Home / All / Tasha / Prologue

Share

Tasha
Tasha
Author: allaboutmadness

Prologue

last update Last Updated: 2021-03-26 13:29:12

Kasalukuyan akong nasa isang maliit na kwarto. Nakaupo sa isang bangko habang nakaharap sa isang may kalakihang salamin. Sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan.

Wala sa sariling napatitig ako sa malaking salaming kaharap ko. Alam ko, sa likod ng salaming iyon ay tinitignan nila ako. Binabasa at hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

Madilim ang silid at ang tanging nagbibigay ilaw ay ang naninilaw ng bombilya na nasa ibabaw. Ang sakit sa mata ng ganitong ilaw nila.

Ilang araw na ba akong nakakulong sa lugar na ‘to? Hindi ko na yata maalala pa. Sa tingin ko‘y hindi lang basta araw kundi mga ilang buwan na rin ang nakalipas. 

Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko ng bumalik sa silid ko at matulog.

Marahan akong napalingon nang bumukas ang nag-iisang pinto sa kwartong kinalalagyan ko.

Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng puting uniporme habang hawak sa kanang kamay nito ang iilang papel dukomento. Sa tingin ko’y naglalaman ng mga dokumentong iyon ang mga impormasyon patungkol sa akin. 

Agad siyang dumiretso sa lamesang nasa harap ko.

“Good morning, another session na naman. So how's your day, Tasha? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi?” siyang tanong niya sa‘kin.

Napairap na lang ako saka siya walang ganang tinitigan sa mata.

Nginitian lang ako nito saka may kung anong kinuha mula sa mga dala niya. Naglabas siya ng isang ballpen at inilagay sa may gilid ng papel na hinanda nito.

“I know ayaw na ayaw mo tuwing kinakausap kita. But you have no choice, I really want to help you. And through this session mas maiintindihan kita. You need help, and ako ang makakatulong sa iyo, Tasha.”

Ni-hindi ko pa rin siya sinasagot at nanatiling nakatitig sa kan'ya. Saglit itong napatigil at napasandal sa kinauupuan nito. Nandoon pa rin ang matamis na ngiti na laging nakapaskil sa kanyang mga labi sa tuwing magkausap kami.

“Come on. Kung hindi ka magsasalita mas lalong matatagalan tayo rito. Mas lalong matatagalan ang pagpapagaling mo.”

“Wala akong sakit.” Diretsahang saad ko sa kan’ya.

Ngunit alam ko naman sa kaloob-looban ko na may hindi tama sa sarili ko. May bagay na gumagambala sa loob ko. Dahilan kaya ako nandito sa lugar na ito.

Napakibit-balikat ito saka itinukod ang braso nito sa mesang kaharap niya. 

“Well, lahat naman ata ng may sakit ganyan ang sinasabi. Doktor ako, mas ako ang nakakaalam kung anong nangyayari sa iyo.”

May parte sa akin na gusto siyang sunggaban ngayon at saktan. Naiirata na ako sa presensya niya habang tumatagal na nakatitig ako sa nakangiti niyang mukha.

Napabuntong hininga na lang ako. Saka marahang sumandal sa upuan ko. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Ang hirap gumalaw dahil na rin sa suot-suot kong straight jacket.

I have no choice. Gusto ko ng mahiga sa higaan ko. At para payagan na niya akong makabalik sa silid ko, kailangan sundin ko ang bawat sabihin niya.

 Habang tumatagal mas nag-iinit ang ulo ko habang kaharap ang doktorang ito. Tila ba para akong isang puppet na sa isang sabi niya lang, kailangan ko agad na sumunod. Nakakasakal.

“Ako si Tasha.”

Paunang salita ko sa babaeng kaharap ko ngayon. Nakaupo siya katapat lang ng pwesto ko. Nanatili lamang itong nakatitig sa akin habang hawak ang kan'yang ballpen at papel. Inoobserbahan ang aking bawat kilos, sinusulat ang aking bawat sagot.

Hindi ito nagsalita at nanatiling naghihintay sa aking susunod na sasabihin.

“Ako si Tasha Bautista Morales, dalawampu't apat na taong gulang. Pinanganak sa lungsod ng Lapulapu. Pangatlo sa limang magkakapatid. Nakapagtapos ng Bachelor of Secondary education sa isang sikat na paaralan sa Cebu. Ako ang asawa ni Kendrick Morales—”

Napatigil na lang ako sa pagsasalita ng bigla na lang siyang sumabat sa sinasabi ko.

“Si Mr. Kendrick Morales, pinatay mo siya hindi ba?”

Agad na napakuyom ang kamay ko sa tinanong niya iyon. Ang kaninang inis na nararamdaman ko‘y unti-unti na ngang napapalitan ng pagkamuhi. Ramdam kong nag-iinit ang katawan ko.

“Aminado akong baliw ako, pero kahit kailan hindi ko sinaktan o pinatay ang lalaking siyang tumanggap sa kung sino ako,” matigas kong saad sa kan’ya.

Napatango-tango naman ito saka may kung anong isinulat sa notes niya.

Prente lang siyang nakaupo sa harap ko habang nakasuot ng puting uniporme na nababagay talaga sa propesyon niya. Kita rin mula sa pwesto ko ang name plate na nakadikit sa may kanang bahagi ng uniporme nito. Nakaukit doon ang pangalan niya, Doktora Cali Vestine.

“Continue. Isaad mo lahat bakit ka napunta sa lugar na ito, Tasha. Mula sa umpisa. Gusto ko, walang labis walang kulang.”

Napayuko ako at nakita na nakasuot ako ng malaking puting jacket. Nakagapos ang manggas ng jacket sa likod ko habang ang paa ko nama'y nakakadena. Napatawa na lang ako sa isipan ko. Gan'yan ba kayo katakot sa tulad ko?

Takot na takot ba kayo sa maaaring gawin ko? Hindi ang tulad ko ang dapat niyong katakutan. Dahil kung pagbabasehan lang, ako ang mas agrabyado rito dahil sa wala akong kasalanan.

Ako nga ang nakagapos ngayon dito. Pero alam ng Diyos na inosente ako. Pero ano nga bang magagawa ko? Ano nga bang magagawa ng Diyos? E kinalimutan naman niya ako. Noon pa lang pinabayaan na niya ako.

Iyong sabi nilang “Kapag may kailangan ka, lumapit ka lang sa Kanya.”

Isa lang namang kahibangan ang sinasabi nilang iyon. Bakit? Sa ilang beses na lumapit ako sa kan’ya, nakinig ba siya? Dininig niya ba ang mga pagtangis ko? Tinugunan ba niya ang bawat hiling ko?

Hindi. Dahil kahit kailan wala naman talagang Diyos ang nakikinig sa atin.

Sinasabi nila na lahat ng bagay may rason. Sa lahat ng masamang nangyari sa buhay ko. Sa lahat ng nawala sa akin. Anong rason? Para saan ang lahat ng iyon? Naging mabuti naman akong tao.

Sabi nila, kapag naging mabait ka at sumusunod sa bawat utos Niya tiyak gagantimpalaan ka niya ng isang masayang buhay.

Nasaan na? Nasaan ang buhay na iyon?

“Tasha? Nakikinig ka ba?” siyang tawag sa akin ni Doktora Vestine dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko.

“Ang sabi ko, gusto kong isalaysay mo sa akin ang mga nangyari bago ka napunta sa mental hospital na ito.”

Habang sinasalaysay ko ang buhay ko ay tila bumalik ako mga panahong inosente pa ako. Panahong isa lamang akong hamak na Tasha na nasa matinong pag-iisip.

Hindi naman ako dating ganito.

Sadyang binago lang ako ng mga demonyong kilala ko. Winala nila ang dating ako. Ang inosenteng ako.

Ako si Tasha at ito ang aking kwento.

Related chapters

  • Tasha   Unang Kabanata

    I. Lumaki ako sa isang buo at masayang pamilya. May maalaga at mapagmahal na Ina at may masipag at masigasig na Ama. Tanging pagsasaka lamang ng ikinabubuhay ni Itay. Habang si Inay naman ay inaabala ang sarili sa pagbabantay sa aming limang magkakapatid. Nasa bukid kaming bahagi ng Lapu-lapu sa Siyudad ng Cebu. Sadyang malayo sa Siyudad kung kaya’t sa tuwing may ani si Itay. Doon lang kami nakakatikim ng mga masasarap na pagkain. Doon lang din kami nagkakaroon ng mga bagong laruan. Kadalasan puro kamote, saging at lubi ang lagi naming kinakain. May iilang alaga namang manok si Itay, pero nakahanda ang mga manok na iyon para sa mga darating na okasyon tulad ng birthday namin. Malimit na si Ditse Philautia ang kasa-kasama niya sa pag-angkat ng mga ani sa may bayan. Bukod kasi sa siya ang pinaka panganay sa aming magkakapatid, sadyang abala rin kasi si Inay sa pag-aasikaso samin dito sa bahay. “Tasha!” Agad akong napalingon

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ikalawang Kabanata

    II. Dumaan ang gabing iyon na puro tangis at iyakan lamang ang siyang maririnig sa loob ng bahay. Nanatili lang akong nasa loob ng silid naming magkakapatid habang nasa labas naman sila Inay at Itay. Tulog na sina Anastasia at Veronica pero si Ditse Philautia nanatili pa ring gising. Hindi umaalis si Ditse Philautia sa tabi ko. Rinig ko mula rito sa silid namin ang ingay ng ginagawa ni Itay. Kasalukuyan niyang ginagawan ng kabaong si Franco. Dahil nga sa sobrang layo namin sa Siyudad, dagdag gastos na kung sa bayan pa kukuha sina Inay at Itay ng kabaong para kay Franco. Kitang-kita ko kanina ang hitsura ni Franco, bahagyang nayupi ang likod na bahagi ng ulo nito. Marahil dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa sementadong sahig saka mataas din ang pinaghulugan nito. “Tahan na, Tasha. Kanina ka pang umiiyak diyan e. Sige na, matulog ka na, babatayan ka ni Ditse.” siyang

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ikatlong Kabanata

    III. Ilang buwan ang tumagal. Ilang buwang puro pagdurusa. Ilang buwang sinisikmura ang pambababoy sa amin ni Itay. Hanggang may pagkakataon ay ginagalaw niya kami. Salit-salitan kung maaari. Tinakot niya kami na sa oras na makarating iyon sa aming Inay ay papatayin niya kaming lahat. Walang kaalam-alam si Inay sa mga pangyayari. Wala siyang alam na ang tatlo niyang anak na babae ay salit-salitang ginagamit ng Mister nito. Tanda ng pagiging seryoso sa isinaad ni Itay ay sinugatan niya ang bandang tagiliran naming magkakapatid. Gamit ang kutsilyo na pinainit sa nagbabagang apoy ay nilagyan niya ng marka ang mga bewang namin. Binantaan kami na sa oras na may gawin kaming labag sa gusto niya ay papatayin niya kami. Ang akala ni Inay ay tumutulong lang kami sa sakahan kaya minsan lang kaming naglalagi sa bahay, ang hindi niya alam ay salit-salitan kaming ginagamit ni Itay doon. &nbs

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-apat na Kabanata

    Nagpakalayo-layo kami ni Veronica. Pumunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Mula sa Lapulapu City ay hindi namin namalayan na sa araw-araw na paglalakad ay napunta kami sa sentro ng Cebu, ang Colon. Ang Colon ay ang siyang nagsisilbing dagsaan ng mga tao sa Lungsod ng Cebu. Namuhay kami sa gilid ng kalsada, umaasang may tutulong sa amin, pero wala. Walang tumulong sa amin. Namamalimos kami para may makain kami. Kung ano-anong trabaho na ang pinasok namin para lang makaraos sa buhay. Sa murang edad pinilit naming buhayin ang isa’t isa. Makikita kami sa gilid ng kalsada. Doon makikita kaming namamalimos sa mga taong dumadaan sa tinatawag nilang pedestrian lane. Minsan naghihintay sa may labasan ng mga kainan. Umaasang kahit kaonting tira-tira lang ay mabigyan kami. Para lang magkalaman ang kumukulong sikmura. Kailangan makaraos. Kailangan makakain kahit man lang isang beses sa isang araw.

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-limang Kabanata

    Kinabukasan ay inasikaso agad ang mga papeles na kakailanganin para maging legal na nila akong anak. Habang nasa hospital pa lang ako'y inaasikaso na nila ang mga kakailanganin upang maging anak na nila ako.Ilang linggo ang itinagal bago ako tuluyang gumaling. Kinailangan ding makabawi ako sa timbang ko, dahilan na mas binantayan ang mga kinakain ko. Nang mas umayos na ang lagay ko. Dinala nila ako sa kanilang bahay na siyang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko.Isang guro si Mrs. Bautista habang may negosyo namang hinahawakan ang mister nito.Habang nasa hospital pa lang ay sobra na ang pag-aalagang binigay nila sa akin. At mas dumoble ito nang iuwi na nga nila ako sa bahay nila. Dinala nila ako sa bahay nila sa Manila.Mrs. Therese Bautista at si Mr. Max Bautista— ang siyang magiging bagong magulang ko.“Dito na po ako talaga titira, Ma'am Therese? Ang laki po ng bahay niyo.

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-anim na Kabanata

    Ang paglangitngit ng kama at ang mabibigat na paghinga ang siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang walang emosyong nakatitig sa kisame kung saan naandoon nakadikit ang iilang glow in the dark na stars na bigay noon ni Kendrick para sa akin.Ang gandang pagmasdan.Napapakurap na lang ako ng mapansing umiiyak na naman pala ako. Tuloy pa rin sa paggalaw ang taong nasa ibabaw ko—si Daddy. Nakapikit ito tila sarap na sarap sa ginagawa niya habang walang saplot na nakapatong sa ibabaw ko. Ramdam ko ang paglabas-masok ng pagkalalaki niya sa akin.Ganitong-ganito rin ang nangyari noon e. Noong buhay pa si Itay. Ang kaibahan lang, kasama ko ang mga kapatid ko noon.Naramdaman kong mas binilisan pa niya ang pagbayo sa ibabaw ko, mukhang malapit na siya sa rurok niya. At hindi nga ako nagkakamali, isang mabilis na pagbayo saka niya idiniin ang sarili niya sa'kin

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-pitong Kabanata

    Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.“Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love,” saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.Napangiti naman ako ng mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kab

    Last Updated : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-walong Kabanata

    “K-Kendrick?”Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.N

    Last Updated : 2021-03-26

Latest chapter

  • Tasha   Ika-labing dalawa na Kabanata

    Hiniling sa akin ni Lola Clara na manatili na lang ako sa pangangalaga nila ni Lolo Delfin. Tila napalapit na rin ako sa kanila. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa sila lalo. Ang dating takot na nararamdaman ko pagdating sa mga lalaki ay unti-unti na ngang humuhupa at nawala.Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. Kinakabahan noong una na baka itakwil nila ako. Na baka palayasin nila ako. Na baka husgahan nila ang pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang akong niyakap ni Lolo Delfin.Tanda ko pa ang mga sinabi niya sa‘kin.“Bilang isang lalaki nahihiya ako, Tasha. Nahihiya ako kasi pinagsamantalahan nila ang kahinaan mo. Kaya pala noong hinawakan ko ang kamay mo, tila ba sobra ang takot na nakita ko sa mga mata mo. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan mo. Dapat sila ang magp-protekta sa‘yo, ngunit anong ginawa nila?” umiiyak na saad ni Lolo

  • Tasha   Ika-labing isa na Kabanata

    “Ang sarap mo naman palang magluto, Tasha. Tiyak ko’y mainam kang naturuan ng Mama mo noon pa man. Iba man sa istilo na gamit ko, ngunit hindi maikakailang napakasarap mong magluto!” nakangiting saad ni Lola habang hawak sa kanang kamay ang sandol na naglalaman ng luto ko.Namula naman ang pisnge dahil sa sinabing iyon ni Lola Clara. Kasalukuyan kaming nasa may kusina habang inoobserbahan niya ang pagluluto ko. Nagpresinta akong lutuan sila ng champorado para panghimagas na talaga namang pinaka paborito ko. Tuwing nakakakain ako ng champorado, hindi ko maiwasang maalala si Inay pati na rin ang mga ditse ko.Naalala ko pa noon, iyon ang palaging ibibida ni Inay para lang mautusan akong magdala ng pagkain sa bukid kung saan nagsasaka si Itay.Napangiti na lang ako nang mapait habang pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang emosyonal ko pa rin talaga. Sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko, nanghihina ako. Namimiss k

  • Tasha   Ika-sampung Kabanta

    Lakad lang ako nang lakad. Ni-hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako patungo. Basta ang tanging alam ko, sinusundan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Pagod na ako kakalakad dito sa masukal na gubat na ito. Puro sugat na ang paa ko dahil sa wala naman akong suot na sapin. Nababahiran na ng dugo ang suot kong hospital jacket mula sa sugat ko sa ulo. Puro puno lang ang nakikita ko, rinig ko rin sa itaas ang salit-salitang paghuni ng mga ibon.“A-Aray,” siyang daing ko ng hindi ko napansing may nakausli pa lang ugat ng puno sa dinadaanan ko.Una ang mukha na napabagsak ako sa maputik na daan.“Pagod na ako,” siyang tanging nasambit ko.Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang na mahiga rito at maghintay na baka may mabangis na hayop na siyang papatay sa akin. Ngunit, sa kabilang banda, may kung anong nagtutulak sa akin na tumayo at

  • Tasha   Ika-siyam na Kabanata

    Puting kisame. Puting dingding. Puting sahig. Puting higaan. Isama mo na rin ang puti kong damit na pinarisan ng puting pajama. Puro kulay puti na lang ang araw-araw kong nakikita rito. Siguro pati matinong tao talagang matutuluyan na ngang mabaliw kung ganito lang naman araw-araw ang siyang bubungad sa kan’ya.Nakahiga lang ako sa kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Nakalaylay ang isang paa ko at bahagyang sumasayad sa sahig. Pinipilit kong hindi indahin ang kadena na nakatali sa paa ko. Normal lang na damit ang suot ko ngayon hindi ito tulad sa suot ko minsang straightjacket. Na nakagapos ang kamay ko patalikod. Pinapasuot lang nila ako ng ganoon tuwing may session o kaya kapag may taong kailangan na lumapit sa akin.Pathetic.Ganoon ba talaga sila katakot sa akin?Napalingon ako sa tray na nakalagay lang sa may sahig. Halos magda-dalawang oras na mula ng dalhin it

  • Tasha   Ika-walong Kabanata

    “K-Kendrick?”Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.N

  • Tasha   Ika-pitong Kabanata

    Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.“Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love,” saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.Napangiti naman ako ng mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kab

  • Tasha   Ika-anim na Kabanata

    Ang paglangitngit ng kama at ang mabibigat na paghinga ang siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang walang emosyong nakatitig sa kisame kung saan naandoon nakadikit ang iilang glow in the dark na stars na bigay noon ni Kendrick para sa akin.Ang gandang pagmasdan.Napapakurap na lang ako ng mapansing umiiyak na naman pala ako. Tuloy pa rin sa paggalaw ang taong nasa ibabaw ko—si Daddy. Nakapikit ito tila sarap na sarap sa ginagawa niya habang walang saplot na nakapatong sa ibabaw ko. Ramdam ko ang paglabas-masok ng pagkalalaki niya sa akin.Ganitong-ganito rin ang nangyari noon e. Noong buhay pa si Itay. Ang kaibahan lang, kasama ko ang mga kapatid ko noon.Naramdaman kong mas binilisan pa niya ang pagbayo sa ibabaw ko, mukhang malapit na siya sa rurok niya. At hindi nga ako nagkakamali, isang mabilis na pagbayo saka niya idiniin ang sarili niya sa'kin

  • Tasha   Ika-limang Kabanata

    Kinabukasan ay inasikaso agad ang mga papeles na kakailanganin para maging legal na nila akong anak. Habang nasa hospital pa lang ako'y inaasikaso na nila ang mga kakailanganin upang maging anak na nila ako.Ilang linggo ang itinagal bago ako tuluyang gumaling. Kinailangan ding makabawi ako sa timbang ko, dahilan na mas binantayan ang mga kinakain ko. Nang mas umayos na ang lagay ko. Dinala nila ako sa kanilang bahay na siyang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko.Isang guro si Mrs. Bautista habang may negosyo namang hinahawakan ang mister nito.Habang nasa hospital pa lang ay sobra na ang pag-aalagang binigay nila sa akin. At mas dumoble ito nang iuwi na nga nila ako sa bahay nila. Dinala nila ako sa bahay nila sa Manila.Mrs. Therese Bautista at si Mr. Max Bautista— ang siyang magiging bagong magulang ko.“Dito na po ako talaga titira, Ma'am Therese? Ang laki po ng bahay niyo.

  • Tasha   Ika-apat na Kabanata

    Nagpakalayo-layo kami ni Veronica. Pumunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Mula sa Lapulapu City ay hindi namin namalayan na sa araw-araw na paglalakad ay napunta kami sa sentro ng Cebu, ang Colon. Ang Colon ay ang siyang nagsisilbing dagsaan ng mga tao sa Lungsod ng Cebu. Namuhay kami sa gilid ng kalsada, umaasang may tutulong sa amin, pero wala. Walang tumulong sa amin. Namamalimos kami para may makain kami. Kung ano-anong trabaho na ang pinasok namin para lang makaraos sa buhay. Sa murang edad pinilit naming buhayin ang isa’t isa. Makikita kami sa gilid ng kalsada. Doon makikita kaming namamalimos sa mga taong dumadaan sa tinatawag nilang pedestrian lane. Minsan naghihintay sa may labasan ng mga kainan. Umaasang kahit kaonting tira-tira lang ay mabigyan kami. Para lang magkalaman ang kumukulong sikmura. Kailangan makaraos. Kailangan makakain kahit man lang isang beses sa isang araw.

DMCA.com Protection Status