"Siya ang asawa ni sir Kaito at namatay siya sa pang aabuso nito sa kan'ya. Kaya habang mas maaga pa umalis ka na dito. May alter siya na kahit kami ay naguguluhan na. Naawa ako sayo at sa anak mo kaya habang wala siya dito umalis ka na." paliwanag nito at talagang inuulit ulit sa kan'ya na umalis na siya. "Paano kong mahanap niya ako kung saan ako magpunta. Kilalang tao ito sa lipunan kaya naman hindi rin magtatagal mahahanap at mahahanap niya ako." sagot niya. At yon naman ang totoo. Makapangyarihan ang napangasawa niya kaya nga hindi rin ito nababangga ng mga kalaban nito. "Heto ang address na pupuntahan mo. Hindi ka niya masusundan doon. Ayokong matulad ka kay Madam Celina na kalansay na." wika nito na tumutulo na ang luha. "A-Ano ho?? Ibiga niyo hong sabihin ang kalansay na nakita ko at ang sinasabi niyong Madam Celina ay iisa??" tanong niya. "Opo." walang paligoy ligoy na sinagot nito ang tanong niya. Napatakip ng bibig na lang siya sa narinig. Kung ganon tama ang h
One week later... Mula ng takasan ni Hailey ang mapanakit na asawa at hindi na rin niya alam ang balita tungkol dito. Masaya naman siya at nakikita niya na ang pag usbong nang tummy niya. Nakaupo siya sa barung barong na bahay na malayo sa City at tama nga si Manang hindi siya masusundan ng asawa rito. Pero, naiisip pa rin niya kung ano na bang nangyari sa matanda gayong batid niya naman na mapanganib ang asawa niya at hindi ito mangingiming pumatay ulit kagaya na lamang ng pagpatay nito sa asawang si Celina. Hindi niya rin lubos maisip na kayang pumatay nito kaya tama lang na nilayasan niya na ito at hwag nang magpakita pa. Haplos haplos niya ang tyan habang kinakausap ang kan'yang anak sa loob ng kan'yang sinapupunan. "Anak, alam kong napakahirap ng sitwasyong meron tayo ngayon. Pero, isa lang ang maipapangako ko sayo lahat gagawin ng Mommy masigurado ko lang na mapalaki kitang maayos at maibigay ang lahat ng mga pangangailangan mo. Paulit ulit niyang sinasambit ito hanggang sa
Nasa loob ng chopper si Xavier Reece at malapit na itong lumanding sa taas ng building ng mga Reece. Sino bang hindi makakakilala rito. Siya lang naman ang kaisa isang anak ng mayamang business tycoon na si Howard Reece. At ngayon isa na rin siyang famous business tycoon kagaya ng kan'yang daddy. Pagka lapag pa lang ng chopper marami ng nag aabang na press sa baba at tila nalaman nila agad na pauwi na siya ngayon sa bansa. Matagal tagal na rin siyang nalagi sa ibang bansa. Buong akala nga ng lahat nag asawa na siya pero, tila ang binata ay mailap sa babae. At sa edad na kwarenta'y ay wala pa rin itong balak na mag-asawa. "Thank you." wika niya ng pag buksan siya ng crew sa loob ng chopper. Inayos niya ang necktie na kan'yang suot at bumaba na ng chopper. Naglakad siya papasok ng elevator at sinalubong siya ng secretary niya. "Welcome back Mr. Reece." nakangiting wika nito. Ngunit tahimik lang siya kaya natahimik na rin ang dalaga ng walang makuhang sagot mula sa kan'yang boss na
Mabilis lumipas ang mga araw at malapit na siyang manganak at ngayon ang araw para malaman niya kung anong gender ng anak niya. Maaga pa lang lumuwas na siya ng bayan para magpa ultrasound. Sumakay siya ng tricycle patungong bayan. Isang oras rin ang tinagal ng byahe niya bago siya nakarating sa bayan nagbayad lang siya ng bayad bago bumaba ng tricycle at nilakad na lang niya ang birthclinic kung saan siya magpapa ultrasound at hahanap na rin siya ng pansamantalang mauupahang bahay habang naghihintay siya na manganak. Hindi kasi pwedeng doon pa rin siya nakatira sa bahay niya gayong napakalayo nito mula sa bayan at natatakot siya kapag bigla siyang manganak na lang ng wala sa oras. Pagpasok niya sa loob agad siyang lumapit sa information section para magtanong kung nandyan na ba ang obgyne na mag check-up sa kan'ya. "Excuse me miss nadyan na ba si Dr. Cathy??" tanong niya rito. "Wait a minute ma'am. I will check her schedule today. Have a seat ma'am." magalang na wika nito.
