(Jewel's P.O.V)Natapos na ang Forevermore pero hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Aiden. Forevermore rin ba ang paghihintay ko sa pag-uwi niya?Ano ba yan! Saan ba kasi pumunta ang isang yun?Nang maihatid niya kasi ako rito sa mansion kanina ay umalis din ito kaagad at ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Medyo bastos lang ang loko! At siyempre, kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya.Narinig ko namang nag ring ang phone ko kaya agad ko iyon sinagot."Hello?", napalakas na bungad ko.["Jewel apo, okay ka lang ba?"], tanong naman ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si lola Margareth."H-Huh? O-Okay lang lola. Nanonood kasi ako ng horror movie ngayon.", pagrarason ko na lang.["Ganun ba? Ano ba yang pinapanood mo apo at ng mapanood din namin ng lolo Victor niyo."], tanong ni lola Margareth.Luh. Kaya pa kaya talaga nilang manood ng horror movie? Iba rin talaga ang grandparents ni Aiden."Ano po... uh... The Ring po.", sabi ko na
(Jewel's P.O.V)One week. Ganyan katagal akong hindi kinakausap ni Aiden simula nung araw na nagkaraoke kami. Well, hindi naman sa hindi niya ako kinakausap. Pag nagtatanong naman ako sa kanya e sinasagot niya. Pero yun nga lang, 'isang tanong, isang sagot' ang palagi niyang ginagawa.And three days ko na siyang di nakikita. Pumunta kasi ito sa America dahil nagkaroon daw ng problema ang company nila roon. 'Daw' dahil hindi si Aiden ang nagsabi nun mismo sa akin kundi ang mama nito. Tanda ko pa, alalang-alala ako sa kanya three days ago kasi anong oras na hindi pa rin siya umuuwi. Tapos yun, malalaman ko lang sa mama nito na pumunta pala ito sa ibang bansa for business purposes. Ni hindi man sa akin mismo nagpaalam. Ganun ba kahirap sa kanyang tumawag man lang para sabihin na aalis siya? O KAHIT TEXT LANG SANA!Alalang-alala ako sa kanya noon kasi akala ko baka nasagasahan na siya ng Voltes Five sa daan o di kaya kinidnap siya ng Powerpuff girls at pinilit isali siya sa kulto nila!
(Aiden's P.O.V)Napatayo naman kaming lahat nang lumabas ang doctor na siyang tumingin kay Jewel sa may emergency room."Doc, how's my wife?", I asked him in a anxious tone.The doctor smiled. "She's fine now, Mr. Monteverde. Basta bantayan niyo lang siya ng maayos para hindi na siya ulit atakihin ng asthma niya. Dapat hindi siya sobrang pinapagod. Anyway, ililipat na siya sa kanyang kwarto. Doon niyo na lang siya puntahan.""Thank you doctor.", I said to him and he just nodded and left."Sige na fafa Aiden, ikaw na muna pumasok.", sabi naman ni Oliver nang nasa may tapat na kami ng kwarto ni Jewel. Si Oliver agad ang una kong tinawagan para ipaalam ang nangyari kay Jewel. I know that aside from Jervis, the only family that my wife consider is her best friend Oliver. Tinawagan ko rin ang mga magulang ko pati na rin sina lolo at lola para ipaalam sa kanila ang nangyari kay Jewel pero pinigilan ko na silang pumunta rito dahil gabi na rin. "Sige na pare.", sabi rin ni Chino na nandito
