Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko. Pinakiramdaman ko rin ang balakang ko at hindi na ito masakit maliban na lang dun sa sugat ko sa tuhod na medyo kumikirot-kirot pa rin.Nilibot-libot ko naman ang paningin ko at agad akong napabangon mula sa pagkakahiga ko!OH NO! ASAN AKO?! Nailibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng malaking kwarto na kinaroroonan ko. Kung pagbabasehan ang kulay at amoy ng kwarto, masasabi mong lalaki ang may kwarto. Teka!L-La-Lalaki?!OH NO!"AIDEN! TULUNGAN MO AKO!", sigaw ko ng malakas.OMG! OMG! SINONG KUMIDNAP SA AKIN?! HINDI MAAARI TOH!NO!Sumigaw ulit ako ng pagkalakas-lakas.At ngayon ko lang napansin na hindi sa akin yung suot ko ngayong maluwag na shirt. Unti-unting namilog ang mata ko.Hindi ito yung damit ko kahapon a! Malaking white shirt ang suot ko ngayon! NO! HINDI PWEDE TOH!Napasigaw ulit ako ng malakas.Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa may veranda ng kwarto. Kailangan kong makaalis dito! Kailangan kong makatakas sa kung sin
(Jewel's P.O.V)Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na rin kami sa isang hotel na pagmamay-ari ng Monteverde Empire at kung saan dinaraos yung party.Binuksan naman ang pintuan ng sasakyan sa side ko at may nag-abot ng kamay niya na agad ko tinanggap. Pagbaba ko ng kotse ay doon ko lang nalaman na si Aiden pala yung nag-abot ng kamay niya.Napakunot noo ako dahil sobrang titig na titig ito sa akin ngayon."WOI! Ayos ka lang?", tanong ko sa kanya dahil parang nakatulog na siya ng nakamulat.Problema ng isang toh?Napatingin naman ako kina lola Margareth at mama Jennifer na nakangiti lang habang nakatingin sa amin ni Aiden.I snapped my finger in front of Aiden's face at dun lang siya parang natauhan."Wh-what?", Aiden"WHAT WHAT WATAWAT. Problema mo? Halika na nga. Mukhang natutulog ka pa atang nakamulat diyan.", sabi ko na lang sa kanya at hinila na siya papasok. Nauna ng pumasok ang grandparents at parents ni Aiden."Good evening ladies and gentlemen. Let's all welcome the Mon
(Jewel's P.O.V)Pagkatapos na pagkatapos ng speech ni Aiden ay umalis na kami ng party. 1 na ng umaga pero hanggang ngayon di pa rin ako makatulog.Umupo naman ako saka sumandal sa headboard ng kama at napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa kanya.Ito lang kasi ang kauna-unahang tao na nakakatulog pa rin kahit ako ang katabi. Wala kasing nakakatagal sa pagiging magalaw ko sa kama. Pero siya, iba.I sighed. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung bakit nagawang iwan ni Mira ang isang kagaya ni Aiden na mahal na mahal siya.Gwapo naman si Aiden at isa pa nga ito sa kilalang billionaire businessman. Oo masungit siya paminsan at bipolar din pero mabait naman siya at mapagmahal na tao lalo na sa pamilya nito. Gentleman, maaalalahanin, at maalagain.Kagaya nung natamo ko tong sugat ko sa tuhod. Sobra kung mag-alala na akala mo ikamamatay ko naman itong sugat na toh.Hindi ko naman maiwasang isipin yung mga sinabi k
