Share

Chapter 4

“You’re not my wife,” malamig at mariin na usal ni Sebastian kay Rosie.

Ramdam sa loob ng silid na iyon ang taglay na kalamigan at pagiging metikuloso ng lalaki sa boses pa lamang nito.

“A-ano?” Nagtatakang bulalas ni Rosie, hindi pa rin mawaglit sa kanyang isip ang pagiging malaya niya sa kanyang pamilya.

Nanatili ang matigas na ekspresyon ni Sebastian at lalo lamang naging mariin at masungit ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Rosie.

“You’re not my wife. Hindi ikaw ang nakasama ko sa blind date. You are a damn impostor, aren’t you?” Sebastian inquired with his cold, and menacing aura. As if he’s certain about what he said.

Lalong nagtaka si Rosie. Sinilip niya si Sebastian na diretso lamang ang tingin sa kawalan at winagayway ang kamay niya sa harapan nito.

“Nakikita mo ako? My daddy said you’re blind. Can you see Rosie now?” Sunod-sunod niyang tanong kay Sebastian.

Saglit na natigilan si Sebastian. His forehead is still creased. Bulag lang siya pero hindi siya tanga!

“Your perfume doesn’t smell right. Your voice is different, too. Who are you?” May pagbabanta na sa boses ni Sebastian at walang anu-ano’y hinablot ang palapulsuhan ni Rosie.

“A-aw!” Rosie hissed.

Agad siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang wrist at tila ba madudurog ang kanyang kamay anumang oras.

Rosie was caught off guard. She didn’t know what to do! Alam niyang alam ng lalaking ito na hindi nga siya si Ivy. Paano niya matatakasan ito?

Mula sa pagkangiwi ay mabilis na pumalahaw ng iyak si Rosie. Ito na lamang ang naiisip niyang paraan para maiwasan ang pangongorner sa kanya ni Sebastian.

Walang ibang maririnig sa silid na iyon kundi ang palahaw ng iyak ni Rosie na siyang ikinagulat ni Sebastian.

“A-aw! B-bad guy! It hurts! Let go of me! Ma-masama kang tao! Big… bad guy! I hate you! Daddy!”

Sa isang iglap, bigla na lamang naging isang parang bata at walang muwang na patuloy lamang sa pagpalahaw ng iyak si Rosie. Sa gulat ni Sebastian ay mabilis niyang binitiwan si Rosie at umalis na sa silid na iyon.

___

“Investigate this woman. I want to know all the details and information about her. Now,” maawtoridad na utos ni Sebastian sa isa sa kanyang mga bodyguard. 

Padarag niyang binato sa lalaki ang folder na binigay sa kanya ni Rosie kanina na naglalaman ng kanilang marriage certificate. Nanginginig at takot na kinuha iyon ng kanyang bodyguard at yumuko sa harapan ng galit na si Sebastian.

“Right away, young master,” aniya saka lumabas na mula sa study room ni Sebastian.

Kasabay ng pagsara ng pintuan ay ang malakas na kalabog ng mesa sa silid na iyon dahil sa malakas na suntok ni Sebastian. Bakas na bakas ang labis na galit sa kanyang ekspresyon. Even his veins are popping out of his head!

Sa lahat ng ayaw niya ay iyong niloloko at ginagawa siyang tanga!

The Samaniego family just tried to fool him believing he wouldn’t find out about what they did. At ano ang kapalit? Malaking pera gaya ng ipinangako ng kanyang lolo?

Maya-maya pa, muling bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang kanyang bodyguard dala-dala pa rin ang folder na iyon.

“What did you find out?” Malamig na tanong ni Sebastian sa lalaki na nangingimi pang magsalita hangga’t walang pahintulot ng kanyang young master.

“Ang panganay na anak na babae ng mga Samaniego ang naririto ngayon sa villa, young master. Mayroong dalawang anak ang mag-asawang Samaniego at ang nakasama niyo sa blind date ay ang pangalawang anak nila. The eldest daughter is the one they sent here for you to marry,” malinaw na paliwanag sa kanya ng bodyguard niya.

Nag igting ang panga ni Sebastian nang marinig iyon at lalong kumuyom ang kanyang kamao. Pansin niyang may nais pang sabihin ang kanyang bodyguard kaya natutok muli ang tingin niya sa huli.

