Share

CHAPTER 4

Author: Death Wish
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 4

(Megan POV)

Pagdating ko sa supermarket, kaagad kong hinila ang cart at nagmadali sa bawat section na may kailangan ako bilhin. Sa may awa naman talaga ang diyos, may natira pa naman sa akin sa mga promo packs. Kaya naman hindi ko inaasahan na kaliwa-kanan ang bitbit kong grocery bags. Resulta nga sa kasipagan kong kumuha ng mga produktong makakamura ako. At natutuwa ako sa aking ginagawa. Para sa akin isang successful achievement na naman ito.

Pero ang bigat talaga ng mga dala ko. Hiling ko na sana balang araw ako naman yung manalo sa mga pa-raffle promo na namimigay daw ng scooter. Sus, mapapadali talaga ang buhay ko sa mga pang-araw-araw na ginagawa ko. Ngunit sa tagal ko ngang humuhulog ng mga entry, kahit kailan hindi ako na swerteng nanalo sa mga pa-raffle na yan. Kaya ang second option ang mag-ipon, pero sa ngayon ang pag-iipon hangang isipan na lang muna.

Sa totoo lang hindi naman talaga ako ipinanganak sa isang mahirap na pamilya. Nanirahan ako sa loob ng labing-pitong taon sa isang pamilya na mayroon namang average income ang aking mga magulang. Kaya nga kahit marami kaming magkakapatid, walo, maayos parin ang pamumuhay namin. May bahay kaming maayos na nauuwian, sasakyan at nakakapag-aral sa mga private school. Thanks to dad ang mom na nagsisipag ng husto sa kompanyang pinaglilingkuran nila. Sa panahon na yun ayos at napaka-normal ng lahat, hangang sa dumating ang oras na nagsimula nga ang kamalasan sa pamilya namin.

Nagkaroon ng car accident ang mga magulang ko. Death in arrival si Mama habang si Dad na-paralyze ang boung katawan dahil sa natamong injury nito sa kanyang ulo. Mabuti nga ngayon maayos-ayos na siya at nakakagalaw na… Kesa noon. Yung nakabanga sa kanila isang truck, at yung investigation simple lang ang ginawa nila, lumabas na mayroon pang hang-over ang driver ng pumasok sa kanyang trabaho. At di nga inaasahan na mangyayari ang aksidente. Dahil sa kapabayaan niya, nawala ang Mama ko… At nakaratay nga noon sa hospital ang aking ama.

Dahil sa nangyari at wala na ngang Naghahanapbuhay sa aming pamilya, ang panganay nagdesisyon na ibenta ang bahay saka ilang ari-arian nila Mama para nga may pambayad sa hospital saka sa pinapasukan naming mga paaralan. Hangang sa kailangan namin lumipat sa pampubliko, at namalayan ko na lang tumigil sa pag-aaral ang mga kapatid ko at yung ilan sa murang edad nag-asawa na lamang. Ako na lang itong natira sa amin, at inaalagaan nga sa bahay naming maliit, ang aking ama saka kinakayod ko ang aking pag-aaral, pag-aaral din ng bunso ko, gastusin sa bahay at gamot ni Tatay. Alam kong nakikita ni Tatay ang sitwasyon namin. Kaya napapaluha na lamang ito, at wala siyang magawa. Palagi niyang sinasabi sa akin, kahit nahihirapan… Nais na niyang gumaling ng maayos na niya ang sitwasyon namin.

Pero sa totoo lang ang sinisisi ko dito yung mga panganay kong kapatid. Sa kabila ng nangyari, di man lang nila inalagaan ng husto ang property nila Mama at Papa. Nagpakasasa sa pera hangang sa naubos nga. Kasalanan nila ito… Kung ipinag-negosyo sana nila yun… Edi hindi ganito kalala ang sitwasyon namin. Sobra akong nainis sa kanila. Kaya mas minabuti ko na lamang na magtrabaho, kesa nga tumunganga at sisihin ang lahat sa nangyaring aksidente, na kitang-kita ko, labis na nasasaktan si Papa kapag naririnig yun. Minabuti ko isang araw na ilipat nga sa tinitirahan namin ngayong maliit na bahay si Papa at ang bunso kong kapatid na napakatamad.

