CHAPTER 3 This Wedding Must Stop
(Megan POV)
“Sa wala kang malay. Ginising lang kita. Gawin mo ang kailangan mong gawin, son.” At tinalikuran ang kanyang anak para bumalik sa kanyang upuan.
“Well… Fuck.” Narinig kong mura ni Damian, at hinila ang isang tauhan at sa damit nito pinunas ang kanyang kamay. Lumapit naman si Secretary Lucas para i-abot sa kanya ang puting panyo. Habang pinupunasan ni Damian ang kanyang mukha, napatitig ito sa akin at ngumisi. Saka itinapon sa direksyon ni Lucas ang panyo na ikinasalo naman nito.
“Who is she?” Damian asked as he pointed a finger at me.
“Your bride Master Damian.” Mababang boses na sinagot ni Secretary Lucas.
“Tss. She is not my bride.” Tangi kaagad ni Damian. Kahit ako, tatangihan ko rin siya kung may choice ako diba? Okey lang. Tangihan mo lang ako, para nga hindi na matuloy ang kasalan na ito. Saka nakakaloka lang, nangyayari ito sa akin? Ako lang ang bride na tinangihan ng kanyang groom sa harapan mismo ng altar.
Sige lang Damian, break off this stupid engagement so I can go to the hospital and see the progress of my father. Then, I will live peacefully without getting engaged in this thing!
“Damian, ano ang pinagsasabi mo.” Ang old Master Quinn na siya ang may pakulo ng lahat nang ito. “Kapag sinabi ko na siya ang mapapangasawa mo, then she is your bride.”
At wag na wag kang maniniwala sa iyong ama. Kayo na lang ang mag-away, basta wag na wag niyo na nga akong dadamayin sa kalokohang ito.
“Kumpareng Father ano pa ba ang hinihintay mo?” Sabat ng lalaking middle-age… Kanina pa ito? Sino siya? Nanabik siyang mangyari itong kasal, at bakit? Kung narinig ko naman na ayaw niya kay Damian?
Magsasalita na sana ang pari para nga simulan na ang seremonya ng biglang itinaas ni Damian ang kamay niya sa paningin nito. Natigilan naman ito. At hindi mabitawan ni Nathaniel ang aking mukha sa kakatitig nito sa akin. Kahit nga nasa ilalim ng veil ang mukha ko, alam kong naaninag niya ang pagmumukha ko na pangkaraniwan lang, at hindi naman kagandahan. Sadyang napaka-common ng mukha ko para nga maging extra lang sa isang pelikula.
At sa kasalan na nangyayaring ito, tiyak extra lang naman ako diba?
“What is your name?” Damian asked me directly, speaking as slowly and as clearly as he could in his state. Dahil nagulat ako sa tanong niya… Na pareho ba kaming walang ka ideya-ideya kung sino ang pakakasalan namin? Obvious naman diba? Ngunit siya may pangalan sa lipunan habang ako, wala. Isang commoner na nabubuhay ng isang kahig, isang tuka. Pilit na pinagkakasya ang sweldo para sa pangangailangan sa bahay.
… Hindi nga ako mapagsalita kaagad. Napa-ubo muna ako… At ng maayos ko ang aking sarili. Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.
Pilit din siya ngumiti, ngiti na galing pa sa impyerno.
“Megan. My name is Megan Gomez, may nais ka pa bang malaman?” Daring na sagot ko, at inilatag ko ang aking kamay para makipagkamay sa kanya… Ngunit hindi niya ito tinangap. Okey fine. Ayos lang sa akin. Baka may germs pa ang kamay mo… At baka kung sino-sino na ang pinatay ng mga kamay mong yan. O talagang napahiya lang ako?
“Maddie, Maddie Madison, ang siyang babaing pakakasalan ko lang. Hindi ako magpapakasal sa isang babae na halatang isang gold digger at social climber. Wala akong ibang pakakasalan kundi si Maddie lang. She is not my bride.”
Hahaha. Bravo, ganyan nga Damian. At dahil riyan lagot ka kay Tatang.
“Hindi mo ba ako susundin Damian!” Sigaw ng Old Master Quinn. Napakasungit nga nito, kung hindi mo makikita ang dimples niya na naloko ako na kala mo kung sinong mabait ng makilala ko siya.
“Nope. Klaradong sinabi ko sa inyo na may minamahal akong ibang babae. So, goodbye.” Na ikinatalikod nito sa amin, pero hinarang na kaagad siya ng mga tauhan, at si Secretary Lucas parang nakikipag-usap sa boss niyang may matigas na ulo, na hindi niya dapat ito gawin na tatakbo siya. Edi magkakaroon ng runaway groom. Hindi ako ang kawawa, siya ang kawawa nito.
