Share

Chapter 1 : Bride For Hire

Aiden's P.O.V

One of the maids opened the door for me when I arrived at my grandparents' house.

"Where are they?", I asked one of the maid.

"Nasa may garden po, sir Aiden.", she answered.

"Okay."

The maids' squirm as I walked pass them but I did not bother to look at them.

Naabutan ko sina lolo at lola na nag-aagahan pagkarating ko sa may garden.

"Good morning lo, good morning lola.", I greeted both of them.

"Apo! I'm so glad you came!", masayang sabi ng lola ko na agad tumayo mula sa pagkaka-upo niya at yumakap sa akin.

"Of course 'la, you called me here remember?", I told her.

"HMP! Kung gayon, pag di kita tinawag na pumunta rito di mo talaga bibisitahin ang magandang lola mo?", sabi ni lola na mahihimigan ng pagtatampo ang boses.

Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na ako ni lolo. "Hayaan mo na Margareth, busy lang yan sa pagpapatakbo ng mga business ng pamilya. So apo, how's the company apo?", pangungumusta naman ni lolo.

"It's good 'lo. You don't need to worry.", I assured him.

"Oh I'm not worried apo especially that the empire is being headed by one of the named billionaire businessman of the country.", he proudly said that made me grin.

"Hay naku! Tumahimik ka nga Victor! Hindi ko pinapunta rito ang apo natin para pag-usapan na naman ang business-business na yan ha.", singit ni lola. Nagtaas lang ng dalawang kamay niya si lolo tanda ng pagsuko.

"Then why did you call me here lola?", I asked her.

"E apo...ngayong super successful ka na, kailan mo naman balak magpakasal ha? Gwapo ka naman at super successful. Sabi nga sa magazine ni Chloe, isa ka sa mga pinangalanang most sought billionaire bachelor of the country pero bakit hanggang ngayon wala ka pa ring pinapakilala sa amin na nobya mo man lang o di kaya e fianc�e na? Aba! Gusto kong magakaroon ng apo sa tuhod mula sa nag-iisang apo ko.", lola

Okay... the marriage and baby talk again.

My grandmother had been nagging me about that ever since I turned 25 last month. And what I always do each time she brings up that topic? I try to reason out with her.

"Lola, I still don't have any plans on settling down. I just turned 25 and I'm still enjoying my bachelorhood. Let's talk about that when I'm already 40 years old."

"Oo, sige! Mumultuhin kita! Loko kang bata ka! Sa tingin mo ba buhay pa ako pag 40 ka? Aba, wala tayong lahing propeta Aiden Clay Monteverde para makatagal ako ng ganun kahaba! Matanda na ako Aiden at kung plano mong mag settle down ka kapag 40 years old ka, edi di ko makikita ang apo ko sa tuhod niyan!", nakasimangot na sabi ni lola.

Nilapitan ko naman siya at niyakap. Isang paraan ng paglalambing ko sa kanya.

"E lola, malakas pa naman kayo. Mukha pa nga kayong bata. Aabot pa kayo niyan.", sabi ko sa kanya sa malambing na boses.

"TSE! Wag mo akong inuuto. Bakit ba kasi di ka nagde-date? Marami akong mga amiga na may mga apong mga dalaga pa, pwede kitang ipakilala sa kanila kung gusto mo.", she said.

"Lola, there's no need to do that. I date, okay? But the right girl is not yet really out there.", I explained to her.

"Apo, habang hinihintay mo yung right girl na yan namamatay na ako. Kaya pwede, hanapin mo na lang siya ha?", lola

"Hay naku Margareth, matagal ka pang mabubuhay niyan.", singit naman ni lolo na nagbabasa ng newspaper.

"Hindi natin masasabi.", sabi ni lola na nakapagpakunot-noo sa akin.

"What do you mean?"

Seryoso tumingin sa akin si lola. "Apo, may sakit ako sa puso. Minsan sumikip bigla ang puso ko at nahirapan akong huminga... nagpa check-up ako at may sakit na talaga pala ako sa puso."

"WHAT?! Then let's get you treated then!", nag-aalalang sabi ko sa kanya.

"Magpapagamot ako... pero sa isang kundisyon.", sabi ni lola na nakangiti ng nakakaloko.

