(Dahlia POV)
Inaalalayan ko ang braso ng aking Grandma habang papunta sa isang bus stop. Tahimik na naglalakad ang mga tao ngunit mahahalata na nagmamadali sila.
Dahil siguro sa ulan na nagbabadya.
“May buwan ba ngayon iha?”
Tanong ni Grandma sa akin.
“Sa kasamaang palad Grandma, matatakpan na ng maiitim na ulap. Pero ang ganda ng buwan. Bilog na bilog.”
Dati rati nakikita ni Grandma ang mga nakikita ko ngayon. Ngunit dahil sa aksidente hindi na niya makita ang nasa paligid.
“Nararamdaman ko nga na parang uulan ng malakas. Malamig ang hamog na dala ng hangin.”
“Kaya kailangan niyong sumakay ngayon ng bus Grandma.”
“Paano ka Dahlia?”
Nakita ko ngang bigla nang naging walking sign yung traffic light.
Tatawid na sana kami ni Grandma ng biglang nilipad ang sombrero nitong medyo may kalumaan na din.
Bigla akong bumitaw sa pag-alalay sa kanya at hinabol ang nilipad nitong sombrero.
Ngunit nakalimutan ko na nasa gitna pala ng kalsada si Grandma.
Natigilan ako.
Sa lakas ng busina, at sagitsit ng isang sasakyan… Parang tunog ito na merong maglalaho sa aking buhay. Napalingon ako…
Si Grandma na di alam ang nangyayari sa kanyang paligid. Di niya alam kung saang direksyon siya maglalakad.
Huli na bago pa man ako makasigaw…
Nasilaw ako ng isang sasakyan na parating din sa aking kinakatayuan.
Wala talagang boses na lumabas sa aking bibig, kundi napapikit na lamang ako.
May malakas na braso na humila sa akin.
Pareho kaming dalawa natumba sa kalsada.
Umuntog ang ulo ko sa kanya at ang kamay nito na siniguradong hindi masasaktan ang ulo ko.
Mabubundol din ako kung di ako…
Kung di ako sinagip na may kakayanang gumalaw sa situation na ito.
Pakiramdam ko lumapat ang aking labi sa malambot…
Ngunit sa aking pagmulat naka-dampi nga aking labi sa nagligtas sa akin.
Nagkatitigan kaming dalawa.
Mga mata nito na di mo ma-ilarawan kung nangungulila ba o nagagalit sa mundong ito.
Saglit na tumigil ang isipan ko sa pag-iisip.
Ngunit ng bumalik ako sa realidad, agad akong bumangon. Tinignan ang direksyon ni Grandma.
“Grandma!”
Ang sumalubong sa akin ang liwanag ng mga sasakyang nagsitigil dahil sa aksidenteng mangyayari sana.
Si Grandma nakatayo na sa tabi. May mabuting loob na umalalay sa kanya.
Dahil sa takot na naramdaman ko kanina para sa kanya, tumakbo na ako dito na hindi ko man lang naalalang pasalamatan yung taong sumagip sa akin.
“Grandma.”
Yakap ko sa kanya.
Nakahinga ako ng malalim at halos namuo sa aking mga mata ang luha.
Malakas ang kabog ng puso ko. Sobra akong natakot. Nanghihina ang aking tuhod sa pangyayari.
Saka nga tuluyan nang pumatak sa pisngi ko ang aking luha.
“Ano ba ang nangyari? Nagkakagulo ba?”
Walang ideya at di ko alam kung paano ko sa kanya ila-larawan ang nangyari.
Napakalas ako sa kanya at hinarap yung lalaking tumulong kay Grandma.
“Maraming salamat Kuya. Di ko alam kung paano ko po kayo masusuklian sa kabutihan mo.”
Ngunit poker-face ang itinugon nito sa akin.
Alam kong wala na ngang libre sa mundong ito, kaya lang wala akong pera, dahilan upang pasasalamat na lang ang tanging magagawa ko.
Pero napatitig ulit ako sa mukha nito. Narealize ko lang na…
Ang bilis ng pangyayari, ngunit nagawa niya kaagad para iligtas si Grandma.
Nakapang-amerikana ang lalaki at ang mukha nito, malayong taga dito sa bansa namin. Isang foreigner. Paniguradong di niya ako na-unawaan.
