Share

Chapter 2: New Job

Jewel's P.O.V

Letche! Bad trip yung kanong manyakis na baboy na yun a!

Aba! Anong tingin niya sa akin? P****k?! Siya ang pukpukin ko ng maso e!

Sa sobrang inis ko naman ay nagpapadyak ako.

Kailangan kong mailabas ang galit kong toh kundi baka balikan ko yung manyakis na yun at dalhin sa isang letchunan sa Bulacan at ipa-cremate doon.

Natigil lang ako nang marinig ko ang phone ko na nag-riring.

Si Oliver.

"Hello Oliver.", bungad ko sa kanya sa kabilang linya.

["Bakla! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na Olivia! O-LIV-YA!"], sabi kaagad nito mula sa kabilang linya.

"O e ano nga Oliver?", sabi ko na lang at di na pinansin pa ang pangalan na gusto niyang itawag ko sa kanya. May paOli-Olivia pa kasi e Oliver naman ang pangalan.

["Sabi ng Olivia e!"]

"Hay naku! Tatawagin kitang Olivia kung nagpabinyag ka ulit!"

["Ikaw bubuhat sa akin?"]

"Oo at itatapon kita sa imburnal kung hindi mo pa sinabi sa akin kung bakit ka tumatawag.", inis namang sabi ko sa kanya.

Isa pa toh e! Bad trip na nga ako, ang kulit pa!

["Hay naku, bad trip ka na naman diyan. O siya, halika na rito sa hospital. Hinahanap ka ng doctor ng kapatid mo. May importanteng sasabihin sa'yo."]

"Okay, papunta na ako riyan.", sabi ko kaagad nang marinig ko ang dahilan ng pagtawag nito.

Pagkababa ko ng phone ay pinara ko yung isang paparating na jeep at sumakay.

Hindi ko mapigilang hindi mapahinga ng malalim. Nawalan ako ng trabaho dahil sa manyakis na yun. Tsk! Paano na toh? Kailangang makahanap na ako ng trabaho kaagad para may impambayad ako sa operasyon ng kapatid ko. Kulang kasi ang kinikita ko bilang isang news writer ng isang news paper.

Ulila na kasi kaming lubos ng bunso kong kapatid na lalaki. 10 years old ako habang si Jervis naman ay 7 years old nang masangkot ang pamilya namin sa isang car accident. Namatay ang parents namin dahil sa pag protekta nila sa amin noon ng kapatid ko pero si Jervis, tinamaan ng mga bubog ang mata niya kaya nabulag siya. At dahil wala kaming ibang kapamilya noon, napunta kami sa bahay ampunan. Pinag-aral ako ng mga madre noon hanggang makatapos ako ng high school. Nung college na ako, naging working student ako. Nang tumuntong na ako ng 20 at grumaduate na sa college, umalis na kami sa bahay ampunan ng kapatid ko. Simula nun, ako na ang bumubuhay sa aming dalawa. Lahat ng klase ng trabaho, pinapasok ko para lang makakita ng pera lalo na't gusto kong ipa-opera ang kapatid ko at gusto ko siyang makakita muli. Pero bago kayo mag-isip ng mga trabahong pinapasok ko, lahat naman ay marangal. Pero yun nga, hanggang ngayon na 22 na ako, di ko pa rin natutupad na mapa-opera ang kapatid ko para makakita na rin ulit siya.

Pagkarating ko sa hospital ay dumiretso ako sa office ni Dr. Greg; ang doctor ng kapatid ko.

"Good afternoon po doc.", bati ko sa kanya pagkapasok ko sa office niya.

Tumigil naman ito sa ginagawa niya at tumingin sa akin. "Good afternoon too Jewel. Sit down.", bati rin niya sa akin sabay turo sa upuan sa harap ng table niya.

"May importante raw kayong gustong sabihin doc?", tanong ko kaagad sa kanya pagka-upo ko.

"Yes I do. Mula sa test na ginawa namin kay Jervis, may pag-asa pa siyang makakita.", pagbabalita ni doc Greg na nagpaliwanag sa mukha ko.

"Talaga po doc?", masayang tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sa akin si doc Greg.

