(Jewel's P.O.V)Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating na rin kami sa isang hotel na pagmamay-ari ng Monteverde Empire at kung saan dinaraos yung party.Binuksan naman ang pintuan ng sasakyan sa side ko at may nag-abot ng kamay niya na agad ko tinanggap. Pagbaba ko ng kotse ay doon ko lang nalaman na si Aiden pala yung nag-abot ng kamay niya.Napakunot noo ako dahil sobrang titig na titig ito sa akin ngayon."WOI! Ayos ka lang?", tanong ko sa kanya dahil parang nakatulog na siya ng nakamulat.Problema ng isang toh?Napatingin naman ako kina lola Margareth at mama Jennifer na nakangiti lang habang nakatingin sa amin ni Aiden.I snapped my finger in front of Aiden's face at dun lang siya parang natauhan."Wh-what?", Aiden"WHAT WHAT WATAWAT. Problema mo? Halika na nga. Mukhang natutulog ka pa atang nakamulat diyan.", sabi ko na lang sa kanya at hinila na siya papasok. Nauna ng pumasok ang grandparents at parents ni Aiden."Good evening ladies and gentlemen. Let's all welcome the Mon
(Jewel's P.O.V)Pagkatapos na pagkatapos ng speech ni Aiden ay umalis na kami ng party. 1 na ng umaga pero hanggang ngayon di pa rin ako makatulog.Umupo naman ako saka sumandal sa headboard ng kama at napatingin ako kay Aiden na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin sa kanya.Ito lang kasi ang kauna-unahang tao na nakakatulog pa rin kahit ako ang katabi. Wala kasing nakakatagal sa pagiging magalaw ko sa kama. Pero siya, iba.I sighed. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung bakit nagawang iwan ni Mira ang isang kagaya ni Aiden na mahal na mahal siya.Gwapo naman si Aiden at isa pa nga ito sa kilalang billionaire businessman. Oo masungit siya paminsan at bipolar din pero mabait naman siya at mapagmahal na tao lalo na sa pamilya nito. Gentleman, maaalalahanin, at maalagain.Kagaya nung natamo ko tong sugat ko sa tuhod. Sobra kung mag-alala na akala mo ikamamatay ko naman itong sugat na toh.Hindi ko naman maiwasang isipin yung mga sinabi k
(Jewel's P.O.V)Halos mapuno naman ng tissue paper ang table ko rito sa office dahil kada limang segundo ay pinupunasan ko ang sipon ko. Letche flan naman o! Bakit ngayon pa ako dinapuan ng sipon?! Hay naku! Bad timing! Agad kong pinunasan ulit yung ilong ko dahil baka matuluan ng sipon yung laptop ko."Jewel, ayos ka lang ba? Mukhang di maganda ang pakiramdam mo a, umuwi ka na lang muna kaya?", sabi naman ni Hanna."Oo nga! Papasok pasok pa kasi, may sakit naman pala. Gusto pa atang hawaan kaming lahat dito.", biglang sabat ni Jen; isang writer din dito na walang ibang ginawa kundi bwisitin ako.Malaki kasi ang pagka-inggit ng isang toh sa akin dahil mukhang sa akin mapupunta ang promotion na gustong-gusto niya."Tch. Manahimik ka nga riyan Jen.", suway ni Hanna sa kanya.Wala rin akong panahong patulan siya dahil masyadong masama ang pakiramdam ko."Hay naku. Ikaw naman kasi Jewel, masyado mong pinapagod ang sarili mo.", panenermon sa akin ni Hanna.Tama naman si Hanna. These past d
(Jewel's P.O.V)"WHY THE HELL DID YOU NOT ANSWER ANY OF MY CALLS LAST NIGHT HUH?!", galit na galit na sigaw sa akin ni Aiden habang ako, heto at naka-upo sa sofa ng sala ng mansion niya. Nagmumukha akong batang pinapagalitan lang ng tatay niya."Ah h-", hindi ko naman naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol yun ni Aiden."DO YOU KNOW HOW WORRIED MY PARENTS AND GRANDPARENTS ARE LAST NIGHT?!", sigaw ulit nito na nag eecho sa loob ng buong bahay.Grabe. Nakakatakot pala magalit tong si Aiden. Kahit yung mga maids kanina, nagsi-alisan nang magsimulang sumigaw si Aiden. Wala ng nagtangka pang lumapit sa kinaroroonan namin.Actually, pagkagising ko kanina hindi naman ito sumisigaw kaagad pero tahimik lang ito at ang dilim ng mukha. Nung tinanong ko lang siya kung okay siya, dun na nagsimula. WAAAHHH! Dapat ata di ko na siya tinanong pa! "Siyem-.""BAKIT HINDI KA MAN LANG TUMAWAG KAGABI PARA SABIHIN SA AMIN NA PUPUNTA KA PALA SA ISANG CLUB?!", pasigaw ulit na tanong niya."Ano kas-.""AND
