Beranda / Semua / Tasha / Unang Kabanata

Share

Unang Kabanata

Penulis: allaboutmadness
last update Terakhir Diperbarui: 2021-03-26 13:32:05

I.

Lumaki ako sa isang buo at masayang pamilya. May maalaga at mapagmahal na Ina at may masipag at masigasig na Ama. 

Tanging pagsasaka lamang ng ikinabubuhay ni Itay. Habang si Inay naman ay inaabala ang sarili sa pagbabantay sa aming limang magkakapatid.

Nasa bukid kaming bahagi ng Lapu-lapu sa Siyudad ng Cebu. Sadyang malayo sa Siyudad kung kaya’t sa tuwing may ani si Itay. Doon lang kami nakakatikim ng mga masasarap na pagkain. Doon lang din kami nagkakaroon ng mga bagong laruan.

Kadalasan puro kamote, saging at lubi ang lagi naming kinakain. May iilang alaga namang manok si Itay, pero nakahanda ang mga manok na iyon para sa mga darating na okasyon tulad ng birthday namin.

Malimit na si Ditse Philautia ang kasa-kasama niya sa pag-angkat ng mga ani sa may bayan. Bukod kasi sa siya ang pinaka panganay sa aming magkakapatid, sadyang abala rin kasi si Inay sa pag-aasikaso samin dito sa bahay.

“Tasha!”

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon sa may hindi kalayuan. Boses ni Inay.

Tiyak hinahanap na naman ako nito at sinisiguradong hindi kami lumalayo ni Veronica sa bahay.

“Nay, nasa labas lang po kami naglalaro. Pangako hindi po kami lalayo!” sigaw ko pabalik sa kan'ya.

Nasa may bakuran ako habang inaaliw ang sarili ko sa mga laruang lutu-lutuan na dala ni inay at itay noong nakaraang araw sa akin. Kasama kong maglaro ang nakababata kong kapatid na si Veronica. Ang dumi na ng mukha nito dahil sa paglalaro ng lupa. Napapahagikhik na lang ako.

Inuumpisahan na ni Veronica na pagputol-putolin ang nakuha naming mga dahon. Kunwari ito’y mga gulay tapos lulutuin namin ito.

“Dali ka na muna rito, Tasha. May iuutos si Inay sa iyo.”

Agad na napabusangot ang mukha ko dahil sa sinabing iyon ni Inay. Nalilibang na ako sa paglalaro tapos uutusan pa ako.

“Veronica, diyan ka na muna ah. Puntahan ko lang si Inay,” siyang bilin ko sa kapatid ko.

Tinanguan naman ako nito saka ibinalik ang atensyon sa pagpuputol ng mga dahon.

Nagpapadyak na lang akong naglakad papasok ng kubo naming bahay. Tinungo ang kusina na tiyak naroroon si Inay.

 

“Ano po iyon, 'Nay?” siyang tanong ko agad nang makita ko siyang may inaayos na kung ano sa may lamesa. Nakangiti naman siyang lumingon sa akin.

 

“Ito, dalhin mo ito sa bukid. Pagkain iyan ng Itay mo, mamayang hapon pa ako makakapunta roon dahil may labahin pa akong kailangan ayusin. Ang ditse Philautia at Anastasia mo ay wala na naman dito at baka nagliwaliw na naman kung saan ang mga 'yon, kaya ikaw na muna ang magdala nito.”

Mahabang saad ni Inay, ang tinutukoy niya ay ang nakatatanda kong mga kapatid na babae. Si ditse Philautia, siya ang panganay sa aming limang magkakapatid tapos sinundan ni ditse Anastasia tapos ako 'yong pangatlo. Pang-apat naman ay ang anim na taong gulang na si Veronica, mas matanda ako sa kan'ya ng dalawang taon. Ang pinaka bunso naman sa amin ay si Franco, apat na buwang gulang, ang nag-iisang lalaki sa aming magkakapatid.

Hiningi talaga siya nina Inay at Itay sa Diyos. Iyon ang sabi nila sa amin.

“E bakit ako, Inay? Nasaan po ba si ditse Anastasia o kaya si ditse Philautia? Kahapon ako rin ang nagdala ng pagkain doon sa bukid ah? Ang daya-daya naman. Gusto ko pang maglaro e.” Nagpapadyak ako bilang pagtutol. Nawiwili pa ako sa paglalaro e.

Agad namang ginulo ni Inay ang aking  buhok at hinalikan ang aking noo ko. Ganyan talaga siya kapag may inuutos sa akin.

“Dali na, Tasha. Pagkabalik na pagkabalik mo galing sa bukid ay ipagluluto kita ng paborito mong champorado saka tiyak nagugutom na rin ang Itay mo roon sa bukid. Alam mo naman na nakakapagod ang maghapong nakayuko roon sa sakahan 'di ba? Kaya dali na, ihatid mo na ito at ng makakain na ang Itay mo.”