Hindi ko napigilang hindi maluha dahil sa wakas, may kasiguraduhang makakakita ulit si Jervis.

"We just need to find a donor for your brother. And I'll be frank with you Jewel, it will cost a large amount of money for his operation.", sabi niya sa akin.

"Kahit magkano pa yan doc, magbabayad ako basta po makakita lang ulit ang kapatid ko.", nakangiting sabi ko kay doc Greg.

Pagkalabas ko sa office niya ay sa room ni Jervis ako dumiretso. Naabutan ko naman siyang nakatayo malapit sa may bintana at nakatingin sa labas. Si Oliver naman, naka-upo at nanonood ng TV.

Kahit madalas kaming magbangayan nitong si Oliver slash Olivia, mag best friend kami. Isa itong writer sa isang sikat na magazine. Nagkakilala kami noon sa bahay ampunan dahil kagaya namin ni Jervis, ulila rin siyang lubos. Simula noon, kami na ang magkakasamang tatlo. Tumutulong din ito sa akin pagdating kay Jervis.

"O friend, ano sabi ni doc Greg sa'yo?", tanong kaagad sa akin ni Oliver nang mapansin na niya ang presensya ko.

Nginitian ko naman siya bago lumapit sa kapatid ko.

"Ate?", tawag sa akin ni Jervis nang malamang naririto na ako.

Hindi ko naman napigilang yakapin ang kapatid ko at mapa-iyak.

"M-Makakakita ka na ulit Jervis...", masayang pagbabalita ko sa kanya.

"T-Talaga ate?", tanong ng kapatid ko na mahihimigan ng saya ang boses.

"Oo.", sagot ko.

Niyakap ko ulit siya at nakiyakap na rin si Oliver.

Pinagpahinga muna namin si Jervis habang pumunta muna kami ni Oliver sa canteen ng hospital para kumain.

"ANO?! Ibig sabihin wala ka na namang trabaho?!", malakas na tanong ni Oliver matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kanina.

Tumango na lang ako bilang kasagutan.

"E paano na yan? Sabi mo nga kanina, malaking pera ang kakailanganin sa operasyon ni Jervis. Di naman kakasya yung sweldo ko if ever.", Oliver

"Hay, yun na nga e. Nahihiya na ako sa'yo. May alam ka bang raket diyan na pwede kong patulan habang naghahanap na naman ako ng permanenteng trabaho?", tanong ko sa kanya.

"Wow teh? Mukha ba akong job fair sa'yo?", taas kilay na tanong sa akin ni Oliver.

"Hindi, mukha kang elepante.", nakangising sagot ko sa kanya.

"Bakla ka! Wag mong insultuhin ang ganda ko. O siya, gusto mo bang mag model ng wedding gown? About weddings kasi ang issue namin ngayon sa Red Eye Con. Pwede kitang ipasok bilang isa sa mga models namin kung gusto mo. Mataas din ang bayad dun.", Oliver

"Talaga? Pwede mo akong ipasok dun?", paninigurado ko naman.

"Kasasabi lang di ba?", taas kilay na sabi ni Oliver.

"WAAAAH! THANK YOU OLIVER! DA BEST KA TALAGA!", tuwang-tuwang sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Oo na, tama na yang yakap dear. Baka mapagkamalan pa tayong mag jowa, kaderder lang.", sabi ni Oliver na napangiwi nang halikan ko siya sa pisngi niya. Sus! Ganyan yan pero labs na labs naman niya ako.

Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at nagsimula ng kumain.

Maya-maya lang ay muntik akong mabulunan dahil bigla na lang tumili si Oliver.

"Woi, ba't bigla kang sumigaw diyan?", tanong ko sa kanya.

Bigla naman nitong kinuha yung isang magazine na nakapatong sa katabing lamesa. "Ang gwapo talaga nilang lima! OMG! Grabe 'day! Picture pa lang, nakakalaglag panty na. Paano na lang kung sa personal na? Naku! Baka hubad na ako 'day!", kinikilig na sabi ni Oliver habang nakangiwi lang akong nakatingin ngayon sa kanya.

"Sino ba yang mga gwapong yan? Patingin nga."

Agad namang pinakita ni Oliver yung picture nung limang lalaki na tinitilian niya. In fairness, mga gwapo nga.

"O diva? Sila ang mga tinaguriang mga modern prince charming ngayon! Pero imbes na kabayo, mga branded cars ang sinasakyan nila.", pag chichika niya sa akin.

"Prince charming. Asus! Wala ng ganyan ngayon noh! Ang meron lang, mga lalaking Pa-Charming.", komento ko naman sa sinabi niya. At yun talaga ang totoo.

"No no no dear, ibahin mo itong limang gwapito na toh. Ang gwagwapo na, sobrang yayaman pa! Sila ang limang most sought bachelors of the country.", maarte namang sabi ni Oliver.

Napatingin naman ako sa isang bachelor na naka feature sa magazine at binasa ang pangalan niya.

Hmmm... Aiden Clay Monteverde.

Owner of Monteverde Group of Companies (MGC)...

Pwede.

"Hay... mapangasawa ko lang ang isa sa mga toh, solve na lahat ng problema ko sa mundo. Andami nga talaga nilang pera... Hold-up-in kaya natin sila? Tapos hingi tayo ng ransom!", nasabi ko na lang bigla.

"Gaga! E kung rape-in na lang natin sila?", suhestyon naman ni Oliver.

"E kung sapakin kita? Ano naman makukuha ko kung rerape-in ko tong mga toh? Bakit? Pera ba lumalabas sa kanila?"

"Hindi, pero bibigyan ka ng magadang lahi.", nakangising sabi ni Oliver na ingusan ko lang.

"Ewan ko sa'yo!"

Napapa-iling na lang ako habang nakatingin kay Oliver na kinikilig ulit habang binabasa yung magazine kung saan naka feature yung limang lalaki.

Hay... sana naman, may swerteng dumating sa akin bukas.

Hay! Dapat positive lang dapat tayo Jewel Paris Rodriguez! Sabi nga nila, tomorrow is another day!

AJA! Fighting pa rin tayo!

(Aiden's P.O.V)

["Don't worry dre, ayos na yung bride mo. Ang kailangan mo lang gawin, pumunta bukas sa simbahan."], Chino informed me in the other line.

"Siguraduhin mo lang na maayos yung babaeng napili mo kundi pababagsakin ko ang business mo."

["Like you can? But don't worry. She hot, sexy, pretty, and sophisticated. Definitely your type."]

"Okay, thanks man."

["Don't mention it. Sige na, mag beauty rest ka na pare."], nang-iinis na sabi nito.

"Gago. Sige, later dre."

["Sige, see you tomorrow at your wedding."]

Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi ni Chino.

Nahilot ko na lang ang sentido ko habang iniisip ko ang mangyayari bukas. Na-inform ko na rin ang pamilya ko tungkol sa kasalang mangyayari bukas.

They were eager to meet the girl already but I just told them they would meet her tomorrow.

Hindi naman sila umangal pa lalo na si lola dahil ang gusto lang niya ang makapag-asawa ako kaagad at mabigyan siya ng apo sa tuhod.

Tungkol naman sa babaeng hinire ni Chino, sigurado akong naibigay na niya at napapirmahan yung papel na naglalaman ng rules ng relasyon namin pagkatapos ng kasal.

Ang mga rules na yun ay una, bawal malaman ng kahit sino ang tungkol sa set-up namin. Pangalawa, walang pakialamanan ng buhay unless nadudungisan na niya ang apelyedo ko. Pangatlo, sa isang bahay kami titira pero para lang siyang boarder sa bahay ko. Pang-apat, bibigyan niya ako ng isang anak at pagkatapos nun maghihiwalay na kami at ibibigay ko ang pera sa kanya. Wala na siyang magiging koneksyon sa akin at maging sa bata. Tuluyan na siyang mawawala sa buhay namin ng bata. Pang lima, the most important rule. She should not fall in love with me.

As simple as that.

If she's able to follow all those five rules, 5 million will be given to her.

Our relationship would just be an employer-employee like. No strings attach.

Napatingin naman ako sa wall clock ng condo ko. It's already 11 P.M.

I can't help but sigh.

Tomorrow will be busy day for me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status