Halata rin sa suit niya na tauhan ito ng mayroong kakayanang bayaran ang isang kagaya niya.
Tumalikod siya ng biglang tumunog ang nakasiksik sa tenga niya. An earpiece for two-way radio, so he can receive instructions from someone.
Hangang sa tuluyan na siyang naglakad papunta sa kabilang kalsada.
Napatanto ko na lamang na marami ang kagaya niya sa paligid. Nagkalat sila.
Kaya naman tumawid na kami ni Grandma bago pa man kami pagkaguluhan dahil sa nangyari at magsanhi ng traffic sa kalsada.
“Habang dumadami ang mga sasakyan, lalong sisiksik ang kalsada. Magkakaroon ng maraming aksidente. Ano ba ang nangyari iha?”
Sa sinabi ni Grandma, napalingon ako sa taong tumulong sa akin. Nakalimutan ko ang tungkol sa kanya.
Ngunit likuran na lamang ang nakita ko ng tumalikod ito sa akin.
Kinaluskos nito ang puti niyang sleeve. Di pa nga kalayuan ang distansya namin sa kanya, nakita ko ang detalye ng tattoo nito sa braso.
Isang dragon.
“Grandma dito ko lang. May nakalimutan ako gawin.”
Dahil ligtas na din naman dito si Grandma. Natalikuran ko lang yung nagligtas sa akin kanina, dahil sa takot na baka anong nangyari kay Grandma. Hindi ko pa naman ugaling di magpasalamat sa mga tumutulong sa akin.
Yun na nga lang ang maisusukli ko sa mga kabutihan nilang ginawa eh. Bakit di ako magpapasalamat sa kanya?
“Ang batang ‘to, kanina pa hindi sinasagot ang mga tanong ko.”
“Mamaya po Grandma, pag-uwi natin sa bahay.”
Kaya kahit di pa nga maaring tumawid ng kalsada, pinuntahan ko ang mga nakaparadang sasakyan. nagsibalikan na ang ilang tauhan sa loob ng sasakyan.
Alam ko na may katayuan sa lipunan ang tumulong sa amin kanina. Pero kahit na… Di sa akin uso na pipiliin lang ang taong pasasalamatan. Konsensya ko pa.
Kahit sa pagtawid ko binubusinahan ako ng ilang sasakyan, patuloy akong naglakad. Pero ng dumating ako sa kinalalagyan nila… Huli na.
Tumakbo na ang mga sasakyan.
Huli kong nakita yung lalaking sumagip sa akin kanina. Muli kaming nagkatitigan.
Nang maalala kong naglapat ang labi namin kanina.
Napatuptop ako ng aking labi.
Yung halik. Sapat na ba yun sa kanya bilang pasasalamat ko sa ginawa nitong pagligtas sa amin?
Nagising ako sa katotohanan na nasa gitna ako ng kalsada. At mauulit ang pangyayari kanina kung di ako aalis kaagad.
May parating pa naman na traffic officer, kaya binalikan ko na si Grandma.
@Death Wish
(Dahlia POV)Pagdating ko sa kinatatayuan ni Grandma, napayakap ako ulit sa kanya.May kaliitan na din kasi ang katawan niya.“Dahlia naman, wala pa akong pangkabaong para i-pain mo na ako kay kamatayan.”Narealize na ata ni Grandma.Napangiti na lamang ako sa kanya. Kahit hindi niya nakikita.“Saka ayoko pang iwan ang napakaganda kong apo.”Nambula pa ang Grandma ko.Sa nakikita ko sa kanya masayahin naman siyang matanda. Ngunit marami ang nagsabing napaka-sungit nito noon, bago pa man niya inampon.“Apo-apuhan po Grandma.”“Oh sige, binabawi ko. Di ka nga maganda. Binabawi ko.”“Sorry Grandma.” Medyo natatawa ako sa tampo ni Grandma.“Sadyang yung katawan ko mas gugustuhin atang sagipin yung sombrero niyo.”“Natural minsan sa tao ang kumilos na hindi nag-iisip. Ang utak Dahlia, ginagamit yan parati.”Saka mahinang natawa sa akin si Grandma.Matandang to, kahit ang mean, di ko parin hahayaan na mamatay na lang ng basta-basta.Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pinasilong ako nito