Hindi pa rin matanggal-tanggal sa mukha ko ang pagkakabusangot nito.

 

“Pangako magluluto kayo ng champorado?” paninigurado ko sa sinabi ni Inay.

“Pangako, Tasha. Sasarapan ni Inay para sulit ang pagpunta mo sa bukid. Kaya dalhin mo na itong supot at baka lumamig pa itong pagkain. Baka gutom na ang iyong Itay.”

Napatango na lang ako saka kinuha ang supot na inaabot ni Inay. Hindi kinalimutan ni Inay na ipasuot sa akin ang laging gamit nitong sombrero pang-iwas sa matirik na sikat ng araw.

Halos labing limang minuto ang kailangan lakarin mula sa bahay bago makarating sa sakahan namin. Pagkalagpas ko sa may ilog ay isang matarik na bundok pa ang aakyatin ko at agad ko na ngang matatanaw roon ang malaki naming sakahan habang sa may gilid noon ay ang maliit na kubo na ginawa ni Itay para gawin niyang pahingahan sa tuwing masakit na sa balat ang init ng araw.

Kapag walang pinagkakaabalahan si Inay sa bahay ay dinadala niya kaming magkakapatid sa may sakahan. Magdadala ng pagkain at doon kami magpapalipas ng buong maghapon.

Hindi ko makita si Itay sa sakahan at sa tingin ko'y baka nasa kubo at namamahinga ito.

“Itay! Nandito na po iyong pagkaing bigay ni Inay!" siyang sigaw ko kahit na sobrang layo ko pa sa kubo na iyon.

Ingat na ingat ako sa pagtakbo at baka masapid pa ako sa mga batong madadaanan ko.

Pagkalapit ko sa kubo ay nagtaka ako ng may isa pang pares ng tsinelas na nadoon sa may baba katapat lang ng maliit na hagdanan. Alam ko yata kaninong tsinelas iyon.

“Nandito lang pala nagliliwaliw si Ditse Philautia.” mahinang usal ko sa sarili ko.

Isinawalang bahala ko na lamang iyon at agad na umakyat sa maliit na agwat ng hagdanan at binuksan ang gawa sa manipis na kahoy na pinto.

“Ditse Philautia, mandito lang po pala kayo, kanina ka pa hinahanap ni Inay sa bahay. Tiyak mapapagalitan ka na naman kasi hindi ka nagpaalam kay Inay na pupunta ka pala rito sa sakahan.”

Saad ko pagkapasok ko ng maliit na kubo, nandoon si Ditse Philautia sa may gilid at tila hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Medyo mainit nga talaga ngayon, dahil sa pansin kong pinagpapawisan si Ditse. Galing din yata siya sa pagkakatulog dahil medyo magulo pa ang buhok nito at bahagyang namumula ang mga mata.

Maliit lang ang silid ng kubong iyon. Wala ni-isang gamit at tanging pahingahan lang talaga.

“Itay, nandito na po ang pagkain niyo po,” nakangiti kong saad kay Itay.

 

Agad akong kumandong kay Itay saka yumakap sa leeg nito gaya ng nakasanayan kong gawin tuwing bumisita ako sa sakanya rito sa may sakahan.

“Salamat, Tasha. Pasabi sa Inay mo, salamat sa pagkain na ito. Gutom na gutom na nga ako dahil sa hindi ako nakapag-agahan kaninang umaga. Nga pala, Philautia, Tasha, mauna na kayong umuwi at sa tingin ko'y uulan yata dahil sa medyo may kakapalan ang ulap sa labas," wika ni Itay habang bahagyang nakasilip sa siwang ng pinto.

Tama si Itay, nag-uumpisa na ngang kumapal ang ulap sa labas. Ngunit hindi pa rin napawi nito ang init na hatid ni haring araw.

 

“Oo nga pala Itay, ipagluluto ako ni Inay ng paborito kong champorado kaya kailangan ko talagang mauwi agad!”

Agad namang ginulo ni Itay ang buhok ko at bahagyang pinisil ang tungki ng ilong ko.

“Philautia, mauna na kayong mauwi ng kapatid mo sa bahay at baka maabutan kayo ng ulan. Susunod ako mayamaya.”

Nanatili pa ring nakayuko si Ditse Philautia. Napakunot na lang ang noo ko dahil sa kakaibang inaasta niya.

“O-Opo, Itay. Dali na Tasha.” siyang sagot nito kay Itay.

Hinalikan ko muna sa pisnge si Itay saka kami sabay na umalis ni ditse Philautia pabalik ng bahay.