Ayos lang naman. Mahirap nga mabuhay ng ganito, pero simpleng bagay at lalo na yung pinaghirapan mo ng husto, napakaganda lasapin yun. Masaya, masaya naman ako na nakalayo ako sa mga kapatid kong puro reklamo at pagpaparinig ang ginagawa sa presensya noon ni Papa.

Ang dami kong sideline na trabaho… Gasoline helper, delivery, waiter at naghuhugas pa ako ng mga pinaglalagyan ng malalansang isda sa palengke. Sa paraan na yun, may nauuwi akong sariwang isda sa amin. Kaya buong araw, bug-bug sarado ang aking katawan. Pero worth it, kapag napapakain ko ang aking ama at yung di iniisip ng bunso kong kapatid ang kahirapan at sakripisyo na ginagawa ko. Ah basta. Mag-aral siya ng mabuti. Yun ang gusto kong gawin lang niya.

At ng maka-ipon-ipon na ako, masaya ako na magkakaroon na ng therapy session si Papa. At doon ko nakilala ang isang lalaking, ewan bigla na lang ako namumula at nahihiya sa sarili ko kapag nakikita siya. Isang nurse, at napaka-gwapo naman talaga eh. Saka ang boses niya napakalambot… Siguro ito na yung sinasabi nilang pag-ibig, pero dapat hangang paghanga lang Megan. Sa kakaiba nga ang nararamdaman ko kapag nasa paligid siya. Hindi mapakali ang puso ko, at natataranta ako ng husto. Ang adnormal ng pakiramdam na ito. Miguel ang pangalan niya… Masaya na akong malaman ang pangalan nito. Kahit paano pala normal din naman pala akong tao. Umiibig din pala.

Malapit na ako sa bahay, ng mapansin ko ang aking paligid parang may mali. Ang boung lugar napakatahimik. Wala man lang naglalakad sa kalsada habang itong kalsada naman ang napaka-abala, at wala din yung mga sidewalk vendor… Abala ang lugar namin dahil balita ko bawat taong naririto ay may mga malalaking utang na kailangan bayaran. Kaya ang sisipag nila. Bakit kasi kailangan umutang kung kaya naman i-trabaho na muna? Kapag mayroon kang utang tuloy napakabigat sa pakiramdam.

Nagtataka na ako. Kahit sasakyan wala man lang dumadaan. Ano ito? Biglang may dumating na alien at kinuha ang mga tao dito? O nagkaroon ng zombie apocalypse? Oh, my G… Wag naman sana. Kinakabahan ako ha.

Kahit tahol man lang ng aso wala? Ano itong lugar namin biglang naging hunted?

Ngunit ang hindi ko inaasahan, magagarang sasakyan ang naka-park sa harapan ng bahay naming maliit. Akala ko nga sa kapitbahay lang namin pero… Kahit kailan hindi ako nakakita ng mga magagarang sasakyan tulad nito dito sa lugar namin. Mga alien ba ang may-ari nito? Saka bakit sila nasa harapan ng bahay namin?

Hangang sa napansin ko na ang mga lalaking bigla na lang hinagis sa labas ng bahay ang TV namin at ilang gamit. Sinisira nila ang boung bahay namin. Dahil hindi ako makakilos sa nakita ko, nang makita ako ni Paul, yung nakakabata kong kapatid…

“Ate, anong ginagawa nila sa bahay natin.” Kaya naman ang dala ko, kaagad kong binigay sa kanya. At walang salitang tumakbo sa harapan ng isang lalaking kamuntik ng mabasag ang paboritong vase ni Mama.

“Wag na wag mong babasagin yan!” Natigilan ang mga lalaking nakasuot ng kulay itim na parang business suit. Saan ang prom natin? Kung hindi nga negosyo ang pag-uusapan.

