Share

The Autistic Wife of the Blind Trillionaire
The Autistic Wife of the Blind Trillionaire
Author: calistazoe

Chapter 1

“Mom, no! Ayokong magpakasal! Hindi ako magpapakasal kahit mamatay pa ako!” Palahaw na iyak ni Ivy sa kanyang ina at agad na nilapitan ito.

Ramdam niya ang lalong pagbigat ng kanyang puso nang maalala ang nangyari sa blind date na sinet-up ng kanyang mga magulang para sa kanya. Halos lumuhod na siya sa harap ng kanyang ina habang umiiyak. Ang kanyang ama ay nakamasid lamang sa kanila.

Pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nawawalan ng hininga dahil sa labis na pag-iyak.

Ang buong akala niya ay magiging masaya at magugustuhan niya ang blind date na iyon, ngunit mali siya.

When she first laid eyes on Sebastian Villafuerte, she was almost jumping with joy. She knew the family the guy came from, and the genes of that family were no joke. But she never imagined he'd be even more handsome than the other Villafuertes she had encountered before.

Although, he seems cold and weird, perpekto ang matangos at maliit na ilong nito pati na ang korte ng kanyang panga. Mapupula ang mga labi at nangungusap ang mga mata. Nagsusumigaw ang kapangyarihan at karangyaan sa lalaki.

But then Ivy wasn’t expecting it when Sebastian told her he’s blind! Nakipag-blind date siya sa taong bulag! Of course, there’s something wrong with it at hindi niya maaaring tanggapin na lamang ang katotohanan na iyon.

Kahit pa isa siyang Villafuerte. Hindi niya kakayaning pagtawanan lamang siya ng mga kaibigan niya sa oras na magpakasal siya sa isang bulag.

“Mom, you can’t do this to me. I won’t marry someone like him…” Ivy cried more to her mother.

“Sweetheart, please stop crying. Of course, hahanap tayo ng paraan. Hindi rin ako papayag na magpakasal ka sa isang baldado o bulag. Hindi ko hahayaang madungisan ang pangalan natin nang dahil lang sa lalaking iyon,” pang-aalo ni Mrs. Samaniego sa kanyang pinakamamahal na anak saka matalim na tiningnan ang kanyang asawa.

“Ikaw ang may kasalanan nito, e. Ni hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito. Sa lahat ng ipapakilala mo sa anak natin, bakit bulag pa?” Sermon niya sa kanyang asawa.

Kahit alam nilang pareho kung gaano kayaman ang mga Villafuerte, hindi pa rin papayag si Reniella na magpakasal ang kanyang nag iisang prinsesa sa isang bulag.

“Hindi mo puwedeng piliting ipakasal si Ivy sa bulag na iyon, Armando. You can’t push your own daughter to that hellhoe,” ani Reniella sa kanyang asawa, ang kanyang mga luha ay hindi na rin niya napigilan dahil sa labis na awa para sa kanyang anak.

“Do you think I want him for our daughter, too, Reniella? Bakit ko naman gugustuhing ipakasal ang anak natin sa isang bulag? Mag-isip ka nga. Alam mo rin ang estado ng kompanya at mga negosyo natin. Lumulobo na ang mga utang natin. Kung magpapakasal si Ivy ay posibleng hindi na mawala sa atin ang kompanya at iba pa nating mga ari-arian,” mariin ngunit mahinahong paliwanag ni Armando sa kanyang mag-ina.

“Anong ibig mong sabihin? Huwag mong sabihing nakipagkasundo ka na sa mga Villafuerte?” May pagbabanta ang tono na iyon ni Reniella.

“Nangako si Mr. Villafuerte na malaki ang makukuha natin sa oras na ipakasal natin si Ivy sa nag-iisa niyang anak na lalaki. Imagine, a hundred percent shares and a hundred million pesos sa oras na maikasal sila? Hindi mo iyon makikita sa kahit na saan lang, Reniella,” ani Armando at ngumisi pa saka tiningnan ang kanyang mag ina.

Sabay na natigilan si Ivy at ang kanyang ina sa pag-iyak at mabilis na binalingan si Armando, tila hindi makapaniwala sa mga sinabi nito. Sa isang iglap ay tila naging hugis pera ang kanilang mga mata.