Nauuna sa paglalakad si Ditse Philautia. Tahimik pa rin ito at tila ba sobrang lalim ng iniisip. Hindi ko na lang siya tinanong kung ano bang problema at baka sadyang masama lang ang pakiramdam nito.

O baka napagalitan siya ni Itay dahil sa mas inuna nito ang pagliliwaliw kesa sa tulungan si Inay sa mga gawaing bahay?

“Ditse, ayos ka lang po ba?”

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at naitanong ko na talaga ang kanina pang naglalarong tanong sa utak ko.

Saglit itong napatigil sa paglalakad at nilingon ako. Tila natulala pa ito at hindi agad nakasagot sa akin.

“H-Ha? Ah oo, ayos lang ako, Tasha.”

Matapos noon ay nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad. Bakit naman ganoon, sinabi niyang ayos lang siya. Pero ‘yong mga mata ni Ditse Philautia. Parang naiiyak siya.

 

Pagkauwi ng bahay ay agad na nagtungo si Ditse Philautia sa kwarto naming magkakapatid. Nasa iisang kwarto lang kaming apat na babae habang nasa kabilang kwarto naman sila Inay at Itay katabi ang pinakabata naming kapatid na si Franco.

 

“Ayos lang ba ang ditse mo, Tasha? Bakit hindi iyon dumiretso rito sa kusina? Paborito rin niya itong champorado ah? Ah alam ko na, siguro dumiretso agad iyon sa kwarto para makaiwas sa akin at baka ay mapagalitan ko. Naku talaga ‘yang Ditse mo. Dalaga na ngunit kung minsan nag a-asal bata pa rin.” Mahabang litanya ni Inay.

Napapakibit-balikat na lang ako.

Sinundan ko naman ng tingin ang daang tinahak ni Ditse. Hindi ko alam, pero bigla na lang akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan.

“Nandito na po ako, Inay! Oy anong amoy iyon? Ang bango ah, champorado po ba iyan?!”

Agad na lumapit sa amin ang pinanggalingan ng boses na iyon at nakitang si ditse Anastasia pala ito. Ang pangalawa sa aming magkakapatid.

“Aba’y saan ka na naman ba galing ha, Anastasia? Buong araw ka na lang wala rito sa bahay. Sa halip na tulungan mo ako rito sa mga gawaing bahay ay mas naisipan mo pa ang magliwaliw sa kung saan-saan. Parehong-pareho talaga kayo ng Ditse Philautia niyo. Ay naku, dumadami ang uban ko dahil sa katigasan ng ulo niyo.”

 

Agad na napayuko si ditse dahil sa itinuran ni Inay.

 

“Pagkatapos niyong dalawang kumain ay hugasan mo na ang mga plato, Anastasia. Huwag kang puro liwaliw, tumulong ka rito sa bahay dahil marami pa akong aasikasuhin. Ikaw naman Tasha, bantayan mo si Franco sa kwarto, tawagin mo ako kapag nagising. Nasa likod-bahay lamang ako at naglalaba. Tapos ng kumain ang kapatid niyong si Veronica at natutulog na sa silid niyo. Kaya huwag kayo masyado mag-ingay.”

Napatango na lang kami ni ditse Anastasia sa sinaad ni Inay.

 

Tila dumaan ang oras na tila ba hangin lamang ito. Napapansin ko na lang na magdidilim na sa labas. Kinakantahan ko si Franco sa loob ng kwarto nila Inay.

Ang kwarto lang nila Inay at Itay ang may sementong sahig. Pinagawa nila ito noong nakaani kami ng maganda. Habang sa kwarto naman namin ay purong sahig na kawayan lang. Plano pa nila Inay at Itay na baguhin ang buong bahay. Kaso piniste noong nakaraang anihan ang mga pananim ni Itay kaya nagamit ang perang pampapaayos ng bahay sa pagbili ng pampatay ng mga daga at insekto.

Marahan kong tinatapik si Franco habang kinakantahan ng “Twinkle-twinkle little star”. Iyon ang isa sa mga paborito kong kanta bukod sa “Mary had a little lamb”.

Hanggang sa may napansin akong tila ba'y umiiyak sa kung saan. Sobrang hina lang nito at hindi agad maririnig. Tinigil ko ang pagkanta at piniling pakinggan nang maigi saan ba galing ang pag-iyak na iyon.

Napalingon-lingon ako. Tiyak nasa labas si Inay at nagsasaing para sa hapunan namin.

“Dito ka muna baby Franco ha. May titingnan lang si ditse, saglit lang ako,” mahinang saad ko sabay halik kay Franco sa noo nito at lumabas ng silid nila Inay.

Agad akong napalingon sa kwarto naming magkakapatid. Parang doon yata nanggagaling ang iyak na iyon.