(Dahlia POV)Binuksan ko ang payong dahil napakalakas na ng ulan.Malamig. Medyo giniginaw na ako.Nang matigilan ako kasi naalala ko na naman ang nangyari kanina.Dahlia, hinding-hindi na magkakatagpo ang katulad mo sa isang kagaya niya. Pasalamat ka na lang na nailigtas ka ng isang lalaking di niya inalala ang sarili na baka madamay pa siyang maaksidente.Pero natigilan ako…Plus, yung sinabi ni Grandma na ang bibilis nila kumilos. Lalo na yung lalaking parang hangin na di ko namalayan sumulpot sa tabi ko at hinila ako para maka-iwas sa paparating na sasakyan.Ngunit talagang nakita ko na siya bago pa man mangyari ang aksidente. Malayo pa ang sasakyan nila.Paanong agad siyang nakalabas?! At niligtas ako?Napailing na lamang ako.Ibang klase talaga ang isipan ko. Ang lawak ng imagination. Worst, napaka-wild.Utak ng isang manunulat di mo talaga inaasahan na makakagawa siya ng kwentong di mo aakalain.(Venal POV)We arrived in the location where the auction is about to begin.Ngunit
(Venal POV)Naghihintay na sa labasan ang sasakyan.Patuloy parin ang pagbuhos ng malakas na ulan.Pumasok na si Master Dryzen sa sasakyan matapos pirmahan nito ang dokumento na kailangang bayaran sa auction na ito.Sa tabi ng driver niya, ako naupo.Nakita ko sa salamin na isinandal ni Master Dryzen ang ulo niya sa upuan.Ipinikit ang kanyang mga mata.Impossibleng wala siyang gagawin.O kagaya din ito kanina, tungkol sa babaeng iniligtas niya. Papalipasin ng ganoon kadali.Siguro… Oras na ata para kumalma na din ako.Ngunit nagkakamali pala ako.“Stop the car.” Agad ikina-preno ng sasakyan.“Give it to me.”Alam kong ako ang pinagsasabihan niya. Kaya inilabas ko na lamang ang tablet kung saan naroroon ang impormation tungkol sa negosyante kanina.Napangisi siya matapos basahin ito. Saka pasipang binuksan ang pinto ng sasakyan.Sa isang iglap nawala ito sa aming paningin.Lumabas din ako at mga tauhan niya.Agad akong napa-konect sa base namin kung saan naroroon ang tauhan ko at tin
(Dahlia POV)Sumilip na muli ang liwanag ng buwan. Kaya medyo natiwasay ako sa paglalakad. Nabasa ng kunti. San hindi ako nito sipunin.Malapit na ako sa amin. Sinara ko ang payong. Inayos ko.Nang natigilan ako…. Dahil parang may sumusunod sa akin.Huminga ako ng malalim. Sa sitwasyong ito kailangan ko lang magmadali sa paglalakad.Isang makitid pa namang iskinita ang dinadaanan ko.At halatang tulog na ang mga nakatira sa malapit dahil ngilan-ngilang bahay na lamang ang merong ilaw.Ang gabi, ito yung mahalagang oras para sa mga mangagawang ginagawa ang trabaho nila sa umaga.Ito yung oras na nagkakaroon ng katiwasayan ang isipan ko.Ngunit hindi sa ngayon.Masama talaga ang pakiramdam ko na parang may sumusunod sa akin.Kaya tumigil ako sa paglalakad.Mabuti nang harapan ang kinakatakutan diba?Pero paglingon ko sa likuran… Pagaspas lang ng hangin ang sumalubong sa akin.Nawala ang pangamba ko.Napabuntong hininga.Ngunit hindi na naman ako makahinga dahil may nakita ako sa tubig n
(Dahlia POV)“Of the present age… Ngayon Dahlia. Ngayon yan.”“Oo, mas maraming magbabasa na gustong basahin yung modern kesa Mandeville times pa, Grandma. Gusto nila modern. Yun na ang modern ngayon.”Ulit ko.Baga naiwan na nga talaga siya ng panahon.Alam niyo na ang mga matatanda. Memories nila ang mga pinagdaanan sa panahon nila.“Dragons and werewolves have hidden their wings and fangs. Blend in the human society without knowing by weak creature like us.”“Porque ba Grandma wala tayong superpower? Grandma naman eh. Gawin mo naman may power yung mga tao. Kunwari nakaka-lipad. Ganoon.”“Tsk. Sinisira mo lang Dahlia ang kwento ko.”“Hehehe. Ako ang first critics mo Grandma.”Nahiwa ko na ang kamatis, bawang, at sibuyas. Tinignan ko ang kumukulong tubig.“Dragons are now the rich and charming CEOs, while werewolves are the dangerously handsome gangsters.” Napatango ako. Lagi naman ganoon talaga.Kung sino pa ang nakaka-angat sila pa ang may mga superpower.Superpower kung paano man