(Jewel's P.O.V)Halos mapuno naman ng tissue paper ang table ko rito sa office dahil kada limang segundo ay pinupunasan ko ang sipon ko. Letche flan naman o! Bakit ngayon pa ako dinapuan ng sipon?! Hay naku! Bad timing! Agad kong pinunasan ulit yung ilong ko dahil baka matuluan ng sipon yung laptop ko."Jewel, ayos ka lang ba? Mukhang di maganda ang pakiramdam mo a, umuwi ka na lang muna kaya?", sabi naman ni Hanna."Oo nga! Papasok pasok pa kasi, may sakit naman pala. Gusto pa atang hawaan kaming lahat dito.", biglang sabat ni Jen; isang writer din dito na walang ibang ginawa kundi bwisitin ako.Malaki kasi ang pagka-inggit ng isang toh sa akin dahil mukhang sa akin mapupunta ang promotion na gustong-gusto niya."Tch. Manahimik ka nga riyan Jen.", suway ni Hanna sa kanya.Wala rin akong panahong patulan siya dahil masyadong masama ang pakiramdam ko."Hay naku. Ikaw naman kasi Jewel, masyado mong pinapagod ang sarili mo.", panenermon sa akin ni Hanna.Tama naman si Hanna. These past d
(Jewel's P.O.V)"WHY THE HELL DID YOU NOT ANSWER ANY OF MY CALLS LAST NIGHT HUH?!", galit na galit na sigaw sa akin ni Aiden habang ako, heto at naka-upo sa sofa ng sala ng mansion niya. Nagmumukha akong batang pinapagalitan lang ng tatay niya."Ah h-", hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol yun ni Aiden."DO YOU KNOW HOW WORRIED MY PARENTS AND GRANDPARENTS ARE LAST NIGHT?!", sigaw ulit nito na nag eecho sa loob ng buong bahay.Grabe. Nakakatakot pala magalit tong si Aiden. Kahit yung mga maids kanina, nagsi-alisan nang magsimulang sumigaw si Aiden. Wala ng nagtangka pang lumapit sa kinaroroonan namin.Actually, pagkagising ko kanina hindi naman ito sumisigaw kaagad pero tahimik lang ito at ang dilim ng mukha. Nung tinanong ko lang siya kung okay siya, dun na nagsimula. WAAAHHH! Dapat ata di ko na siya tinanong pa! "Siyem-.""BAKIT HINDI KA MAN LANG TUMAWAG KAGABI PARA SABIHIN SA AMIN NA PUPUNTA KA PALA SA ISANG CLUB?!", pasigaw ulit na tanong niya."Ano kas-.""AND
(Jewel's P.O.V)"Wait for me later.", narinig kong sabi ni Aiden.Tumango lang ako habang nakayuko pa rin. Nasa loob kami ng black Porsche niya na nakapark ngayon sa harap ng office ng pinagtratrabauhan ko.Sumilip naman ako sa tinted window ng kotse at nakita kong napapatingin ang mga katrabaho kong pumapasok. Malamang titingin sila. Akalain mo kasi yun, isang bagung-bagong black Porsche ang naka park sa labas ng office niyo!"Tch. What the hell are you doing Jewel? It's not like they're gonna see you outside. The window is tinted.", narinig kong sabi ni Aiden.Doon lang naman ako napatigil sa paglinga-linga at pagyuko-yuko ko. May point naman kasi siya. Ang shunga ko lang talaga kahit kailan!"Sabi ko nga tinted. Nag stre-stretch lang naman kasi ako e.", nakangusong sabi ko na lang para itago ang pagkapahiya ko.Napa-iling na lang si Aiden."You know, your officemates-.", Aiden"Okay! Gotta go!", pagpuputol ko sa sinasabi ni Aiden nang makita kong wala na yung mga katrabaho ko sa la
(Jewel's P.O.V)"Okay, makinig kang mabuti ha? Importante tong bagay na ituturo ko sa'yo kaya dapat makinig ka ng mabuti. Okay?", seryosong sabi ko kay Aiden."Would you just say it already?", he said giving me a bored expression. Tumikhim ako at seryoso pa ring tumingin sa kanya. "Okay. Pag sinabi kong first day, ito ang dapat mong bilhin dahil mahaba. Karaniwan kasi pag first day, malakas talaga kaya dapat ito. Naiintindihan mo? Pero pag tapos na first and second day, pwedeng ito na ang bilhin mo pag nagpabili ako. Kuha mo?", taas kilay na tanong ko sa kanya."Tch. I'm a man Jewel. You don't expect me to be expert when it comes on choosing sanitary napkin that's why I bought one pack of each brand the other day.", Aiden"Excuse me, may mga lalaking marunong bumili ng napkin noh! At kaya nga tinuturuan kita para next time, di mo na gawing grocery ng napkin ang mansion mo. Andami kaya nung binili mo. Anong akala mo? Isang taon akong nagreregla?", sabi ko naman sa kanya.Andito kami