Pagkapasok ko ay nakita kong nakasubsob sa may higaan si ditse Philautia. Tumataas-baba ang balikat nito tanda na umiiyak nga siya. Natutulog naman si Veronica sa may pwesto nito. Mukhang napagod nga sa paglalaro si Veronica kanina dahil sa napakasarap ng tulog nito.

“D-Ditse Philautia? Ayos ka lang po ba?”

Agad ko siyang nilapitan at marahang yinakap.

“T-Tasha?”

“Ako nga po.”

Bigla siyang napabangon at hinawakan ang balikat ko. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin bagay na ikinagulat ko.

“Tasha makinig ka sa akin ha. Lumayo ka kay Itay. Huwag mo hahayaang kayo lang dalawa sa isang lugar, naiintindihan mo ba ako?”

Agad na napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Puno ng pagtataka ang makikita sa mukha ko.

 

“B-Bakit ko po iiwasan si Itay? Itay po natin iyon bakit kailangan kong iwasan?”

 

Wala akong maintindihan sa mga sinabi ni ditse. Ano ba talaga ang dahilan bakit siya umiiyak? Kanina pa kakaiba ang inaakto niya. Napailing-iling naman ito.

“Basta makinig ka na lang kay ditse, Tasha! Naiintindihan mo ba? Huwag kang lalapit kay Itay!” saka niya inalog-alog ang balikat ko. Patagal nang patagal mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Napapangiwi na lang ako dahil sa medyo bumabaon na ang kuko niya sa balikat ko.

“O-Opo, naiintindihan ko po," tanging nasambit ko kahit wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

 

Magsasalita pa sana ulit si ditse ng may malakas na kalabog kaming nadinig mula sa kabilang kwarto. Agad na nanlaki ang mata ko ng maalalang iniwan kong mag-isa ang limang buwang gulang naming kapatid na si Franco.

“D-Ditse, si F-Franco!”

Agad ding nanlaki ang mata ni ditse Philautia sa isinaad ko. Dali-dali kaming lumabas sa kwarto at tinungo ang kwarto na kinalalagyan ni Franco. Halos mapasigaw na lang ako nang makitang nasa sahig na ito at hindi gumagalaw.

“T-Tasha! T-Tawagin mo si Inay bilis! Tawagin mo si Inay!” hindi makandaugagang sigaw ni ditse Philautia sa akin.

Tila natuod pa ako sa aking kinatatayuan, may kung anong pulang likido ang lumabas sa bibig ni Franco. May kataasan ang higaan na pinagkahulugan niya. Diretsong sa sementadong sahig siya nahulog. Nawala sa isip ko na binabantayan ko pala siya.

 

“TASHA BILIS!”

Aligagang lumabas ako ng bahay at pinuntahan sa may likod bahay si Inay na abala sa pagsasaing. Dito kasi inilagay ni Itay ang lutuan dahil sa delikado sa loob lalo na't gawa sa purong kahoy ang bahay namin.

“I-Inay! Inay! Inay si Franco n-nahulog sa higaan!”

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Inay dahil sa isinaad ko at patakbong tinungo ang bahay habang tila naluluha pa ito. Agad naman akong sumunod kay Inay.

Hindi pa man ako nakakapasok ng kwarto ay agad ko ng narinig ang mga palahaw at iyak ni Inay habang tinatawag ang pangalan ni Franco. Umiiyak na rin si ditse Philautia habang hinahagod ang likod ni Inay.

Nanginginig ang mga kamay na napaupo ako sa kinatatayuan ko. Kasalanan ko. Kasalanan ko kasi iniwanan ko siyang mag-isa sa kwarto. Kasalanan ko. P-Patawad, Inay.

Agad na napalingon si Inay sa akin. Ang dating maamong mukha niya ay para bang tuluyan ng nawala. Galit na galit siyang nakatingin sa akin. Inihiga niya muna sa kama ang sa tingin ko'y hindi na humihingang si Franco saka ako nilapitan at binigyan ng isang malutong na sampal sa kanang pisnge ko.

“Inay!” agad na umawat si ditse Philautia.

Ang hapdi. Ang sakit ng pisnge ko. Naramdaman ko na lang na may kung anong masakit sa may labi ko at ng kapain ko ito ay agad kong nakita ang tila pulang likido. Dugo.

"A-Anong nangyayari rito, Inay?" biglang pumasok si ditse Anastasia na marahil ay kakauwi lang galing sa may tabay para maghugas ng mga pinggan.

 

“I-Ikaw Tasha! Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang kapatid mo! Pinatay mo si Franco!”

 

Agad akong inakap ni ditse Philautia saka inilagay sa may likod niya.

“Inay, maghunos-dili ka! Walang kasalanan si Tasha. Aksidente ang nangyari! Hindi ginusto ni Tasha ang nangyari, Inay!”