Ngunit nanlumo ang paningin ko ng makita kong nakaluhod si Papa at umiiyak nga ito ng husto. Pilit niya magsalita ngunit pinagtatawanan siya dahil walang salita ngang maiintindihan na lumalabas sa bibig nito. Ako kaya kong unawain… Nakiki-usap si Papa na wag nilang gawin itong pangugulo sa bahay namin.

Kaagad ko itong nilapitan at niyakap ko ito. “Wag niyo itong gawin Papa. Please naman. Wag na wag kayong luluhod sa harapan nila!” Saka napatitig ako sa kaharap ni Papa kanina. “Anong kalokohan ang ginagawa ninyo!”

“Ay aba naman palaban pala itong anak mong babae Benjamin. Saka ang ganda ha. Parang maaring siya na lang ang ipambayad mo.”

Inalalayan ko si Papa na makabalik sa wheelchair niya. Ang paligid ko… Ang magulong bahay namin, ang nakakabata kong kapatid na duwag, Kalalaki pa naman… At ang luhang dumadaloy sa pisngi ng aking ama. Ano ang ginawa namin para gawin nila ito sa amin.

“Ipambayad? Mga sira ulo ba kayo? Wala ba kayo magawa kundi mangulo ng may bahay?!”

“Ay aba!” Sasampalin sana ako ng isang umag ng biglang may pumigil dito. Isang lalaki na mas makikita ang kaibahan ng kanyang uniporme sa mga lalaking basagulerong ginulo ang bahay namin.

“Tss. Kailan pa kayo natutong manakit ng mga babae?” At yung basagulero parang isang tutang napayuko at nanahimik na lamang. May mga kasama pang mga tauhan ang lalaki, ngunit ang mga hitsura nila parang mga attorney. Ngunit ang nakikita ko ngayon, para silang mga mafia na nakikita ko sa mga pelikula.

So? Heto ang tinatawag nilang mga mangugulo ng lipunan, ang mga Mafia.

“May ginawa ba kami para guluhin niyo ang bahay namin ng ganito? Baka nagkakamali lang kayo. Hoy ikaw Paul, may kinalaman ka ba sa kanila,” Nanginginig naman na umiling ang aking kapatid sa takot.

“Yang kapatid mo, mayroong utang sa amin na isang daang libong dollar.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yun, at napaharap ulit ako sa lalaki. Ngayon nakatitig ang lalaki sa aking kapatid. “Paul Gomez ang pangalan mo diba?”

“Teka? Totoo ba ang narinig ko?”

“Ate Megan, wag kang maniwala sa kanila.”

“Talagang hindi ako makapaniwala. Ang laki ng isang daang libong dollar! Aanihin mo naman yun?”

“Mr. Paul Gomez, nagkaroon ka ata ng amnesia. Ikaw ibigay mo sa kanya ang papel na pinirmahan niya.” May kinuhang folder ang lalaki at lalapit na sana kay Paul ng ako na ang kumuha ng papel. At nakita ko sa bawat pahina naroroon at klarong sulat kamay ni Paul ang ginamit upang isulat ang pangalan niya at thumbmarks nito saka pirma.

“Paul! Pero… Sulat kamay mo ito?”

“Hindi ko yan magagawa Ate.”

“Hindi lang siya ang may utang sa pamilya ninyo. Lahat ng mga kapatid mo, at ikaw lang ang wala sa listahan. Ang panganay niyong anak na lalaki na si Larkson Gomez ay mayroong utang na sampung milliong dollar;” At binigay sa akin ang folder ulit…. Nandoon din ang sulat kamay nito at malinis na prima.

“Mr. Jeremy Gomez, dalawang milliong dollar, Mrs. Tonette Gomez Lu, pitong milliong dollar.” Pati ang Ate Tonette?!

“Mr. Joshua Gomez, tatlong milliong dollar, Mrs. Anjanette Gomez Parpa, dalawang milliong dollar, at Mrs. Karen Gomez Duka, anim na Million.”

