Share

Kabanata labing-apat

Dalawang linggo ang nakalipas nang huli kong nakita dito sa bahay si Ate Elys. Dalawang linggo ko na ring napapansin na parang lumalayo sa akin si Karlos. Pero dumadalaw naman siya sa kuwarto para kumustahin si Emzo nang mabilis. Pagkatapos ay aalis naman siya.

Parang nag-iba siya. Hindi na siya kagaya dati na tumatagal sa kuwarto at magpapalambing sa akin. Ngayon napapansin ko, nararamdaman ko na umiiwas siya sa akin na hindi ko alam kung bakit. Wala rin akong ideya. Masakit sa kalooban ko. Nasasaktan din ako.

Namalayan ko nalang na nagsasalita pala mag-isa ang anak ko ngayon. Tiningnan ko ito na masaya at aliw na aliw sa mga sinasabi at binibigkas ng bibig n'ya. Nagpapapadyak pa siya sa tili sa ibabaw ng legs ko.

Buhat ko kasi itong patayo sa ibabaw ng legs ko habang hawak ko siya sa magkabilang kili-kili n'ya bilang alalay para hindi siya matumba.

“Yes, baby. Tuwang-tuwa ka nga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status