Napaupo si Inay sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak habang ako nanlalaki pa rin ang mga mata at hindi makapaniwalang sinaktan ako ng sarili kong Inay. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay.

“Anong kaguluhan ito? Malayo pa lang ako'y rinig ko na ang mga sigawan niyo. Mabuti na lang at malayo tayo sa kabitbahay at hindi nila rinig ang kaguluhan niyo rito. Grace, bakit ka nakalupasay diyan sa sahig? Ano bang nangyayari?” takang tanong ni Itay sa amin na kakauwi lang galing sa bukid.

Saglit nitong isinabit sa may gilid ng pinto ang suot-suot nitong sombrero saka ibinalik ang tingin sa amin.

Hindi ako makasagot. Walang sumagot. Ramdam na ramdam kong nag-uumpisa ng mamanhid ang kanang pisnge ko.

“Tasha? Dugo ba 'yang nasa labi mo?”

Agad na lumapit at lumuhod si Itay sa harap ko. Pilit kong niyuyuko ang ulo ko para hindi niya makita.

“W-Wala na si Franco. P-Patay na ang bunso natin, Erik.” siyang mahinang saad ni Inay. 

 

“A-Anong ibig mong sabihin, Grace?”

 

Nag-uunahan na sa paglandas ang luha sa pisnge ko. Kasalanan ko ito. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito.

“A-Aksidente ang nangyari, Itay. Nalingat lang si Tasha. H-Hindi niya iyon ginusto!” pagtatanggol sa akin ni ditse Philautia. Pilit niya akong niyayakap na tila sinasabi na hindi niya ako pababayaan.

Pumasok si Itay sa kwarto nila at nakita kong niyakap niya si Franco. Rinig na rinig ko ang pagtangis ni Itay. Ang palahaw ni Inay.

 

Dumaan ang gabing iyon na puro tangis at iyakan lamang ang maririnig sa loob ng bahay.

 

Kasalanan ko. Dahil sa kapabayaan ko, namatay ang kapatid ko. Ako ang pumatay kay Franco.

Bab terkait

  • Tasha   Ikalawang Kabanata

    II. Dumaan ang gabing iyon na puro tangis at iyakan lamang ang siyang maririnig sa loob ng bahay. Nanatili lang akong nasa loob ng silid naming magkakapatid habang nasa labas naman sila Inay at Itay. Tulog na sina Anastasia at Veronica pero si Ditse Philautia nanatili pa ring gising. Hindi umaalis si Ditse Philautia sa tabi ko. Rinig ko mula rito sa silid namin ang ingay ng ginagawa ni Itay. Kasalukuyan niyang ginagawan ng kabaong si Franco. Dahil nga sa sobrang layo namin sa Siyudad, dagdag gastos na kung sa bayan pa kukuha sina Inay at Itay ng kabaong para kay Franco. Kitang-kita ko kanina ang hitsura ni Franco, bahagyang nayupi ang likod na bahagi ng ulo nito. Marahil dahil sa lakas ng pagkakabagsak niya sa sementadong sahig saka mataas din ang pinaghulugan nito. “Tahan na, Tasha. Kanina ka pang umiiyak diyan e. Sige na, matulog ka na, babatayan ka ni Ditse.” siyang

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ikatlong Kabanata

    III. Ilang buwan ang tumagal. Ilang buwang puro pagdurusa. Ilang buwang sinisikmura ang pambababoy sa amin ni Itay. Hanggang may pagkakataon ay ginagalaw niya kami. Salit-salitan kung maaari. Tinakot niya kami na sa oras na makarating iyon sa aming Inay ay papatayin niya kaming lahat. Walang kaalam-alam si Inay sa mga pangyayari. Wala siyang alam na ang tatlo niyang anak na babae ay salit-salitang ginagamit ng Mister nito. Tanda ng pagiging seryoso sa isinaad ni Itay ay sinugatan niya ang bandang tagiliran naming magkakapatid. Gamit ang kutsilyo na pinainit sa nagbabagang apoy ay nilagyan niya ng marka ang mga bewang namin. Binantaan kami na sa oras na may gawin kaming labag sa gusto niya ay papatayin niya kami. Ang akala ni Inay ay tumutulong lang kami sa sakahan kaya minsan lang kaming naglalagi sa bahay, ang hindi niya alam ay salit-salitan kaming ginagamit ni Itay doon. &nbs

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-apat na Kabanata

    Nagpakalayo-layo kami ni Veronica. Pumunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Mula sa Lapulapu City ay hindi namin namalayan na sa araw-araw na paglalakad ay napunta kami sa sentro ng Cebu, ang Colon. Ang Colon ay ang siyang nagsisilbing dagsaan ng mga tao sa Lungsod ng Cebu. Namuhay kami sa gilid ng kalsada, umaasang may tutulong sa amin, pero wala. Walang tumulong sa amin. Namamalimos kami para may makain kami. Kung ano-anong trabaho na ang pinasok namin para lang makaraos sa buhay. Sa murang edad pinilit naming buhayin ang isa’t isa. Makikita kami sa gilid ng kalsada. Doon makikita kaming namamalimos sa mga taong dumadaan sa tinatawag nilang pedestrian lane. Minsan naghihintay sa may labasan ng mga kainan. Umaasang kahit kaonting tira-tira lang ay mabigyan kami. Para lang magkalaman ang kumukulong sikmura. Kailangan makaraos. Kailangan makakain kahit man lang isang beses sa isang araw.

