Hinabol ko si Lily upang humingi ng isa pang pagkakataon na pagusapan namin ang business partnership. "Ms.-"Fine , Lily sige na tulungan mo na akong mapa-Oo ang iyong Ama. Alam ko naman na ako ang dahilan bakit nareject kahapon ang proposal. Sige na , Sorry" sabi ko sa kaniya ng mahabol ko siya. "Para saan pa kung ako mismo inalis ni Daddy sa pagdedecision niya dahil dumating na ang tagapagmana niya" irap niya sa akin"Huh? Di ba nag iisa ka lang na anak?" tanong ko naman sa kaniya. Ayon kasi sa pagsasaliksik ko nagiisang anak si Lily ng Montenegro Family. May isa pa pala? Sino naman kaya iyon. "Dumating na ang pinsan ko galing america. Nag iisa siyang anak ni Tito at si Daddy na naging Ama niya at willing si Daddy na siya ang maging tagapagmana niya dahil wala na siyang tiwala sa akin at kasalanan mo iyon" Mataray niyang sabi sa akin. Humingi na lang ako ng paumanhin sa kaniya at iniwan na niya akong nakatayo. Hindi ko naman siya muling sinundan pa bagkus kinuha ko ang cellphon
"Anong nangyari? Tanong ko kay Cheska nang makita ko siyang nakaupo sa tabi ng dagat. "Mainit dito, hindi ka pa nag sasunblock" sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita kaya nagsalita na lang ulit ako. "Pwede ka naman magkwento sa akin ng sama ng loob mo kahit mas matanda ka sa akin. Kung ayaw mo bilang kapatid, Pwede naman bilang isang tao na di mo na lang kakilala" sabi ko ulit sa kaniya. "Alam mo ang mahirap sa pagiging anak ni papa ay iyong pinapagawa niya ang hindi mo kaya, kung di mo makaya papalitan ka niya. Bata pa lang ako nakikita ko na hindi ako gusto ni papa, wala siyang amor sa akin kahit anong gawin ko. Hindi ko naman kasalanan kung bakit pinanganak akong sakitin. Wala naman akong magagawa dahil kahit anong gamot inumin ko nanatili pa din ang sakit ko. " mahabang sabi niya na may sama ng loob. "Pinapakita ko kay papa mga achievements ko sa school ngunit hindi iyon ang nais niya. Hindi kasi ako makapagsalita ng dire-diretso sa harap ng maraming tao. I have mild
"Kagabi lang plinano na lumabas kaming apat hindi ka namin sinubukan ayain dahil sinabi ni Aira na wag na lang" paliwanag sa akin ni Raven. Sila kasi ang nakakita sa akin noong hinahabol ko si Lily. FLASHBACK. "Miguel?" tawag ng isang tinig mula sa likuran ko. Tiningnan ko siya nang hindi pa din inaalis ang pagkakahawak kay Lily. Inalis ko lang ito ng marealize ko na si Raven ang tumawag sa akin. Nagulat ako kaya nabitawan ko si Lily at sinabihan ko siya na wag magisip ng kahit ano dahil trabaho lang bakit ko hinahabol si Lily. Sinabi ko naman na magpapaliwanag ako mamaya at hahanapin sila sa resort kaya hinabol kong muli si Lily "Kasama ko si Aira at- Hindi ko na narinig sinabi niya dahil abala ako sa paghabol kay Lily. END OF FLASHBACK "Anong gagawin mo? Masyado ka kasing nagpadala sa bugso ng damdamin mo. Hindi mo man lang siya tinanong at hiningi ang paliwanag niya" Pagsisermon sa akin ni Raven. "Puntahan na lang natin siya. Magpapaliwanag ako sa kaniya. " sabi ko na
Aira's POVSunday na ngayon ng madaling araw ngunit kakatapos lang namin maghakot ng gamit ko mula sa mansyon. Gusto ko na talagang lumayo sa mga mata ni Meriam at ni Mommy. Ayoko pagdudahan nila ako na aangkinin ko ang Company dahil lang boyfriend ko na si Miguel. Raven texted me kung nasaan daw ba ako bukas. Sinabi ko sa kaniya na dito lang sa condo. Wala kasi kaming trabaho bukas kaya siguro nagaalala siya kung ano ang gagawin ko dito habang wala akong kasama. "Dito lang naman ako. Bakit?" reply ko sa kaniya. "Sumama ka sa amin sa resort sa palawan. Balik tayo ng monday morning." agad niyang reply sa akin. Hindi pa ako sumasagot ng makarecieve ako ng isa pang text. "Ate, umalis ka daw sabi ng guard dito sa mansyon. Bakit dis-oras ng gabi ka umalis. Sobrang delikado ngayon. Sinong kasama mo? Sino naghatid sayo? Pwede ba kitang sunduin bukas? labas naman tayo." Sunod sunod na basa ko sa mga text messages niya. "Kita tayo bukas sa lobby ng condo nila Raven. " sabi ko sa kaniya.
