Nang masigurong nasa tamang silid na si Rosie ay agad ding umalis si Anita.
Samantala, may halong pandidiri at pilyong ngiti ang ekspresyon ni Rosie nang makita ang kanyang sarili sa salamin ng kanyang silid. Ang nagkalat na sarsa ng mga ulam at mantika nito ay nasa kanyang damit.
Kung hindi lang niya kinailangang makatakas sa mga mapanuring mga mata ni Sebastian ay hindi niya ito gagawin. Buti na lang ay sanay na siya dahil ganito naman ang kanyang inaakto sa kanilang bahay.
Bakit ba pakiramdam niya’y may iba pang tinatago ang Sebastian na iyon? Totoo bang hindi siya nakakakita?
Rosie decided to take a shower after that thought.
Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang mainit at mabangong tubig na nanggagaling sa bathtub nang sandaling lumusong siya roon.
This is the kind of life she’s always dreamt of. Kumain, maligo sa mabango at mainit na tubig, at matulog. Wala siyang ibang iisipin kundi ang kanyang mga plano.
Hindi niya kailangang magpanggap sa harap ng kanyang witch stepmother at stepsister. Living alone is an ideal life for Rosie, at pagkatapos nito ay saka niya kokontakin si Elton.
Napangiti siya sa isiping iyon.
Alam niyang labis ang gulat ng mga kasambahay, bodyguard, at ng ibang mga tao pa sa dining room kanina nang makita ang inakto niya, ngunit wala siyang pakialam. Ang importante ay kasal na sila ni Sebastian.
Ang lalaking iyon na iisa lang yata ang emosyon—blangko. Ang hirap tuloy basahin ng mga iniisip niya. Ganon ba talaga pag bulag?
Matapos ang lagpas isang oras ay umahon na si Rosie saka ipinulupot sa kanyang katawan ang bath towel na naroon.
Kumakanta-kanta pa siya nang lumabas siya ng banyo, ngunit halos takasan siya ng ulirat nang bumangga sa kanya si Sebastian.
“Ah—! Bad guy! Paano… paano ka nakapasok? This is Rosie’s room! Ayaw kita rito!” Gulat na gulat niyang tanong at niyakap ang sarili sa takot na baka binobosohan siya nito ngunit napangiwi rin nang maalalang bulag nga pala ito.
Sebastian quietly and coldly sat on the bed. His aura is dark and dim. Wala na namang emosyon.
“This is my house and you’re my wife. What do you expect? Sa labas ako matulog at ikaw dito?” Masungit na sagot nito sa kanya.
Napanguso siya. Sasagot pa sana siya ngunit agad niyang naalala ang pagpapanggap.
Rosie clapped her hands while jumping a little like a child. She giggled and held Sebastian’s arm.
“Puwede kang makapasok kahit ni-lock ko ang door? How did you do that? Ang galing! Turuan mo si Rosie! It’s fun, mister! It’s fun! I love fun things!” She cheered foolishly.
Napaawang ang bibig ni Sebastian. Just like what his bodyguard told him, she really has autism and always acts like this? But why does he get this feeling that there’s something more here?
Sebastian sighed and got their room key out of his pocket. He handed it to Rosie and just nodded.
“Yes, using these keys. You can have these if you want.”
Walang pagdadalang-isip na hinablot ni Rosie ang susi sa kamay ni Sebastian at ngumiti nang malawak sa lalaki.
Hindi niya malaman kung sino ba ang tanga sa kanilang dalawa. Siya na nagpapanggap lang o si Sebastian na hindi makakita.
Bakit ibibigay nito kaagad sa kanya ang spare keys ng silid niya? At bakit siya pumapasok sa silid niya nang walang paalam? Manyak siguro ang lalaking ito. Balak ba siya nitong bosohan?
This is her room! Ano naman ngayon kung sa kanya ang bahay na ito?
Sigurado siyang malaki ang bahay na ito at maraming kwarto. Hindi pa naman sila kasal at alam niyang nagpapanggap lang naman silang mag-asawa. No one can enter this room, including him! Tsk!
