Chapter 12
(Megan POV)
Tinali ko ang aking buhok at naghanap nga ako ng damit na mas ikokomportable ko. Halos lahat ng damit sa walk-in closet ko, branded at napakamahal noon. Noon okey pa ang buhay namin, yung tatlo kong kapatid na babae mga shopping freak yun. Kaya alam kong ang mamahal ng mga branded na nandito.
May nakuha akong pwede na maging blouse saka isang square pants na hindi nga pagkakamalan na pajama lang. Sa lagay ko ngang ito, hindi nga nagmumukhang fashionista. Pero cute parin.
Bangunot man ang pinagdadaanan mo Megan ngayon, pero isipin mo na lang na matatapos din ito. Lahat mayroong katapusan, masaya man yan o kalungkutan.
Binuksan ko na ang mga bintana ng silid ko at tinali ang mga kurtina. Maya-maya lang papasok na dito ang sinag ng araw, at mas nauna pa nga ako kay haring araw na magising. Panibagong araw para iwasan na mabali ang utos ni Damian, at ayoko na yun maulit pang nangyari kagabi. Sobrang hindi nakakatuwa.
Napaunat ako ng aking mga kamay at kunwaring napa-jogging saka, binali-bali ang mga daliri ko ng… Maalala ko ang kalokohan ng Damian Quinn na yan. Sobrang nakakabastos siya kagabi ha. Nakaka-inis. Pero ang intention ng panibagong araw ang makapag-move on.
Hindi ibig sabihin na dito na ako nakatira, di ko na magagawa ang mga hilig ko. At blessing in disguise din ang kalokohan na ito dahil magkakaroon ako ng oras sa hobbies ko. Yun ay ang magbasa, mag-painting, sumulat ng kwento, mag drawing, photography at higit sa lahat ang makapagtugtug ng gitara habang gumagawa ng kanta.
Ngayon, ano ang gagawin natin sa kamay kong pasaway kagabi na nagsisitindigan pa nga ang balahibo ko kapag naalala ko ang ginawa ng bastos na Damian Quinn na yan sa akin.
Hmmm. Kung lumabas kaya ako, at pumunta sa lang sa park ng gusaling ito? Ayan oh, may parke sa ibaba at maganda nga yun. Kaya dali-dali akong pumunta sa may study room at baka nga may makita akong maaring gamitin ko. Paglabas ko sa aking silid, at ng bumaba ako, napalingon sa akin ang ilang katulong at si Mrs. Zu…
“Good Morning po.”
“Hindi namin akalain Miss Megan na maaga pala kayong nagigising.”
“At hindi po ako nag-aalmusal.” Kindat ko kay Mrs. Zu. “Uhmmm. Mayroon po ba sa study room na mga art material?”
“Meron Miss Megan, at kung may kulang sabihin niyo kaagad sa akin ng ipabili ko.” Kaya dumiretso na nga ako roon, at nakita ko nga ang hinahanap ko. Isang sketchbook, saka mga color pencil, at yung lapis na maganda gamitin yun para sa pag-sketch. Lumabas ako sa study table na dala-dala ko yun, ngunit…
“Mrs. Zu, lalabas po muna ako.” Napalingon sa akin ang ginang at ilang katulong. Nang marinig ito sa akin, malungkot na parang hindi niya alam ang sasabihin. “Nagpaalam na po ba kayo kay Master Damian tungkol dito kagabi?”
Umiling ako. “Ibig lang sabihin…”
“Wag po kayong mag-alala, ayos lang naman. Mabilis lang naman ako sa may garden, maghahanap ng inspiration. At kapag bumalik ako dito, siguradong hindi parin gising si Master Damian.” At naglakad na nga ako papunta sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto, sumalubong naman sa akin ang apat na lalaking may mga malalaking katawan.
“Good Morning.” Bati ko sa kanila. Mahigpit parin ang securidad sa paligid ko ay dahil yun, may kasama akong kailangan parin protektahan kahit nakita kong may magagawa naman talaga si Damian kapag nanganib ang kanyang buhay.
“…” Hindi nila pinansin ang aking bati, kundi ang mga mata nila nagtatanong na kung saan ako pupunta. Hangang sa nagsalita ang parang leader sa kanila. “Saan kayo pupunta, Miss Megan?”
Ngumiti ako ng mapait. Wag naman sana na pipigilan nila ako. “Pupunta lang ako sa park ng gusaling ito. Magpahangin at gawin ngang kalimutan saglit kung gaano kademonyo ang boss natin.”
“We will accompany you, Ma’am.” Walang alintana na sinabi nito sa akin.
Sasamahan nila ako? Nag-iisip ata sila na tatakas ako. Napabuntong-hininga na lamang ako, at hinayaan na sumunod nga sa akin. For security purpose na din ata. Di ata si Damian ang binabantayan nila, kundi ako.
“Sige. Ituro na yung daan papunta sa may park.”
“Sumunod kayo Miss Megan.” Okey na ito kesa nga paghigpitan ako. Yung tipong kailangan pa hingin ang permiso ni Damian, sa hindi ako papayag na ganoon nga ang mangyari. Malaya parin akong gawin ang bagay na hindi naman maapektuhan ang mga tao sa paligid ko, hindi ba?
Nang makarating sa park na exclusive lamang sa nakatira sa gusali, naupo ako, at sa aking paningin kaagad kong nakita ang mga taong parang nasa high society nga kung tawagin. Mga taong sumasakit lang ang ulo nila kapag malaking pera ang nawawala sa kanilang bulsa. Wala silang paki-alam kung may apat man na lalaking nakabuntot sa akin. Parang normal nang makita nila ang ganitong bagay. Presong pinabubuntutan para hindi makatakas.
Naupo ako sa isang bench, at huminga muna ako ng malalim. Sariwa at mabangong hangin, yan nga ata ang environment ng mga mayayaman. Ako, sadyang dalawang buwan ko lang ito mararanasan ata, kung hindi pa nga pumayag si Damian na akuin ang pamamahala sa organization ng kanyang ama.
Sa dami nga ng subject sa paligid, ang pinili ko ay ang ibon na kanina pang humihila ng ilang mga twigs saka pabalikbalik itong kumukuha. Kaya napangiti ako at sinimulan ito ma-sketch, hangang sa natapos ko nga at napangiti ako.
“Anong sa tingin niyo? Maganda diba?” Tanong ko sa apat na tauhang nakatayo sa aking likuran. Walang respond kundi mga poker face lang. “Okey, sa ngayon heto na muna. Kailangan na ata nating bumalik.” Na napaunat pa ako ng aking braso ng tumayo nga ako.
Habang naglalakad kami pabalik sa penthouse, tumunog ang earpiece ng isang tauhan at napalingon ito sa akin. “Kasama namin Master Damian si Miss Megan.”
Ohh. Gising na ata ang demonyo, at ako ang hanap niya kaagad? Sus? Anong problema noon? Mas mabuti diba na hindi magcross ang landas namin? “At pabalik na po kami riyan.”
Nang makabalik kami, so Damian nakaupo sa sofa na parang isang don, at abala sa kaka-scroll ng kanyang tablet, habang ang suot nito sleeping robe na tinatamad pa atang magbihis. Si Mrs. Zu, bahagyang napayuko ng makita ako.
Wala sana akong intention na tumigil, at didiretso sana ako umakyat papunta sa aking silid ng matigilan nga ako.
“Mrs. Zu, yung mga gamit ko bago ako dinampot ni Metal, nasaan na po ba? Yung bag ko… Andoon po kasi yung phone ko.”
“Madam, wala pong itinurn-over sa amin si Sir Metal, ngunit itatanong ko sa kanya.” Nakita kong napa-ismid lamang si Damian at hindi nga pinansin ang pinag-uusapan namin ni Mrs. Zu.
Umakyat na ako sa silid, at nadatnan ko si Cindy na inaayos ang silid ko. Natigilan ito dahil sa presensya ko. “Mabuti at nakauwi na kayo Miss Megan. Inutos ni Master Damian na sabay kayong kakain ng agahan ngayon.”
Heto bang pangyayang ito ay upang demonyuhin ako? Maari naman siya kumain mag-isa. Pero dahil utos niya yun, wala ata akong magagawa dahil baka mabali ko na naman ang isa sa kanyang mga batas sa pamamahay na ito.
Bumaba din naman ako, at hindi ko na nga nakita si Damian, kundi sa may terrace at napaupo pa lamang ito. Nakahinga nga si Mrs. Zu ng makita akong nakahabol ako. Pinanghila ako ni Mrs. Zu ng upuan, saka naupo naman ako.
Agad din na tumama ang paningin ni Damian sa akin. Ngunit walang lumabas sa kanyang bibig, kundi kinuha ang tsaa at tahimik na napahigop. Ipinikit ang mga mata, at isinandal ang kanyang likuran. Buhay princippi nga naman… Sana lahat katulad niya. Ang dahilan kung bakit elegante ang isang tao ay dahil sa pera. Ang ganda ng buhay nito no?
Hangang sa matapos ako sa aking agahan at tatayo na sana ako, dahil parang nakatulog na si Damian ng biglang…
“Give it to her.” At lumapit ang di ko napansin na si Secretary Lucas at may dala nga itong maliit na kahon. Lumapit sa akin, at binigay ang kahon sa akin, sabay na din bukas nito.
“Miss Megan, heto ang gagamitin niyong phone and keep it always activated. Kaagad kayong matatawagan ni Master Damian, at para na din sa kaligtasan niyo, we add a security program sa phone na yan.”
Ang phone na yan ay akin, pero parang nakakatakot gamitin kasi wala naman akong privacy diba? Baka ano pang security spy ang nire-program nila.
“Yung luma kong phone?”
“Maibabalik lang yun sa inyo Miss Megan kapag natapos ang dalawang buwan na pinag-usapan niyo ng Old master Quinn.”
“Kung hindi ko—.” Natigilan ako sa sasabihin ko dahil tatangihan ko nga sana. Pero naalala ko kung sino ng ang tinawagan ni Damian kanina… Baka naman kapag may phone ako, hindi na bumuntot sa akin yung mga tauhan nila diba? “Thank you.”
Kuha ko ng kahon at balak ko ngang kalukatin ito sa aking silid, hindi nga sa harapan ni Damian. Baka tuyain pa ako sa ka-ignorantehan ko… Dahil ang phone na nakikita ko ngayon, ay ang bagong labas na phone ng mamahaling phone brand.
“Not that fast Megan.” Tatalikod na sana ako, pero nagsalita na ang demonyo. “Make sure na hindi ka ngayon lalabas ng hindi ko alam.” At naningkit ang kanyang mga mata. Ngumisi… “Abala akong tao, at hindi ko gusto na hanapin ka sa akin ng Old Master Quinn, nauunawaan mo ba?”
“Sa sinabi niyo na Master Damian, natural kailangan ko unawain.” Ngumisi siya sa malakasan ko ngang pamimilosopo sa kanya. Sa takot ko din na maranasan ulit ang nangyari kagabi.
Bumalik nga ako sa aking silid na malinaw at tinangap ang sinabi ni Damian na hindi ako lalabas sa suite na ito. Naging abala ako sa phone, at napa-install nga ng mga kailangan kong social media, pero sa totoo lang mas mabuti ngang wala na nito eh. Kaya lang ito na lang ang paraan ko in case na may gawin ngang masama sa akin ang mga Quinn, isang post lang sa SocMed sira na ang pangalan nila. Ahahaha. Binigyan nila ako ng bagay na ikakasakit ng reputasyon nila.
Di ko namalayan dahil bored at wala naman ngang masyadong ginagawa, nakatulog ako. Hangang sa magising ako, at nasampal ko ang aking sarili. Hindi ko hahayaan na sa loob ng dalawang buwan, magkakaroon nga ako ng maraming lazy bones. HINDI.