"Bakit kasi kailangan mo pang umalis sa mansyon? Hindi naman laging nauwi si Meriam. Ikaw at ako na lang kaya halos ang nakatira doon" sabi naman ni ken sa akin. "Huh? Hindi na umuuwi doon si Meriam?" naguguluhan kong tanong. "Oo. Umuuwi lang iyon doon, nagkakataon lang na lumalabas ka sa kwarto mo nandoon siya" sabi naman muli ni Ken. "Alam mo naman ang sitwasyon ko doon, alam mo naman noon pa lang ayaw na nila sa akin. Bakit pa ako magstay? Saka may sariling business na din naman ako. Kaya ko na sarili ko kaya wag ka na magalala" mahabang paliwanag ko sa kaniya. "Pamilya kasi tayo. Bakit kailangan natin maghiwa-hiwalay." naiinis na sabi ni Ken. "Alam mo naman ang sitwasyon ko. Hayaan na natin. Atlist pwede naman tayong magbonding dalawa kahit di nila alam. Alam ko din kasing iniwasan mo ako simula naghigh school tayo. Hinayaan ko na lang dahil alam ko naman na di mo ako sasagutin." Sabi ko at kinuha ang bulak sa sahig dahil nahulog ito. "Naiintindihan ko kung bakit Independen
Nakauwi na ako dito sa condo ni Miguel na tinitirhan ko. Kababalik lang namin mula sa palawan. Kasama ko si Raven, angela, Thirdy and ken. Masaya kaming nagbonding kahit may mga aberya at hindi magandang nangyari. Nagbonfire kaming lahat kagabi at naglaro. Tumawa ako, umiyak at naoverwhelm. Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame ay naisip ko pa din ang nangyari kahapon ng late lunch. FLASHBACK"B-BUNTIS KA?" sigaw na sabay ni Raven at angela."Huh? Magkakaroon na agad ako ng pamangkin sa iyo ate?" tanong naman sa akin ni Ken. "Pwede ba hinaan niyo ang boses-"So? Totoong bun-"Shutup ken. Sabi ko hinaan niyo ang boses niyo dahil nakakahiya kayo. At lalong hindi ako buntis." sabi ko kay ken at hinila ko siya paupo. "Hindi ka naman ganyan? Hindi ka basta susuka dahil lang sa pagkain." sabi naman ni Raven. "Hindi ko din alam. Saka ang buntis morning sickness lang ang pagsusuka. Maggagabi na kaya hindi ito morning sickness kaya hindi ako buntis" mahabang depensa ko naman sa kan
Dahil sa harapan mismo ni Miguel ako nagsuka kaya minadali niyang magpacheck up kami. Nagpa-appointment agad ako sa pinakasikat at trusted na OB dito sa amin. Hindi naman na ako tumutol pa dahil ayokong magkasakit kakaisip sa bagay tulad nito. "Sa ngayon po hindi pa namin malaman kung buntis po talaga kayo o hindi. Masyado pang maaga para madetect." sabi ng OB sa amin. "Nag-positive po kayo sa pregnancy test ngunit nakikita niyo po ay wala pong nakikita sa ultra sound. May mga morning sickness din po kayo at mga symptoms na buntis pero sa ngayon hindi ko po makokompirma na buntis kayo 100%. Maaari po kayong bumalik after 2 weeks or a month to double check. Maari niyo na din pong alagaan ang sarili niyo at Mr. Pwede niyo na po ibigay lahat ng cravings niya para kung sakaling buntis po siya ay walang masamang mangyayari sa bata" mahabang dagdag na paliwanag ng OB. "Kung ganoon po, Maraming salamat. Ang napagusapan po natin huh. Sa ngayon sa ating lang po muna ito." sabi naman ni Migu
"Buntis si Ma'am?" "Talaga ba?" "Totoo kaya?" Mga rinig ko na sinasabi ng staff ko dito sa bar. Pasalamat na lang talaga ako na dahil walang masyadong tao pa dito sa bar. "Hindi ako buntis!" sagot ko kay Miguel. Siya lang naman ang taong pumasok sa Room upang hilahin ako at ipahiya sa mga staff ko. "May possible na buntis ka, bakit ka nag iinom? Gusto mo bang mawala ang anak natin?!" May diin sa sinasabi niya na mas umingay ang bulungan. PAAAAAAAAAAAAAAAAAk!Sampal ko sa kaniya. Hindi ko na kinakaya ang pagpapahiya niya sa akin at paggawa niya ng eskandalo dito sa harap ng mga trabahador ko. "Hindi ako nagiinom, hindi din ako buntis tulad ng sinasabi mo. Sana nga hindi ako buntis dahil ayoko na ikaw ang ama. Masyado kang pabigla-bigla at hindi nag iisip ng tama." sigaw ko sa kaniya. "Sino ka ba para gawin sa akin ang ganito? Pagkatapos mong sabihin sa kanila na itago ang resulta. Ito ka ngayon pinagsisigawan na nabuntis mo ako! Ang kapal mo!" sabi ko sa kaniya at lumabas na n