“Try to stop me, at walang sino man ang makakaligtas sa inyo sa akin!”
At dahil ayaw sumali ni Secretary Lucas tumabi siya, ngunit ang mga tauhan ng Old Master Quinn, kaagad na pinasayaw ni Damian sa suntukan at balian ng buto. Pero dahil nga lasing siya, at madami ang kalaban niya, siya ngayon ang nakaluhod sa harapan ng Old Master Quinn.
Tatang naman, yang anak niyo wag niyong pinipilit lalo na kung may minamahal naman talaga siya. Respeto na lang tatang. Maddie Madison? Mayaman din ang pangalan ah? Kesa naman sa Megan Gomez, walang tatalo sa pamilyang Madison. Hayaan mo na siya Tatang. Dahil si Damian, may minamahal at handa siyang pakasalan ito. Habang ako din may minamahal din, ngunit kahit kailan ayaw niya pag-usapan ang tungkol sa kasal. Kaya bilib ako sa mga lalaking handang pakasalan ang babae, kesa naman sa mga paasa.
Hayaan mo na Tatang. Napaka-gentleman naman pala ng anak niyo eh.
“Papakasalan mo ngayon din si Megan.”
“Hindi.”
“Tsk. Kailangan pa ata nating mag-usap na dalawa bago gawin ito.” Saka sinenyasan ng Old Master Quinn ang tauhan niya, at nagulat na lamang ako ng binatukan si Damian ng isa sa kanila at nawalan nga ng malay. “Tsk. Kailangan pa ba talagang may malay ang anak ko para matuloy ang kasal na ito. Tsk. Walang kwenta.”
Kaya naman, nakahinga ako ng ikansela na nga lang muna ang kasalan na ito. Ngunit ngayon lang ito. Hindi ito ibig sabihin na tapos na ang kontrata kong pinirmahan sa pagitan ng Old Master Quinn. Okey lang dahil, naiwasan ko na magpakasal sa araw na ito. Dalaga parin ako.
Nilapitan na ako ng mga babaing tauhan, saka nga isinakay sa bridal car ulit na isang limousine. Bumalik sa isang napaka-engrandeng hotel, at doon ko hinubad kaagad ang wedding gown na dapat si Maddie Maddison ang makita ni Damian na nakasuot nito.
“Pupuntahan ko lang ang Tatay ko sa hospital.” Paalam ko sa kung sino man nga ang nais makinig sa sinabi ko. Nang makapagbihis na ako sa damit na parang nakabalik ako sa aking mundo…
“Miss Megan, sila ang makakasama ninyo papunta sa hospital.”
Mga tauhan.
“Bakit kailangan ko niyan?”
“Utos ng Old Master Quinn.”
Natawa ako bigla. Bakit ko kailangan? Saka para saan? Mahalaga ba akong tao sa lipunan para kailangan ng bodyguard.
“No need. Sa hitsura kong ito, walang sino man ang magkakaroon ng intension na kidnapin ako.”
“Kailangan namin sumunod sa utos ng Old Master Quinn, Miss Megan.” Isang masungit at malutong na sinabi ng babaing kaharap ko. Ngumiti ito ngunit ngiting hindi mo dapat babaliwalain. “At ako ang magiging personal assistant niyo, tawagin niyo na lang ako bilang Cindy,”
Kaya wala na akong nagawa kundi hayaan nga sumama sa akin ang mga tauhan na hindi naman bagay na sumunod sa akin. Mas magaganda pa nga sila kumpara sa akin. Anong nakita ni Tatang para gawin niya ito?
Tss. Saan ba nabundol ang ulo ni Tatang para masiraan siya?
At ang matandang yun? Paano ba nag-cross ang landas namin upang dalhin ako sa ganitong sitwasyon na hindi ko nga naiimagine sa boung buhay ko na matatagpuan ko ang aking sarili sa harapan ng mga delikadong mga tao.
***
Nagmamadali ako noong araw na yun. Big sale kasi sa isang supermarket, at tipid na tipid na kung ngayon ako mamalengke? Sino naman ang aayaw sa fifty to seventy percent discount? Syempre dumog kung dumog sa supermarket na yun. Hindi pa naman ako pumasok sa trabaho ko para nga makamura ng ganito.