Bumaba ako para tumulong sa pananghalian ng malaman ko na wala dito si Damian, at saka ko lang natuklasan na isa pala talaga siyang CEO at pinapatakbo ang sarili nitong kompanya. Napakaabala niya talaga. Mabuti naman.
Ngunit kinagabihan… Maghahapunan na. Nangati ang labi ko para itanong kay Mrs. Zu kung uuwi ba si Damian.
“Di ko alam Miss Megan kung uuwi nga siya ngayong gabi. Talagang Napakaabala niya, ngunit kung tawagan niyo siya, sa tingin ko uuwi naman si Master Damian.”
Parang mali ang naintindihan ni Mrs. Zu. Nagtanong lang ako kung uuwi ang demonyong yun ay hindi dahil gusto kong kumain kasama siya kundi mapalaya ang isipan ko na hindi nga siya uuwi. Kung hindi nga siya uuwi, pwedeng hindi ako kumain ng hapunan, o kumain man pero ayon nga sa gusto ko, at tahimik.
“Hindi na kailangan. Masayang kumain ng mag-isa, o kayo makasalo ko.”
Ngunit tinangihan ako ni Mrs. Zu at hinayaan lang nga ako nito kumain. Pagkatapos ko kumain, wala ngang dumating na demonyo.
Bumalik ako sa aking silid, at inatupag ang phone, nakita ko sa group chat na nangyaya ng reunion ang mga kaklase ko. Maari ba akong pumunta? Since nga marami naman akong oras at medyo nga nakakabored din talaga ang walang ginagawa. Pero sa tingin ko, isa din ito sa kalayaan ko na pumunta nga sa kung saan man naisin ko.
“Sali ako.” Chat ko bigla… At sa reply kong yun pinagkaguluhan na nga nila ako. Marami silang tanong pero hangang basa lang ako. Malimit lang ako makipag-chat at bahala na nga sila sa kanila ng iniisip. Sagutin nila ang kanilang mga tanong. Tss.
Napahikab ako… Siguro oras na para matulog ng mahimbing, at wala nga si Damian sa paligid ko. Malayong-malayo ang demonyo. Siguro andoon kay Maddie Maddison. Hoy ikaw Damian, buntisin mo na kasi yan. Napaka-manyak mo naman ah. Wag mo nang itago sa babae mo.
@Death Wish
Chapter 13 (Megan POV)Maaga nga ako natulog, pero nagising at Naalimpungatan sa ingay na naririnig ko. Grupo ng ilang tao na pumasok sa suite. May inaasahan ba akong isang banda na pumunta dito? Pero mali… Ang naririnig ko mga halakhak ng mga malalanding babae, ng makalapit na nga ako sa may pintuan. Sobrang Nakakabadtrip. Sa totoo lang hindi naman kami lumaking mga babaing kung tumawa sagad, lalo na kung di naman nakakatawa.Tsk. Anong klaseng mga bisita ba ito ni Damian? Bisita nga ba ni Damian?Kahit na nga, tiniis ko na lang ang ingay at pilit na gustong bumalik sa pagkakatulog. Ngunit, sinasagad talaga ako ng mga halakhak at hagikhik ng mga babaing parang nasa labas lang ng aking pinto. Hindi ito multo o pinaglalaruan lang ako ng maligno, alam kong mga totoo silang tao. Kaya naman nilakasan ko na ang aking loob na lumabas upang patahimikin ang mga taong yun. Ang ayoko sa lahat, yung na-iistorbo ang tulog ko.Magaling na Damian. Pagdating talaga sa pagiging demonyo nito nangung
Chapter 14 (Megan POV)Kung kukuha nga siya ng stylish para sa akin, okey lang, hindi naman ako ang mababawasan ng kayamanan diba?“Yun lang ba Master Damian? Since wala na yung mga maingay na mga babae, siguradong makakatulog na ako pagkatapos ngang makain ko itong ice cream. Want some?”“Tss. FYI, that’s mine.”“Uhmmm. Hahatian mo ba ako? Hahaha. Okey ibabalik ko na lang.”Ngunit namalayan ko na lang kinuha sa akin ni Mrs. Zu. Ngayon nasa dinig table kami at inihanda na nga yung ice cream sa harapan namin. Nagkatitigan kami ni Damian… Sigurado ba siyang kakainin niya yung ice cream kaagad na hindi pa siya kumakain ng hapunan?! Eh, magkakasakit siya kapag ginawa niya yan. Saka hating-gabi na. Kailangan niyang kumain ng maayos.“Master Damian…” Nang sasandukin na sana niya ang kanyang chocolate ice cream. Natigilan naman at umangat ang paningin sa akin. “Uhmm… Ano, talaga bang kakainin niyo na yan? Eh, hindi pa po kayo naghahapunan at baka magkasakit kayo.”Sabagay kung magkasakit si
Chapter 15(Megan POV)Sa mga mata ni Papa natutuwa siya na marinig yun. Ngunit sumabat na naman si Paul at binangit ang pangalan na hindi ko inaasahan na maririnig.“Kamusta na daw kayo ni Kuya Alfred, sabi ni Papa nitong nakapagsalita siya ng bahagyang.”Alfred. Natahimik ako. Ang unang lalaking manliligaw at sinagot ko naman. Sa akala ko kasing kaya niyang mapaghintay habang ginagawa nga ang bagay na manligaw… Ayun sumuko na lamang. Ahahaha. Edi wow, kung ganoon naman talaga ang lalaki hindi mapaghintay dapat sa kanila hinihiwalayan. Hindi yung binibigay ang gusto nila at tino-tolerate na lang. Kaya lang minahal ko din ang lalaking yun. Kaya nga nasasaktan din ako paano. Hiniwalayan niya ako na parang wala siyang pakialam. Kung nasaan man siya ngayon sana maayos lang ang kalagayan niya. Pasensya na kung hindi pa nga ako handa na isuko ang bagay na wala pa ngang basbas ang pagsasama namin.Minsan iniisip ko din kung naalala pa ba ako ng mokong na yun, kahit kunti man lang. Pero sa g
Death Wish Note: Apologize, dear Reader, I have lost the handwritten manuscript of the story and I decide to cut it here, and insert a new story, that surely you will love. I assure you, you will be. Prologue: His deadly gaze was fixed on the full moon. The moon is about to be covered by dark clouds.Nakatayo sa pinakamataas na gusali sa boung lungsod.Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya natutuwa sa paghihintay.Iniyuko ang paningin at pinagmasdan ang mga ilaw sa napaka-abalang paligid sa ibaba ng gusali.Ngunit ang mga mata nito ay taliwas sa nakikita. Lumilipad ang kanyang isipan.Napangisi na lamang siya.Ang mga pinaghihirapan ng mga tao sa paligid niya ay kapag ginusto nito makuha ang bunga, ay kukunin niya. Siya ang nilalang na walang sinasamba kahit ma-impluwensyang tao.Ginto, pilak, diamante at mga batong meron sa kanyang halaga ay mapapakanya.Lahat gusto niyang makuha. Lahat ng mga mamahaling bato ay kanya.Sa tagal niya sa larangan ng negosyo, pilit niyang pinupu
(Venal POV)Dryzen Storm is the most dangerous creature I ever met.At matagal na siyang nabubuhay sa mundong ito. Sa katagalan, marami na siyang pinaglaruan. Marami nang buhay ang binura niya sa mundong ito.At higit sa lahat, walang kagatol-gatol ang pamamaslang sa di natuto sa mga naririnig tungkol sa kanya.Ako ang pang-anim na henerasyong naatasang paglingkuran si Dryzen.Kung di niyo alam, hindi siya pangkaraniwang tao lang.Lahat ng nakikita niya sa paningin ay mga mababang uring lamang.At naririto siya sa mundong ito para parusahan.Ngunit mali ang nangyayari. Gumaganti siya sa mundong ito.Mga ninuno ko mismo ang nagsabi, wala parin itong pinagbago simula ng dumating siya sa mundong ito.Ako man din.Habang nasa loob ng sasakyan, nakikinig siya kay Lineth sa mga impormasyon tungkol sa darating na mga mayayamang negosyante sa bidding.Habang ako… simula ng manungkulan ako sa kanya, natatakot ako para sa mga taong nakapaligid sa kanya.Napapikit ako. Hiling ko na hindi magkama