(Jewel's P.O.V)Natapos na ang Forevermore pero hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Aiden. Forevermore rin ba ang paghihintay ko sa pag-uwi niya?Ano ba yan! Saan ba kasi pumunta ang isang yun?Nang maihatid niya kasi ako rito sa mansion kanina ay umalis din ito kaagad at ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Medyo bastos lang ang loko! At siyempre, kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya.Narinig ko namang nag ring ang phone ko kaya agad ko iyon sinagot."Hello?", napalakas na bungad ko.["Jewel apo, okay ka lang ba?"], tanong naman ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si lola Margareth."H-Huh? O-Okay lang lola. Nanonood kasi ako ng horror movie ngayon.", pagrarason ko na lang.["Ganun ba? Ano ba yang pinapanood mo apo at ng mapanood din namin ng lolo Victor niyo."], tanong ni lola Margareth.Luh. Kaya pa kaya talaga nilang manood ng horror movie? Iba rin talaga ang grandparents ni Aiden."Ano po... uh... The Ring po.", sabi ko na
(Jewel's P.O.V)"Sweetheart, wake up...", I heard Aiden say but I just answered him with a groan. I'm too tired to wake up yet. Kagagaling ko lang kasi ng Baguio kahapon dahil sa one day seminar na dinaluhan ko roon.Napangiti ako nang maramdaman ko ang mga pinong paghalik ni Aiden sa pisngi at leeg ko. "Darling, I'm tired... mamaya mo na lang ako gisingin.", mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya."Pero sweetheart, ang kulit ng quads.", narinig kong reklamo niya at kahit hindi ako nakatingin ngayon sa kanya, alam kong nakasimangot siya. Kahit nakapakit pa rin, hindi ko napigilang hindi mapatawa ng mahina.Kailan ba hindi naging makulit iyong apat na yun? Aba! End of the world na kung biglang nawala ang kakulitan nilang apat. Gaya nga ng inaasahan, ang kukulit nilang apat! Though hindi naman talaga lahat sila ay sobrang kulit. May nakamana sa pagiging seryoso rin at pagiging masungit ni Aiden at yun ay walang iba kundi si Jeiden na mas tinatawag namin sa palayaw niyang JV
"Ano ba bakla, bakit ka ba nagmamadali ha? Sumali ka ba sa 'The Amazing Race' ha?", nagtatakang tanong sa akin ni Oliver habang hila-hila ko siya pagpasok na pagpasok namin sa BSM mall na pagmamay-ari ni Dwight."Kasi 4:30 na ng hapon pero hindi pa rin ako nakakabili ng regalo para kay Aiden.", sagot ko sa kanya.Halos lahat na kasi ng kapamilya ko at mga kaibigan, nabilhan ko na ng Christmas gift nila maliban na lang sa asawa ko. Kasi naman, ayaw pa rin niya akong payagang lumabas. Dapat daw kasama ko siya pero siyempre di pwede yun dahil hindi na magiging surprise ang gift ko sa kanya. At kahit sinasabi ko sa kanya na sasamahan ako nina Oliver o nina mommy Jennifer, ayaw pa rin niyang lumabas ako. Dapat daw kasama pa rin siya. Paano naman daw yun di ba?"O buti pinayagan kang lumabas ni Aiden na hindi siya kasama. Paano mo napapayag yun na palabasin ka na hindi siya kasama?", curious na tanong sa akin ni Oliver.Hindi ko naman napigilang hindi mapangisi habang inaalala ko ang ginaw
