Share

Chapter 4: RULES

Aiden's P.O.V

Pagkatapos ng kasal, hindi sa may reception area kami dumiretso kaagad kundi sa isang room ng hotel ko kung saan ginaganap ang reception.

"Ah, ganun pala.", tatangu-tango pang sabi ni Jewel Paris Rodriguez pagkatapos sabihin sa kanya ni Chino ang lahat. Bigla naman siyang tumingin sa akin. "Pero bakit kailangan mo pang mag hire ng bride? Gwapo ka naman, mayaman, tisoy pa, at matangkad pa. Wala ka bang jowa?", she asked and I was about to answer her question when her eyes widened. "OH.EM.GEE! Wag mong sabihing bakla ka?!"

Natawa naman yung lima sa sinabi nitong babaeng toh.

I gave them my death glare. F*ck!

"I'm NOT gay.", I said in greeted teeth. I even emphasized the word 'not'.

"Okay, sabi mo e. Malay ko lang naman kasi... You know, you can never tell. Marami kasing mga gwapong sayang lang dahil kaparehas lang namin ng preference sa buhay.", kibit-balikat na sabi niya.

This woman!

"Hindi bakla yang si Aiden pero sadyang ayaw lang niya na pumasok sa isang seryosong relasyon kaya wala siyang girlfriend na pwede niyang pakasalan.", Ian said.

"You know, you really look familiar...", Chino said while studying Jewel's face.

"She's the woman from the restaurant. The one who punched the foreigner.", Dwight answered.

No wonder she looks familiar. So she's that woman huh?

"AH! Oo nga!", Chino said who even nodded as he remembered who Jewel is.

"Naku... nandun pala kayo at nakita niyo ako? Nakakahiya naman.", she said shyly.

"Don't be, that asshole deserve that punch anyway.", Vance said grinning.

I coughed to get their attention. I handed the paper, which contains my rules, to Jewel.

"Ano toh?", she asked.

"Papel.", I answered in a sarcastic tone.

"Alam ko, pero anong laman?", she asked again.

"Uso magbasa."

"Sungit.", komento niya bago niya sinimulang basahin na yung binigay kong document sa kanya. Damn! I think a need a huge bank of patience for this woman. "Rule number one.", she read out loud. "No one should know about our business. AS IN NO ONE. No one? E bakit sila alam naman nila?", she asked then pointed at the guys.

"They're the exception.", I answered.

"Asus! May exception din pala, pero kung maka NO ONE ka rito.", biglang sabi nito.

F-CK! I can really strangle this woman right now!

She really know how to piss me off!

"Rule number two. We shouldn't mind each other's lives not unless I start dragging your name. Nahihila pala ang pangalan?", tanong ulit niya.

"Would you just keep on reading the rest? You're getting on my nerves woman.", I said to her in an annoyed tone.

"Okay, relax... Masyadong hot ang ulo mo pare. Nagtatanong lang, chill lang. Ehem. Rule number three. We will live in the same house but I would just be like a boarder in your house. So ano toh? Magbabayad ako ng renta ko sa'yo?", Jewel

"NO OKAY?! DAMMIT! KEEP ON READING WOULD YOU?!", hindi ko na napigilan pa ang inis ko sa babaeng toh. Pinapa-init talaga niya ang ulo ko. Kung bakit kasi sa lahat ng bagay, may hirit siya!

"Okaaay... nagtatanong lang naman e. Chillax man. Malay ko ba naman kasi. Sabi naman kasi rito boarder e. Nililinaw ko lang. Pikon naman nito.", komento nito bago binalik ang atensyon dun sa papel. "Rule number four. I should give you a chi-! ANO?! HOY! ANO TONG RULE NUMBER 4 MO?! CHILD?! KUNG MAKA GIVE KA NAMAN, ANONG AKALA MO? TINATAE LANG ANG BATA?! AYOKO!", Jewel

"That's part of the rule. If you can't do that, then there's no 5 million for you.", I said to her.

"Edi sabihin mo na lang sa lola mo, baog ka!", she said.

My forehead crumpled with what she said. "Are you insulting me? Hindi kami lahi ng mga baog."

"Edi sabihin mo nai-ihi ko ang matres ko.", hirit na naman niya.

This woman is crazy!

"Nang-iinis ka ba?!"

Sinamaan ko rin ng tingin ang limang kasama namin rito. Imbes na tulungan ako, tinatawanan pa ang mga pinagsasabi ng babaeng toh!

"Okay, papayag ako pero dapat taasan mo ang sweldo ko. Aba! Ibang usapan na ang pagbubuntis noh! Maglilihi ka, tataba ka at magmumukhang bola-bola. Tapos pag manganganak ka na, ma 50-50 pa ang buhay ko at pag nakapanganak na ako... sira pa figure ko. Kaya banker? Higher.", sabi nito.

Mautak din ang babaeng toh a! Tch! Kung hindi lang para sa lola ko, hindi ko papatulan tong babaeng toh.

"Fine, 8.", I told her.

"Higher.", Jewel

F*ck.

"10, last price.", I said in a firm tone.

"Call. Dali mo naman palang kausap e.", napangiting sabi nito.

F-ck! I'll make sure she's gonna earn that hard.

Sh*t! 10 million ang winaldas ko ng ganun-ganun lang para sa babaeng toh.

"Rule number five: I should not fall in love with you. Wow kuya, no offense ha pero talagang ako ang hindi dapat ma-fall sa'yo? At pansin ko lang, hilig mo sa first person point of view noh? Lagi na lang ikaw-ikaw-ikaw... self-centered much? At tsaka. Malay mo naman ikaw ang ma-inlove sa akin.", she commented.

Now that's where I laugh.

"Me? Fall in love with you? No f*cking way, woman. You're not my type.", I said to her with a grin on my lips.

"Sabi mo e. Pero pag ikaw na-in love sa akin, wag kang hahabol-habol.", sabi naman nito.

I just smirk again with what she said. That will never happen .

"So do we have a deal?", I asked her.

"Deal.", Jewel

Then we shook hands sealing the deal.

(Jewel's P.O.V)

Pagkatapos naming mag-usap, pumunta na rin kami sa wakas dito sa may reception area.

Buti nga, gutom na rin ako.

Susubo na sana ako nang bigla na lang may umagaw dun sa spoon na hawak ko. Tatarayan ko na sana yung taong yun pero hindi ko natuloy nang makita ko na si gwapong nilalang slash Aiden Clay Monteverde slash si Mr. Billionaire Bachelor na nakita ko kahapon sa magazine, ang pumigil sa akin.

"O bakit? Kitang kakain ang tao e.", pagtataray ko sa kanya. Ganyan talaga ako, mataray pag gutom.

"Eat later. I need to introduce you to my family first.", Aiden

"Hindi ba pwedeng sila ang later at itong pagkain ko ang first?", tanong ko naman sa kanya pero hindi siya sumagot pa bagkus nakatingin lang siya sa akin. "Sabi ko nga sila ang una.", sabi ko na lang sabay tayo mula sa pagkaka-upo ko.

Agad kaming lumapit sa table na kinaroroonan ng pamilya niya.

"Hon, meet my grandparents; Victor Monteverde and Margareth Monteverde. My parents; Dino Monteverde and Jennifer Monteverde. Everyone, I'd like you to meet my wife; Jewel Paris Rodriguez-Monteverde.", pagpapakilala naman ni Aiden sa akin sa pamilya niya.

"Hello po. Nice meeting all of you po.", nakangiting sabi ko sa kanila.

"Nice meeting you too iha.", nakangiti ring sabi ng lolo ni Aiden.

"Welcome to the family iha.", nakangiti sabi naman ng daddy ni Aiden.

"Thank you po."

"My my... ang ganda mo pala iha. Pero bakit ngayon ka lang pinakilala sa amin ni Aiden? Bakit di niya nababanggit sa amin na may girlfriend na pala siya? Ang tagal tagal ko rin siyang kinukulit na mag-date, yun pala may girlfriend na siya.", sabi naman ng lola ni Aiden.

"And by the way, where's your family iha? Hindi ba sila makakadalo?", tanong kaagad din ng mama ni Aiden.

Napatingin naman ako kay Aiden at humihingi ng tulong pero ang loko nag-iwas ng tingin. Letche tong isang toh. Ma-impatcho ka sana!

"Aah...ano po kasi... Uhm... Ayaw ko lang po kasing magulo yung private life ko kaya sinekreto na lang po namin ang relasyon namain ni Aiden. E alam po nating isang kinikilalang businessman si Aiden at daig pa nila ang isang artista sa kasikatan niya at ng mga kaibigan niya. At ano po... matagal na pong patay ang magulang. 10 years old pa lang po ako wala na sila. At kaya niya rin po ako hindi maipakilala kasi busy po ako sa pagtratrabaho para makakita ng pera na pampa-opera ng bunsong kapatid ko pong lalaki. Nabulag kasi siya nang maaksidente kami noon.", pagpapaliwanag ko sa kanila.

Kita ko naman ang pagkagulat sa mga mukha nila dahil sa sinabi ko. At least hindi ako nagsinungaling sa part tungkol sa nangyari sa pamilya ko.

"Oh I'm sorry iha...", sabi ng lola ni Aiden.

"Okay lang po.", nakangiting sabi ko sa kanya.

"That must've been really hard for you raising your younger brother alone. Pero iha, dapat humingi ka ng tulong kay Aiden. Tutal, matagal naman kayong magkasintahan... oh wait, ilang taon na ba kayong magka-sintahan?", tanong ng mama ni Aiden.

"2 years po.", sagot ko.

"1 year.", sagot naman ni Aiden na sumabay sa pagsagot ko.

"H-Huh? Ano ba talaga?", naguguluhang tanong ng mama ni Aiden.

Paano ba naman, magkaiba kami ng sagot ng anak niya. Nalintikan na.

Pasimpleng ngumiti naman ako saka humarap kay Aiden at tinapik ang pisngi nito kaya pasimpleng sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw talaga sweetie, makakalimutin ka. 2 years kaya, remember? Hay, ayan kasi.... masyado kang busy sa work, nakalimutan mo ng 2 years na tayo...", sabi ko sa kanya saka binigyan siya ng 'letche-ka!-umarte-ka-ng-maayos-kundi-sisipain-kita!' stare.

"A-Ah, right. Sorry, I forgot.", sabi na lang ni Aiden na pasimpleng ngumiti rin nang tumingin sa mama nito.

"It's okay. Oh iha, natikman mo na ba yung mga foods na prinepare namin nitong mama niyo?", tanong naman ng lola ni Aiden.

"Hindi pa nga po e."

Kasi itong apo niyo, hinila ako bigla nang titikman ko na.

"Oh. Dapat tikman mo. I'm sure masasarapan ka. Sige na Aiden, pakainin mo na ang asawa mo. And iha, simula ngayon call me lola at lolo naman ang itawag mo sa asawa ko. At daddy at mama naman ang itawag mo sa parents ni JD dahil parte ka na ng family namin.", sabi ulit ng lola ni Aiden.

"A-Ah, sige po lola.", medyo nautal pang sabi ko.

Naku lola...kung alam niyo lang na kunwa-kunwari lang lahat ng ito.

At ngayon pa talaga ako nakonsensya. Isipin mo na lang, para sa kapatid mo toh Jewel. TAMA! Ginagawa ko toh para sa kapatid ko.

Bumalik din kami sa table namin sa may harapan pagkatapos naming kausapin ang pamilya ni Aiden.

Sa duration ng reception, pinapakilala lang ako ni Aiden sa lahat ng mga bisita. Halos tuyong-tuyo na nga ang bibig ko kakangiti sa mga taong di ko naman kilala at mga taong kilala ko lang by face kagaya ng mga politicians, mga ibang businessman, models, at mga artista na dumalo.

In fairness, mahirap din pala ang trabahong toh. Nakakatuyo ng gums.

Pero okay lang, 10 million naman ang kapalit.

Okay lang matuyo ang bibig ko kahit na ang ngala-ngala ko isama pa ang intestines ko, basta ba magiging instant milyonarya ako. MWAHAHAHAHAHAHA!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
nakakatawang pero maganda Ang story ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status