(Jewel's P.O.V)"Wait for me later.", narinig kong sabi ni Aiden.Tumango lang ako habang nakayuko pa rin. Nasa loob kami ng black Porsche niya na nakapark ngayon sa harap ng office ng pinagtratrabauhan ko.Sumilip naman ako sa tinted window ng kotse at nakita kong napapatingin ang mga katrabaho kong pumapasok. Malamang titingin sila. Akalain mo kasi yun, isang bagung-bagong black Porsche ang naka park sa labas ng office niyo!"Tch. What the hell are you doing Jewel? It's not like they're gonna see you outside. The window is tinted.", narinig kong sabi ni Aiden.Doon lang naman ako napatigil sa paglinga-linga at pagyuko-yuko ko. May point naman kasi siya. Ang shunga ko lang talaga kahit kailan!"Sabi ko nga tinted. Nag stre-stretch lang naman kasi ako e.", nakangusong sabi ko na lang para itago ang pagkapahiya ko.Napa-iling na lang si Aiden."You know, your officemates-.", Aiden"Okay! Gotta go!", pagpuputol ko sa sinasabi ni Aiden nang makita kong wala na yung mga katrabaho ko sa la
(Jewel's P.O.V)"Okay, makinig kang mabuti ha? Importante tong bagay na ituturo ko sa'yo kaya dapat makinig ka ng mabuti. Okay?", seryosong sabi ko kay Aiden."Would you just say it already?", he said giving me a bored expression. Tumikhim ako at seryoso pa ring tumingin sa kanya. "Okay. Pag sinabi kong first day, ito ang dapat mong bilhin dahil mahaba. Karaniwan kasi pag first day, malakas talaga kaya dapat ito. Naiintindihan mo? Pero pag tapos na first and second day, pwedeng ito na ang bilhin mo pag nagpabili ako. Kuha mo?", taas kilay na tanong ko sa kanya."Tch. I'm a man Jewel. You don't expect me to be expert when it comes on choosing sanitary napkin that's why I bought one pack of each brand the other day.", Aiden"Excuse me, may mga lalaking marunong bumili ng napkin noh! At kaya nga tinuturuan kita para next time, di mo na gawing grocery ng napkin ang mansion mo. Andami kaya nung binili mo. Anong akala mo? Isang taon akong nagreregla?", sabi ko naman sa kanya.Andito kami
(Jewel's P.O.V)Natapos na ang Forevermore pero hanggang ngayon di pa rin umuuwi si Aiden. Forevermore rin ba ang paghihintay ko sa pag-uwi niya?Ano ba yan! Saan ba kasi pumunta ang isang yun?Nang maihatid niya kasi ako rito sa mansion kanina ay umalis din ito kaagad at ni hindi man lang sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Medyo bastos lang ang loko! At siyempre, kanina ko pa tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya.Narinig ko namang nag ring ang phone ko kaya agad ko iyon sinagot."Hello?", napalakas na bungad ko.["Jewel apo, okay ka lang ba?"], tanong naman ng nasa kabilang linya na walang iba kundi si lola Margareth."H-Huh? O-Okay lang lola. Nanonood kasi ako ng horror movie ngayon.", pagrarason ko na lang.["Ganun ba? Ano ba yang pinapanood mo apo at ng mapanood din namin ng lolo Victor niyo."], tanong ni lola Margareth.Luh. Kaya pa kaya talaga nilang manood ng horror movie? Iba rin talaga ang grandparents ni Aiden."Ano po... uh... The Ring po.", sabi ko na
(Jewel's P.O.V)One week. Ganyan katagal akong hindi kinakausap ni Aiden simula nung araw na nagkaraoke kami. Well, hindi naman sa hindi niya ako kinakausap. Pag nagtatanong naman ako sa kanya e sinasagot niya. Pero yun nga lang, 'isang tanong, isang sagot' ang palagi niyang ginagawa.And three days ko na siyang di nakikita. Pumunta kasi ito sa America dahil nagkaroon daw ng problema ang company nila roon. 'Daw' dahil hindi si Aiden ang nagsabi nun mismo sa akin kundi ang mama nito. Tanda ko pa, alalang-alala ako sa kanya three days ago kasi anong oras na hindi pa rin siya umuuwi. Tapos yun, malalaman ko lang sa mama nito na pumunta pala ito sa ibang bansa for business purposes. Ni hindi man sa akin mismo nagpaalam. Ganun ba kahirap sa kanyang tumawag man lang para sabihin na aalis siya? O KAHIT TEXT LANG SANA!Alalang-alala ako sa kanya noon kasi akala ko baka nasagasahan na siya ng Voltes Five sa daan o di kaya kinidnap siya ng Powerpuff girls at pinilit isali siya sa kulto nila!