“Spill it, Brandon. What is it?”

“Ms. Samaniego here, the eldest, is autistic.”

“Really, huh?” Sebastian muttered as his brows raised in astonishment.

An autistic woman wants to marry him? This should be in the record of the Samaniego family! Bakit wala ito roon at tila tinatago nila?

Isa pa, nais nitong makasal sa kanya? He’s afraid it won’t be easy. Lalo pa’t nalaman niyang niloko siya ng mga ito. Ano kaya ang puwede niyang gawin sa impostorang iyon?

Sa kaniyang silid, mahimbing ang tulog ni Rosie habang yakap ang kanyang sarili sa maluwag na kama na iyon. May mga bahid pa ng luha ang kanyang maamong mukha at pisngi at maging ang make-up at mascara nito ay nagkalat sa ilalim at gilid ng kanyang mga mata.

“Ms. Samaniego, gumising na ho kayo.” Niyugyog ni Anita ang balikat ni Rosie at nang silipin niya ang babae ay halos mapapitlag siya sa gulat nang makita ang itsura ng babae.

Ito ba ang babaeng nagpakasal sa kanyang young master? She doesn’t look smart and independent. She looks weird.

Alam niyang bilang lang ang mga babaeng nais magpakasal sa kanyang young master, pero hindi niya maintindihan kung bakit ganitong babae ang pinili niyang pakasalan. Ngunit ano pa nga ba ang kanyang magagawa? Narito na ito at isa lang naman siyang hamak na tagasunod.

“Ms. Samaniego, gumising na kayo,” muli niyang sabi habang niyuyugyog ang balikat ni Rosie, ngunit patuloy pa rin ito sa paghilik nang malakas.

Napakamot sa ulo si Anita. “Oras na po para kumain. Gumising na po kayo.”

Tila ba naging isang bell para kay Rosie ang unang sinabi ni Anita at bigla na lang siyang bumangon saka nag-inat pa ng kanyang mga kamay.

“Okay! Rosie’s hungry. I want sweets!” Rosie tilted her head to look at Anita.

"Ale... do you have chocolates? This house is huge, sigurado akong marami kayo non." Her smile widened at the thought of her favorite chocolates.

Nangunot ang noo ni Anita habang pinapanood si Rosie. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang akto ng babae.

“Gusto po ni young master ng presentable kayo kaya maghilamos ho muna kayo. Bibigyan kita ng chocolate kapag naglinis ka ng mukha mo,” dagdag pa ni Anita na agad namang sinunod ni Rosie bago tuluyang tumungo sa dining table.

Sebastian sat at the opposite table and just stared at Rosie quietly. Halos lumuwa ang mga mata ni Rosie nang tumambad sa kanya ang marami at masasarap na pagkain kaya agad na nilantakan niya iyon. Ni hindi na siya gumamit ng soon at fork at kinamay na lamang.

Bagay na nagpatayo kay Anita habang kunot na kunot ang noo. 

“Ms. Samaniego, please, be classy and elegant when you’re eating."

Hindi iyon pinansin ni Rosie. Matapos siyang kumain ay agad siyang tumayo saka walang anu-ano’y pinahid ang sarsa at oil ng mga pagkain sa kanyang damit.

“Rosie’s full. I… I want to sleep already. My eyes hurts,” ani Rosie at kinusot pa ang kanyang mga mata dahilan para mapunta rin doon ang sarsa ng pagkain na nasa kamay niya.

Napanguso siya nang mapagtanto ang ginawa. Aalis na sana siya sa dining table, ngunit hindi pa nga siya nakakalayo ay agad siyang pinigilan ni Anita.

“Ms. Samaniego, that’s the wrong way. Kusina ang pupuntahan mo.”

Lalong napanguso si Rosie at nangunot ang kanyang noo. Pumadyak siya na parang bata at sinunod ang sinabi ni Anita.

Lumiko siya sa pag-aakalang tamang direksyon na iyon ngunit muli siyang pinigilan ni Anita.

"Saan ka ba pupunta? Sabi mo matutulog ka na, bakit ka lalabas ng bahay?"

Wala nang nagawa si Anita kundi habulin si Rosie at hindi na ito pinakawalan pa hanggang sa maihatid niya ito sa kanyang silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status