Na naipon nga sa aking kamay ang pitong folder na nilalaman ng kontrata nila. Ang lalaki ng mga halagang yun… Ang tanong nasaan ang mga perang yun?! At ang bata pa ni Paul para magkaroon ng utang sa grupong to?!

Saka ko naalala na walang sino man nga ang lumabas sa mga bahay nila… Dahil ang bayang ito ay puno ng mga taong mangungutang.

“Ang kabuhuan Miss, Thirty Million one hundred thousand dollars.”

At parang mahihimatay ako sa aking narinig. Nasaan ang perang yan?! Diba napaka-impossible na mangyari yan kasi… Andito lang kami sa isang maliit na bahay at ako ang provider sa inambadonang pamilya ni Ate at Kuya… Yun pala may mga malalaki silang utang at nagpakasasa lang sila na sila lang? Tapos ngayon damay ako at ang tatay?!

Bakit kailangan nila ng ganoon kalaking pera?!

Napalingon ako sa aking ama na alam kong nagulat din sa kanyang narinig. Hindi rin siya makapaniwala. Nang makita kong tumulo na ang luha sa pisngi ni tatay.

“Wala akong alam tungkol sa bagay na yan. Paul, wag ka nang magsinungaling totoo ba ito?!” Di ko mapigilan na magalit. Ano sila mga baliw para umutang ng ganito kalaking pera?! AT PARA SAAN! Ni isang pisong kusing wala akong natikman!

“Ate…” At dismayado ako ng tumango siya. Ang sarap mamalo… pero sa nalaman ko wala akong lakas para gawin yun. Saka malaking binata si Paul… Katawan ko lang ang masasaktan kapag ginawa ko yun.

“Ang bata pa ni Paul para pahiramin niyo ng ganyan kalaking pera. Hindi naman ata kayo tanga diba?”

“Nasa gulang na ang kapatid niyo Miss… At ikaw si Miss Megan Gomez. Maari ka ding umutang sa amin.” Pang-iinsulto nito sa akin.

“Bwisit.” At bumaling ako kay Paul. “Saka Paul kung andyan pa ang pera sayo, mabuti pang isauli mo na sa kanila! Nasaan na?!”

“Ate…” Umiling ulit ito at basang-basa na ang kanyang mukha.

“Paul kung wala na, saan mo naman dinisgrasya ang perang yun?!” At parang hindi nga sasagot si Paul sa tanong ko, kundi…

“Yang kapatid mo Miss Megan, sa totoo lang naawa ako sa kanya. Ah, hindi sayo pala. Pinag-aaral mo siya at tinataguyod, ngunit alam mo ba kung saan siya namamalagi? Hindi siya pumapasok ng school, kundi diretso sa malapit na casino, sa may pier. Winaldas niya ang lahat ng perang yun at nanlaway nga para humiram ng malaking pera. Hangang sa pati ang perang hiniram niya, ay natalo din.”

@Death Wish

Related chapters

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 5

    Chapter 5(Megan POV)Hindi ako makapagsalita sa aking narinig mula sa lalaki. Hindi na nga maganda ang paningin ko kay Paul. Sa sakripisyo kong ginawa, ito lang talaga ang isusukli niya sa akin? Nakita naman niya na kanya-kanyang tumalikod ang mga matatanda naming kapatid at iniwan nga ang lahat ng responsibilidad na ito sa akin. Dahilan nila, mayroon silang kanya-kanyang pamilya.“Isang daang libong dollar, yan lang ang utang ni Paul.” Mahinahon kong sabi… At ang halagang yun nilalang lang ko lang talaga? Akala mo naman meron akong pambayad. “Ngunit yung ibang utang ng mga kapatid ko, wag kayo dito maningil. Hanapin niyo sila.”“Hawak namin sila.” Kaagad na sagot ng lalaki na napaka-demonyo nga tignan. “Nga pala hindi na ako nakapagpakilala sayo. Ako nga pala ang isa sa debt collector ng pamilyang Quinn, tawagin mo na lang ako Metal.”“Metal. Bagay sa pang mental. Ano ang sinabi mo? Hawak niyo ang mga kapatid ko.”“Lahat. Pati ang pamilya nila. At kung hindi mababayaran ang utang ni