(Owen POV)“Owen, pinapapunta ka ni Ma’am Senior Editor sa opisina niya.”Agad kong inangat ang paningin ko sa aking desk. Saka lumingon sa opisina ng maldita naming Senior Editor. Napabuntong hininga ako.Tungkol na naman ata ito sa manuscript na ipinasang for approval to publish ni Yuki.Napakamot ako.Parang pagod akong bumangon sa kinakaupuan ko.Dalawang babae lang naman ang napakaraming demand sa buhay ko.Si Yuki at Ms. Nam.Haist.Sa pagtayo ko at bago pa man ako makarating sa harapan ni Ms. Nam. Bumukas ang pinto at nagsisulputan sa pinto ang mga lalaking tila mga autoridad.Kilala ko ang nagpadala sa kanila. Alam ko na ako ang hanap nila.Sumasakit na talaga ang ulo ko. Maaga pa para sumakit ang ulo ko ng ganito.“Mr. Owen, do you have time to hear our business?”Sinabi ng lalaki na namumuno sa kanila.Secretarya ng kapatid ni Yuki. Siya na naman ang pinadala nito para takutin ako at matinag.Napalingon ako sa opisina ng Chief Editor namin, at sa kanila.Sino ang uunahin ko
(Dahlia POV)Naihubad ko na ang apron ko.Nakatulog na din si Grandma.Napatitig ako sa orasan. Wala parin yung mga pinsan ko.Malakas ang ulan sa labas na ikinasara ko nga ng mga bintana.Sa katunayan, masarap magsulat kapag ganito ang panahon.Kaya nanabik akong umakyat sa hagdan papunta sa aking silid. Dati rati tambakan lang ng mga lumang kagamitan. Ngayon ginawa kong silid ko. Di naman ako tinapon dito ni Grandma. Sadyang gusto ko lang dito. Tahimik.Ngunit kung ano man ang temperatura sa labas, yun din ang temperatura sa loob.Ngunit masaya ako at kuntento sa silid kong to.Ayaw ng mga pinsan ko dito dahil nga sa ipis at mga dagang naninirahan na din dito sa katagalan.At yung pugad ng termites na kailangan alisin buwan-buwan. Ang sisipag nila i-rebuild ulit ang territoryo nila. Kaya hinayaan ko na lang. Since di naman kahoy ang sinisira nila. Saka baka, gusto lang nila sumilong. Basta ba hindi sila kumain ng kahoy.Napatitig ako sa aking mesa.Ngumiti ako.Kunti na lang matatap
(Dahlia POV)“Dahlia. Wag na wag kang magbibingi-bingihan. Kailangan ko talaga ng pera. Ano ba?!”Napaka-maldita ni Karen. Ngunit never ako nagpatalo sa kanya.Ano naman kung siya ang may mas karapatan dito sa bahay?Ako nga ang ampon, pero ako yung mas malapit kay Grandma. Inilaan ko ang oras ko para alagaan ito na dapat sila ang gumagawa.Hindi naman sa nagbibilang ako.Napaharap ako kay Karen.Nainis ako dahil nagusot ang manuscript ko. Ang pinaglaanan ko ng ilang oras ng buhay ko.“Sa gantong oras, Karen?”Inulit ko at baka hindi niya alam… gabi na.Napatitig ako sa orasan.“Hating gabi na.”“Dahlia naman.”“Hindi maari.” Medyo napasigaw ako ng kunti.“Shhhh. Tumahimik ka. Magigising sayo si Grandma. Nakakainis ka talaga. Tsk. Habang si Carlo kapag humihingi sayo binibigyan mo kaagad. Mayroon ka bang favoritism o hindi kaya, may gusto ka sa kanya?”Sira ulo ang babaeng to.Kailan ba ako magkakagusto sa tamad at parang walang magandang kinabukasan na maibibigay?“Dahlia, kailangan
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama