Share

Chapter 3

Villafuerte Mansion

Ang pamilya Villafuerte ang nangunguna sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa ilang taon na. Sa lahat ay sila na yata ang perpekto at may pinakamakapangyarihang pamilya. They are old money. Walang nakakaalam kung saan nagmumula ang kanilang mga pera. Sila yata ang gumagawa nito.

Isa na lamang ang pinag-aalala ng matandang Villafuerte ngayon—iyon ay walang iba kundi ang nag-iisa at pinakamamahal niyang apo. Sebastian Villafuerte is now 30 years old at hanggang ngayon ay tila wala itong balak mag-asawa, bagay na pinag-aalala ng kanyang lolo.

Kaya naman nang tuluyan nang pumayag si Armando Samaniego sa nais niya at sa deal na binigay niya sa pamilya nito, hindi na natanggal ang malawak na ngiti sa kanyang labi.

“Tell him the good news, Anita,” kalmado ngunit masayang utos ni Don Hugo Villafuerte sa nanny ng kanyang apo.

Hindi na nagsalita pa si Anita at tumulak na patungo sa silid ng kanyang young master.

Limang taon na ang lumipas nang mangyari ang fire incident sa isa sa kanilang mga properties na dahilan ng pagkabulag ng kanyang apo na si Sebastian. Ito rin ang naging dahilan ng pagkasawi ng babaeng pakakasalan sana nito kaya naman labis ang kanilang pagluluksa.

Gwapo, matalino, mayaman, at matipuno si Sebastian. He’s the ideal type of every women in the world, and everyone wanted to marry him in an instant, ngunit magmula nang ilabas nila sa publiko ang tungkol sa pagkabulag nito, wala na ni isang babae ang gustong magpakasal sa kaniya.

Humingi si Sebastian ng sapat na oras sa kaniyang pamilya upang ipagluksa ang namatay niyang fiancee. Three years had passed, when Don Hugo knew that his grandson will not be able to find the right woman for him, nagdesisyon na siyang siya na ang gumawa ng paraan sa pamamagitan ng pakikipag-blind date.

Don Hugo just wanted to have an eldest granddaughter, at kay Sebastian niya lamang makukuha iyon, but the woman must meet the standards of their family, especially his wants.

“She agreed?” Kunot na kunot ang noo ni Sebastian habang siya ay nakatayo sa gilid ng bintana ng kanyang silid, inaalala ang nangyaring engkwentro niya sa babaeng Samaniego.

“Yes, young master. Bukas daw po dadating ang bride para sa inyong kasal,” nakayukong sagot ni Anita kay Sebastian.

Lalong nangunot ang noo ni Sebastian. Napuno ng pagdududa ang kanyang puso.

Hindi niya inaaasahan na papayag itong magpakasal sa kaniya dahil sa naging reaksyon nito noong sabihin niyang bulag siya. Tandang-tanda pa niya ang naging reaksyon nito—galit at pandidiri, saka walang sabi-sabing umalis na tila nahihiya pa.

And now she agreed to marry him? How come?

“Okay,” tipid at malamig niyang sagot sa maid.

Anita stormed out of his room. Sebastian sighed heavily. He knew something’s wrong with the woman, but that’s the least of his concern now. Wala na siyang pakialam sa lahat. Nais na lamang niyang matapos ito at magsimulang bumuo ng pamilya gaya ng nais ng kanyang lolo.

Pagkatapos nito, sigurado siyang tatantanan na siya ng matanda at magagawa na niya lahat ng kanyang gusto.

____

Yakap-yakap ang kanyang bear doll, nakatayo at nakahanda na sa kanyang pag-alis si Rosie nang umagang iyon. Her beauty stood out even more in her pastel pink dress, while her hair was tied up in two buns.

“Rosie is obedient. Wala siyang ibang susundin kundi ang kanyang asawa at ang pamilya nito sa oras na… sa oras na tumira na siya sa mansion, but… b-but Rosie still wants chocolates,” ani Rosie sa kanyang ama na si Armando.

Agad na sinuntok ng konsensya si Armando nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Hindi mapagsidlan ang kanyang pag-aalala para rito. Nangangamba siya na sa oras na tumira na siya sa mansion ay itrato siya na parang basura at saktan ng mga Villafuerte dahil sa kanyang kondisyon, kapalit lamang ng malaking pera na mapupunta sa kaniyang asawa at anak na si Ivy.

Hindi rin makapaniwala si Armando na papayag si Rosie sa kanyang sinabing pagpapakasal kay Sebastian Villafuerte. Hindi siya naging handa sa tagpong ito.

Kahit pa hindi niya ito tunay na anak, mahal niya pa rin ito kahit na anong mangyari. Inalagaan at pinalaki niya ito sa loob ng dalawampung-taon kaya naman ganon na lamang ang kanyang pag-aalala.

Armando sighed heavily, feeling the weight of so much guilt and pity for his daughter, he took his passbook  out of his pocket and handed it to the innocently foolish Rosie.

“Here, this is for you. Keep this to you. Sa oras na saktan o pagmalupitan ka ng asawa at pamilya niya, huwag kang magdadalawang-isip na bumalik dito ha? Naiintindihan mo ba ako, Rosie, anak?” Malumanay niyang usal sa kanyang mahal na anak-anakan.

Paulit-ulit na tumango si Rosie. “Rosie is a good daughter. Rosie will be a good wife as well. Rosie—”

“Sshh! Stop talking!” marahas na saway sa kanya ni Reniella nang sandaling dumating na ang maid ni Sebastian para sunduin siya.

Mabilis na sinulyapan ni Reniella ang maid sa takot na baka narinig nito ang sinabi ni Rosie at malaman ang kondisyon ng kanyang anak-anakan. Hindi maaaring masabutahe ang plano nila. Kailangan nilang makuha nang buo ang pera.

“Tayo na po, Ms. Samaniego. Hinihintay na po kayo ni young master,” ani Anita at iginiya na siya patungo sa chopper na nakalapag sa malawak na bakuran ng mga Samaniego.

Imbes na sa mga mansion ng Villafuerte, lumapag ang chopper lulan si Rosie sa isang malaking villa malayo sa mansion. Malawak ang hardin nito at sa harap ay makikita ang malawak na dagat.

“Ms. Samaniego, maiwan ko po muna kayo rito habang naghihintay. My young master will come here to see you a little later,” ani ng maid kay Rosie.

Hindi pa nga siya nakakasagot ay pinagsarahan na siya nito ng pinto.

“Whew! Rosie’s tired. I want to rest,” bulong ni Rosie sa kanyang sarili nang sandaling makaalis ang maid at sinulyapan ang bear doll na kanyang yakap.

“Huh? You’re tired, too? I’m sorry…”

Tinanggal niya ang panyo na tumatakip sa kanyang kalahating mukha at hinayaan iyon sa sahig.

Tumambad sa kanya ang isang malaking silid na may magagara at mamahaling mga kagamitan. Malinis ito at mabango. Kumpara sa kaniyang kwarto ay triple yata ang laki nito.

It’s true that Sebastian Villafuerte is rich. Sa chopper pa talaga siya nito ipinasundo.

Sumilip ang isang ngiti sa labi ni Rosie habang nag-iilaw ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang labis na kaligayahan sa kanyang puso.

Sa wakas ay nakalaya na rin siya sa impyernong bahay na iyon na kasama ang kanyang witch stepmother at stepsister.

At sa wakas, mapapasakamay na niya si Sebastian Villafuerte nang walang kahirap-hirap. Tila ba umaayon sa kanya ang langit at tadhana.

“So, that guy is blind? Kahit pala bigla kang mawala rito ay walang problema, Rosie,” bulong niya sa kanyang sarili. “Magagawa mo na lahat ng gusto mo. Magkakaroon ka na ng pagkakataong makalaya, at higit sa lahat…”

Rosie roamed her eyes around the room once again. A devious smile flashed on her lips.

“You can now live the way you want.”

Ngunit agad na napawi iyon at napalitan ng gulat nang bumaling ang tingin niya sa ibang direksyon at doon nagtama ang mga mata nila ni Sebastian, na tila ba nakikita siya nito.

She didn’t even feel his presence! Ano ba siya, multo?

Mabilis na kumilos si Rosie at kinuha ang folder na binigay sa kanya ng maid kanina lamang.

She clung onto Sebastian’s arm and cheerfully said, “H-here… our marriage license. Rosie and Sebastian are husband and wife now… ”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status