“Have you taken a bath?” Tanong bigla ni Sebastian sa kanya. Bahagya nitong tinagilid ang kanyang ulo.
“A-ah, oo!” Nauutal niyang sagot at niyakap muli ang sarili. “Bakit mo tinatanong?”
Although she married voluntarily, Rosie didn't plan to have any physical contact with Sebastian at all, lalo na ang sex!
She just wanted to have an excuse to leave the Samaniego family nang sa ganon ay makalaya na rin siya sa mga kalupitan ng mga ito.
Ito lang ang tanging naisip niyang paraan kaya pumayag siya.
Naisip niyang kung ipagpapatuloy niya sa bahay na ito ang pagiging “autistic”, hindi magtatagal ay mapapagod at pandidirihan siya ni Sebastian at iwanan na lamang siya nito—bagay na pabor na pabor sa kanya.
“Maliligo ako. Can you put water in the tub and wait for me?” kalmado nitong mando sa kanya. Ramdam niya ang awtorisasyon sa boses nito.
“N-ngayon na ba?” Naguguluhan niyang tanong.
“Yes, please,” ani Sebastian sa malamig na tono.
Kinagat ni Rosie ang kanyang ibabang labi. Gaya ng sinabi niya sa kanyang ama ay magiging masunurin siya sa kanyang “asawa”, ngunit hindi dahil takot siyang saktan at pagmalupitan nito, kundi dahil sa pag-aalalang baka makahalata si Sebastian at magkaroon ng ideya tungkol sa kanyang kalagayan.
And she would never want that to happen. Masisira ang kanyang mga plano. Bulag lang ang lalaking ito at hindi tanga.
“Anong gusto mong tubig, mister? Hot water or cold water?” Tanong niyang muli kay Sebastian.
“Hot water,” matabang na sagot nito sa kanya.
Napanguso si Rosie. Hindi man lang maglabas ng kahit na anong emosyon!
“Okay! Mainit na tubig. Maglalagay ng mainit na tubig sa tub…” usal niya at nagmartsa na patungo sa banyo.
Binuksan niya ang faucet at nilagay iyon sa hot water. Kinuha na rin niya ang shower gel at nilagyan ang tub habang patuloy ang paglagaslas ng tubig.
“Mister, you can’t see because you’re blind… di ba? Tutulungan ka ni Rosie…” aniya nang lumabas siya ng banyo at hinawakan ang braso ni Sebastian.
Napansin pa niya ang pagkunot ng noo nito ngunit hindi na niya pinansin pa iyon at iginiya na ang lalaki patungo sa banyo.
Samantala, hindi mapigilang mairita ni Sebastian sa tawag nito sa kanya.
Mister? Ayos lang sana kung manggagaling sa hindi niya kakilala, pero mula sa isang babae na may “autism”? No. He doesn’t like it. It’s not for him.
“I am your husband. Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng mister. Call me babe or hon, or any endearment you want,” maawtoridad na sambit ni Sebatian kay Rosie na ikinagulat ng huli.Hindi niya malaman kung ano ang una niyang mararamdaman. Ito ang unang beses na may nag-utos ng ganito sa kanya at lalaki pa. Hindi pa naman siya nagkakanobyo, ngayon pa lang. Hindi rin niya inaasahan na ganito ang sasabihin ni Sebastian sa kanya.Rosie bit her lower lip and nodded. “Babe…? Hon? Babe… Hon.”Napangiwi siya sa isiping iyon ngunit nang mapansing nakatitig sa kanya si Sebastian ay agad siyang ngumiti nang malawak saka iginiya na ang lalaki patungo sa banyo.Nang makapasok sila sa banyo ay agad na tumambad sa kanila ang mabangong amoy dulot ng shower gel na nilagay ni Rosie sa bathtub.Naalerto si Sebastian sa kanyang naamoy lalo na nang maramdaman ang init dulot ng hot water.Sebastian halted and tilted his head to look at Rosie as if he could see her. “Did you put shower gel into the water?”