(Jewel's P.O.V)Napahinga naman ulit ako ng malalim. Hindi ko mapigilang hindi kabahan e. Ngayong araw na toh kasi ang operation ni Jervis. At ngayon nga, naririto kami sa may hospital. Kasama ko ngayon si Aiden, ang pamilya niya, at si Oliver. Pati na rin ang mga kaibigan ni Aiden e naririto. Nagkaroon kasi sila ng meeting kanina at sumama sila rito kay Aiden after nung meeting nila."Ate...?", narinig kong tawag sa akin ng isang boses.Paglingon ko ay nakita ko si Jervis na nakahiga ngayon sa stetcher. Pinaghanda muna kasi nila ito. Dali-dali ko namang nilapitan ang kapatid ko at hinawakan ang kanang kamay niya."Andito si ate.", sabi ko sa kanya."Ate, natatakot ako. Paano kung hind imaging successful?", tanong ng kapatid ko na mahihimigan ng takot talaga ang boses. "Ano ka ba Jervis, wag kang mag-isip ng ganyan. Magiging successful toh okay? At wag kang matakot, andito lang ako. Andito lang palagi si ate sa tabi mo kaya wag na wag kang matatakot.", sabi ko sa kanya habang pinipi
MAY KAUNTING SPG PO(Jewel's P.O.V) "Ate, ayos lang kami ni kuya Oliver.", paninigurado sa akin ng kapatid ko.One week na rin ang nakalipas after nung operation niya at siyempre, successful!"Hay naku! Isa ka pa! Sabing hindi kuya e! Ate! Ate Olivia! At pwede ba bakla, umalis ka na. Kaya na namin toh ni Jervis noh! Para namang isang dekada kang mawawala niyan e 4 days ka lang naman mawawala para sa honeymoon niyo ni fafa Aiden. Ui, galingan mo performance mo. Videohan mo para makita ko kung ayos ba or hindi." Ngali-ngaling binatukan ko ang nakangising si Oliver.Opo, kailangan na naming umalis mamaya para sa honeymoon na yan kaya andito ako sa apartment na tinitirahan nina Oliver at ni Jervis at nagpapaalam. Siyempre, ngayon ayos na ang kapatid ko, kailangan ko na ring tuparin yung nasa kontrata namin ni Aiden. Yung pagbibigay sa kanya ng anak.Letcheng term yan, PAGBIBIGAY. Ano yun? Parang tinapay lang? Candy? Hay buhay, parang life! It's complicated!"Utak mo paayos mo! Ayusin mo
(Aiden's P.O.V)I stared at Jewel who is sleeping soundly in my arms. It's already 7:30 in the morning. I'm sure she's really tired from last night.Damn! Just thinking about last night makes me want to make love with her over and over again. I've slept with different women back then but last night was different. What happened last night was special.It was not sex, it was making love.It's the first time I wanted to do it over and over again with a woman like I can't get enough of her. It's the first time I've been gentle because I was scared I might hurt her. And it was the first time I got nervous making love with someone.I caressed her hair then gave her a peck in the lips before gently getting off from the bed.I need to get us breakfast. I know she'll be hungry when she wakes up.Agad akong tumawag para magpadala ng breakfast dito sa kwarto namin. Habang hinihintay ang pagdating ng pagkain ay pumasok muna ako sa banyo para maligo. Saktong katatapos ko lang maligo nang may kuma
(Aiden's P.O.V)I annoyingly put down my phone in the table. Dammit! She's clearly avoiding me. She always tell me she's busy but I know that she's just using her work as an excuse.Just like what happened just now, I invited her for lunch but she declined saying that she have a lot of things to finish in their office. Like I would believe that crap again! She's been using that same excuse for what? Almost 2 weeks already?"Aiden.", narinig kong tawag sa pangalan ko at parang doon lang ako nagising mula sa malalim kong pag-iisip."What?""Pare, nakikinig ka ba?", tanong sa akin ni Vance na nakakunot-noo at siyang nagsasalita kanina sa harapan dito sa conference room. Aside from Vance, my other colleagues; Chino, Dwight, Ian, and Stiles, are here as well. We're currently discussing about a business we're trying to venture together. "Of course I am.", I just lied.Dammit! Dahil sa kakaisip ko sa ginagawang pag-iwas sa akin ng asawa ko, palagi na lang nawawala ang atensyon ko sa trabaho