Hindi ko mapigilang hindi mapa-iling sa sinabi ng lola ko. Talagang may kundisyon pa siya bago magpagamot.

I heaved a sigh.

"Okay, what is it?", tanong ko na lang habang napapahilot sa sentido ko.

"You have to get married first before I take a treatment.", she said still smiling widely.

"WHAT?! LOLA!", di makapaniwalang sambit ko.

Sh-t! What kind of condition is that?!

"Ayaw mo? Edi sige, hintayin na lang nating mamatay ako... hayaan mo lang na mamatay ang lola mo ng wala kang ginagawa.", sabi ng magaling kong abuela sa tonong nangongonsensya.

Natampal ko ang noo ko ng wala sa oras dahil sa sinabi niyang kondisyon. Napatingin ako kay lolo para humingi ng tulong pero nagkibit-balikat lang siya saka bumalik sa pagbabasa ng newspaper niya.

I can't believe this! My grandmother is blackmailing me right now. Kung hindi ako magpapakasal, hindi magpapagamot ang lola ko na baka maging dahilan para mawala siya ng mas maaga sa amin. At siyempre ayoko yung mangyari. But f-ck! I don't want to get married too. Not yet. Dammit! Now what should I do?

"O ano? Di ka pa rin mag-aasawa?", lola asked me and I can't help but cursed in my mind.

I heaved a sigh. Kung bakit kasi magaling mamblack-mail tong lola ko. "I'll think about it."

"Don't think about it apo, do it. At kapag may girlfriend ka na, pakilala mo lang sa amin para maipakasal ka na namin ha? Di mo kasi natatanong, handa na ang lahat. Bride na lang ang kulang.", ngiting-ngiti pang sabi ng lola ko sa akin.

Napapa-iling na lang ako.

F*ck! I'm doomed.

*****

Pagkaalis ko sa bahay nina lola kanina ay nakipagkita ako sa mga kaibigan ko sa isang restaurant. Baka sakaling makatulong sila sa isang problemang gawa ng magaling kong abuela.

"E anong problema dun dre, edi magpakasal ka. If you want, I can even lend you one of my girls.", Chino said while smirking.

"Gago. Tingin mo kay Aiden, aso? Pagkatapos mong tikman yung mga babae mo, papahiram mo sa kanya para pakasalan niya?", tanong ni Ian dito.

"Pwede rin. C'mon. That's what friends are for. They share and that includes women.", sabi ulit ni Chino na hindi napapalis sa labi ang pagkakangisi.

"Sa'yo lang.", Stiles

"Agreed.", Dwight

"What do you suggest he would do then, geniuses? Aba! Mahirap ng maghanap ngayon ng babae na hind maiinlove sa kagwapuhan ko.", sabi ni Chino na agad naming binigyan ng masamang tingin. Di siya ang pinag-uusapan pero ang gago, sinisingit palagi ang sarili. "Okay sa kagwapuhan ni Aiden pero mas gwapo pa rin ako."

Narcissistic asshole.

"Hire a bride.", Dwight said who is busy looking at his phone.

What?

"That's not a bad idea. Basta dapat humanap ka ng babae na talagang tutupad sa usapan.", Vance agreed.

"Woah! Nag-iisip ka rin pala riyan, Dwight.", nang-aasar namang sabi ni Chino.

"Hindi ako kagaya mo.", nakangising sabi ni Dwight.

"F*ck you!", Chino

"Not interested dude.", Dwight said and just gave him a smirk.

"So what do you think of Dwight's idea, Aiden?", Ian asked me.

Do I look like I have another choice?

Damn! Why did I even have a blackmailer for a grandmother?

"Let's give it a try. But do you know where I can hire a bride?", I asked them.

"Don't worry dre, ako ng bahala diyan. I know a company where you can hire a Mrs. Monteverde.", Chino

"Just make sure it's not a cheap company."

"Choosy ka pa.", sabi nito kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Kidding dre, don't worry. Hindi cheap toh."

"Dammit Ian! This is your wife's fault.", Stiles said in an irritated tone.

I can't blame him. I'm starting to get annoyed as well with what's happening right now.

Right the very moment we seated in our table, women started surrounding us and taking our pictures and requesting for our autographs. We even needed our body guards to keep those women away from us.

This whole hysteria thing started ever since Chloe Alonzo-Park; Ian's wife, featured us in her magazine as the top billionaire bachelors in the country. Kung hindi lang ito asawa ni Ian, baka nakasuhan na namin siya. Hindi kasi kami pumayag na ma-feature sa magazine niya pero ginawa pa rin niya.

"I'm the one apologizing in her behalf. But c'mon, at least the magazine made a positive effect on all of you.", Ian

"Oh yeah? Like what? Being followed all around by bunch of women?", I said in a sarcastic tone.

"I really love my privacy but now, I don't have any of that anymore because of these women following me wherever I go.", Dwight also commented who looks annoyed with the idea of women following him everywhere he goes.

"I think the only guy who really enjoys all the attention is Chino.", Vance said.

"Couldn't agree more.", Stiles commented.

"C'mon guys! It's not that bad. Ngayon, mas maraming babae pa ang lumalapit sa akin kaya naman everyday ang exercise namin ni Chino junior.", nakangising sabi ni Chino na mukhang masaya talaga sa nangyayari.

"Sana may malusutan para matapos na rin yang happy-happy mo.", nang-aasar na sabi ni Vance rito.

"Ah, yan ang hindi mangyayari. Magaling akong mag-shoot pero magaling din akong lumusot.", Chino

Hindi na kami nag komento pa. Nakuha naman ang atensyon naming lahat nang bigla na lang may narinig kaming isang komusyon sa hindi kalayuang table mula sa kinaroroonan namin.

Halos lahat kami ay nagulat nang bigla na lang kwinelyuhan nung isang waitress nitong restaurant yung isang matabang foreigner at tinulak ito sa dingding ng restaurant.

Para sa isang babae na may kaliitian at mukhang 5'3'' ang height, malakas ito dahil naibalibag niya sa dingding yung malaking foreigner.

"Sh*t!", the foreigner cussed.

"SHIT KA RIN!", the waitress cursed back. "GAGO KA! ANG BASTOS MO HA! HOY! ITONG PINASOK MO, RESTAURANT! HINDI BAR! NAINTINDIHAN MO?!"

"WHAT THE HELL ARE YOU SAYING?! SAY IT IN ENGLISH WOMAN!"

"ABA! ABUSO KA RIN NOH?! GINAWA MO NA NGANG MASSAGE BALL ANG PWET KO, GAGAWIN MO PA AKONG TRANSLATOR MO?! AYOS KA RIN NO TSONG?! ANG LAKAS NG LOOB MONG MAMBASTOS, DI KA NAMAN PALA MARUNONG UMINTINDI NG TAGALOG! KUNG YANG MUKHA MO KAYANG PANGET ANG ITRANSFORM KO PARA MAGKAMUKHA NA KAYO NI SHREK?!", the waitress shouted.

"Ms. Rodriguez, bitawan mo na siya ngayon din!", a man, who I think is the manager of this restaurant, ordered her. "Ms. Rodriguez, YOU ARE F-.", the manager wasn't able to continue what he was about to say because the waitress lifted her hand in front of his face to make him stop talking.

"WAG MO NG ITULOY DAHIL I QUIT! May pa you are-you are fired ka pa diyan! KAYO ANG APUYAN KONG DALAWA NITONG IMPORTED NA BABOY NA TOH E! Letche!", the waitress said before letting go of the man. She was about to walk away but the foreigner said something that made the waitress stop.

"B*tch!"

And in an instant, the foreigner is now lying in the floor with blood flowing in his nose. The waitress just PUNCHED him.

HARD.

Naglakad na ito paalis sa kinaroonan nung foreigner na nagmumura at nung manager na natataranta na.

Dumaan naman ito sa harap namin kaya naaninagan ko ang side view ng maamong mukha nito.

She's an example of a small but terrible woman.

"TABI!", sigaw niya sa mga nagkumpulang mga babae na agad nagsi-tabi at dire-diretso itong lumabas ng restaurant

"Now that is one hell of a woman!", Chino commented.

"Damn.", Ian

And before I know it, I found myself smiling because of that girl.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
pa update next chapter na
goodnovel comment avatar
Arlyn Ticlaen
verry nice story
goodnovel comment avatar
Erlita Geronimo
Nice story ......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status