(Jewel's P.O.V)"Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama sa'yo sa office mo? Dito na lang kasi ako. Sunduin mo na lang ako mamaya kung pupunta na tayo sa hospital.", nakasimangot na sabi ko kay Aiden na sinusuklay ang buhok ko. Pinilit kasi niya akong sumama sa kanya na pumunta sa office niya para raw diretso na kami sa OB/GYN ko para sa pagpapa-ultrasound ko pagkatapos ng meeting niya. But I know better. Alam kong alibi lang niya iyon dahil takot lang siyang iwan ulit ako mag-isa rito sa bahay dahil baka umalis na naman ako ng walang paalam. Last week kasi umalis ako ng bahay para pumunta sa BnW office para sabihin sa Editor in Chief namin na babalik ulit ako sa pagtratrabaho roon after kong manganak. Tatawagan ko na sana si Aiden para magpaalam pero saktong ubos na pala load ko at tinatamad akong magpaload. Hindi kasi iyong postpaid phone ko ang nadala ko. Isa pa, saglit lang naman ako sa office at uuwi rin kaagad ako kaya hinayaan ko na lang na hindi sabihin sa kanya. Sa tuwing ma
(Jewel's P.O.V)"Oliver! Punta tayo plaza!", yaya ko kay Oliver pagkatapos kong magpalit ng isa sa mga maternity dress ko. Bored na kasi ako rito sa bahay at gusto kong mamasyal kahit tirik na tirik ang araw. 3 kasi ng hapon. Isama pang mainit dito sa Bontoc pero carry pa rin dahil mas mainit pa rin naman sa Manila."Anong gagawin mo dun?", tanong ni Oliver na katatapos lang maghugas ng pinagkainan namin."Magpapa attendance sa statue ni Jose Rizel.", pamimilosopo ko. May statue kasi sa plaza si Jose Rizel."Baliw!", Oliver"Hindi na bago yan! Sperm pa lang ako ng tatay ko, baliw na ako kaya nga ako ang nanalo sa lahat ng kakompetensya at ako ang nabuo. Halika na!""Ngayon na? E ang sakit kaya sa balat ng araw ngayong oras na ito. Mamaya na lang pag wala na. Baka biglang matusta yang si baby sa tiyan mo sa sobrang init.", Oliver"Di yan! Lumunok na ako ng isang katerbang yelo kaya okay lang si baby. At isa pa, matagal ng naka-imbento ang tao ng pangontra sa araw.""Ano naman daw yun?"
(Aiden's P.O.V)Hindi ko na kayang hintayin pa ang mga private investigators na kinuha ko para sabihin sa akin kung nasaan si Jewel. Kailangan ko na talaga siyang makita. Baka kung ano ng nangyari sa kanya at sa baby namin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya at tuluyang nawala ang nag-iisang pagkakataong binigay sa amin para magkaroon ng anak.Mas binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa bahay ni Oliver. Alam kong alam niya kung nasaan talaga si Jewel. Kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa para lang sabihin niya sa akin kung nasaan si Jewel, gagawin ko.Pagkarating ko sa apartment ni Oliver ay si Jervis ang naabutan ko roon."K-Kuya Aiden, ano pong ginagawa niyo rito?", gulat na tanong niya. "Is Oliver there?""Wala kuya.", sagot niya.Sh-t! Now what? Napatingin ako kay Jervis na nakatingin lang sa akin. "Jervis, alam mo ba kung nasaan ang ate mo?"Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa tanong ko. Maya-maya lang ay ang-iwas ito ng tingin at doon
(Jewel's P.O.V)"Ate, magkano itong pinya niyo?", tanong ko sa isang tindera rito sa public market na kinaroroonan ko."Bente lang yan ading.", sagot niya."Pabalot ho.", sabi ko na agad naman niyang ginawa. Agad rin akong naglabas ng 20 pesos sa wallet na dala-dala ko at inabot kay ate. Kinuha ko na yung pinya at naglakad ulit ako para bumili naman ng saging.Napatingin ako sa phone ko nang marinig ko ang message alert tone ko. Galing kay Gail ang text at tinatanong niya ako kung pauwi na raw ba ako. Ni-reply-an ko na lang na uuwi na ako pagkatapos kong makabili ng saging. I'm sure nag-aalala na ang isang yun dahil pagabi na rin.Kababata ko rin si Gail sa bahay ampunan noon at sa kanila ako nakatira ngayon dito sa Bontoc Mountain Province ng Cordillera Region. Yes, 4 months na ang nakalipas simula nung huli kaming nag-usap ni Aiden at yung huling pag-uusap namin na iyon ay nung sinabi ko sa kanya na baog ako. After ng insidente na iyon ay wala na. Hindi na ulit kami nag-usap pa at n
(Jewel's P.O.V)Ilang araw na rin ang lumipas simula nang malaman ko ang tungkol sa kalagayan ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin yun sinasabi kay Aiden. Natatakot talaga akong sabihin iyon sa kanya dahil hindi ko alam kung paano niya yun tatanggapin. Mas lumalala pa iyon sa tuwing naaalala ko yung pag-uusap namin tungkol sa pagkakaroon ng anak.Litong-lito na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero alam kong hindi ko ito maitatago sa kanya ng matagal dahil sooner or later e malalaman din niya.Pero matatanggap pa kaya niya ako pag nalaman niya ang kondisyon ko?Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman kong tumigil ang taxi na sinasakyan ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa tapat na pala kami ng bahay namin ni Aiden. Agad kong binigay yung bayad ko sa taxi driver saka bumaba. Lumapit kaagad sa akin ang mga body guards na naririto at binitbit papasok ang mga gamit ko. Kakaratin
(Jewel's P.O.V)Unti-unti kong minulat ang aking mata nang maramdaman ko ang gutom. Nang tuluyang nagising ang diwa ko ay hindi ko mapigilang hindi mapakunot-noo nang makita kong nasa bahay na pala ako. Sa kwarto namin ni Aiden to be exact. Ang naaalala ko kasi ay nasa opisina ako tapos umidlip ako saglit dahil napagod ako.Napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog. Ang tiyan niya ang nagsisilbing unan ko dahil yung mga unan ko, nasa sahig na. Yung paa ko nga, nasa labas ng kama. Gaya nga ng sabi ko, magalaw ako sa kama. Himala nga na nakayanan ako ni Aiden makatabi. Oh well, mukhang sanay naman na siya dahil almost 3 months na rin kaming nagsasama.Pagtingin ko sa may orasan na nasa tabi ng lampshade sa tabi ng kama ay napag-alaman kong 3 pa lang ng umaga. Letcheng gutom kasi na yan, ginising ako.Dahan-dahan kong inalis yung kanang kamay ni Aiden na nakapatong sa ulo ko saka tumayo na ako sa kama. Alam kong hindi na ulit ako makakabalik sa pagtulog hangga't hindi ko napapak
(Jewel's P.O.V)Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa itsura ko sa salamin. Handang-handa na ako sa first day ko bilang temporary secretary ni Aiden.Yep, tapos na po iyong three day business meeting nina Aiden sa Cebu. Kung tatanungin niyo kung anong mga nangyari pagkalabas ko ng hospital nun e wala naman masyadong mga kapanapanabik na mga nangyari. Maliban sa hindi ako hinahayaan ni Aiden na umalis sa tabi niya e siyempre, we spend some quality time together. You know, that 'over and over again' niya. That sums up our Cebu trip.Napatigil ako bigla sa pag-iisip tungkol sa mga nangyari sa Cebu nang may marinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Aiden."Miss Jewel, pinapasabi po ni Sir Aiden na kapag tapos na raw po kayong mag-ayos ay bumaba na raw po kayo.", sabi ng isa sa mga katulong mula sa labas kaya nagmamadali na ako sa pagsuklay ng buhok ko.Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa sasakyang naghihintay sa akin kung saan lulan na si Aiden. "Magandang m