(Jewel's P.O.V)Letche flan naman Jewel Paris Rodriguez. Tumigil ka nga sa pag-iyak! Kailan ka ba naging iyakin ha?!Marahas na pinunasan ko ang mga luha ko saka tinalikuran si Aiden. Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso ko para pigilan ako sa pag-alis. Napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko."Where do you think you're going?", inis na tanong sa akin ni Aiden nang maiharap niya ako sa kanya."SA TIYAN NG NANAY KO! AT WAG KANG SUMAMA DAHIL HINDI TAYO MAGKAKASYA!", inis ding sigaw ko sa kanya. Oo, naiinis ako! Naiinis ako sa sarili ko at sa nararamdaman ko! Naiinis ako sa nangyayari sa akin ngayon! "ANO BA AIDEN! MASAKIT!", reklamo ko sa kanya dahil mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko."Masasaktan ka talaga! WHAT THE HELL WERE YOU ACTUALLY THINKING OF COMING HERE WITH THAT BASTARD?! ARE YOU REALLY THAT STUPID?!", galit na sigaw niya sa akin na nagpa-init ng ulo ko."PUTCHA NAMAN AIDEN! DI MO KAILANGANG IPAMUKHANG TANGA AKO
(Jewel's P.O.V)"Sweetheart, wake up...", I heard Aiden say but I just answered him with a groan. I'm too tired to wake up yet. Kagagaling ko lang kasi ng Baguio kahapon dahil sa one day seminar na dinaluhan ko roon.Napangiti ako nang maramdaman ko ang mga pinong paghalik ni Aiden sa pisngi at leeg ko. "Darling, I'm tired... mamaya mo na lang ako gisingin.", mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya."Pero sweetheart, ang kulit ng quads.", narinig kong reklamo niya at kahit hindi ako nakatingin ngayon sa kanya, alam kong nakasimangot siya. Kahit nakapakit pa rin, hindi ko napigilang hindi mapatawa ng mahina.Kailan ba hindi naging makulit iyong apat na yun? Aba! End of the world na kung biglang nawala ang kakulitan nilang apat. Gaya nga ng inaasahan, ang kukulit nilang apat! Though hindi naman talaga lahat sila ay sobrang kulit. May nakamana sa pagiging seryoso rin at pagiging masungit ni Aiden at yun ay walang iba kundi si Jeiden na mas tinatawag namin sa palayaw niyang JV
"Ano ba bakla, bakit ka ba nagmamadali ha? Sumali ka ba sa 'The Amazing Race' ha?", nagtatakang tanong sa akin ni Oliver habang hila-hila ko siya pagpasok na pagpasok namin sa BSM mall na pagmamay-ari ni Dwight."Kasi 4:30 na ng hapon pero hindi pa rin ako nakakabili ng regalo para kay Aiden.", sagot ko sa kanya.Halos lahat na kasi ng kapamilya ko at mga kaibigan, nabilhan ko na ng Christmas gift nila maliban na lang sa asawa ko. Kasi naman, ayaw pa rin niya akong payagang lumabas. Dapat daw kasama ko siya pero siyempre di pwede yun dahil hindi na magiging surprise ang gift ko sa kanya. At kahit sinasabi ko sa kanya na sasamahan ako nina Oliver o nina mommy Jennifer, ayaw pa rin niyang lumabas ako. Dapat daw kasama pa rin siya. Paano naman daw yun di ba?"O buti pinayagan kang lumabas ni Aiden na hindi siya kasama. Paano mo napapayag yun na palabasin ka na hindi siya kasama?", curious na tanong sa akin ni Oliver.Hindi ko naman napigilang hindi mapangisi habang inaalala ko ang ginaw