“He can’t see me. Okay lang ‘yan, Rosie. Kumalma ka. Hindi ka niya nakikita,” bulong ni Rosie sa kanyang sarili habang pilit na kinakalma ang kanyang naghuhurumentadong puso.Mabilis niyang sinuot ang shirt na iyon at lumayo na kay Sebastian na parang walang nangyari.Matapos magbihis ay sabay na tumungo silang dalawa sa dining room. Nakahanda na ang mga pagkain at naghihintay na rin ang maid na nakatuon kay Sebastian sa silid na iyon.Sa sobrang gutom ay agad na kumilos si Rosie. Kinuha niya ang baso na may lamang gatas saka dali-daling ininom iyon na parang may aagaw sa kanya. Nagkatapon-tapon pa ito.“Ms. Rosie, please be more elegant. Wala po kayong kaagaw sa gatas na ‘yan. Dahan-dahan lang po,” puna sa kanya ni Anita na bakas ang iritasyon sa ekspresyon na ito.Sa gulat ay halos masamid si Rosie roon!Bakit ba kasi pinapakialaman siya ng matandang ito? Sanay siya sa ganito kaya’t bakit kailangang baguhin niya iyon? Wala namang ibang nakakakita kundi sila lang at ang Sebastian na
Mabilis na nagbihis si Sebastian habang si Rosie ay takot na nakamasid lamang sa kanya at yakap pa rin si Bam-bam. Maya-maya pa, narinig niyang akmang tatakbo si Rosie palabas ng kuwarto kaya mabilis siyang kumilos at hinawakan ang babae sa kamay nito.“A-ah—! B-bakit?” Gulat na gulat na bulyaw ni Rosie, muntik pa niyang mabitiwan ang kanyang bear doll.Nakita niya kung paano kumunot ang noo ni Sebastian sa kanya, tila may nais sabihin ito tungkol sa nangyari at sa kanyang ginawa.Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. Mahigpit iyon ngunit ramdam niya ang pag-iingat ni Sebastian sa paraan ng pag hawak nito sa kanya.“B-bitawan mo ako… Bad guy,” Rosie pouted her lips.Sinubukan niyang kumawala sa hawak ni Sebastian ngunit mas hinigpitan pa ito ng lalaki. Bigla na lamang siyang inilapit ni Sebastian sa kanyang dibdib. Amoy na amoy niya ang pinaghalong shower gel sa katawan nito at ang shampoo.Napasinghap si Rosie. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang maramdama
Sebastian lifted his gaze to his furious grandfather and shook his head.“‘Lo, don’t you think it’s a good idea that Rosie’s my wife now? She has autism. She acts childish and foolish which Seymour dislikes. At least he won’t be interested in a fool like her,” payak na sabi ni Sebastian at masuyong pinagmasdan ang magiging reaksyon nito.Tiningnan lamang siya ng kanyang lolo na tila hindi pa makapaniwala sa kanyang sinabi. Umiling pa ito at maya-maya pa ay nagpaalam nang aalis.Wala nang nagawa si Sebastian kundi tanawin na lamang ang papalayong Mercedes Benz ng kanyang grandpa. He sighed violently and returned inside the villa. He knew this would happen.Samantala, lulan ng kanyang sasakyan, dismayado at hindi pa rin makapaniwala si Hugo Villafuerte sa pagtatraydor na ginawa sa kanya ni Armando. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanyang apo na si Sebastian ay nanatiling neutral ito.He thought that by getting him married, he could at least slightly le
Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay panay na ang katok ni Anita sa silid kung nasaan si Rosie. Kanina pa iyon naririnig ni Rosie at naistorbo na ang kanyang tulog kaya nagsisimula na siyang mainis. “Ms. Rosie, please open the door. I have something to say to you,” tawag sa kanya ni Anita mula sa labas. Lalong lumukot ang mukha ni Rosie at nagdadabog na tumalikod saka nagtalukbong ng kumot, pretending not to hear Anita’s voice from outside. Batid ni Rosie na may mga bodyguard sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Sigurado din siyang may mga spare keys ang mga ito kaya wala siyang magagawa kung papasok man ang mga ito roon o hindi. “Rosie won't open it!” She muttered and shut her eyes. Ngunit maya-maya pa, tuluyan nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Anita. "Ms. Rosie, the young master, said to see him within half an hour, otherwise you will bear the consequences." Padabog na bumangon si Rosie mula sa kama. Parang batang kinusot niya ang kanyang mga mata na tila ba bagong