(Dahlia POV)Inaalalayan ko ang braso ng aking Grandma habang papunta sa isang bus stop. Tahimik na naglalakad ang mga tao ngunit mahahalata na nagmamadali sila.Dahil siguro sa ulan na nagbabadya.“May buwan ba ngayon iha?”Tanong ni Grandma sa akin.“Sa kasamaang palad Grandma, matatakpan na ng maiitim na ulap. Pero ang ganda ng buwan. Bilog na bilog.”Dati rati nakikita ni Grandma ang mga nakikita ko ngayon. Ngunit dahil sa aksidente hindi na niya makita ang nasa paligid.“Nararamdaman ko nga na parang uulan ng malakas. Malamig ang hamog na dala ng hangin.”“Kaya kailangan niyong sumakay ngayon ng bus Grandma.”“Paano ka Dahlia?”Nakita ko ngang bigla nang naging walking sign yung traffic light.Tatawid na sana kami ni Grandma ng biglang nilipad ang sombrero nitong medyo may kalumaan na din.Bigla akong bumitaw sa pag-alalay sa kanya at hinabol ang nilipad nitong sombrero.Ngunit nakalimutan ko na nasa gitna pala ng kalsada si Grandma.Natigilan ako.Sa lakas ng busina, at sagitsit
(Dahlia POV)Pagdating ko sa kinatatayuan ni Grandma, napayakap ako ulit sa kanya.May kaliitan na din kasi ang katawan niya.“Dahlia naman, wala pa akong pangkabaong para i-pain mo na ako kay kamatayan.”Narealize na ata ni Grandma.Napangiti na lamang ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita.“Saka ayoko pang iwan ang napakaganda kong apo.”Nambula pa ang Grandma ko.Sa nakikita ko sa kanya masayahin naman siyang matanda. Ngunit marami ang nagsabing napaka-sungit nito noon, bago pa man niya inampon.“Apo-apuhan po Grandma.”“Oh sige, binabawi ko. Di ka nga maganda. Binabawi ko.”“Sorry Grandma.” Medyo natatawa ako sa tampo ni Grandma.“Sadyang yung katawan ko mas gugustuhin atang sagipin yung sombrero niyo.”“Natural minsan sa tao ang kumilos na hindi nag-iisip. Ang utak Dahlia, ginagamit yan parati.”Saka mahinang natawa sa akin si Grandma.Matandang to, kahit ang mean, di ko parin hahayaan na mamatay na lang ng basta-basta.Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pinasilong ako nito
(Dahlia POV)Binuksan ko ang payong dahil napakalakas na ng ulan.Malamig. Medyo giniginaw na ako.Nang matigilan ako kasi naalala ko na naman ang nangyari kanina.Dahlia, hinding-hindi na magkakatagpo ang katulad mo sa isang kagaya niya. Pasalamat ka na lang na nailigtas ka ng isang lalaking di niya inalala ang sarili na baka madamay pa siyang maaksidente.Pero natigilan ako…Plus, yung sinabi ni Grandma na ang bibilis nila kumilos. Lalo na yung lalaking parang hangin na di ko namalayan sumulpot sa tabi ko at hinila ako para maka-iwas sa paparating na sasakyan.Ngunit talagang nakita ko na siya bago pa man mangyari ang aksidente. Malayo pa ang sasakyan nila.Paanong agad siyang nakalabas?! At niligtas ako?Napailing na lamang ako.Ibang klase talaga ang isipan ko. Ang lawak ng imagination. Worst, napaka-wild.Utak ng isang manunulat di mo talaga inaasahan na makakagawa siya ng kwentong di mo aakalain.(Venal POV)We arrived in the location where the auction is about to begin.Ngunit
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama