Share

Chapter 3 : UNEXPECTED

Aiden's P.O.V

DAMMIT!

I'M GONNA KILL CHINO FOR THIS!

SH*T!

The bride he hired is ONE HOUR LATE already and I'm about to lose face in front of everyone who are here in the church!

Tumayo naman si lola sa kinauupuan niya at nilapitan ako. "Apo, darating pa ba yung mapapangasawa mo?", tanong niya sa akin.

"Ah lola, wag po kayong mag-alala. On the way na po. Nagka problema lang kasi pero on the way na po siya.", sagot naman ni Chino na siyang best man ko.

Pagkabalik ni lola sa upuan niya ay pasimple ko kwinelyuhan si Chino.

"Dammit Chino! Where the hell is that f*cking bride of yours that you hired?", gigil na bulong ko sa kanya.

"Dre, kalma lang. On the way na talaga.", Chino

"Siguraduhin mo lang dahil mapapatay kita ng wala sa oras pag di siya nagpakita.", banta ko sa kanya.

Halos nagbubulungan na ang lahat ng mga tao na naririto ngayon sa simbahan habang hinihintay pa rin namin yung bride.

F*CKING HIRED BRIDE.

She better make it in here or I'll kill her too.

Sh*t!

(Jewel's P.O.V)

"KUYAAAA! PALIPARIN MO NA!", pagmamakaawa ko naman kay kuyang taxi driver. Kanina pa kasi kami nakatigil dahil sobrang traffic at male-late na ako sa pictorial ko. Isa pa, ANG TAAS NA NG BABAYARAN KO! 200 lang dala kong pera at 150 na ang metro ko!

"E miss, hindi naman si darna itong sasakyan ko.", pamimilosopo naman sa akin ni kuya taxi driver kata napataas kilay ako.

"Bigyan mo ng barbel kuya, malay mo si Captain barbel pala siya at hindi si darna. Kung gusto mo, ibigay mo sa kanya yung kabibe. Malay mo, si Dyesebel pa siya.", sarcastic kong sabi sa kanya.

Letche! Pilosopohin pa ako!

Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate iyon. May text galing kay Oliver at tinatanong na kung nasaan ako na agad ko namang nireplayan.

Umusad kami pero kaunti lang. LETCHE!

Dali-dali kong inalis yung suot kong heels at nilabas mula sa bag ko yung pink sneakers ko at sinuot.

"Kuya, heto na bayad. Sibat na ako rito. Male-late na talaga ako!", sabay abot sa kanya nung 200 pesos na dala ko.

May narinig akong sinabi siya pero hindi ko pinansin pa.

Halos nakatingin ang lahat sa akin habang tumatakbo ako.

Aba! Runaway bride lang kasi ang peg ko ngayon. Sana lang di ako magmukhang loshang mamaya dun sa venue ng pictorial.

Habang tumatakbo ako, naririnig ko ang chi-cheer ng mga taong nadadaanan ko. Yung iba, akala may shooting pa. Yung iba naman, nangongogratulate.

Halos 10 minutes din akong tumakbo bago ako nakarating sa St. Jude's Parish.

Okay, hinga muna Jewel. Breathe in, breathe out. Breathe in, breathe out. Huuuu! Nang umayos-ayos ang paghinga ko, doon lang ako naglakad papunta sa may nakasarang pintuan ng simbahan. Napataas kilay ako nang may makita akong apat na naka black suite na mga lalaki. Mukhang mga body guards.

Teka... asan na sina Oliver? At bakit nakasara itong pintuan ng simbahan? Ai ewan! Baka nasa loob lang sila.

Huuuuuuuuu! Hinga lang ulit Jewel.

Nang tuluyan ng umayos ang paghinga ko ay agad kong binuksan yung pintuan ng simbahan.

"I'M HERE! SORRY I'M LATE!", malakas na sigaw ko at unti-unting nanlaki ang mata ko habang nakatingin ngayon sa mga taong nakatingin sa akin.

Uh... Ba't andaming tao? At nasaan si Oliver na yun? Andami naman ata nilang kinuha na extra para lang sa photoshoot na toh. Parang tuloy totoong wedding itong ang napuntahan ko -!

OH MY G! Wait a minute kapeng mainit... Hindi kaya...? Unti-unti namang nanlaki ang mata ko ng tuluyang nag sink-in sa akin ang nangyayari ngayon.

Uh oh!

PATAY! PAKSHEEEEET KAPENG MAINEEEEEET! Maling venue ang napuntahan ko!?

Lalabas na sana ako pero biglang hinarangan nung apat na men in black ang daraanan ko. Biglang may lumapit naman sa akin na babae.

"Buti andito na kayo ma'am. Ikaw na lang kasi ang hinihintay.", sabi nito sa akin.

HALA! Teka... anong ako ang inyong hinihintay? Hindi ako yung bride noh!

"E miss, hindi ako yung br-."

"Ikaw na ma'am.", pagpuputol nung babae sa sasabihin ko sana at tinulak pa ako.

No choice, naglakad na ako sa aisle pero palingon-lingon pa rin ako sa may pintuan para tumakas sana kaso andun yung apat na men in black at nakaharang sa may pintuan. So pag nagtangka akong umalis, haharangan nila ako.

Alanganing ngiti na lang ang binibigay ko sa mga taong nginingitian ako.

OH MY GHALI! ANG BRIDE NINYO AY MALI!

Nang makarating ako sa may altar ay luminga-linga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napayuko na lang ako. OH. EM.GEE! Kilala ba talaga ng groom ang bride niya? Ba't di niya sabihing mali ang bride na naririto ngayon?

ADIK BA TONG GROOM NA TOH?!

NAKA-DRUGS BA SIYA?! SHABU?! MARIJUANA?! O NASOBRAHAN NG PAGLANGHAP SA TIDE POWDER?!

"You're late...", halos tumaas ahat ng balahibo ko sa katawan nang bigla na lang may bumulong sa akin nun.

Pagkatingala ko, para makita ko yung taong bumulong sa akin, ay napatigil ako...

One word.

NGANGA!

OH MY GULAY! GWAPONG PAMATAY!

AMPUPU! ANG GWAPO MEN!

Hindi kaya nasa langit na ako? Agad ko namang hinawakan ang gilid ng labi ko. Tulo-laway check up! Grabe! Kalaglag bra at panty at nakakalagas ng buhok sa kilikili ang kagwapuhan niya!

Pero wait lang.... ba't familiar ang mukha niya?

Saan ko nga ba ulit siya nakita?

"Let's go, sweetheart?", tanong naman nito sa akin.

SHEEEET! SWEETHEART DAW! MY GULAY!

WAAAAH! Halos malaglag na ang ovaries ko nang bigla na lang nitong nilahad ang kamay niya sa akin at nag 1 million megawatt smile si kuya!

Naku, mapapa-aga ata ang pagpunta ko sa inyo Lord. Nakaka-atake ng puso kasi ang kagwapuhan ng isang toh!

Pero teka lang... di ba dapat alam niyang hindi ako ang bride niya? Ang weird naman ng isang toh? Napatingin naman ako kay Father na hinihintay kami.

"Father, wait lang po ha? Ang gwapo kasi masyado ng sweetie ko, nahihirapan na akong huminga. HUUUUUUU... Dun muna kami ha? Aayusin lang namin ang puso ko. 3 minutes lang. Wait lang.", sabi ko kay Father na may kasama pang hand gestures habang sinasabi yun saka hinila yung gwapong nilalang sa gilid ng simbahan.

Hindi ko na lang pinansin ang lahat ng taong nakatingin ngayon sa amin. Dapat malaman ng isang toh na hindi ako ang bride niya. Baliw na ata kasi itong groom na toh kasi di niya kilala ang bride niya. Sayang, gwapo pa naman.

Magsasalita na sana ako pero naunahan na niya ako.

"What now?! In case you haven't notice it yet, the wedding is one hour delayed already because of you!", galit na sabi niya sa akin kaya napataas kilay ako.

Teka, ba't galit tong isang toh?

"Chill lang kuya... e hindi naman kasi ako yung bride mo e.", sabi ko naman sa kanya.

"WHAT?!", gulat na gulat na sambit nito na mas ipinagtaka ko.

"Alam mo ang weird mo. Ikaw lang ata ang nakita kong groom na hindi mamukhaan ang bride niya. Naka drugs ka ba?", di ko napigilang tanungin.

Sinamaan naman niya ako ng tingin bago sinenyasan yung lalaking katabi niya kanina sa altar na agad namang lumapit sa amin.

"What the hell is going on here, Chino? Is she the hired bride or not?", tanong ni gwapong nilalang kay kuyang bagong dating na tinawag niyang Chino.

"Ah... eh... baka nagpa retoke, dre? Parang nag-iba ang mukha e.", sagot naman nung Chino na kakamot-kamot pa sa ulo niya.

Pero wait! Anong retoke ang sinasabi nila? At anong hired bride?

"Excuse me kuya, 100 percent natural tong mukha ko. Walang retoke. Walang labis, walang kulang, sadyang maganda lang! At pwede bang umalis na ako rito? Kasi late na ako sa talagang pupuntahan ko? Na-maling venue lang ako.", singit ko sa kanila kaya napatingin silang dalawa sa akin.

"DAMMIT! I can't believe all this sh*t!", mura ulit ni gwapong nilalang na napahilot pa sa sentido niya. Seryosong tumingin naman ito sa akin. "You can't go. You're going be the replacement."

"H-Ha? Anong replacement ang sinasabi mo?", kunot-noo tanong ko sa kanya. Naku mukhang sayang ang isang toh. Gwapo na sana kaso mukhang may saltik naman sa utak.

"Let's get married. Just say I do later and 5 million will be yours.", biglang sabi ni gwapong nilalang na literal na nakapagpanganga sa akin.

A-An-Ano raw? F-Fa-Five Million Pesos basta mag I do lang ako?

Sinuri ko naman ng maayos ang mukha ni gwapong nilalang at humanap ng ebidensya kung nakahitit ba siya ng marijuana o na sobrahan lang sa pag-inom ng cobra at pagkain ng kimchi.

Mas napanganga pa ako lalo nang makita kong wala namang senyales ng pagbibiro ang mukha nito. Seryoso pa nga ito habang nakatingin sa akin.

PAKSHET! Seryoso nga siya?!

"Seryoso ka talaga? 5 million? Mag I do lang ako? Pwera biro?", paninigurado k.

"Yes, okay? I'm not the type of person who jokes around especially when it comes to serious matters.", seryosong sagot niya.

Mukha ngang di marunong mag joke. Sungit e.

"So what do you say Ms. Beautiful?", tanong sa akin nung Chino. "Will you accept his offer?"

Mag I do lang, 5 million na. Lord, thank you! ITO NA TOH! Ito na yung matagal kong hinihintay na swerte sa buhay ko!

Mapapagamot ko na rin ang kapatid ko, magiging milyonarya pa ako ng walang kahirap-hirap. Mabibigyan ko na kaagad ng magandang buhay ang kapatid ko sa oras na makakita na siya.

Di na ako nagsayang pa ng oras. Dali-dali kong hinatak si gwapong nilalang papunta sa may altar.

"Father, simulan na ang kasalan. Ngayon na, as in now na! GO! BILISAN NIYO NA, WALA NG KARAKARAKARAKA. GUMORABELS NA TAYO PARA MAKAPAG I-DO NA AKO!", sabi ko kay Father na nagulat pa at natatarantang sinimulan na ang seremonya.

Lord, thank you talaga! Mahal niyo nga ako! Thank you!

Five Million! Five Million! Five Million!

This is it pancit!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status