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 6

    Chapter 6 (Megan POV)Mag-isa nga akong pumasok. Wag naman sana na may mangyari sa aking masama dito… Gaya ng ginagawa sa pelikula na kapag pinapasok mag-isa ang isang dalaga sa silid, may hindi magandang mangyayari sa kanya.Hindi kagaya ng nadaanan naming mga silid, na nakababa ang lahat na kurtinang napakahaba… Medyo nasilaw ako sa liwanag na pumasok sa bintana. Palubog na ang araw… Ngunit nakuha naman kaagad ang attention ko ng isang napakalaking chandelier. At ang silid na ito ay napakalaki para hindi ko nga kaagad makita kung may tao ba sa silid na ito.“Miss Megan…” Gising sa akin ng isang matandang lalaki, ngunit ang suot nito para sa isang butler na lubos ngang nirerespeto. Siya na ba? Ngunit mali ako… Dahil ngumiti ito ng bahagyang sa akin, at kahit pilit appreciate ko na yun. “The Old Master Quinn is this way.” Lahad niya ng kamay sa direksyon na kailangan ko pa atang puntahan.Lumapit ako. At nakita ko naman ang isang lalaking parang nakaupong nakatalikod ito sa aking pan

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 7

    Chapter 7 (Megan POV)Matatamis pakingan ang salitang lumabas sa bibig ni Tatang, ngunit napakapait nito tangapin. Natutuwa siya dahil alam niyang wala akong kalaban-laban sa kanya, at wala talagang chansa na papayagan niya akong makalabas ng buhay dito sa territoryo niya.Saka napakalayo ng mga sinasabi niya kesa sa ginagawang reaction ng kanyang katawan. Hangang sa may kinuha siya kulay itim na bagay, at halos hindi ako makapagsalita… Dahil kinasa niya ito sa harapan ko, at nilapag sa may mesa.“Pakakasalan mo ang anak ko. Ayon na din sa kontrata na pinirmahan ng mga kapatid mo.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yun.“Kontrata?” Ano naman ang kinalaman ko sa kontrata. Sila ng mga kapatid ko ang nag-uusap at hindi ko nga kailangan ma-involve sa bagay na kagaya nito. Anong kalokohan ang mayroon sa kontrata?Napatango si Tatang at isinandal ang kanyang likuran sa upuan, saka sinenyasan ang butler, lumapit ito sa kanya at binigay ang ilang kulay asul na folder. Yun… Yung mga folder n

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 8

    Chapter 8(Megan POV)“Miss Megan, maari ba naming makuha ang detalye sa dati niyang physician?” tanong sa akin ng Nurse. At kaagad naman nagflash sa isipan ko yung doktor at ang katuwang nito ay ang gwapong Nurse na si Miguel.Binigay ko naman ang detalye tungkol sa doktor ni Papa, at maya-maya lang napatayo ako sa aking kina-uupuan ng may pumasok na mga doktor, at nakabuntot sa kanila si Miguel. Hindi na naman ako makapagsalita, lalo na ng binati ako nito ng isang ngiting, parang matutunaw ang buo kong pagkatao. Alam kong labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lang andito sa mamahaling hospital si Itay. Ngunit narinig ko sa usapan na mananatiling doktor ni itay ang ina-assist ni Miguel. Ibig bang sabihin nito, makikita ko parin si Miguel.Maganda na hindi maganda… Nalilito ako sa pakiramdam kong ito. Masaya dahil makikita ko si Miguel, ngunit kung makita ko naman ang puso ko, hindi mapakali.“Miss Megan.” Kuha ng attention ko ni Cindy, at mas lalong lumapit ito sa akin, para mah

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 9

    Chapter 9(Megan POV)Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.“Andito ka pala.”“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 10