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-limang Kabanata

    Kinabukasan ay inasikaso agad ang mga papeles na kakailanganin para maging legal na nila akong anak. Habang nasa hospital pa lang ako'y inaasikaso na nila ang mga kakailanganin upang maging anak na nila ako.Ilang linggo ang itinagal bago ako tuluyang gumaling. Kinailangan ding makabawi ako sa timbang ko, dahilan na mas binantayan ang mga kinakain ko. Nang mas umayos na ang lagay ko. Dinala nila ako sa kanilang bahay na siyang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko.Isang guro si Mrs. Bautista habang may negosyo namang hinahawakan ang mister nito.Habang nasa hospital pa lang ay sobra na ang pag-aalagang binigay nila sa akin. At mas dumoble ito nang iuwi na nga nila ako sa bahay nila. Dinala nila ako sa bahay nila sa Manila.Mrs. Therese Bautista at si Mr. Max Bautista— ang siyang magiging bagong magulang ko.“Dito na po ako talaga titira, Ma'am Therese? Ang laki po ng bahay niyo.

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-anim na Kabanata

    Ang paglangitngit ng kama at ang mabibigat na paghinga ang siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang walang emosyong nakatitig sa kisame kung saan naandoon nakadikit ang iilang glow in the dark na stars na bigay noon ni Kendrick para sa akin.Ang gandang pagmasdan.Napapakurap na lang ako ng mapansing umiiyak na naman pala ako. Tuloy pa rin sa paggalaw ang taong nasa ibabaw ko—si Daddy. Nakapikit ito tila sarap na sarap sa ginagawa niya habang walang saplot na nakapatong sa ibabaw ko. Ramdam ko ang paglabas-masok ng pagkalalaki niya sa akin.Ganitong-ganito rin ang nangyari noon e. Noong buhay pa si Itay. Ang kaibahan lang, kasama ko ang mga kapatid ko noon.Naramdaman kong mas binilisan pa niya ang pagbayo sa ibabaw ko, mukhang malapit na siya sa rurok niya. At hindi nga ako nagkakamali, isang mabilis na pagbayo saka niya idiniin ang sarili niya sa'kin

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-pitong Kabanata

    Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.“Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love,” saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.Napangiti naman ako ng mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kab

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-walong Kabanata

    “K-Kendrick?”Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.N

    Terakhir Diperbarui : 2021-03-26
  • Tasha   Ika-siyam na Kabanata

    Puting kisame. Puting dingding. Puting sahig. Puting higaan. Isama mo na rin ang puti kong damit na pinarisan ng puting pajama. Puro kulay puti na lang ang araw-araw kong nakikita rito. Siguro pati matinong tao talagang matutuluyan na ngang mabaliw kung ganito lang naman araw-araw ang siyang bubungad sa kan’ya.Nakahiga lang ako sa kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Nakalaylay ang isang paa ko at bahagyang sumasayad sa sahig. Pinipilit kong hindi indahin ang kadena na nakatali sa paa ko. Normal lang na damit ang suot ko ngayon hindi ito tulad sa suot ko minsang straightjacket. Na nakagapos ang kamay ko patalikod. Pinapasuot lang nila ako ng ganoon tuwing may session o kaya kapag may taong kailangan na lumapit sa akin.Pathetic.Ganoon ba talaga sila katakot sa akin?Napalingon ako sa tray na nakalagay lang sa may sahig. Halos magda-dalawang oras na mula ng dalhin it

    Terakhir Diperbarui : 2021-08-15

Bab terbaru

  • Tasha   Ika-labing dalawa na Kabanata

    Hiniling sa akin ni Lola Clara na manatili na lang ako sa pangangalaga nila ni Lolo Delfin. Tila napalapit na rin ako sa kanila. Sa bawat araw na dumadaan, mas nakikilala ko pa sila lalo. Ang dating takot na nararamdaman ko pagdating sa mga lalaki ay unti-unti na ngang humuhupa at nawala.Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko. Kinakabahan noong una na baka itakwil nila ako. Na baka palayasin nila ako. Na baka husgahan nila ang pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan, bigla na lang akong niyakap ni Lolo Delfin.Tanda ko pa ang mga sinabi niya sa‘kin.“Bilang isang lalaki nahihiya ako, Tasha. Nahihiya ako kasi pinagsamantalahan nila ang kahinaan mo. Kaya pala noong hinawakan ko ang kamay mo, tila ba sobra ang takot na nakita ko sa mga mata mo. Hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan mo. Dapat sila ang magp-protekta sa‘yo, ngunit anong ginawa nila?” umiiyak na saad ni Lolo