“Mom, I want it. Malaking pera iyon. Mababayaran na natin ang mga utang natin at makakabalik na rin ang pamilya natin sa upper class family,” panghihikayat ni Ivy sa kanyang ina na tila nagbago agad ang isip dahil sa pera.

Matalim na tiningnan ni Reniella ang kanyang anak. “Stop it, Ivy. Matatali ka sa isang bulag habang-buhay? Gusto mo ba iyon?”

Kinagat ni Ivy ang kanyang ibabang labi at napaisip din sa sinabi ng kanyang ina. Ilang segundo lang ang lumipas, bigla niyang naalala si Rosie.

“No, mom, there’s Rosie! Instead of me, siya na lang ang ipakasal natin sa bulag na iyon. We can take the 100 percent shares and the dowry at hayaan ang sinto-sinto na iyon sa pamilya nila. Wala namang pakinabang ang babaeng iyon dito,” ani Ivy na para bang nakaisip siya ng mas magandang plano.

Rosie is the daughter of Armando Samaniego’s best friend. Namatay ang mga magulang nito sa isang aksidente, ilang araw lang matapos siyang ipanganak, kaya walang nagawa si Armando kundi ampunin na lamang ang kawawang bata.

Di hamak na mas maganda si Rosie kaysa kay Ivy. She has a white fair skin, long brownish hair, matangkad din ito at balingkinitan ang katawan. Maamo ang mukha nito at talaga namang kahuma-humaling ang itsura.

Ngunit sa kabila ng pagiging perpekto nito, nakatago sa maamo nitong mukha ang sakit na nakuha niya noong labing-dalawang taong gulang siya. She fell onto the staircase and was diagnosed with autism. Mula noon ay hindi na nila ito makausap nang maayos at tila bumalik sa pagkabata ang isip.

“Hindi puwede ang iniisip mo, Ivy. Kung ayaw mong magpakasal, edi ‘wag! Hindi rin maaaring magpakasal si Rosie sa lalaking iyon,” mariin na usal ng kanyang ama.

“But, darling, our daughter is right. Rosie’s our daughter, too—well, not really, but she’s also a Samaniego gaya ng gusto ng mga Villafuerte—”

“I said no! Ivy was the one who showed-up to that date, at si Rosie ang gusto ninyong ipakasal sa lalaking iyon?” Mariing putol ni Armando sa sasabihin ng kanyang asawa.

“May sakit si Rosie. The Villafuerte clan isn’t just a simple family and you know what they are capable of. We can’t provoke and fool them, at sa oras na hindi naipakasal si Ivy sa anak nila, iyon na ang magiging katapusan ng pamilya natin.”

Lalong tumigas ang ekspresyon ng mag-inang Ivy at Reniella. Bakas sa kanilang mga ekspresyon na hindi sila susuko sa kanilang plano.

“Pero wala namang makakaalam, Armando. Gusto nilang ipakasal ang anak natin sa anak nila pero hindi naman nila sinabi kung sinong anak. The poor man is blind and alone when he met Ivy, so he wouldn’t know Ivy was the one who showed up and not Rosie,” patuloy na pagkumbinsi ni Reniella sa kanyang asawa na agad sinigundahan ng kanilang anak.

“Mom is right, dad. Wala namang makakaalam. Bulag at tanga ang Sebastian na iyon at si Rosie naman ay tanga at autistic. They are match-made in heaven!” Ivy cheered and even clapped her hands.

“Darling, pumayag ka na. That money is enough for us, for Ivy to find an excellent man she can marry. We can also rise again to the upper class family. Hayaan mo na si Rosie. Tama lang na mapakinabangan natin ang sinto-sinto mong ampon,” ani Reniella at tiningnan ang kanyang anak na tumango lang sa kanyang sinabi.

Lingid sa kanilang kaalaman, ang nagtatagong si Rosie sa likod ng hamba ng pintuan ng silid na iyon ay kanina pa nakikinig sa kanilang pagtatalo habang yakap-yakap ang isang manika.

Hindi niya alintana kung makita man siya ng mga ito. Rosie looked down to her doll and her beautiful lips formed a grin, revealing a hint of mockery.

Who’s the fool again?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status