Two Months Later... Nakalipat na siya sa paupahan ng matanda at malaki ang pasasalamat niya sa mga ito, dahil inaalalayan siya ng mga ito at kahit na hindi niya ito mga magulang parang tunay na anak na ang turing nila sa kan'ya gayong walang anak ang mag-asawa. "Inay, woah! Babies kalma lang kayo, Please.." pakiusap niya sa mga anak niya na ayaw tumigil kakalikot sa loob nang tummy niya at kanina pa nanakit ang balakang niya kaya sumigaw na siya. Pumaroon naman agad si Nay Metring nang narinig ang boses ng pagtawag niya. Hindi na siya makatayo sa sobrang sakit at mas lalo pa siyang natakot ng biglang may tumagas na dugo paunti-unti sa legs niya.. "Jusko mahabagin! Mando bilisan mo manganganak na si ineng.." sigaw ng malakas nito para tawagin ang asawa. "Neng, magrelax ka lang ha. Hwag na hwag kang iire ha. Tiisin mo lang.." malumanay na wika nito sa kan'ya. "Mando pumarini ka dalian mo.. Manganganak na yata si Inenggggg.." palakas ng pakas ang sigaw ni Nay Metring na bak
Five Years Later... Kinailangan ng umuwi ni Hailey sa Manila ng mabalitaan niyang patay na pala ang asawa niya.. Imbes na malungkot siya parang masaya pa nga siya, sapagkat magiging malaya na siya sa kamay nito. Nagpaalam siya ng maayos sa mag-asawa na parang mga magulang na rin niya. Naiiyak pa siya pero, wala siyang magagawa at lumalaki na ang kambal pati gastos ng mga ito hindi na sapat ang kinikita niya sa paglalako ng isda na inaangkat niya para buhayin ang mga anak. Kaya ng nabalitaan niya kay Manang Merlita na patay na ang asawa at hinahanap siya ng mga abugado nito hindi na siya nag patumpik tumpik pang umuwi na rin. Alam niyang maraming magugulat sa pagbabalik niya lalo na ang kan'yang Mommy.. Hinatid sila ni Tay Mando sa sakayan ng bus patungong Manila raw 'yon. Kasama niya ang kambal niya na limang taong gulang na rin. Inayos niya lang ang gamit nito at sumakay na sila sa loob huling yakapan nilang mag-ama at ng mga bata bago sila umakyat sa loob ng bus. Naiiyak siya n
Nagulat ang Mommy niya sa pagsulpot ng kambal na nasa likuran lamang ni Hailey. "Mommy, is she my Grandma?" tanong ni Harrison habang nangungulit na naman sa kan'ya. Napakalas ng yakap si Hailey sa Mommy niya ng maalalang nar'yan pala ang kambal. "Yes, son she is your Grandma." sagot niya sa five years old niyang anak. Nagulat naman ang Mommy niya ng lumapit ang dalawang batang lalaki sa kan'ya. "Mommy sorry If I kept it for a long time but, yes they are my kids." "Really hija, may anak kayo ni Kaito???" gulat at hindi makapaniwala ang Mommy niya. "No, Mom. He is not their father." sagot naman niya rito. "Ha! Kung hindi si Kaito. Sinong nakabuntis sayo anak??" tanong niya rito. "Mom, can we talk later. Ayokong marinig ng kambal." sagot niya. Doon lamang natigil ng kakatanong ang ginang ng maalala niyang nar'yan nga ang apo niya. "Okay, let's inside first. Alam kong gutom na kayong lahat. May mga pinaluto naman ako kanilan Manang kanina." sagot niya. Sabay sa
Naayos na niya ang lahat para sa libing ng asawa pero, ayon nga ang huking request pala nito bago pumanaw ay ipacremate siya at ang abo niya ay ikalat sa dagat kaya ayon ang susundin niya. Maaga pa lang nasa crematory na siya at inaasikaso ang lahat ng kan'yang kailangang pirmahan. Wala namang kamag-anakan ang kan'yang asawa kaya wala siyang dapat ikabahala. Matapos itong macremate inabot sa kan'ya ang jar na naglalaman ng abo nito. Bitbit niya ang jar at naglakad palabas ng creamatory papasok ng sasakyan. Inilagay niya ang jar sa tabi niya at nilagyan ng seatbelt para masure niyang hindi ito matatapon o mababasag. Nang masure niyang okay na lahat nagsimula na siyang magdrive patungo sa dagat kung saan naghihintay na sa kan'ya ang ilang mga tao na kilala nila pati na ang kan'yang kambal na kasama ang Grandma nila. One hour ang tinagal ng byahe niya bago siya nakarating ng Batangas.. Habang si Xavier naman ay nag-iisip kung pupunta ba siya ng Batangas para makita ang babaeng hin