Share

Chapter 2

Sa huli ay wala nang nagawa pa si Armando kundi pumayag sa nais ng kanyang mag-ina. Bago siya tuluyang tumungo sa kanyang study room ay muli niyang binalingan si Ivy.

“You should be nice to your sister. Stop calling her stupid. The woman is sick, Ivy,” istriktong bilin sa kanya ng kanyang ama.

Umikot ang mga mata ni Ivy sa ere nang palihim. “Yes, dad. I’m sorry.”

Kung hindi lang dahil sa malaking pera na mapupunta sa kanila sa oras na magpakasal si Rosie ay hindi niya pagbibigyan ang gusto ng kanyang ama. Rosie is stupid. What’s wrong about calling her stupid? Tsk.

“Rosie! Where are you? Do you want to play a game with me? Come on, show yourself!” Sigaw ni Ivy sa buong bahay.

Ang nakatagong si Rosie ay tumalon papalapit kay Ivy habang yakap-yakap pa rin ang bear doll na iyon. Malawak ang ngiti sa kaniyang labi.

“Here—here! Gusto ni Rosie makipaglaro kay Ivy…” Nauutal na tugon ni Rosie.

Ngumisi si Ivy at nagsimulang kumuha ng sampung-piso sa kaniyang bulsa at tatlong tig-iisang-libo. She wanted to see a good show again at sigurado siyang ibibigay iyon sa kanya ng sinto-sinto niyang kapatid.

Hinagis niya sa sahig ang sampung-piso at ang tatlong-libo. Mabilis naman na kumilos si Rosie at pinulot ang sampung-piso saka nilagay sa kanyang bulsa.

Napawi ang malawak na ngisi sa labi ni Ivy nang makita ang ginawa ng kapatid. What is she doing? Didn’t she want the thousands? Ni hindi man lang iyon pinansin ni Rosie.

Ramdam ni Ivy ang iritasyon sa kanyang puso nang ihagis muli niya ang sampung-piso at dalawang libo sa sahig. Walang pagdadalawang-isip naman na pinulot muli ni Rosie ang sampung-piso at nilagay sa kanyang bulsa saka bumaling sa kanya nang nakangiti.

Ivy’s irritation grew further. “No! Do it again!”

Ngunit ang pangatlong sampung-piso ang muling kinuha ni Rosie at nilagay sa kanyang bulsa. The thousands were still on the floor, feeling neglected and abandoned. Bagay na lalong ikinagalit ni Ivy. Tanga-tanga talaga!

“Mom!” Ivy roared and went to her mother. “Look! She’s really stupid! How can I be nice to her when she’s this fool?”

“Leave her alone, Ivy, and listen to your father. Be nice to Rosie. Pagod ako at kailangan ko ng pahinga. Magpahinga ka na rin kung gusto mo,” walang-ganang sagot ni Reniella sa kaniyang anak at binigyan lamang ng tipid na sulyap si Rosie saka umalis na.

Wala siyang pakialam kay Rosie kung pahirapan man ito ni Ivy o ano. Ang mahalaga lamang sa kanya ay ang kaligayahan ng nag-iisang anak. 

Marahas na napabuntong-hininga na lamang si Ivy at isa-isang pinulot ang thousands sa sahig habang nakamasid lamang sa kanya si Rosie. Binalingan niya ang huli at marahang tinapik ang pisngi nito.

“Poor you. Habang buhay ka nang tanga,” Ivy remarked and stormed out of that room.

Ngumisi lamang si Rosie at umiling.

Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang pinalaro ni Ivy ng larong iyon mula pa nang mga bata sila. She knew Ivy felt satisfied every time she’d pick the smaller bill and leave the biggest bill on the floor. Para kay Rosie ay wala lang naman iyon sa kanya. After all, lahat ng perang mayroon ang Samaniego ngayon ay sa kanya nanggaling.

She was twelve-years old when she found out about her inheritance left by her biological parents. Iniwan ito ng kanyang mga magulang sa mga Samaniego na dapat para sa kanya, ngunit narinig niya mismo sa mag-asawang Samaniego na pinalitan ni Reniella ang pangalan ni Rosie sa mga dokumento nang sa ganon ay mapunta sa kanila ang lahat ng pera.

Armando asked Reniella to give back Rosie her money several times, but Rosie knew how greedy her stepmother was. Some people can really do anything for money, huh.

Nang araw ding iyon, ang kanyang stepsister na si Ivy ay walang-awa siyang tinulak sa hagdan. Mabuti na lang ay naisugod kaagad siya sa hospital, and there, she realized how cruel Samanigeo family is to her.

So she decided to protect herself by pretending to have autism. Alam niyang sa paraang iyon ay maililigtas niya ang kanyang sarili laban sa mag-inang Ivy at Reniella.

Mabuti na nga lang ay mabait sa kanya ang kanyang stepfather na si Armando. Ito na lang ang natatangi niyang rason upang manatili sa pamilyang ito bukod sa wala naman na siyang mapupuntahang iba.

Naisip din ni Rosie na marahil ang pagpapakasal kay Sebastian Villafuerte ang maaaring maging unang hakbang niya para singilin sina Ivy at Reniella sa mga ginawa nito sa kanya. Lalo na ang perang ninakaw nito sa kanya.

___

Walang kibong bumalik si Rosie sa kanyang silid at dire-diretsong tumungo sa kanyang walk-in closet. Doon, binuksan niya ang likuran ng bear doll na hawak niya at nilabas ang isang maliit na gadget tila iPad.

Binuksan niya ang iPad at bumungad sa kanya ang screen nito na walang kahit isang icons, but then, Rosie skillfully called up a hidden folder.

Seryoso ang kanyang ekspresyon habang tinitipa ang password ng folder. Nang sandaling bumukas iyon ay sunod-sunod na nagpop-up ang avatar ng nagngangalang Elton.

Elton: Spectra, Alpha Enterprises has a secret project with a ten-billion worth of investment. Should we get involved?

Elton: What do you think of the Laurenti Holdings merger and acquisition case?

Elton: Do you participate in the board of directors of the company?

Elton: Hey, are you busy?

Ang totoo niyan, para kay Elton ay maliit na bagay lang ang ten-billion worth of investment ng Alpha Enterprises at ang merger and acquisition case ng Laurenti Holdings na pinag-uusapan ngayon sa buong bansa.

Mas inaalala niya ngayon kung kasama ba ang Spectra sa board of directors dahil malaking hakbang iyon para sa kanila.

Kilala ni Elton si Rosie sa screen name na Spectra. Limang taon na ang nakalipas nang magkakilala sila online at nagdesisyon maging mag partner upang magtayo ng isang venture capital na sila ang mamumuno.

Dahil sa taglay na katalinuhan ni Rosie, nagdesisyon siya na siya ang magmamanage ng trading. Sa kanya rin nakasalalay ang malaking desisyon para sa kanilang kompanya, habang kay Elton naman ang personnel transfer and specific affairs arrangements. 

The company has been established for five years, and the cooperation between the two is perfect, but Elton still doesn't know what the spectra looks like, whether it is old or young, male or female.

Mabilis na nagtipa si Rosie sa kanyang iPad ng kanyang desisyon at sinend na iyon kay Elton, Pagkatapos ay muling pinatay ang iPad saka binalik sa loob ng bear doll.

"I'm so hungry, Rosie is so hungry! I want to eat now!" Hiyaw niya nang sandaling lumabas siya sa kaniyang silid.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maluz Dumancas Diaz Amistoso
ohhh kakakaiba sya.nice one.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status