Sa pasilyong iyon ng malamig na ospital, nauulinigan ni Sapphire ang mga tinig ng naghaharutang mga nilalang ilang metro ang layo mula sa kanya, kung saan siya ay nag aabang na matawag para sa kanyang prenatal check-up.
“Ano ka ba.. Baka may makakita sa atin.. Nakakahiya,” malambing na saway ng babae sa lalaking pilit yumayakap sa kanya sa sulok. “Saka ano ka ba.. Kapag lumaki ang anak mo at nalaman na ganito ka kalibog, pagtatawanan ka non..” “Okay lang yan.. Wag mo silang alalahanin.. “ hinahalik halikan ng lalaki ang babaeng iyon na sa unang tingin ay mapapakamalan na mag asawa. Naglalambingan sila sa sulok na tila walang pakialam sa mga makakakita sa kanila. Ang nakakaakit na usapang iyon ay talagang tumawag sa kanyang atensiyon. Hindi niya mawari kung ano ang humihila sa kanyang mga paa, upang baybayin ang lugar kung saan ang mga tinig na iyon ay nagmumula. Malapit na siya, ngunit binabalot siya ng kaba, at pagdadalawang isip. Parang ayaw niyang malaman ang nangyayayi, subalit sabi ng kanyang utak, ay kailangan niyang makita ang kaganapang iyon.. Sumunod ang isang tinig na lalong mas nagpatindi ng kanyang hinala kung sino ang mga iyon, “hindi niya ako maaaring pagtawanan.. Sasabihin ko na lang sa anak natin, na ikaw ang pinakamamahal kong babae, wala ng iba..” "Dexter.. Sana– sana totoong anak ko na lang ang baby. Kasalanan ko ito, bakit kasi mahina ang pangangatawan ko..” malungkot at mahina ang tinig ng babaeng iyon. Ramdam ang sakit na hindi maipahiwatig sa bawat salitang binitiwan. "Si Sapphire at ikaw ay magkapatid na tunay. Ang anak na ipapanganak niya ay kalahating dugo mo rin, at siya'y isang kasangkapan lamang para magbigay ng itlog at sanggol sa sinapupunan. Hindi ko siya hinawakan. Hindi ko siya inangkin. Tayong tatlo ng magiging anak natin ay tunay na pamilya, hindi mo na kailangang mag-alala. Ikaw ang magiging ina ng aming magiging anak." Si Sapphire ay labis na nanlambot, at napahawak sa malamig na pader. Ang kanyang naririnig ay isang palaso na tumutusok sa kanyang puso. Kasing lupit pa ito ng isang latigo na inihaplit sa likod ng isang alipin. Kung hindi niya narinig ang lahat, hindi niya malalaman na ang kanyang asawa na itinuturing siyang basura, at hindi man lang pinaglalaanan ng oras at pagkakataong magkasama sila, ay ganoon kalambing at kaalaga sa ibang tao, at sa mismong kapatid pa niya. Ang kabaitang iyon, ay umabot pa sa punto, na akala nito ay papayag siyang ibigay ang kanyang anak sa kanyang kapatid. Ganoon nito kamahal ang babaeng iyon, samantalang siya ay isang hangin lamang dito. "Pero mahal na mahal ka ni Sapphire, alam mo yan. Palagi niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan,” sagot ni Emerald kay Dexter." Hindi na natapos pa ni Emerald ang kanyang mga nais sabihin, ng biglang lumitaw si sapphire sa kanyang harapan. Ngumisi ang kakambal sa kanilang harapan, at ng tumiging ito sa kanya, ay parang nananalamin lamang siya. Ang simpleng puting damit na suot ni Sapphire, ay nagbibigay sa kanyang nakakaakit na kagandahan, kahit pa siya ay buntis na. Ang kanyang mga mata ay nag uulap, na anumang oras ay babagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Ngunit kasabay ng kanyang madilim na anyo at matatag na hakbang, nakuha pa talagang magpasaring ng lalaki sa kanya. “Kung mahal niya ko, ano namang pakialam ko dun?” pambabalewala nito sa kanyang damdamin. Bago pa makapagpatuloy sa pagsasalita si Dexter, ang kanyang mga binti ay nagmamadaling lumapit kay Emerald, na naginginig sa takot at kinakabahan ng sobra. Hinagod niya ang likod nito. Agad na rumehistro sa kanyang mga mata, ang pigura ni Sapphire na namumutla at halos wala ng dugo, habang nakatingin sa kanilang dalawa ng kakambal nito. Pagkatapos, ay dahan dahang niyakap ni Dexter si Emerald at inaalo alo, saka tinapunan si Sapphire ng isang mapanuyang ngiti, “narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko, at lahat ng pinag usapan namin kanina, ha?” halos ang tinig na iyon ay mahina, subalit sapat na, upang mapuno ang tainga ni Sapphire at mabingi ito. Nakatingin ang babae sa tanawin ng dalawang taong nagmamahalan, na siya namang nagdudulot sa kanya ng labis na pasakit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao, at pinipigilan ang kanyang sarili na magwala ng mga oras na iyon. Bago pa siya makapagsalita, kumawala na si Emerald sa braso ni Dexter at nagmamadaling lumuhod sa kanyang harapan, hinawakan ang kanyang kamay at nagmamakaawa, “please, sorry, makinig ka muna sakin.. Nakikiusap ako..” umiiyak na pakiusap nito sa kanya. Sakit ang tanging bumalot sa buong katawan niya, kaya minabuti na lang niya na itulak ang kanyang kakambal palayo. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang stiyan, at sinuportahan ang batang nasa loob ng kanyang sinapupunan, “Dahil ba sa hindi maaaring mabuntis si Emerald, pumayag kang magpakasal sakin, para magkaanak ka ng kamukha niya?” may halong lungkot ang kanyang tinig, at ang kanyang mga mata ay parang yelo sa lamig.. Habang tinitingnan siya ng lalaki, hindi ito makapaniwala na ang isang katulad niyang napakabait at submissive na babae, na palaging may alay na ngiti sa dito, ay magkakaroon ng ganito kabayolente na mukha. Napangisi siya na may halong pagkasuya, Alam mo ba kung nasaang lugar ka? Ang ingay mo, hindi ka na nahiya.” "Kung hindi kayo nahihiya,bakit ako mahihiya?" Galit na galit na nanginginig si Sapphire habang bumubuhos ang mga luhang nakatingin sa mga ito. “Ang kapal naman ng mga mukha niyong maglandian dito, at kapag nahuli kayo, sasabihan niyong hindi ako nahihiya? Wow naman.. Kakapal ngmga mukha niyo!” Nang makarecover, lumapit si Emerald sa kapatid, at hinihila ang manggas nito habang nakaluhod. Nagmamakaawa ng husto. “Please.. Sapphire. Maa—” hindi na naituloy ng babae ang kanyang sasabihin, dahil biglang dumapo ang palad ni Sapphire sa kanyang mukha.. "Paaak!" Walang nakapaghanda na ang tahimik na si Sapphire ay magpapakita ng ganitong gawi at makukuhang saktan ang kanyang pinakamamahal na kakambal. Gusto sanang pigilan ni Dexter ang nagaganap na kumosyon, subalit huli na ang lahat. Ang sampal na iyon ay nagpabagsak kay Emerald. Kinakapos ng hininga ang babae, at napaluhod na sa sobrang panghihina, “Please.. Sapphire.. Wag mo na sangang sisihin pa si Dexter.. Kasalanan ko ang lahat ng ito.. Wag mo rin itong sasabihin kay Lola Laura.. Mangako ka.. Please Sapphire..” Habang nagsasalita si Emerald, unti-unting humina ang kanyang hininga at ang kanyang payat na katawan ay bumagsak sa malamig na sahig. Agad na rumehistro ang lamig sa mga mata ni Dexter. Nakatitig siya sa asawa na parang nais na niya itong sakalin at ilagay sa sako. Agad niyang hinawi si Sapphire, upang mabigyan ng daan ang pagkuha sa kanyang pinakamamahal na nakahandusay sa sahig. Iningatan niya itong maigi na parang mamahaling kayaman, saka sumigaw, “Doc!! Pakiusap, may congenital heart disease siya.. Tulungan niyo siya!” Labis na nagulat si Sapphire sa nangyari, lalo na ng itulak siya ng asawa sa pader. Muntik ng mauntog ang kanyang tiyan doon, kung hindi lang niya iyon mabilis na nasuportahan gamit ang mga kamay. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa labis na sakit na kanyang nadarama. Parang itinutulak ng sakit na iyon ang bata pababa. May umagos na likido mula sa kanyang gitnang bahagi, at tumutulay iyon sa kanyang mga binti. Namimilipit siya sa sakit at hindi malaman kung paano hihingi ng tulong dahil walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Biglang lumabas ang nars sa loob ng clinic ng doctor kung saan, gagawin ang prenatal check up niya. Nagulat ito at inalalayan siyang maupo. Kitang kita nito ang pag agos ng dugo sa kanyang mga hita. “Kailangan mong tawagan ang pamilya mo, o ang asawa mo, upang maasikaso ka. Maaaring manganak ka ng wala sa oras.” pumasok ito saglit sa loob at kumuha ng papel na papipirmahan, “kailangan kasi nilang pirmahan ang waiver na ito.” "Ibigay mo sa akin yan." matapos maisaayos at masiguradong tinitingnan na ng medical staff si Emerald, agad binalikan ni Dexter ang asawa, upang alamin kung ano ang nangyari. At nakita nga nito na kailangan ni Sapphire na manganak ng wala sa oras. Agad niyang pinirmahan ang exemption agreement na iyon. Habang pinipirmahan niya ito, hindi niya maiwasang mapatingin sa babae, na nakaupo at makita ang mapupulang likido na umaagos sa binti nito. Habang tinitingnan iyon, bigla niyang naisip ang isang babae sa operating room na nag aagaw buhay dahil sa kanyang asawa, “Sapphire, magdasal kang maging okay si Emerald, kung hindi..” Ang mga pirma ay malakas na iginiya at mabilis na isinara ang huling stroke. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, itinapon ang dokumento pabalik sa mga braso ng nars at umalis ng hindi na nililingon ang asawa pabalik. Sa likod ni Dexter ay ang pagtanaw ni Sapphire na puno ng kalungkutan at depresyon. Kahit gaano kasakit ang nararamdaman niyang pisikal, hindi ito matutumbasan ng sakit na nasa kanyang puso. Ang pagbagsak ng pira pirasong bahagi ng kanyang damdamin ay mas masakit pa sa kamatayan. Tatlong taon na silang magka-kilala ng kanyang asawa at isang taon na silang kasal. Lagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung may nagawa ba siyang pagkakamali sa lalaki, dahil napakalupit nito sa kanya palagi.Kahit kelan, hindi man lang ito nagpakita ng kabutihan sa kanya, at ngayon, malalaman niyang sa kanyang kakambal lang ito nagkagusto, gayong iisa naman halos ang kanilang mukha. Dinala na siya sa operating room, at ang kanyang kalagayan ay hindi maganda. Maaaring iligtas siya, ngunit ang bata ay mamamatay, maaari namang iligtas ang bata, ngunit siya ang mamamatay. Pero para sa kanya, mamatay na lang silang magkasama ng kanyang anak. Inutusan ng doctor na magtungo ang nars sa asawa niya upang masabi ang kanyang kalagayan. “Doc, iligtas mo ang aking anak..” ang ilaw ng konsensiya ang siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kahit paano, mahal niya ang anak na kanyang dinadala. Matagal na siyang kakilala ni Doc Romualdez, at alam ng doctor kung gaano siya kabait na tao. Nainis ito sa kanya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. “Ano ka ba, Sapphire, bente ka pa lang, at maaari ka pang magbuntis ulit sa hinaharap. Hindi mo kailangang magsakripisyo ngayon, may maganda pang buhay na naghihintay sayo.” pangangaral niya dito. “Pero doc.. Mahal ko ang asawa ko, kailangan niya ang aming anak..” umiiyak na sagot ni Sapphire. “Gaga.. tinatrato kang basura ng taong iyon, tapos mas uunahin mo pa siyang alalahanin kesa sa iyong sarili?” napatiim ang tingin nito sa kanya. “Doc.. please..” pakiusap niya dito. Bumuntong hininga ang doctor, at lumarawan ang isang malungkot na damdamin, “Sapphire.. Makinig ka.. Ang- ang bata sa sinapupunan mo.. ay–ay hindi anak ng asawa mo.”"Ano'ng sinabi mo?" sa kabila ng panghihina ay naintindihan niya kung ano ang sinasabi nito. Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig iyon at napatingin sa doctor. Hindi siya makapaniwala dito, paanong hindi magiging anak ng asawa niya ang batang dinadala niya?"Pasensya na,Sapphire." Hindi makatingin si doctor Romualdez sa kanya dahil sa pagkahulog ng konsensya: "Nung dumaan ka sa akin para sa IVF, nagkamali ang assistant doctor sa pagkuha ng tamang sperm test tube. Nang malaman ko, huli na na ang lahat.""Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?" may luha sa kanyang mga mata ng malaman iyon. Labis na nadurog ang kanyang puso."Pasensya na, talagang pasensya na." Humagulgol si doctor Romualdez at naputol ang boses sa pag-iyak: "Alam mo naman ang kalagayan ng pamilya ko, at ang ospital ay pag-aari ng pamilya Briones. Kung malaman nila na nagkamali ako ng ganito kalaking pagkakamali, siguradong mawawala ako sa trabaho at pati lisensiya ko ay maaaring mawala."Wala nang masabi pa si S
Hindi kalayuan, isang lalaki ang lumabas ng sasakyan at tumitig sa payat na pigura ng babae na bagong laya. May habag sa mga mata ni Dexter ng makita ang asawa.Marahil, ang limang taong sentensiya sa babae ay masyadong mahaba, kaya ito ay nagbunsod sa ganitong klase ng pangangatawan nito. Biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nila, na parang hindi sila magkakilala.Nakakunot ang noo ng babae ng makita siya. Agad niya itong nilapitan, itinaas ang kanyang kamay, at ninais na hawakan ang mga balikat nito. Ahit ano pa ang mangyari, nananatili pa ring asawa niya si Sapphire kahit limang taon silang nagkahiwalay.Sa susunod na segundo, nagulat siya, ng mismong ang babae ang umiwas sa kanyang paghipo, na noon ay gustong gusto nito.Inuri ni Sapphire si Dexter, mula ulo, hanggang paa, saka mapait na ngumiti. Nagsalubong ang kanilang mga paningin. Sa malapitan, makikita ang kaungkutang nasa mga mata niya, na nagdulot sa lalaki, ng pag iwas at matinding pagkalito.“Sumakay ka na,” iginiit ni D
Nang makita niyang malapit nang mahulog ang bata, tumakbo si Sapphire at inabangan ang malambot na katawan ng bata sa kanyang mga bisig: "Kumusta? Nasaktan ka ba?" nag aalala niyang tanong dito.Nang mas mapansin, mas naging halata na may mga maseselang at guwapong features ang bata, at siya’y cute at kaaya aya sa suot na beige na damit. Para siyang eksaktong kopya ng munting prinsipe mula sa isang fairy tale.Ang batang nasa kanyang mga bisig ay hindi natatakot o nahihiya. Mas ibinilog nito ang kanyang malalaking mata at ngumiti sa kanya: "Ayos lang po, si Liam ay isang lalaki, hindi natatakot sa sakit."Lumingon ang bata sa kabilang gilid at nakita ang isang taong nakatayo sa harapan, “daddy, nahuli ka, naunahan ka ng magandang ate na ito upang saluhin ako..”Ngumiti si Sapphire at ibinaba ang bata, saka sinalubong ang tingin ng isang lalaking nasa harapan nila. May madilim itong mga mata na parang kulimlim sa kalangitan.Sa mainit na sikat ng araw, ang guwapong lalaki ay matangkad
Habang nasa kwarto, nakatayo si Sapphire, at nakatingin ng diretso sa pintuan, kung saan pumasok si Dexter. Agad niya itong tinanon, “bakit ka nandito? Para sa iyong disney princess?”“So, ano ngayon? Anak ko siya, at gagawin ko ang lahat, para sa kanya,” may angil sa tinig ni Dexter.“Ngayon, niloloko mo si lola, at naiisip mo pa, na dapat makasama ko ang anak mo, araw araw? Na aalagaan ko siya? Humanap ka ng yaya kung gusto mo!” iritang sagot ni Sapphire sa lalaki.“Sapphire, huwag mong isipin na bibigyan kita ng pagkakataon, para saktan si Arabella, at isa pa, pareho nating alam, na hindi ka ganoong klase ng babae. Hindi ka masama at hindi ka pumapatol sa mga bata.” ngumisi pa si Dexter na may halong pagbabanta, “kung anuman ang galit mo sa amin ni Emerald, tiyak na gagantihan mo kami, pero alam ko, na hindi mo kayang manakit ng isang inosenteng bata.”Sinabi ni Dexter iyon, na parang sigurado ito, na mabuti pa rin siyang tao. Nakaramdam ng labis na sakit sa puso si Sapphire. Pakir
Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto."Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang napatingin sa hagdanan.Napakurap si Sapphire at sinundan ang tingin ng bata. Nauunawaan niya ang nais ipahiwatig nito.Masasabing magkadugtong ang puso ng mag-ina.Kahit hindi karapat dapat si Emerald na tumira sa bahay kasama ang pamilya, narito naman ang anak nito, na parang hindi siya nais patahimikin."Hmph!"Si Arabella iyon, na pumapadyak sa hagdanan, at ng mapansin na nahuli siya ng mga tao sa taas, nagmamadali siyang tumakbo sa ibaba ng bahay."Naku, siguradong magsusumbong na naman siya kay Kuya Dexter," naiiling na sabi ni Liam, habang inaakay siya papasok sa loob ng walk in closet upang makapamili ng damit na susuotin."Magaling pumili si Daddy ng damit. Maganda ka sa kahit alin,
Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain. Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hining
Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw.Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayamanan nito. Kapag nakabayad siya sa lalaking iyon, makakalaya na siya.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Sapphire mula sa sasakyan at diretso nang pumasok, pilit na pinapalampas ang sakit sa kanyang bukung-bukong na sumisigid sa kanyang binti. Ang heels na nagpapahirap sa kanya ay masyadong mataas.Ang kanyang make up, na nagbibigay sa kanya ng kaakit akit na aura, at off shoulder na damit ay bumagay sa kanyang anyo. Ang kanyang makurbadang katawan ay talagang kaaya aya at kapansin pansin. Sino ang mag aakalang bagong laya lang siya?"Kumalma ka, Sapphire, gusto ni Dexter ng laro? pagbigyan mo siya!" bulong niya sa kanyang sarili, habang nabibingi sa tugtugan sa entrance pa lang ng club.Sa kal
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong na tunog ng nabaling buto at daing ng sakit.Ang lalaking kanina’y arogante ay napangiwi ang mukha, at sa isang iglap ay napasigaw at bumagsak sa sahig.“Master Ezekiel..”Nanginginig sa takot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan ngunit hindi maglakas-loob na lumapit, ibinaba na lamang ang kanilang mga ulo nang mababa. Hindi nila kayang pigilan ang lalaki na bugbugin ang kanilang amo.Ang babaeng hawak nila ay hindi na isang kasiyahan para sa kanilang batang amo, kundi isang delikadong pasanin na magdadala ng sakuna. Sinong mag aakalang nais lang ng lalaki ng babaeng makakaulayaw, subalit ang natagpuan ay isang babaeng magpapahamak dito?“Lumayas kayo.” sigaw ni Ezekiel sa kanilang lahat.
Dito niya unang ginamit ang gps. Para malaman niya, kung anong oras pumasok si Sapphire ng bar, at anong oras ito lumabas.Alam niya na hindi makakapunta ng hotel mag isa ang kanyang kapatid, siguradong may kasama iyon. At nung pakiramdam niyang nasa kalagitnaan na ng paghalinghing ang kapatid at may kaulayaw na ibang lalaki, doon na siya tumawag sa mga pulid.Sa pagkakataong ito, malalaman ni Dexter na niloloko siya ng kanyang asawa.Ang pornograpiya ay isang krimen na mahigpit na ipinagbabawal. Maaaring makulong na naman ang babae, at malalaman ng lahat ang krimen na ginawa nito, at hindi na ito matatanggap ng pamilya ni Dexter. At siya, bilang matagal ng karelasyon ng asawa ng kanyang kapatid, ay magkakaroon na ng pagkakataon na makapasok sa tahanan ng mga Briones, at maging bagong young madam saa bahay na iyon.Kailangang bumalik sa kanya ang pagmamahal ni Dexter, dahil napapansin niya ang pagbabago sa ikinikilos nito, magmula ng makalaya ang kanyang kapatid.----NAGISING si Sapp
Sa ilalim ng impluwensiya ng alak, ang babaeng mahinhin at hindi makabasag pinggan, ay biglang nagbago.Hindi masyadong common na nakikita ang kabilang pag uugali ni Sapphire, ang kanyang kayigasan ng ulo, at kakulitan. Subalit hindi iyon nakakairita, mas cute pa iyong tingnan, at nakakapagpataas ng interest na mas kilalanin pa ito.Inalalayan ni Ezekiel ang babae, ng pumasok ito sa banyo, upang hindi ito madulas. Ang kanyang mahabang braso ay nakaikot sa balingkinitan nitong beywang. Pinagpasensiyahan niya na lang ang inaasal nito, "May tubig sa lamesa, malapit sa kama. Halika, sasamahan kita doon para makainom ka na ng tubig.""Oo nga.." tatawa tawa si Sapphire habang kumakapa sa dingding ng shower, "ano ba? wala ba akong makukuhanan ng tubig dito? nauuhaw na talaga ako, gusto ko ng uminom!" may kakulitan niyang sambit."Saglit lang!" pigil sa kanya ni Ezekiel.Subalit bago pa mabuo ang mga salitang nais sabihin ni Kiel, napindot na ng babae ang button ng shower.Nabasa ang dalawang
Habang nagsasalita si Arabella, binitiwan niya ang kamay ng yaya at inosenteng tumakbo papasok sa silid."Humph, siguradong ako ang pinakaminamahal ni Daddy, kaya ayaw kong magkaroon ng kahit sinong mommy na makikipag-agawan sa pagmamahal niya," bulong niya sa sarili.Natutuwa si Sapphire ng makita ang bata na pumasok sa kwarto. Nailigtas siya nito sa tiyak na kapahamakan, "oh, sasama na sayo si Daddy," napangiti siya habang nakatingin siya kay Dexter."Ara, bakit ka nandito?" Tumayo mula sa kama si Dexter, ang gwapo niyang mukha ay napakadilim na parang babagsak ang ulan, at sinigawan ang yaya sa likod ni Ara, "Walang silbi! Sinabi kong bantayan mo ang bata. Mag-impake ka ng mga gamit mo at umalis ka na ngayon din!"Habang pinapaiyak niya si Ara at ang yaya, tumalikod siya at tiningnan si Sapphire, pero napansin niyang lihim na itong bumangon at nakapuslit palabas sa side door ng dressing room.------PAGKAALIS mula sa lumang bahay, naghanap si Sapphire ng banyo upang magpalit ng dam
Matapos niyang bugbugin ng salita si Emerald, at durugin ng husto, nakangiti siyang lumabas ng bahay na iyon.Nang magsara ang pinto, natakpan nito ang paranoid at galit na mga mata ni Emerald na puno ng poot.Pagdating ng tanghali, nakauwi na siya sa lumang bahay ng mga Briones. Subalit mababanaag doon ang kakaibang atmosphere, parang nakakakaba.Kinuha ng kasambahay ang bag mula sa kanyang kamay at nininerbiyos na sinabi, "Madam, hinihintay ka ng Master sa kwarto."Sandaling natigilan siya ng marinig iyon, bago marahang tumango at umakyat sa itaas ayon sa utos.Sa kwarto, isang matangkad at payat na lalaki ang nakaupo sa mesa na may madilim na ekspresyon. Ang kanyang kurbata ay basta na lang itinapon sa gilid ng mesa, at ang mga dokumentong dati’y maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig dala ng galit.Nang buksan niya ang pinto at pumasok, nagtama ang kanilang mga mata ni Dexter. Pareho silang natigilan.Noon pa man, si Sapphire ay laging tahimik na nagmamasid sa anyo ng lalaki
Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way, hindi umuwi ang kapatid mo kagabi, may kinalaman ka ba dito? wag mo siyang sasaktan ulit, hindi pa maayos ang heart transplant niya."Pagkalipas ng limang taon, si Emerald pa rin ang mahalaga sa bahay na ito. Siya pa rin ang inaalala ng pamilya niya.Tumigil si Sapphire habang nakatalikod sa ina. Parang tinaga ang kanyang puso sa pangungusap nito. Medyo masakit iyon kung tutuusin. Parang hindi siya anak sa bahay na iyon.Mula pagkabata, sanay na siyang tratuhin ng ganito ng kanyang pamilya, ngunit bawat pagkakataon, hindi maiiwasan ang lungkot na dulot ng pagbasag sa kanyang puso."Huwag kayong mag alala, alam kong mahal niyo si Emerald, bakit ko naman siya sasaktan?" hindi na niya nilingon
Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nang hindi lumilingon.Sa loob ng silid, natakot si Emerald sa malakas na tunog ng pagsara ng pinto. Nanginig ang buong katawan niya, at bumaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad.Mula nang magkita sila ni Dexter at mahulog ang loob sa isa’t isa, maliban sa ilang araw noong ikinulong si Sapphire limang taon na ang nakalilipas, hindi pa naging ganito kalamig at walang pakialam si Dexter sa kanya.Matagal na silang magkakilala at nagmamahalan, kaya hindi siya ganoon kahina para hindi matanggap ang anumang pagbabago nito.Ngunit hindi niya matanggap ang bawat pagbabagong ginagawa ni Dexter sa kanya, lalo na kapag may kaugnayan iyon kay Sapphire.Noong gabing iyon, bumalik si Dexter sa lumang b
“Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong na tunog ng nabaling buto at daing ng sakit.Ang lalaking kanina’y arogante ay napangiwi ang mukha, at sa isang iglap ay napasigaw at bumagsak sa sahig.“Master Ezekiel..”Nanginginig sa takot ang dalawang bodyguard, nagkatinginan ngunit hindi maglakas-loob na lumapit, ibinaba na lamang ang kanilang mga ulo nang mababa. Hindi nila kayang pigilan ang lalaki na bugbugin ang kanilang amo.Ang babaeng hawak nila ay hindi na isang kasiyahan para sa kanilang batang amo, kundi isang delikadong pasanin na magdadala ng sakuna. Sinong mag aakalang nais lang ng lalaki ng babaeng makakaulayaw, subalit ang natagpuan ay isang babaeng magpapahamak dito?“Lumayas kayo.” sigaw ni Ezekiel sa kanilang lahat.
Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw.Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayamanan nito. Kapag nakabayad siya sa lalaking iyon, makakalaya na siya.Sa harap ng Angel Club, bumaba si Sapphire mula sa sasakyan at diretso nang pumasok, pilit na pinapalampas ang sakit sa kanyang bukung-bukong na sumisigid sa kanyang binti. Ang heels na nagpapahirap sa kanya ay masyadong mataas.Ang kanyang make up, na nagbibigay sa kanya ng kaakit akit na aura, at off shoulder na damit ay bumagay sa kanyang anyo. Ang kanyang makurbadang katawan ay talagang kaaya aya at kapansin pansin. Sino ang mag aakalang bagong laya lang siya?"Kumalma ka, Sapphire, gusto ni Dexter ng laro? pagbigyan mo siya!" bulong niya sa kanyang sarili, habang nabibingi sa tugtugan sa entrance pa lang ng club.Sa kal
Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain. Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hining