    Chapter 10 (Megan POV)Saka ako ba talaga ang kailangan na mag-umpisa na conversation namin?Sa Oo, Megan dahil kailangan mong kaibiganin ang lalaking yan. Mapapadali ang lahat ng ito kapag sumang-ayon siya na siya ang bahalang mamuno sa organization na iiwan ng kanyang ama.Sabagay. Ngumiti ako. “Hello, hindi tayo nagkakilala ng maayos.” Saka nilahad ko sa kanyang harapan ang kamay ko. “Ako si Megan Gomez, and it’s nice to meet you.”Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko, ngunit ang lalaking ito… Parang pinapahiya ako sa aking sarili. Hindi nito tinangap ang kamay ko, kaya inurong ko na lang.“Alam ko na ang pangalan mo, and I know that you don’t truly think that it’s nice to meet me. I could say the same thing. Tss. It’s bulshit meeting you.” Na hindi nga siya nagdalawang isip na sabihin yun sa akin.Ang ugali niya… Bakit hindi na lang siya sumabay sa agos? Kaya yung pilit kong ngiti, asar na napangisi.“Yap. Tama ka nga. Sa totoo lang din, kilala na kita. Kaya, mabuti pang kumain

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 11

    Chapter 11 (Megan POV)“Ayos na ba ito?” Tanong ko sa kanya.Ngumiti siya na parang sinasabi na hindi nga ako marunong umintindi.“I want you naked.”“No.”“Do you want me to call them again? Nahihirapan ka ba masyado maghubad. Sure. Me—.”“Maghuhubad ako.”“Everything.”Mga mata niya nawiwili sa nakikita niyang hindi ako mapakali at nahihiya ako ng sobra, sa kailangan ko ngang gawin na maghubad sa kanyang harapan. Kaya naman ang pantalon kong kupas na… kailangan ko rin yun hubarin. Napakatahimik ng paligid. At ang tanging maririnig mo ang tunog ng orasan na hudyat na isang segundo na naman ang lumipas.Wala na akong nagawa kundi hubarin ang pantalon ko, at di ko namalayan tumulo na sa aking mga mata ang luhang hindi ko inaasahan. Sobra akong nagagalit ngayon sa nangyayari sa akin. At tanging pagluha lamang ang nagagawa ko.Sa harapan niya, naka-panty at bra na nga lang ako. Tuluyan akong niyakap ng malamig na hangin. Alam kong hindi dito magtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang ang

  • Taming the Mafia King   CHAPTER 12

    Chapter 12 (Megan POV)Tinali ko ang aking buhok at naghanap nga ako ng damit na mas ikokomportable ko. Halos lahat ng damit sa walk-in closet ko, branded at napakamahal noon. Noon okey pa ang buhay namin, yung tatlo kong kapatid na babae mga shopping freak yun. Kaya alam kong ang mamahal ng mga branded na nandito.May nakuha akong pwede na maging blouse saka isang square pants na hindi nga pagkakamalan na pajama lang. Sa lagay ko ngang ito, hindi nga nagmumukhang fashionista. Pero cute parin.Bangunot man ang pinagdadaanan mo Megan ngayon, pero isipin mo na lang na matatapos din ito. Lahat mayroong katapusan, masaya man yan o kalungkutan.Binuksan ko na ang mga bintana ng silid ko at tinali ang mga kurtina. Maya-maya lang papasok na dito ang sinag ng araw, at mas nauna pa nga ako kay haring araw na magising. Panibagong araw para iwasan na mabali ang utos ni Damian, at ayoko na yun maulit pang nangyari kagabi. Sobrang hindi nakakatuwa.Napaunat ako ng aking mga kamay at kunwaring nap

Latest chapter

  • Taming the Mafia King   Finale

    (Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da

  • Taming the Mafia King   Chapter 105

    (Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)

  • Taming the Mafia King   Chapter 104

    (Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk

  • Taming the Mafia King   Chapter 103

    (Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl

  • Taming the Mafia King   Chapter 102

    (Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog

  • Taming the Mafia King   Chapter 101

    (Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha

  • Taming the Mafia King   Chapter 100

    (Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang

  • Taming the Mafia King   Chapter 99

    (Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n

  • Taming the Mafia King   Chapter 98

    (Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama

DMCA.com Protection Status