglang sumulpot sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Matagal siyang natigilan bago marahang umusad ang kanyang mga paa at dahan-dahang naglakad sa pulang alpombra.Tahimik ang buong lumang bahay, at tila naglaho ang lahat ng mga katulong.Hanggang sa makalampas siya sa fountain ng estatwa ng anghel, biglang sumabog sa itaas ng kanyang ulo ang isang hand-held salute.Nagkalat sa hangin ang makukulay na laso at marahang bumagsak sa kanyang mga palad at balikat.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa kanyang puso, kaya mabagal siyang lumingon.Sa huling sinag ng papalubog na araw, nakatingin siya nang malalim at may lungkot sa kanyang mga mata, at bigla niyang nasilayan ang lalaking pinakasalan niya.Suot ni Dexter ang puting suit na isinuot niya noong sila’y ikinasal, kasing guwapo at taas pa rin tulad ng dati.Sa paglipas ng maraming taon, nasa
Si Sapphire ay sanay na sa pag-iwas ni Gaston sa responsibilidad, ngunit hindi niya kailanman matanggap ang ganitong ugali. Palagi na lang siya ang nagiging milking cow nito.Sa pagkakataong ito, hindi niya binigyan ng mabuting pakikitungo ang kanyang ama. Walang ekspresyon sa kanyang mukha nang sabihin niya, "Ari-arian iyon ng pamilya Briones, hindi ko personal na ari-arian. Kung habulin ito ng matanda, malamang sa kulungan ka na mananatili habangbuhay.""Hindi, hindi maaari!" Nang makita ang pamumutla ni Gaston dahil sa takot, naging emosyonal ang nanay niya. Umiiyak at sumisigaw, itinulak pa nito si Sapphire,"Sapphire, anak ko, huwag mong hayaang makulong ang tatay mo. Lumuhod ka at makiusap sa matandang babae. Magbigay ka ng ilang anak para sa pamilya Briones bilang pagbabayad sa kasalanan ng iyong ama, maaari ba?"Umubo si Gaston. Ang dati’y galit na anyo ay biglang naging matanda at kuba, lihim siyang sumulyap kay Sapphire."Tama na!" Mariing kinagat ni Sapphire ang kanyang iba
Sa sumunod na segundo, hinubad niya ang kanyang mataas na takong at mabilis na pumuwesto sa kama, sabik na yumakap sa mga bisig ng lalaki na parang kuting, habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa leeg nito, "Dexter, sinabi sa akin ni Sapphire na hindi ka magising, kaya sobrang natakot ako. Buti na lang, ang taong pinakamamahal mo sa puso mo ay ako pa rin. Dumating lang ako, at nagising ka na. Talagang iba ang nagagawa ng tunay na pag ibig..""Sandali." Hawak ni Dexter ang mga balikat ni Emerald at inilayo ito nang kaunti, ang mga kilay niya ay lalong naging malamig, "Ibig mong sabihin, alam ni Sapphire na narito ka?""Oo." Tumango ito na parang normal lamang iyon, itinuro ang pintuan ng silid at nagsalitang may himig na lambing, "Alam niyang hindi ka niya kayang gisingin, pero mas pinili pa niyang hayaan kang manatiling nakahiga rito kaysa hayaan akong lumapit. Hindi ko akalain na magiging ganoon siya kalupit. Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Ara na inabuso siya ni
"Mayroon pa bang iba akong magagawa upang siya ay magising?""Sa personal kong karanasan, kapag nakakaranas ang isang pasyente ng ganitong sitwasyon, ang suporta at presensya ng pamilya ang pinakamahalaga. Iminumungkahi kong ikuwento mo sa kanyang pandinig ang masasayang alaala o mahahalagang bagay na pinagdaanan ninyo. O kung may nais siyang marinig, subukan mong sabihin iyon." paliwanag ng doctor sa kanya.Pagkaalis ng mga doktor mula sa kwarto, naupo si Sapphire sa sofa, ibinaba ang ulo, at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad.Ayaw niyang mag-isip ng masama tungkol sa posibleng resulta ng nangyayari kay Dexter, natatakot na baka magkatotoo na magkaroon ng damage ang katawan nito sa sobrang tagal ng pagka coma.Kung hindi magising si Dexter, walang dudang magiging siya ang habambuhay na may kasalanan sa pamilya Briones. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang lalaki.Kung kaya niyang gisingin si Dexter sa pamamagitan lamang ng pagkukuwento ng masasayang alaala,
Nakatingin kay Sapphire na malalim ang iniisip, tinitigan siya ni Rico Robledo mula ulo hanggang paa.Biglang napansin ni Rico na mas lalo itong namayat sa loob ng ilang linggong hindi pagkikita, kaya nakaramdam siya ng awa para dito. Napakunot ang noo niya at hindi mapigilang magsabi,"Kayong mga babae, laging iniisip na gusto ng mga lalaki ang payat. Pero hindi niyo alam, gusto namin yung tamang timpla ng laman at buto. Parang masasaktan ang kamay ko kapag niyakap kita ngayon. Hindi ka ba kumakain? o sobra kang nagdadiet? ano ba naman yang katawan mong yan, para ka ng hanger na nilagyan ng damit!""Hindi naman masasaktan ang kamay mo, dahil hindi ako hahawak sayo" iritadong sagot ni Sapphire habang iniirapan siya. "Aalis na ako. Baka bigla ka pang hampasin ng aking mga buto.""Teka, nasaan na ang mga kasama mong sina Dexter?" tanong niya sa babae, "bakit nag iisa ka ngayon?"Huminto si Sapphire, ang ekspresyon niya’y mas naging malungkot, saka mahina at malamlam na sumagot, "Hindi p
