Matapos mailibing ng Daddy niya. Walan gana siya sa lahat ng bagay. Hindi niya lubos maisip na sa isang iglap lamang mamatay na ang Daddy niya. Hindi man lang sila nakapag usap bago ito namatay. Maraming tao na halos hindi naman niya kilala ang mga nakiramay sa pagdadalamhati nilang mag-ina. Pero, kung maraming nakiramay sa kanila kabaliktaran naman nito ng asawa niya. Nagalit pa ito sa pagtakas niya kaya naman pag uwi niya ng bahay isang malakas at nakayayanig na sampal ang ginawad nito sa kan'ya. Sinamaan niya ito ng tingin sabay sigaw na; "Wala kang karapatang saktan ako. Asawa lang kita sa papel at ngayong patay na ang Daddy ko. I will file a case against you. Tingnan ko lang kung hindi ka mabulok sa bilangguang matanda ka." Nakita niyang nagkulay putla ang mukha ng asawa niya. Halatang natakot ito sa banta niya pero, totoo naman kasi 'yon kaya niyang gawin 'yon lalo na't sumusobra na rin naman ito kakapanakit sa kan'ya. Hindi lang niya ugaling pumalag sapagkat may kasunduan si
Agad siyang nagtatakbo ng may nakita siyang kalansay sa loob ng stockroom. Tila nakapareserved ito doon. Halu-halo ang laman ng isipan niya patungkol rito. Hindi na niya alintana kung may makakita pa sa kan'ya roon. Nanginginig ang tuhod niya sa sobrang takot. Hindi niya akalain na ganon ang matutuklasan niya sa stockroom. Pero, sino ba ang may-ari ng kalansay na nakita niya. Gulong gulo ang isipan niya ng mga sandaling 'yon hanggang sa hindi na niya kinaya ang takot ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Nang magising siya napapaligiran na siya ng doctor at nang katulong. Wala doon ang asawa niya hindi niya alam ang nangyari pagkatapos niyang himatayin. Wala pa naman siyang kasama doon "A-Anong pong nangyari Manang?" tanong niya sa katulong. Ngunit hindi ito naimik sa kan'ya. Kaya binalingan niya na lang ng tanong ang doktor na nasa harapan niya. "Doc, ano po bang nangyari sa akin?" tanong nito. "Hindi mo ba alam kung anong nangyayari sayo? Wala ka bang nararamdaman buk
"Siya ang asawa ni sir Kaito at namatay siya sa pang aabuso nito sa kan'ya. Kaya habang mas maaga pa umalis ka na dito. May alter siya na kahit kami ay naguguluhan na. Naawa ako sayo at sa anak mo kaya habang wala siya dito umalis ka na." paliwanag nito at talagang inuulit ulit sa kan'ya na umalis na siya. "Paano kong mahanap niya ako kung saan ako magpunta. Kilalang tao ito sa lipunan kaya naman hindi rin magtatagal mahahanap at mahahanap niya ako." sagot niya. At yon naman ang totoo. Makapangyarihan ang napangasawa niya kaya nga hindi rin ito nababangga ng mga kalaban nito. "Heto ang address na pupuntahan mo. Hindi ka niya masusundan doon. Ayokong matulad ka kay Madam Celina na kalansay na." wika nito na tumutulo na ang luha. "A-Ano ho?? Ibiga niyo hong sabihin ang kalansay na nakita ko at ang sinasabi niyong Madam Celina ay iisa??" tanong niya. "Opo." walang paligoy ligoy na sinagot nito ang tanong niya. Napatakip ng bibig na lang siya sa narinig. Kung ganon tama ang h
One week later... Mula ng takasan ni Hailey ang mapanakit na asawa at hindi na rin niya alam ang balita tungkol dito. Masaya naman siya at nakikita niya na ang pag usbong nang tummy niya. Nakaupo siya sa barung barong na bahay na malayo sa City at tama nga si Manang hindi siya masusundan ng asawa rito. Pero, naiisip pa rin niya kung ano na bang nangyari sa matanda gayong batid niya naman na mapanganib ang asawa niya at hindi ito mangingiming pumatay ulit kagaya na lamang ng pagpatay nito sa asawang si Celina. Hindi niya rin lubos maisip na kayang pumatay nito kaya tama lang na nilayasan niya na ito at hwag nang magpakita pa. Haplos haplos niya ang tyan habang kinakausap ang kan'yang anak sa loob ng kan'yang sinapupunan. "Anak, alam kong napakahirap ng sitwasyong meron tayo ngayon. Pero, isa lang ang maipapangako ko sayo lahat gagawin ng Mommy masigurado ko lang na mapalaki kitang maayos at maibigay ang lahat ng mga pangangailangan mo. Paulit ulit niyang sinasambit ito hanggang sa