  • Tasha   Ika-labing isa na Kabanata

    “Ang sarap mo naman palang magluto, Tasha. Tiyak ko’y mainam kang naturuan ng Mama mo noon pa man. Iba man sa istilo na gamit ko, ngunit hindi maikakailang napakasarap mong magluto!” nakangiting saad ni Lola habang hawak sa kanang kamay ang sandol na naglalaman ng luto ko.Namula naman ang pisnge dahil sa sinabing iyon ni Lola Clara. Kasalukuyan kaming nasa may kusina habang inoobserbahan niya ang pagluluto ko. Nagpresinta akong lutuan sila ng champorado para panghimagas na talaga namang pinaka paborito ko. Tuwing nakakakain ako ng champorado, hindi ko maiwasang maalala si Inay pati na rin ang mga ditse ko.Naalala ko pa noon, iyon ang palaging ibibida ni Inay para lang mautusan akong magdala ng pagkain sa bukid kung saan nagsasaka si Itay.Napangiti na lang ako nang mapait habang pilit pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Ang emosyonal ko pa rin talaga. Sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko, nanghihina ako. Namimiss k

  • Tasha   Ika-sampung Kabanta

    Lakad lang ako nang lakad. Ni-hindi ko nga alam kung saan ba talaga ako patungo. Basta ang tanging alam ko, sinusundan ko lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.Pagod na ako kakalakad dito sa masukal na gubat na ito. Puro sugat na ang paa ko dahil sa wala naman akong suot na sapin. Nababahiran na ng dugo ang suot kong hospital jacket mula sa sugat ko sa ulo. Puro puno lang ang nakikita ko, rinig ko rin sa itaas ang salit-salitang paghuni ng mga ibon.“A-Aray,” siyang daing ko ng hindi ko napansing may nakausli pa lang ugat ng puno sa dinadaanan ko.Una ang mukha na napabagsak ako sa maputik na daan.“Pagod na ako,” siyang tanging nasambit ko.Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang na mahiga rito at maghintay na baka may mabangis na hayop na siyang papatay sa akin. Ngunit, sa kabilang banda, may kung anong nagtutulak sa akin na tumayo at

  • Tasha   Ika-siyam na Kabanata

    Puting kisame. Puting dingding. Puting sahig. Puting higaan. Isama mo na rin ang puti kong damit na pinarisan ng puting pajama. Puro kulay puti na lang ang araw-araw kong nakikita rito. Siguro pati matinong tao talagang matutuluyan na ngang mabaliw kung ganito lang naman araw-araw ang siyang bubungad sa kan’ya.Nakahiga lang ako sa kama habang wala sa sariling nakatitig sa kisame. Nakalaylay ang isang paa ko at bahagyang sumasayad sa sahig. Pinipilit kong hindi indahin ang kadena na nakatali sa paa ko. Normal lang na damit ang suot ko ngayon hindi ito tulad sa suot ko minsang straightjacket. Na nakagapos ang kamay ko patalikod. Pinapasuot lang nila ako ng ganoon tuwing may session o kaya kapag may taong kailangan na lumapit sa akin.Pathetic.Ganoon ba talaga sila katakot sa akin?Napalingon ako sa tray na nakalagay lang sa may sahig. Halos magda-dalawang oras na mula ng dalhin it

  • Tasha   Ika-walong Kabanata

    “K-Kendrick?”Tila ba natuod ako sa kinauupuan ko. Dugo. Puro dugo ang nakikita ko. Ang dating puting kumot ay nababahiran na ng dugo. Nag-uumpisa nang manginig ang mga kamay ko.Ayaw ko nitong nakikita ko! Ayoko!“L-Love? Kendrick? Wake up po, may s-sugat ka ba ha? B-Bakit ang daming dugo?” sa abot ng makakaya ko'y pinipigilan ko ang sarili kong mautal.Ilang segundo na ang lumipas, ngunit wala akong naririnig na kahit na anong tugon mula kay Kendrick. Tila ba himbing na himbing ito sa pagkakatulog. Napapalingon ako sa hawak kong kutsilyo. Tila ba bagong tasa talaga ito dahil sa talim na nararamdaman ko sa kamay ko.“L-Love, gumising ka na po muna.” Bahagya kong siyang tinapik para sana magising ngunit wala pa ring tugon.Nagsisimula na akong tubuan ng kaba. Ayoko. Ayokong isipin na tama ang hinala ko ngunit kailangan kong makasigurado. Kailangan kong alamin kung tama ba ang naglalaro sa utak ko.N

  • Tasha   Ika-pitong Kabanata

    Tila mabilis dumaan ang mga araw, linggo at mga buwan pati na ang taon. Opisyal na akong nagtuturo ngayon sa isang pribadong paaralan. Unti-unti na naming natutupad ang mga pangarap namin ni Kendrick. A life na magkasama naming pinangarap.Kasalukuyan kaming nasa Arcade Haven, nakasakay sa ferris wheel habang nakayakap ako sa kan'ya. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ko at maya't mayang hinahalikan ang ulo ko.Walang nagsasalita ngunit sapat na iyon para ipadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.“Tasha, will you marry me? Gusto na kitang ilayo sa daddy mo. Please do marry me, hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sa'yo, Love,” saad ni Kendrick habang diretsong nakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita kung gaano niya ako kamahal.Napangiti naman ako ng mapait sa kan'ya. Masasabi kong si Kendrick na ang lalaking pinaka perpekto sa lahat. Hindi niya ako hinusgahan sa kab

  • Tasha   Ika-anim na Kabanata

    Ang paglangitngit ng kama at ang mabibigat na paghinga ang siyang tanging maririnig sa apat na sulok ng kwarto ko. Nakahiga ako sa kama habang walang emosyong nakatitig sa kisame kung saan naandoon nakadikit ang iilang glow in the dark na stars na bigay noon ni Kendrick para sa akin.Ang gandang pagmasdan.Napapakurap na lang ako ng mapansing umiiyak na naman pala ako. Tuloy pa rin sa paggalaw ang taong nasa ibabaw ko—si Daddy. Nakapikit ito tila sarap na sarap sa ginagawa niya habang walang saplot na nakapatong sa ibabaw ko. Ramdam ko ang paglabas-masok ng pagkalalaki niya sa akin.Ganitong-ganito rin ang nangyari noon e. Noong buhay pa si Itay. Ang kaibahan lang, kasama ko ang mga kapatid ko noon.Naramdaman kong mas binilisan pa niya ang pagbayo sa ibabaw ko, mukhang malapit na siya sa rurok niya. At hindi nga ako nagkakamali, isang mabilis na pagbayo saka niya idiniin ang sarili niya sa'kin

  • Tasha   Ika-limang Kabanata

    Kinabukasan ay inasikaso agad ang mga papeles na kakailanganin para maging legal na nila akong anak. Habang nasa hospital pa lang ako'y inaasikaso na nila ang mga kakailanganin upang maging anak na nila ako.Ilang linggo ang itinagal bago ako tuluyang gumaling. Kinailangan ding makabawi ako sa timbang ko, dahilan na mas binantayan ang mga kinakain ko. Nang mas umayos na ang lagay ko. Dinala nila ako sa kanilang bahay na siyang pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko.Isang guro si Mrs. Bautista habang may negosyo namang hinahawakan ang mister nito.Habang nasa hospital pa lang ay sobra na ang pag-aalagang binigay nila sa akin. At mas dumoble ito nang iuwi na nga nila ako sa bahay nila. Dinala nila ako sa bahay nila sa Manila.Mrs. Therese Bautista at si Mr. Max Bautista— ang siyang magiging bagong magulang ko.“Dito na po ako talaga titira, Ma'am Therese? Ang laki po ng bahay niyo.

  • Tasha   Ika-apat na Kabanata

    Nagpakalayo-layo kami ni Veronica. Pumunta kami sa lugar na walang nakakakilala sa amin. Mula sa Lapulapu City ay hindi namin namalayan na sa araw-araw na paglalakad ay napunta kami sa sentro ng Cebu, ang Colon. Ang Colon ay ang siyang nagsisilbing dagsaan ng mga tao sa Lungsod ng Cebu. Namuhay kami sa gilid ng kalsada, umaasang may tutulong sa amin, pero wala. Walang tumulong sa amin. Namamalimos kami para may makain kami. Kung ano-anong trabaho na ang pinasok namin para lang makaraos sa buhay. Sa murang edad pinilit naming buhayin ang isa’t isa. Makikita kami sa gilid ng kalsada. Doon makikita kaming namamalimos sa mga taong dumadaan sa tinatawag nilang pedestrian lane. Minsan naghihintay sa may labasan ng mga kainan. Umaasang kahit kaonting tira-tira lang ay mabigyan kami. Para lang magkalaman ang kumukulong sikmura. Kailangan makaraos. Kailangan makakain kahit man lang isang beses sa isang araw.

DMCA.com Protection Status