author-banner
allaboutmadness
allaboutmadness
Author

Novels by allaboutmadness

Tasha

Tasha

Naniniwala ako na wala na sa impyerno ang mga demonyo, kundi nasa lupa na ang mga ito. Isa lang akong hamak na inosenteng babae. Ngunit nabago ang lahat ng tila kinuha sa akin ang pagiging musmos ko ng mga taong minsang pinagkatiwalaan ko. Inubos nila ako, winasak nila ang pagkatao ko. Ngayon ako naman ang uubos sa mga demonyong ito. Ako si Tasha at ito ang kwento ko.
Read
Chapter: Ika-labing dalawa na Kabanata
Hiniling sa akin ni Lola Clara na manatili na lang ako sa pangangalaga nila ni Lolo Delfin. Tila napalapit na rin ako sa kanila. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa sila lalo. Ang dating takot na nararamdaman ko pagdating sa mga lalaki ay unti-unti na ngang humuhupa at nawala.Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. Kinakabahan noong una na baka itakwil nila ako. Na baka palayasin nila ako. Na baka husgahan nila ang pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang akong niyakap ni Lolo Delfin.Tanda ko pa ang mga sinabi niya sa‘kin.“Bilang isang lalaki nahihiya ako, Tasha. Nahihiya ako kasi pinagsamantalahan nila ang kahinaan mo. Kaya pala noong hinawakan ko ang kamay mo, tila ba sobra ang takot na nakita ko sa mga mata mo. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan mo. Dapat sila ang magp-protekta sa‘yo, ngunit anong ginawa nila?” umiiyak na saad ni Lolo
Last Updated: 2021-09-01
Chapter: Ika-labing isa na Kabanata
“Ang sarap mo naman palang magluto, Tasha. Tiyak ko’y mainam kang naturuan ng Mama mo noon pa man. Iba man sa istilo na gamit ko, ngunit hindi maikakailang napakasarap mong magluto!” nakangiting saad ni Lola habang hawak sa kanang kamay ang sandol na naglalaman ng luto ko.Namula naman ang pisnge dahil sa sinabing iyon ni Lola Clara. Kasalukuyan kaming nasa may kusina habang inoobserbahan niya ang pagluluto ko. Nagpresinta akong lutuan sila ng champorado para panghimagas na talaga namang pinaka paborito ko. Tuwing nakakakain ako ng champorado, hindi ko maiwasang maalala si Inay pati na rin ang mga ditse ko.Naalala ko pa noon, iyon ang palaging ibibida ni Inay para lang mautusan akong magdala ng pagkain sa bukid kung saan nagsasaka si Itay.Napangiti na lang ako nang mapait habang pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang emosyonal ko pa rin talaga. Sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko, nanghihina ako. Namimiss k
Last Updated: 2021-09-01
Chapter: Ika-sampung Kabanta
Lakad lang ako nang lakad. Ni-hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako patungo. Basta ang tanging alam ko, sinusundan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Pagod na ako kakalakad dito sa masukal na gubat na ito. Puro sugat na ang paa ko dahil sa wala naman akong suot na sapin. Nababahiran na ng dugo ang suot kong hospital jacket mula sa sugat ko sa ulo. Puro puno lang ang nakikita ko, rinig ko rin sa itaas ang salit-salitang paghuni ng mga ibon.“A-Aray,” siyang daing ko ng hindi ko napansing may nakausli pa lang ugat ng puno sa dinadaanan ko.Una ang mukha na napabagsak ako sa maputik na daan.“Pagod na ako,” siyang tanging nasambit ko.Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang na mahiga rito at maghintay na baka may mabangis na hayop na siyang papatay sa akin. Ngunit, sa kabilang banda, may kung anong nagtutulak sa akin na tumayo at
Last Updated: 2021-08-23
Chapter: Ika-siyam na Kabanata
Puting kisame. Puting dingding. Puting sahig. Puting higaan. Isama mo na rin ang puti kong damit na pinarisan ng puting pajama. Puro kulay puti na lang ang araw-araw kong nakikita rito. Siguro pati matinong tao talagang matutuluyan na ngang mabaliw kung ganito lang naman araw-araw ang siyang bubungad sa kan’ya.Nakahiga lang ako sa kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Nakalaylay ang isang paa ko at bahagyang sumasayad sa sahig. Pinipilit kong hindi indahin ang kadena na nakatali sa paa ko. Normal lang na damit ang suot ko ngayon hindi ito tulad sa suot ko minsang straightjacket. Na nakagapos ang kamay ko patalikod. Pinapasuot lang nila ako ng ganoon tuwing may session o kaya kapag may taong kailangan na lumapit sa akin.Pathetic.Ganoon ba talaga sila katakot sa akin?Napalingon ako sa tray na nakalagay lang sa may sahig. Halos magda-dalawang oras na mula ng dalhin it
Last Updated: 2021-08-15
Chapter: Ika-walong Kabanata
“K-Kendrick?”Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.N
Last Updated: 2021-03-26
Chapter: Ika-pitong Kabanata
Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.“Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love,” saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.Napangiti naman ako ng mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kab
Last Updated: 2021-03-26
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status