Nasa loob ng chopper si Xavier Reece at malapit na itong lumanding sa taas ng building ng mga Reece. Sino bang hindi makakakilala rito. Siya lang naman ang kaisa isang anak ng mayamang business tycoon na si Howard Reece. At ngayon isa na rin siyang famous business tycoon kagaya ng kan'yang daddy. Pagka lapag pa lang ng chopper marami ng nag aabang na press sa baba at tila nalaman nila agad na pauwi na siya ngayon sa bansa. Matagal tagal na rin siyang nalagi sa ibang bansa. Buong akala nga ng lahat nag asawa na siya pero, tila ang binata ay mailap sa babae. At sa edad na kwarenta'y ay wala pa rin itong balak na mag-asawa. "Thank you." wika niya ng pag buksan siya ng crew sa loob ng chopper. Inayos niya ang necktie na kan'yang suot at bumaba na ng chopper. Naglakad siya papasok ng elevator at sinalubong siya ng secretary niya. "Welcome back Mr. Reece." nakangiting wika nito. Ngunit tahimik lang siya kaya natahimik na rin ang dalaga ng walang makuhang sagot mula sa kan'yang boss na
Mabilis lumipas ang mga araw at malapit na siyang manganak at ngayon ang araw para malaman niya kung anong gender ng anak niya. Maaga pa lang lumuwas na siya ng bayan para magpa ultrasound. Sumakay siya ng tricycle patungong bayan. Isang oras rin ang tinagal ng byahe niya bago siya nakarating sa bayan nagbayad lang siya ng bayad bago bumaba ng tricycle at nilakad na lang niya ang birthclinic kung saan siya magpapa ultrasound at hahanap na rin siya ng pansamantalang mauupahang bahay habang naghihintay siya na manganak. Hindi kasi pwedeng doon pa rin siya nakatira sa bahay niya gayong napakalayo nito mula sa bayan at natatakot siya kapag bigla siyang manganak na lang ng wala sa oras. Pagpasok niya sa loob agad siyang lumapit sa information section para magtanong kung nandyan na ba ang obgyne na mag check-up sa kan'ya. "Excuse me miss nadyan na ba si Dr. Cathy??" tanong niya rito. "Wait a minute ma'am. I will check her schedule today. Have a seat ma'am." magalang na wika nito.
Two Months Later... Nakalipat na siya sa paupahan ng matanda at malaki ang pasasalamat niya sa mga ito, dahil inaalalayan siya ng mga ito at kahit na hindi niya ito mga magulang parang tunay na anak na ang turing nila sa kan'ya gayong walang anak ang mag-asawa. "Inay, woah! Babies kalma lang kayo, Please.." pakiusap niya sa mga anak niya na ayaw tumigil kakalikot sa loob nang tummy niya at kanina pa nanakit ang balakang niya kaya sumigaw na siya. Pumaroon naman agad si Nay Metring nang narinig ang boses ng pagtawag niya. Hindi na siya makatayo sa sobrang sakit at mas lalo pa siyang natakot ng biglang may tumagas na dugo paunti-unti sa legs niya.. "Jusko mahabagin! Mando bilisan mo manganganak na si ineng.." sigaw ng malakas nito para tawagin ang asawa. "Neng, magrelax ka lang ha. Hwag na hwag kang iire ha. Tiisin mo lang.." malumanay na wika nito sa kan'ya. "Mando pumarini ka dalian mo.. Manganganak na yata si Inenggggg.." palakas ng pakas ang sigaw ni Nay Metring na bak
Five Years Later... Kinailangan ng umuwi ni Hailey sa Manila ng mabalitaan niyang patay na pala ang asawa niya.. Imbes na malungkot siya parang masaya pa nga siya, sapagkat magiging malaya na siya sa kamay nito. Nagpaalam siya ng maayos sa mag-asawa na parang mga magulang na rin niya. Naiiyak pa siya pero, wala siyang magagawa at lumalaki na ang kambal pati gastos ng mga ito hindi na sapat ang kinikita niya sa paglalako ng isda na inaangkat niya para buhayin ang mga anak. Kaya ng nabalitaan niya kay Manang Merlita na patay na ang asawa at hinahanap siya ng mga abugado nito hindi na siya nag patumpik tumpik pang umuwi na rin. Alam niyang maraming magugulat sa pagbabalik niya lalo na ang kan'yang Mommy.. Hinatid sila ni Tay Mando sa sakayan ng bus patungong Manila raw 'yon. Kasama niya ang kambal niya na limang taong gulang na rin. Inayos niya lang ang gamit nito at sumakay na sila sa loob huling yakapan nilang mag-ama at ng mga bata bago sila umakyat sa loob ng bus. Naiiyak siya n