Paglabas niya, agad siyang sinalubong ng waiter, "Miss Del Mundo, may problema ang kotse ni Mr. Ezekiel. Pupuntahan niya muna ito upang suriin. Pakihintay na lamang siya sa entrada ng runway 3.""Salamat, naiintindihan ko," magalang na sagot niya sa lalaki, sabay tango. Nang siya'y humahakkbang, hindi niya sinasadyang mapalingon at napansin ang isang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan.Ngunit bago pa niya masuri nang maigi, naglaho na ang pigura sa karamihan ng tao sa isang iglap.Sa entrada ng runway 3, nakaparada ang isang bagong Bugatti na parang isang cheetah na tahimik na nag-aabang.Malalim na huminga si Sapphire sa ilalim ng mahinang ilaw at napansin na puno ng tao ang pahalang na runway. Kahit pa ibinababa ng lahat ang kanilang boses sa pag-uusap, ang mga alingawngaw ng tunog ay kumalat sa paligid, nagdadala ng kasiyahang nag-udyok sa kanya na makihalo.Hindi nagtagal, dumating si Ezekiel na nakabihis ng kaswal na jeans at T-shirt, kasunod ang ilang kabataang lalaki na masay
"Hindi sa hindi ako kumakain, wala lang talaga akong gana."Nakasandal sa upuan ng pasahero na may mabigat na damdamin, bahagyang kumurap ang mahahabang pilikmata ni Sapphire dahil sa labis na pagkakonsensiya, "At mukha lang akong payat, pero sa totoo lang malusog naman ako, kaya huwag kang mag-alala sa akin, tito."Pagkasabi nito, napagtanto ni Maureen na ito ang laging sinasabi niya para paikutin ang matanda kamakailan. Lagi niyang sinasabing maayos siya at malakas, kahit ang totoo ay hindi.Ngunit parang hindi naaangkop na gamitin ang mga salitang ito kay Ezekiel, lalo na't hindi niya alam kung talagang nag-aalala ang lalaki para sa kanya. Ang ganitong sagot ay parang masyadong nagpapaka-assume. Parang feeling niya, may malasakit ito sa kanya."Ah," bahagyang nahiya si Sapphire at ipinaliwanag ang sarili, "Hindi ko naman sinasabing nag-aalala ka sa akin tito.. wala ka namang.."Pinaibis ni Ezekiel ang sports car, tumingin sa unahan at dahan dahang binilisan ang pagpapatakbo, bahagy
Si Dexter ay napilitang alisin ang kanyang pagtatago at pagkukunwaring walang malay. May magulong ekspresyon sa kanyang mukha. Umupo siya at tumingin sa nakatatanda niyang tiyuhin, na bihirang magpakita ng emosyon, "Tito, paano mo nalaman?"Hindi siya nakapagsalita ng maraming araw, at ang kanyang boses ay tuyot at paos, na nagpapakita ng mga senyales ng paggaling mula sa isang matinding sakit.Hindi pinansin ni Ezekiel ang kanyang tanong at tiningnan siya nang mababa, "Paano ka ba inagrabyado ni Sapphire para pahirapan mo siya nang ganito? Anong naging kasalanan nung tao sayo? Bakit parang masaya kang nahihirapan siya?""Wala naman.." mahina niyang itinanggi iyon, "Tito, hindi ko lang talaga gustong mawala siya sa akin. Kung hindi dahil sa aksidenteng ito, baka talagang hindi na maibalik ang relasyon namin. Bak iwanan na niya ako ng tuluyan. Mahalaga siya sa akin.""Ang pagpapanggap na patay ay paraan mo para makuha siya ulit." Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Ezekiel, "Hindi mo b
Matapos pindutin ang screen, isang piraso ng lokal na balita ang agad na tumambad sa kanyang mga mata."Isang babaeng turista sa kamay ni Hesus ang biglaang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari ng mga oras na iyon."Sa ilalim ng matapang at itim na pamagat, makikitaDexter na buhat-buhat siya at nagmamadali. Kahit ang mga turista sa paligid na hindi sanay kumuha ng mga litrato ay malinaw na nakita ang butil-butil na pawis sa noo ng lalaki, pati na rin ang hindi maitatagong pagkabalisa at tensyon sa kanyang mga mata.Simula nang makilala ni Sapphire si Dexter, hindi pa niya ito nakitang ganito kaatubili at wala sa kontrol, maliban na lamang limang taon na ang nakalilipas noong nasa bingit ng kamatayan si Emerald dahil sa kanyang pagkakatulak.Mula sa ilang salita ng reporter, bahagya niyang naimagine ang sitwasyon noong panahong iyon.Matarik ang hagdanan doon, at kaila