Share

Pagtatangkang Pagtakas

Nang makatulog na ang asawa nagmamadali siyang bumangon sa kama hindi siya gumawa ng kahit anumang ingay. Matagumpay siyang nakalabas ng kanilang silid at buong ingat na naglakad sa may hagdan na hindi gumawa ng kahit anumang ingay. Nang malapit na siya sa baba panay linga niya sa likuran niya at baka sumunod ang kan'yang asawa sa kan'ya. Nang masigurado niyang walang sumusunod sa kan'ya nagmamadali siyang nagtatakbo patungo sa pintuan kaso nang pihitin niya ito naka lock ang seradura at hindi niya alam kung nasaan ba ang susi nito. Naghanap siya ng ibang madaraanan ngunit naka lock rin ito.

Hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya bumalik na lang siya sa silid nilang mag-asawa. Mabuti na lang tulog pa rin ito dahil kung hindi baka nga nasaktan na naman siya. Tumabi na siya rito at ipinikit ang mga mata.

Lingid sa kaalaman niya kanina pa gising ito at pinakikiramdaman lamang siya nito. Hindi naman niya gustong pag buhatan ng kamay ang asawa. Pero, kung minsan talaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status