Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito.
Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute at kaaya aya sa suot na beige na damit. Para siyang eksaktong kopya ng munting prinsipe mula sa isang fairy tale. Ang batang nasa kanyang mga bisig ay hindi natatakot o nahihiya. Mas ibinilog nito ang kanyang malalaking mata at ngumiti sa kanya: "Ayos lang po, si Liam ay isang lalaki, hindi natatakot sa sakit." Lumingon ang bata sa kabilang gilid at nakita ang isang taong nakatayo sa harapan, “daddy, nahuli ka, naunahan ka ng magandang ate na ito upang saluhin ako..” Ngumiti si Sapphire at ibinaba ang bata, saka sinalubong ang tingin ng isang lalaking nasa harapan nila. May madilim itong mga mata na parang kulimlim sa kalangitan. Sa mainit na sikat ng araw, ang guwapong lalaki ay matangkad na nakatayo sa harap niya. Kung itataas niya ang kanyang ulo, makikita niya ang napakasexy na adam’s apple nito dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Nagulat siya at mabilis na umatras, nawalan ng balanse at natumba. Nang maghanda siyang isara ang mga mata at tiisin ang sakit na paparating, isang malamig at mahinang amoy ng cologne ang dumaan sa kanyang ilong. Sa pamamagitan ng manipis na tela, ang init ng kamay ng lalaki ay tumama sa malamig niyang balat. Bumukas ang kanyang mga mata sa gulat, at sa eksaktong sandaling iyon, nakita niya ang mahahabang daliri ng lalaki na dumaan sa kanyang baywang nang walang ingay, kasunod ang mabagsik at malalim na boses na sumambulat sa kanyang tainga: "Mag-ingat ka." Hindi mapigilan ang kanyang paghinga at parang nagkagulo ang lahat ng organs sa kanyang katawan. Nahihiya siya, kaya ng makabawi, tumungo na lang siya, at marahang lumayo sa lalaki, saka magalang na nagsalita, “salamat.” Nang makita ng lalaking klaharap na si Sapphire at nagpapasalamat habang nakayuko na hindi man lang siya tinitingnan, biglang kumislap ang kanyang mga mata, at nagbigay ng isang simpatikong ngiti, kahit hindi siya nakikita ng babae at tumugon siya ng "Hmm." Walang ibang mahanap na tinig si sapphire sa kanyang lalamunan, at dahan dahang itinaas ang kanyang ulo, at sinulyapan ang lalaki. Nagtataka siya kung tama ba ang kanyang narinig. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng lalaking ito, sa pagsagot sa kanya ng “hmmm”. Maaaring akala nito ay hindi siya tapat sa kanyang pasasalamat, o maaaring nais lang nitong magbukas ng isang usapan. Habang naguguluhan sya sa mga intensyon ng lalaki, nilapitan sila ni Dexter mula sa malayo. Hindi niya nagustuhan ang parang malamig na pagtrato nito sa kanyang anak. Kaya nilapitan niya ang mga ito. Subalit kailangan niyang magbigay galang sa kanyang tito, at agawin ang atensiyon nito mula sa kanyang asawa. “Tito..” Hinila ni Ezekiel ang kanyang mga mata mula kay Sapphire at bahagyang tumango na may malamig na ekspresyon ng tiningnan ang kanyang pamangkin. Ang pangalawang anak na lalaki ni Lola Laura, si Ezekiel Briones! Pagkatapos mag aral, ninais hanapin ni Ezekiel ang kanyang sarili noong siya ay 20 anyos pa lang. Itinatag niya ang sarili ng mag isa at nagsumikap upang umangat, at ngayon ay isa na siyang successful investors sa maraming kumpanya, partikular na sa mga banko. Siya ay pangarap ng maraming kababaihan sa Pilipinas bilang isang IDEAL GUY. Matapos ang ilang taon, ang presensya ng lalaking ito ay sobra pa ring nakakabighani at parang sumisikip ang hangin sa paligid niya. Parang kahit mga bulaklak ay luluhod ng kusa kapag nakita siya. Magaling na siDexter, ngunit kung ikukumparaito sa kanyang tito na si Ezekiel,, na pitong taon ang tanda sa kanya, makikita pa rin ang malaking pagkakaiba nila. Hindi inaasahan ni Sapphire na may anak na pala ito. Naisip niya na kapag kumalat ang balitang ito, tiyak ay maraming taga Manila at taga subaybay ng negosyanteng ito ang mabobroken hearted. “Sapphire, apo ko, kailangan mong magpahinga, halika na at pumasok sa loob kasama si Lola..” yaya sa kanya ni Lola Laura na may lambing at tunay na pag aalala. Bigla siyang bumalik sa kanyang katinuan ng marinig niya ang tinig na iyon. Nagulat siya ng lingunin ang matanda. Puro puti na ang mga buhok nito at mukhang mas tumanda pa sa nakalipas na limang taon. Labis na kalungkutan ang nadama ni Lola Laura, ng makulong si Sapphire. Itinuring niya itong totoong apo. Naaalala pa niya ang mga panahong kasama niya ito at nakikitang pagala gala sa loob ng bahay. Ang masayahin at mabait na batang kanyang pinakatatangi. Lumapit si Sapphire sa matanda, at nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito ng makita siya. Agad siyang yumakap at humingi ng pasensiya dito, “Lola.. pasensiya na po kayo kung…” hindi na niya iyon naituloy at tuluyan ng may bumikig sa kanyang lalamunan. Umiyak na siya ng tuluyan. “Sssh.. masaya akong nakabalik ka ng muli dito.. Alam ni lola kung anong klaseng bata ka. Wag na nating pag usapan ang nakaraan, tapos na iyon..” hinaplos nito ang kanyang likod at pinapatahan na siya. “Wag ka ng umiyak.. Miss na miss na kita..” “Nagpagawa ako ng mga bagong damit para sa iyo, naroon iyon sa iyong kwarto,” pinunasan ng matanda ang kanyang mga luha, “mga latest designs ang pinili ko, umakyat ka na at magpahinga. Kung may nais ka pang bilhin, magsabi ka lang sa ating butler.” Alam niyang hindi angkop ang kanyang kasuotan para sa marangyang pamilyang iyon, kaya tumango siya sa matanda. Ng papalabas na siya ng kwarto nito, isang maliit na tao ang humarang sa kanya. Itinaas nito ang maliit nitong ulo, saka tumingin sa kanya, “magandang ate, salamat sa pagsagip mo sakin kanina,” ang ngiti nito ay napakainosente, halatang mabait ang batang ito. Habang tinitingan niya ang batang ito, na may seryosong mukha, napangiti na lang siya. Mayroong init sa mga mata ng bata na hindi niya maipaliwanag. Ayon sa henerasyon ng mga Briones, kung kakalkulahin, ang batang ito ay pinsan ng kanyang asawa. Ayaw niyang aminin sa batang ito, na asawa siya ni Dexter. Yumuko siya at tiningnan si Liam, ginulo niya ang buhok ng bata, “ako nga pala si Sapphire. Ang bata mo pa, bolero ka na.. Ikaw talaga..” nakangiti niyang pinisil ang pisngi ng bata. “Pwede naman siguro kitang tawagin sa pangalan mo lang, hindi ba, Sapphire?” nilingon nito ang ama, saka hiningi ang opinyon nito, “di ba, daddy, maaari ko siyang tawaging Sapphire?” “Ayos lang anak, bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya,” ngumiti si Ezekiel, at tiningnan siya. "Maganda." Dalawang boses ang sabay na tumugon. Boses iyon ng mag ama. Nagulat siya sa magkasabay na sagot ng mga ito. Ang kanyang mga mata ay nasiyahan sa mag ama. Sa tagal na panahon, ngayon na lang ata may taong nagpainit ng kanyang puso, at iyon ay galing pa sa isang bata. Napatingin siya sa tatay ng bata, at ang mga matang iyon ay hindi humihiwalay sa kanya. Bago pa man niya mabigyan ng pansin ang ekspresyon niEzekiel, unang nagsalita si Dexter, ipinakita ang kabaitan at pag-aalaga ng isang mabuting asawa na akala mo naman ay totoo ang sinasabi, " Sapphire, pumunta ka na muna sa iyong kuwarto, pupunta ako mamaya upang makita ka." Agad siyang tumango, baka hindi niya maiwasang ipakita ang galit niya sa asawa, kung sakaling magtagal siya sa lugar na iyon. Napansin pa niya ang paghabol ng mga mata sa kanya ni Ezekiel, na parang ayaw siyang payagang umakyat sa kanyang kwarto. Pagdating niya sa kanilang kwarto, agad siyang dumapa sa sofa at iniunat ang kanyang pagod na katawan. Matapos makapahinga saglit, kinuha niya ang telepono, at tinawagan ang numerong natatandaan niya, kay doctor Romualdez.. Pagdial niya, agad na sinalubong siya ng tinig ng operator, at sinasabing ang numerong tinatawagan niya ay de activated na. Biglang umakyat ang kanyang dugo sa kanyang ulo. Bakit hindi niya makontak ang doktor niyang kaibigan? Anong nangyari? Sa ilang ulit niyang pagdial, wala talagang sumasagot sa kanya, kundi ang boses pa rin ng operator. Mula ng malapit na siyang lumaya, wala siyang nais gawin kundi hanapin ang kanyang anak, at tanging si Doctor Romualdez lang ang nakakaalam kung nasaan iyon. Hindi niya inaasahan ang ganitong bagay. Akala niya ay madali na para sa kanya ang makita ang sarili niyan anak, subalit hindi pala ganoon kadali ang ibibigay sa kanya ng mundo, mukhang mahihirapan pa siya. Kung si Dexter ang may kinalaman dito, ay hindi niya masabi. Mahirap talaga ang walang kapangyarihan, magiging taga sunod lang talaga ng mga mayayaman ang maliliit na taong gaya niya. Ang kanyang puso ay nasasakal sa isiping iyon. Hindi niya ito inaasahan. Binitawan na niya ang telepono, at inilagay iyon sa dating kinalalagyan. Nagmumuni muni siya at nag iisip ng mga plano. Ngayong malaya na siya, mas mapaplano niya kung paano makakapaghiganti sa mga walanghiya. Biglang may narinig siyang mga nag uusap sa pintuan ng kwarto. Isang tinig ng batang babae, na parang nagsusumbong sa kanyang ama. Lumapit siya doon at sinilip iyon. “Ayoko sa kanya daddy, nakakatakot siya,” sabi ng bata. Kitang kita niya sa siwang ng pinto kung paano ito tratuhin ng kanyang asawa. Napakamapagmahal na ama.. Magaling! “Bigyan mo ng pagkakataon si mommy, alam mo namang hindi pa siya sanay sayo, hindi ba?” nakatingin kay Sapphire ang kanyang asawa, madilim ang mga mata nito. “Basta, ayoko sa kanya,” nakasimangot ang disney princess habang inaalo ng ama niyang hari. “Hindi siya mabuti sa akin. “Ako na ang bahala kay mommy. Mabuti pa, bumaba ka na lang muna, mag uusap lang kami, maglaro na lang muna kayo ni Liam..” utos ni Dexter sa anak, na kaagad namang sumunod. Matapos ibigay si Arabella sa kasambahay, naglakad siya patungo sa pintuan ng kwarto. Kailangan niyang kausapin ang kanyang asawa tungkol sa pinakamamahal niyang anak. Walang maaaring manakit sa damdamin ng bata.Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?”“So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter.“Ngayon, niloloko mo si lola, at naiisip mo pa, na dapat makasama ko ang anak mo, araw araw? Na aalagaan ko siya? Humanap ka ng yaya kung gusto mo!” iritang sagot ni Sapphire sa lalaki.“Sapphire, huwag mong isipin na bibigyan kita ng pagkakataon, para saktan si Arabella, at isa pa, pareho nating alam, na hindi ka ganoong klase ng babae. Hindi ka masama at hindi ka pumapatol sa mga bata.” ngumisi pa si Dexter na may halong pagbabanta, “kung anuman ang galit mo sa amin ni Emerald, tiyak na gagantihan mo kami, pero alam ko, na hindi mo kayang manakit ng isang inosenteng bata.”Sinabi ni Dexter iyon, na parang sigurado ito, na mabuti pa rin siyang tao. Nakaramdam ng labis na sakit sa puso si Sapphire. Pakir
Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang napatingin sa hagdanan.Napakurap si Sapphire at sinundan ang tingin ng bata. Nauunawaan niya ang nais ipahiwatig nito.Masasabing magkadugtong ang puso ng mag-ina.Kahit hindi karapat dapat si Emerald na tumira sa bahay kasama ang pamilya, narito naman ang anak nito, na parang hindi siya nais patahimikin."Hmph!"Si Arabella iyon, na pumapadyak sa hagdanan, at ng mapansin na nahuli siya ng mga tao sa taas, nagmamadali siyang tumakbo sa ibaba ng bahay."Naku, siguradong magsusumbong na naman siya kay Kuya Dexter," naiiling na sabi ni Liam, habang inaakay siya papasok sa loob ng walk in closet upang makapamili ng damit na susuotin."Magaling pumili si Daddy ng damit. Maganda ka sa kahit alin,
Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain. Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hining
Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw.Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayamanan nito. Kapag nakabayad siya sa lalaking iyon, makakalaya na siya.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Sapphire mula sa sasakyan at diretso nang pumasok, pilit na pinapalampas ang sakit sa kanyang bukung-bukong na sumisigid sa kanyang binti. Ang heels na nagpapahirap sa kanya ay masyadong mataas.Ang kanyang make up, na nagbibigay sa kanya ng kaakit akit na aura, at off shoulder na damit ay bumagay sa kanyang anyo. Ang kanyang makurbadang katawan ay talagang kaaya aya at kapansin pansin. Sino ang mag aakalang bagong laya lang siya?"Kumalma ka, Sapphire, gusto ni Dexter ng laro? pagbigyan mo siya!" bulong niya sa kanyang sarili, habang nabibingi sa tugtugan sa entrance pa lang ng club.Sa kal
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong na tunog ng nabaling buto at daing ng sakit.Ang lalaking kanina’y arogante ay napangiwi ang mukha, at sa isang iglap ay napasigaw at bumagsak sa sahig.“Master Ezekiel..”Nanginginig sa takot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan ngunit hindi maglakas-loob na lumapit, ibinaba na lamang ang kanilang mga ulo nang mababa. Hindi nila kayang pigilan ang lalaki na bugbugin ang kanilang amo.Ang babaeng hawak nila ay hindi na isang kasiyahan para sa kanilang batang amo, kundi isang delikadong pasanin na magdadala ng sakuna. Sinong mag aakalang nais lang ng lalaki ng babaeng makakaulayaw, subalit ang natagpuan ay isang babaeng magpapahamak dito?“Lumayas kayo.” sigaw ni Ezekiel sa kanilang lahat.
Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nang hindi lumilingon.Sa loob ng silid, natakot si Emerald sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto. Nanginig ang buong katawan niya, at bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad.Mula nang magkita sila ni Dexter at mahulog ang loob sa isa’t isa, maliban sa ilang araw noong ikinulong si Sapphire limang taon na ang nakalilipas, hindi pa naging ganito kalamig at walang pakialam si Dexter sa kanya.Matagal na silang magkakilala at nagmamahalan, kaya hindi siya ganoon kahina para hindi matanggap ang anumang pagbabago nito.Ngunit hindi niya matanggap ang bawat pagbabagong ginagawa ni Dexter sa kanya, lalo na kapag may kaugnayan iyon kay Sapphire.Noong gabing iyon, bumalik si Dexter sa lumang b
Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way, hindi umuwi ang kapatid mo kagabi, may kinalaman ka ba dito? wag mo siyang sasaktan ulit, hindi pa maayos ang heart transplant niya."Pagkalipas ng limang taon, si Emerald pa rin ang mahalaga sa bahay na ito. Siya pa rin ang inaalala ng pamilya niya.Tumigil si Sapphire habang nakatalikod sa ina. Parang tinaga ang kanyang puso sa pangungusap nito. Medyo masakit iyon kung tutuusin. Parang hindi siya anak sa bahay na iyon.Mula pagkabata, sanay na siyang tratuhin ng ganito ng kanyang pamilya, ngunit bawat pagkakataon, hindi maiiwasan ang lungkot na dulot ng pagbasag sa kanyang puso."Huwag kayong mag alala, alam kong mahal niyo si Emerald, bakit ko naman siya sasaktan?" hindi na niya nilingon
Matapos niyang bugbugin ng salita si Emerald, at durugin ng husto, nakangiti siyang lumabas ng bahay na iyon.Nang magsara ang pinto, natakpan nito ang paranoid at galit na mga mata ni Emerald na puno ng poot.Pagdating ng tanghali, nakauwi na siya sa lumang bahay ng mga Briones. Subalit mababanaag doon ang kakaibang atmosphere, parang nakakakaba.Kinuha ng kasambahay ang bag mula sa kanyang kamay at nininerbiyos na sinabi, "Madam, hinihintay ka ng Master sa kwarto."Sandaling natigilan siya ng marinig iyon, bago marahang tumango at umakyat sa itaas ayon sa utos.Sa kwarto, isang matangkad at payat na lalaki ang nakaupo sa mesa na may madilim na ekspresyon. Ang kanyang kurbata ay basta na lang itinapon sa gilid ng mesa, at ang mga dokumentong dati’y maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig dala ng galit.Nang buksan niya ang pinto at pumasok, nagtama ang kanilang mga mata ni Dexter. Pareho silang natigilan.Noon pa man, si Sapphire ay laging tahimik na nagmamasid sa anyo ng lalaki
Ang lahat ng mga muwebles dito ay inayos nina Sapphire at ng kanyang lolo, at inakala niyang nakalimutan na iyon ni Dexter.Biglang sumulpot sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Matagal siyang natigilan bago marahang umusad ang kanyang mga paa at dahan-dahang naglakad sa pulang alpombra.Tahimik ang buong lumang bahay, at tila naglaho ang lahat ng mga katulong.Hanggang sa makalampas siya sa fountain ng estatwa ng anghel, biglang sumabog sa itaas ng kanyang ulo ang isang hand-held salute.Nagkalat sa hangin ang makukulay na laso at marahang bumagsak sa kanyang mga palad at balikat.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa kanyang puso, kaya mabagal siyang lumingon.Sa huling sinag ng papalubog na araw, nakatingin siya nang malalim at may lungkot sa kanyang mga mata, at bigla niyang nasilayan ang lalaking pinakasalan niya.Suot ni Dexter ang puting suit na isinuot niya noong sila’y ikinasal, kasing guwapo at taas pa rin tulad ng dati.Sa paglipas ng maraming taon, nasa
Si Sapphire ay sanay na sa pag-iwas ni Gaston sa responsibilidad, ngunit hindi niya kailanman matanggap ang ganitong ugali. Palagi na lang siya ang nagiging milking cow nito.Sa pagkakataong ito, hindi niya binigyan ng mabuting pakikitungo ang kanyang ama. Walang ekspresyon sa kanyang mukha nang sabihin niya, "Ari-arian iyon ng pamilya Briones, hindi ko personal na ari-arian. Kung habulin ito ng matanda, malamang sa kulungan ka na mananatili habangbuhay.""Hindi, hindi maaari!" Nang makita ang pamumutla ni Gaston dahil sa takot, naging emosyonal ang nanay niya. Umiiyak at sumisigaw, itinulak pa nito si Sapphire,"Sapphire, anak ko, huwag mong hayaang makulong ang tatay mo. Lumuhod ka at makiusap sa matandang babae. Magbigay ka ng ilang anak para sa pamilya Briones bilang pagbabayad sa kasalanan ng iyong ama, maaari ba?"Umubo si Gaston. Ang dati’y galit na anyo ay biglang naging matanda at kuba, lihim siyang sumulyap kay Sapphire."Tama na!" Mariing kinagat ni Sapphire ang kanyang iba
Sa sumunod na segundo, hinubad niya ang kanyang mataas na takong at mabilis na pumuwesto sa kama, sabik na yumakap sa mga bisig ng lalaki na parang kuting, habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa leeg nito, "Dexter, sinabi sa akin ni Sapphire na hindi ka magising, kaya sobrang natakot ako. Buti na lang, ang taong pinakamamahal mo sa puso mo ay ako pa rin. Dumating lang ako, at nagising ka na. Talagang iba ang nagagawa ng tunay na pag ibig..""Sandali." Hawak ni Dexter ang mga balikat ni Emerald at inilayo ito nang kaunti, ang mga kilay niya ay lalong naging malamig, "Ibig mong sabihin, alam ni Sapphire na narito ka?""Oo." Tumango ito na parang normal lamang iyon, itinuro ang pintuan ng silid at nagsalitang may himig na lambing, "Alam niyang hindi ka niya kayang gisingin, pero mas pinili pa niyang hayaan kang manatiling nakahiga rito kaysa hayaan akong lumapit. Hindi ko akalain na magiging ganoon siya kalupit. Hindi na ako nagtataka kung bakit sinabi ni Ara na inabuso siya ni
"Mayroon pa bang iba akong magagawa upang siya ay magising?""Sa personal kong karanasan, kapag nakakaranas ang isang pasyente ng ganitong sitwasyon, ang suporta at presensya ng pamilya ang pinakamahalaga. Iminumungkahi kong ikuwento mo sa kanyang pandinig ang masasayang alaala o mahahalagang bagay na pinagdaanan ninyo. O kung may nais siyang marinig, subukan mong sabihin iyon." paliwanag ng doctor sa kanya.Pagkaalis ng mga doktor mula sa kwarto, naupo si Sapphire sa sofa, ibinaba ang ulo, at isinubsob ang mukha sa kanyang mga palad.Ayaw niyang mag-isip ng masama tungkol sa posibleng resulta ng nangyayari kay Dexter, natatakot na baka magkatotoo na magkaroon ng damage ang katawan nito sa sobrang tagal ng pagka coma.Kung hindi magising si Dexter, walang dudang magiging siya ang habambuhay na may kasalanan sa pamilya Briones. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi magkakaganito ang lalaki.Kung kaya niyang gisingin si Dexter sa pamamagitan lamang ng pagkukuwento ng masasayang alaala,
Nakatingin kay Sapphire na malalim ang iniisip, tinitigan siya ni Rico Robledo mula ulo hanggang paa.Biglang napansin ni Rico na mas lalo itong namayat sa loob ng ilang linggong hindi pagkikita, kaya nakaramdam siya ng awa para dito. Napakunot ang noo niya at hindi mapigilang magsabi,"Kayong mga babae, laging iniisip na gusto ng mga lalaki ang payat. Pero hindi niyo alam, gusto namin yung tamang timpla ng laman at buto. Parang masasaktan ang kamay ko kapag niyakap kita ngayon. Hindi ka ba kumakain? o sobra kang nagdadiet? ano ba naman yang katawan mong yan, para ka ng hanger na nilagyan ng damit!""Hindi naman masasaktan ang kamay mo, dahil hindi ako hahawak sayo" iritadong sagot ni Sapphire habang iniirapan siya. "Aalis na ako. Baka bigla ka pang hampasin ng aking mga buto.""Teka, nasaan na ang mga kasama mong sina Dexter?" tanong niya sa babae, "bakit nag iisa ka ngayon?"Huminto si Sapphire, ang ekspresyon niya’y mas naging malungkot, saka mahina at malamlam na sumagot, "Hindi p
Paglabas niya, agad siyang sinalubong ng waiter, "Miss Del Mundo, may problema ang kotse ni Mr. Ezekiel. Pupuntahan niya muna ito upang suriin. Pakihintay na lamang siya sa entrada ng runway 3.""Salamat, naiintindihan ko," magalang na sagot niya sa lalaki, sabay tango. Nang siya'y humahakkbang, hindi niya sinasadyang mapalingon at napansin ang isang pamilyar na pigura sa hindi kalayuan.Ngunit bago pa niya masuri nang maigi, naglaho na ang pigura sa karamihan ng tao sa isang iglap.Sa entrada ng runway 3, nakaparada ang isang bagong Bugatti na parang isang cheetah na tahimik na nag-aabang.Malalim na huminga si Sapphire sa ilalim ng mahinang ilaw at napansin na puno ng tao ang pahalang na runway. Kahit pa ibinababa ng lahat ang kanilang boses sa pag-uusap, ang mga alingawngaw ng tunog ay kumalat sa paligid, nagdadala ng kasiyahang nag-udyok sa kanya na makihalo.Hindi nagtagal, dumating si Ezekiel na nakabihis ng kaswal na jeans at T-shirt, kasunod ang ilang kabataang lalaki na masay
"Hindi sa hindi ako kumakain, wala lang talaga akong gana."Nakasandal sa upuan ng pasahero na may mabigat na damdamin, bahagyang kumurap ang mahahabang pilikmata ni Sapphire dahil sa labis na pagkakonsensiya, "At mukha lang akong payat, pero sa totoo lang malusog naman ako, kaya huwag kang mag-alala sa akin, tito."Pagkasabi nito, napagtanto ni Maureen na ito ang laging sinasabi niya para paikutin ang matanda kamakailan. Lagi niyang sinasabing maayos siya at malakas, kahit ang totoo ay hindi.Ngunit parang hindi naaangkop na gamitin ang mga salitang ito kay Ezekiel, lalo na't hindi niya alam kung talagang nag-aalala ang lalaki para sa kanya. Ang ganitong sagot ay parang masyadong nagpapaka-assume. Parang feeling niya, may malasakit ito sa kanya."Ah," bahagyang nahiya si Sapphire at ipinaliwanag ang sarili, "Hindi ko naman sinasabing nag-aalala ka sa akin tito.. wala ka namang.."Pinaibis ni Ezekiel ang sports car, tumingin sa unahan at dahan dahang binilisan ang pagpapatakbo, bahagy
Si Dexter ay napilitang alisin ang kanyang pagtatago at pagkukunwaring walang malay. May magulong ekspresyon sa kanyang mukha. Umupo siya at tumingin sa nakatatanda niyang tiyuhin, na bihirang magpakita ng emosyon, "Tito, paano mo nalaman?"Hindi siya nakapagsalita ng maraming araw, at ang kanyang boses ay tuyot at paos, na nagpapakita ng mga senyales ng paggaling mula sa isang matinding sakit.Hindi pinansin ni Ezekiel ang kanyang tanong at tiningnan siya nang mababa, "Paano ka ba inagrabyado ni Sapphire para pahirapan mo siya nang ganito? Anong naging kasalanan nung tao sayo? Bakit parang masaya kang nahihirapan siya?""Wala naman.." mahina niyang itinanggi iyon, "Tito, hindi ko lang talaga gustong mawala siya sa akin. Kung hindi dahil sa aksidenteng ito, baka talagang hindi na maibalik ang relasyon namin. Bak iwanan na niya ako ng tuluyan. Mahalaga siya sa akin.""Ang pagpapanggap na patay ay paraan mo para makuha siya ulit." Lalong tumindi ang kunot sa noo ni Ezekiel, "Hindi mo b
Matapos pindutin ang screen, isang piraso ng lokal na balita ang agad na tumambad sa kanyang mga mata."Isang babaeng turista sa kamay ni Hesus ang biglaang nawalan ng malay, at muntik nang magdulot ng trahedya ang kanyang asawa habang dinadala siya sa ospital. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari ng mga oras na iyon."Sa ilalim ng matapang at itim na pamagat, makikitaDexter na buhat-buhat siya at nagmamadali. Kahit ang mga turista sa paligid na hindi sanay kumuha ng mga litrato ay malinaw na nakita ang butil-butil na pawis sa noo ng lalaki, pati na rin ang hindi maitatagong pagkabalisa at tensyon sa kanyang mga mata.Simula nang makilala ni Sapphire si Dexter, hindi pa niya ito nakitang ganito kaatubili at wala sa kontrol, maliban na lamang limang taon na ang nakalilipas noong nasa bingit ng kamatayan si Emerald dahil sa kanyang pagkakatulak.Mula sa ilang salita ng reporter, bahagya niyang naimagine ang sitwasyon noong panahong iyon.Matarik ang hagdanan doon, at kaila