Nag-isip nang sandali si Samuel saka nilingon ang kanyang kapatid na si Sebastian. Bakas sa ekspresyon niya ang labis na pangamba para sa kapatid."Basti, have you ever thought about it? Nang makita mo si Ayanna na mahulog sa apoy, kahit na buhay pa siya, sigurado akong iba na siya ngayon..."Tila ngayon lamang napagtanto ni Samuel na mali ang kanyang ginawa na ipaalam kay Sebastian ang imbestigasyong isinagawa niya. Hindi na dapat niya ito ipinaalam sa kapatid.Batid nila pareho na kahit gusto ni Sebastian na makipag-ayos kay Ayanna, hindi kailanman papayag ang kanilang lolo. Sinisisi ng matanda si Ayanna sa lahat ng nangyari noon. Pakiramdam niya, sumpa ang babae. Kung wala siya, hindi magiging magkaaway ang kanyang dalawang apo!"I've thought about it,” tipid at nangingiming sagot ni Sebastian sa kanya saka muling natulala sa kawalan, tila may malalim na iniisip.Bakas na bakas ang determinasyon ni Sebastian sa kanyang mga mata. Napailing na lamang si Samuel nang mapansin ang bagay
Tila ba nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan ang mga bodyguard nang makita nilang bumalik si Rosie at ligtas ito.Malaking bagay sa kanila kung tuluyan na nga itong nawala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naiibsan ang takot nila kaya hindi pa rin nila masabi kay Sebastian ang totoong mga nangyari. Ngunit ngayong nakita na nila mismo na nakabalik nang ligtas si Rosie, kailangan nilang tawagan si Sebastian para iulat sa kanilang amo, lalo na’t naroon pa rin si Seymour kasama ang isang reporter. Hindi na ito maaaring itago!Nang makita ng mga pulis si Rosie ay agad na pinakawalan nila si Armando.Mula sa loob ay mabilis na lumabas si Reniella at nilapitan si Rosie. Bakas na bakas ang labis na galit sa ekspresyon nito.“You, useless stupid-fool!” Hiyaw niya at nagpakawala ng isang malakas na sampal para kay Rosie.“Wala ka talagang silbi! Kahit kailan ay walang mapakinabangan sayong babae ka!” Ang kanyang galit ay nag uumapaw, at ang lahat ng ito ay ibinuhos niya sa hangal.Mariing p
Ivy's eyes rolled as she contemplated the chaos that had erupted over their family. A mischievous glint flickered in her eyes as she formulated a plan, one that could potentially turn the tables in her family's favor."Mom," she began, her voice dripping with calculated determination, "I've been thinking about how we can handle this situation."Tiningnan ni Reniella si Ivy na may halong pagtataka at pag-iingat. "Ipaliwanag mo nga," aniya.Ivy's lips curled into a sly grin as she laid out her proposal. "What if we were to... strategically involve the media? Puwede nating palabasin na biktima tayo rito at totoong may affair sina Rosie at Seymour Villafuerte. That way, even if they try to sue us, we won't have to pay a penny. And we could even demand compensation from the Villafuerte for the damage to our reputation."Tumaas ang kilay ng kanyang ina sa pagkabigla sa kapalaluan ng ideya niya. "Pero hindi ba't masisira rin ang ating reputasyon?"Binalewala ni Ivy ang sinabi ng kanyang ina.