(Jewel's P.O.V)"Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama sa'yo sa office mo? Dito na lang kasi ako. Sunduin mo na lang ako mamaya kung pupunta na tayo sa hospital.", nakasimangot na sabi ko kay Aiden na sinusuklay ang buhok ko. Pinilit kasi niya akong sumama sa kanya na pumunta sa office niya para raw diretso na kami sa OB/GYN ko para sa pagpapa-ultrasound ko pagkatapos ng meeting niya. But I know better. Alam kong alibi lang niya iyon dahil takot lang siyang iwan ulit ako mag-isa rito sa bahay dahil baka umalis na naman ako ng walang paalam. Last week kasi umalis ako ng bahay para pumunta sa BnW office para sabihin sa Editor in Chief namin na babalik ulit ako sa pagtratrabaho roon after kong manganak. Tatawagan ko na sana si Aiden para magpaalam pero saktong ubos na pala load ko at tinatamad akong magpaload. Hindi kasi iyong postpaid phone ko ang nadala ko. Isa pa, saglit lang naman ako sa office at uuwi rin kaagad ako kaya hinayaan ko na lang na hindi sabihin sa kanya. Sa tuwing ma
(Jewel's P.O.V)"Oliver! Punta tayo plaza!", yaya ko kay Oliver pagkatapos kong magpalit ng isa sa mga maternity dress ko. Bored na kasi ako rito sa bahay at gusto kong mamasyal kahit tirik na tirik ang araw. 3 kasi ng hapon. Isama pang mainit dito sa Bontoc pero carry pa rin dahil mas mainit pa rin naman sa Manila."Anong gagawin mo dun?", tanong ni Oliver na katatapos lang maghugas ng pinagkainan namin."Magpapa attendance sa statue ni Jose Rizel.", pamimilosopo ko. May statue kasi sa plaza si Jose Rizel."Baliw!", Oliver"Hindi na bago yan! Sperm pa lang ako ng tatay ko, baliw na ako kaya nga ako ang nanalo sa lahat ng kakompetensya at ako ang nabuo. Halika na!""Ngayon na? E ang sakit kaya sa balat ng araw ngayong oras na ito. Mamaya na lang pag wala na. Baka biglang matusta yang si baby sa tiyan mo sa sobrang init.", Oliver"Di yan! Lumunok na ako ng isang katerbang yelo kaya okay lang si baby. At isa pa, matagal ng naka-imbento ang tao ng pangontra sa araw.""Ano naman daw yun?"
(Aiden's P.O.V)Hindi ko na kayang hintayin pa ang mga private investigators na kinuha ko para sabihin sa akin kung nasaan si Jewel. Kailangan ko na talaga siyang makita. Baka kung ano ng nangyari sa kanya at sa baby namin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya at tuluyang nawala ang nag-iisang pagkakataong binigay sa amin para magkaroon ng anak.Mas binilisan ko ang pagmamaneho papunta sa bahay ni Oliver. Alam kong alam niya kung nasaan talaga si Jewel. Kung kailangan kong lumuhod at magmakaawa para lang sabihin niya sa akin kung nasaan si Jewel, gagawin ko.Pagkarating ko sa apartment ni Oliver ay si Jervis ang naabutan ko roon."K-Kuya Aiden, ano pong ginagawa niyo rito?", gulat na tanong niya. "Is Oliver there?""Wala kuya.", sagot niya.Sh-t! Now what? Napatingin ako kay Jervis na nakatingin lang sa akin. "Jervis, alam mo ba kung nasaan ang ate mo?"Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa tanong ko. Maya-maya lang ay ang-iwas ito ng tingin at doon
(Jewel's P.O.V)"Ate, magkano itong pinya niyo?", tanong ko sa isang tindera rito sa public market na kinaroroonan ko."Bente lang yan ading.", sagot niya."Pabalot ho.", sabi ko na agad naman niyang ginawa. Agad rin akong naglabas ng 20 pesos sa wallet na dala-dala ko at inabot kay ate. Kinuha ko na yung pinya at naglakad ulit ako para bumili naman ng saging.Napatingin ako sa phone ko nang marinig ko ang message alert tone ko. Galing kay Gail ang text at tinatanong niya ako kung pauwi na raw ba ako. Ni-reply-an ko na lang na uuwi na ako pagkatapos kong makabili ng saging. I'm sure nag-aalala na ang isang yun dahil pagabi na rin.Kababata ko rin si Gail sa bahay ampunan noon at sa kanila ako nakatira ngayon dito sa Bontoc Mountain Province ng Cordillera Region. Yes, 4 months na ang nakalipas simula nung huli kaming nag-usap ni Aiden at yung huling pag-uusap namin na iyon ay nung sinabi ko sa kanya na baog ako. After ng insidente na iyon ay wala na. Hindi na ulit kami nag-usap pa at n
(Jewel's P.O.V)Ilang araw na rin ang lumipas simula nang malaman ko ang tungkol sa kalagayan ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin yun sinasabi kay Aiden. Natatakot talaga akong sabihin iyon sa kanya dahil hindi ko alam kung paano niya yun tatanggapin. Mas lumalala pa iyon sa tuwing naaalala ko yung pag-uusap namin tungkol sa pagkakaroon ng anak.Litong-lito na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero alam kong hindi ko ito maitatago sa kanya ng matagal dahil sooner or later e malalaman din niya.Pero matatanggap pa kaya niya ako pag nalaman niya ang kondisyon ko?Napatigil ako sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman kong tumigil ang taxi na sinasakyan ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana ay nasa tapat na pala kami ng bahay namin ni Aiden. Agad kong binigay yung bayad ko sa taxi driver saka bumaba. Lumapit kaagad sa akin ang mga body guards na naririto at binitbit papasok ang mga gamit ko. Kakaratin
(Jewel's P.O.V)Unti-unti kong minulat ang aking mata nang maramdaman ko ang gutom. Nang tuluyang nagising ang diwa ko ay hindi ko mapigilang hindi mapakunot-noo nang makita kong nasa bahay na pala ako. Sa kwarto namin ni Aiden to be exact. Ang naaalala ko kasi ay nasa opisina ako tapos umidlip ako saglit dahil napagod ako.Napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog. Ang tiyan niya ang nagsisilbing unan ko dahil yung mga unan ko, nasa sahig na. Yung paa ko nga, nasa labas ng kama. Gaya nga ng sabi ko, magalaw ako sa kama. Himala nga na nakayanan ako ni Aiden makatabi. Oh well, mukhang sanay naman na siya dahil almost 3 months na rin kaming nagsasama.Pagtingin ko sa may orasan na nasa tabi ng lampshade sa tabi ng kama ay napag-alaman kong 3 pa lang ng umaga. Letcheng gutom kasi na yan, ginising ako.Dahan-dahan kong inalis yung kanang kamay ni Aiden na nakapatong sa ulo ko saka tumayo na ako sa kama. Alam kong hindi na ulit ako makakabalik sa pagtulog hangga't hindi ko napapak
(Jewel's P.O.V)Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa itsura ko sa salamin. Handang-handa na ako sa first day ko bilang temporary secretary ni Aiden.Yep, tapos na po iyong three day business meeting nina Aiden sa Cebu. Kung tatanungin niyo kung anong mga nangyari pagkalabas ko ng hospital nun e wala naman masyadong mga kapanapanabik na mga nangyari. Maliban sa hindi ako hinahayaan ni Aiden na umalis sa tabi niya e siyempre, we spend some quality time together. You know, that 'over and over again' niya. That sums up our Cebu trip.Napatigil ako bigla sa pag-iisip tungkol sa mga nangyari sa Cebu nang may marinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto namin ni Aiden."Miss Jewel, pinapasabi po ni Sir Aiden na kapag tapos na raw po kayong mag-ayos ay bumaba na raw po kayo.", sabi ng isa sa mga katulong mula sa labas kaya nagmamadali na ako sa pagsuklay ng buhok ko.Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa sasakyang naghihintay sa akin kung saan lulan na si Aiden. "Magandang m