At wag na wag kakalimutan na bilhin ang gamot ni itay. Saka ang minsan na nga lang niyang kinakain na paborito nito kasi mayroong kamahalan. Ngayon, malaki ang discount kaya ayos lang. Wag lang sana ako maubusan… At alam ko napakaraming tao na roon. Hindi lang kasi ako ang nag-aabang sa araw na ito dumating. Hindi lang naman ako ang nasa pinaka-ilalim ng triangle, at nagtitipid ng husto sa perang mayroon ako.
Kaya naman tumatakbo na nga ako na parang hindi ininda na isa akong babae at kailangan magpaka-conservative at kilos babae talaga. Sus. Ayos lang naman pagkamalan na lalaki. Atleast gwapong lalaki ako kapag ganoon nga. Naka-sneaker, loose pants at malaking tshirt. Tali ang buhok na naka-bun at suot ng cap na nabibili lang ng mura sa tabi. Actually, di ko nga ito nabili, ewan ko kung saan pinulot to ng kapatid kong bunso. Na sa laki ng katawan, tinatamad na lumabas sa bahay. Siya nga ang inutusan ko na gawin ito at maaga lang siyang pumunta dito sa supermarket, ngunit sa huli ako parin ang gagawa. Haist. Yang mga kapatid ko talaga… Kung masungit ako, binitay ko na ng patiwarik ang mga tamad at asa nga ng husto sa amin ni tatay. Pangalawa lang ako sa bunso, ngunit bakit parang ako yung panganay? Breed winner kung baga.
Sa pagmamadali ko, dahil marami din akong iniiwasan na makabungo, nagulat ako sa matanda na bigla na lang humarang sa dadaanan ko, at natapilok nga ako ng baston niya, siya din ay natumba sa nangyari. Agad naman ako kumilos upang tumayo, at tinulungan ang matandang lalaki.
“Sorry po. Nasaktan po ba kayo?” Nag-aalalang pag-alalay kong pagtayo sa kanya. “Saan banda po ang masakit? Sorry po talaga. Saan po ba?” Tanong ko sa kanya na sunod-sunod… Pasensya na hindi pa ata ako qualified para maging si Wonder woman. Saka ko binigay sa kanya ang baston nito.
“Ayos lang ako iha.” Na kaagad din nito ikinangiti at lumabas ang kanyang dimple. Parang yung mascot sa malapit na fast-food chain, na si Jollibee. “Wala kang kailangan na ipag-alala. Siguro naman hindi mo sadyang mabundol ako diba?”
“Ah hindi po. Kahit kailan hindi ko ginustong manakit ng tao, lalo na mga matatanda. Sorry po talaga.”
“No iha. Tignan man ako na parang naghihingalong matanda, ngunit I assure you, malakas pa ako at may asim.” Pagbibiro ni Tatang. Kunyari na lang din ako nadala sa pagbibiro niya para tumawa din. “Malusog ako, kaya nahihiya sa akin ang mga sakit na yan.”
“Mabuti naman po. Masaya po akong marinig yan. Kung ganoon po… Maari po bang mauna na ako?” Dahil baka maubusan na ako ng paborito ni itay. Hindi ngayon ang tamang oras na manatili ako dito, at makipag-usap sa kanya na parang walang hinahabol na oras.
“Sige iha.”
“Mag-iingat po kayo.” Paalam ko sa kanya at tumalikod na nga ako. Ngunit biglang tinawag ako ulit nito kaya napalingon ako.
“Teka lang iha.”
“Ano po yun? Kailangan niyo ba ng tulong?”
Napatango ito. “Sa totoo lang naglalakad ako at nagbabakasakali na makasalubong ko yung kaibigan ko. Iha, may kilala ka bang tinatawag nilang Orio O’real?” Nang marinig ko ang pangalan ng sinabi niya, kaagad akong napa-iling.
“Hindi po.” Dahil naririnig ko lang ang pamiliar na pangalan na yan sa isang brand ng biscuit. Kaya ata pamiliar sa akin. “At parang hindi ko kayo matutulungan sa bagay na yan.” Sagot ko naman na totoo sa kanya, at sana mapansin niya na talagang nagmamadali ako.
“Ganoon ba. Nakakalungkot naman.”
“Kung hinahanap niyo po ang taong yan, sigurado po ba kayo na dito siya nakatira?” Tanong ko pabalik para nga may lead siya kung tama ba ang lugar na pinaghahanapan niya.
“Oo. Dito siya nakatira. Kaibigan ko siyang matalik noong mga kabataan pa lang namin. Ngunit nagkaroon kami ng alitan kaya hindi ko na siya nito nakita sa mga nagdaan na taong lumipas. Pero ngayon na matanda na ako, at alam kong matanda na rin siya, oras na ata na muli kaming magkasundo. Kunting oras na lang lilisan na kami dito sa mundo. Sana mahanap ko na siya.” Malungkot nga ang tono ng matanda.
Ang sweet naman… Nais niyang makasundo ang kaibigan niyang yun. Ngunit wala nga akong kilala. Nais ko man tumulong, pero wala akong oras na maibibigay.“Napakaliit lang po ng lungsod na ito. Natitiyak kong mahahanap niyo po siya. Maari naman kayo magtanong-tanong sa mga autoridad.”
“Ah… Sabagay. Pero hayaan mo na. Ok lang naman.” Sinabi ni Tatang na nawala nga ang ngiti sa kanyang labi. Alam kong sensitive na ng husto ang mga emotion ng mga matatanda… At sana nga may oras ako para tulungan siya… Eh sa wala.
“Sige po. Mauna na po ako. May lugar pa po akong kailangan puntahan. Have a good day po. Sana po mahanap niyo na ang kaibigan niyo.” Hiling ko para sa kanya.
“Oh sure.” At sa suot ni Tatang parang hindi naman siya yung tipong mahirap lang. Kaya nga napapa-English speaking. Ang sosyal. “See yah again soon, little Miss.”
Hahaha. Ang bata ko naman pakingan sa little Miss na yan.
@Death Wish
Chapter 4 (Megan POV)Pagdating ko sa supermarket, kaagad kong hinila ang cart at nagmadali sa bawat section na may kailangan ako bilhin. Sa may awa naman talaga ang diyos, may natira pa naman sa akin sa mga promo packs. Kaya naman hindi ko inaasahan na kaliwa-kanan ang bitbit kong grocery bags. Resulta nga sa kasipagan kong kumuha ng mga produktong makakamura ako. At natutuwa ako sa aking ginagawa. Para sa akin isang successful achievement na naman ito.Pero ang bigat talaga ng mga dala ko. Hiling ko na sana balang araw ako naman yung manalo sa mga pa-raffle promo na namimigay daw ng scooter. Sus, mapapadali talaga ang buhay ko sa mga pang-araw-araw na ginagawa ko. Ngunit sa tagal ko ngang humuhulog ng mga entry, kahit kailan hindi ako na swerteng nanalo sa mga pa-raffle na yan. Kaya ang second option ang mag-ipon, pero sa ngayon ang pag-iipon hangang isipan na lang muna.Sa totoo lang hindi naman talaga ako ipinanganak sa isang mahirap na pamilya. Nanirahan ako sa loob ng labing-pi
Chapter 5(Megan POV)Hindi ako makapagsalita sa aking narinig mula sa lalaki. Hindi na nga maganda ang paningin ko kay Paul. Sa sakripisyo kong ginawa, ito lang talaga ang isusukli niya sa akin? Nakita naman niya na kanya-kanyang tumalikod ang mga matatanda naming kapatid at iniwan nga ang lahat ng responsibilidad na ito sa akin. Dahilan nila, mayroon silang kanya-kanyang pamilya.“Isang daang libong dollar, yan lang ang utang ni Paul.” Mahinahon kong sabi… At ang halagang yun nilalang lang ko lang talaga? Akala mo naman meron akong pambayad. “Ngunit yung ibang utang ng mga kapatid ko, wag kayo dito maningil. Hanapin niyo sila.”“Hawak namin sila.” Kaagad na sagot ng lalaki na napaka-demonyo nga tignan. “Nga pala hindi na ako nakapagpakilala sayo. Ako nga pala ang isa sa debt collector ng pamilyang Quinn, tawagin mo na lang ako Metal.”“Metal. Bagay sa pang mental. Ano ang sinabi mo? Hawak niyo ang mga kapatid ko.”“Lahat. Pati ang pamilya nila. At kung hindi mababayaran ang utang ni
Chapter 6 (Megan POV)Mag-isa nga akong pumasok. Wag naman sana na may mangyari sa aking masama dito… Gaya ng ginagawa sa pelikula na kapag pinapasok mag-isa ang isang dalaga sa silid, may hindi magandang mangyayari sa kanya.Hindi kagaya ng nadaanan naming mga silid, na nakababa ang lahat na kurtinang napakahaba… Medyo nasilaw ako sa liwanag na pumasok sa bintana. Palubog na ang araw… Ngunit nakuha naman kaagad ang attention ko ng isang napakalaking chandelier. At ang silid na ito ay napakalaki para hindi ko nga kaagad makita kung may tao ba sa silid na ito.“Miss Megan…” Gising sa akin ng isang matandang lalaki, ngunit ang suot nito para sa isang butler na lubos ngang nirerespeto. Siya na ba? Ngunit mali ako… Dahil ngumiti ito ng bahagyang sa akin, at kahit pilit appreciate ko na yun. “The Old Master Quinn is this way.” Lahad niya ng kamay sa direksyon na kailangan ko pa atang puntahan.Lumapit ako. At nakita ko naman ang isang lalaking parang nakaupong nakatalikod ito sa aking pan
Chapter 7 (Megan POV)Matatamis pakingan ang salitang lumabas sa bibig ni Tatang, ngunit napakapait nito tangapin. Natutuwa siya dahil alam niyang wala akong kalaban-laban sa kanya, at wala talagang chansa na papayagan niya akong makalabas ng buhay dito sa territoryo niya.Saka napakalayo ng mga sinasabi niya kesa sa ginagawang reaction ng kanyang katawan. Hangang sa may kinuha siya kulay itim na bagay, at halos hindi ako makapagsalita… Dahil kinasa niya ito sa harapan ko, at nilapag sa may mesa.“Pakakasalan mo ang anak ko. Ayon na din sa kontrata na pinirmahan ng mga kapatid mo.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yun.“Kontrata?” Ano naman ang kinalaman ko sa kontrata. Sila ng mga kapatid ko ang nag-uusap at hindi ko nga kailangan ma-involve sa bagay na kagaya nito. Anong kalokohan ang mayroon sa kontrata?Napatango si Tatang at isinandal ang kanyang likuran sa upuan, saka sinenyasan ang butler, lumapit ito sa kanya at binigay ang ilang kulay asul na folder. Yun… Yung mga folder n
Chapter 8(Megan POV)“Miss Megan, maari ba naming makuha ang detalye sa dati niyang physician?” tanong sa akin ng Nurse. At kaagad naman nagflash sa isipan ko yung doktor at ang katuwang nito ay ang gwapong Nurse na si Miguel.Binigay ko naman ang detalye tungkol sa doktor ni Papa, at maya-maya lang napatayo ako sa aking kina-uupuan ng may pumasok na mga doktor, at nakabuntot sa kanila si Miguel. Hindi na naman ako makapagsalita, lalo na ng binati ako nito ng isang ngiting, parang matutunaw ang buo kong pagkatao. Alam kong labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lang andito sa mamahaling hospital si Itay. Ngunit narinig ko sa usapan na mananatiling doktor ni itay ang ina-assist ni Miguel. Ibig bang sabihin nito, makikita ko parin si Miguel.Maganda na hindi maganda… Nalilito ako sa pakiramdam kong ito. Masaya dahil makikita ko si Miguel, ngunit kung makita ko naman ang puso ko, hindi mapakali.“Miss Megan.” Kuha ng attention ko ni Cindy, at mas lalong lumapit ito sa akin, para mah
Chapter 9(Megan POV)Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.“Andito ka pala.”“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman
Chapter 10 (Megan POV)Saka ako ba talaga ang kailangan na mag-umpisa na conversation namin?Sa Oo, Megan dahil kailangan mong kaibiganin ang lalaking yan. Mapapadali ang lahat ng ito kapag sumang-ayon siya na siya ang bahalang mamuno sa organization na iiwan ng kanyang ama.Sabagay. Ngumiti ako. “Hello, hindi tayo nagkakilala ng maayos.” Saka nilahad ko sa kanyang harapan ang kamay ko. “Ako si Megan Gomez, and it’s nice to meet you.”Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko, ngunit ang lalaking ito… Parang pinapahiya ako sa aking sarili. Hindi nito tinangap ang kamay ko, kaya inurong ko na lang.“Alam ko na ang pangalan mo, and I know that you don’t truly think that it’s nice to meet me. I could say the same thing. Tss. It’s bulshit meeting you.” Na hindi nga siya nagdalawang isip na sabihin yun sa akin.Ang ugali niya… Bakit hindi na lang siya sumabay sa agos? Kaya yung pilit kong ngiti, asar na napangisi.“Yap. Tama ka nga. Sa totoo lang din, kilala na kita. Kaya, mabuti pang kumain
Chapter 11 (Megan POV)“Ayos na ba ito?” Tanong ko sa kanya.Ngumiti siya na parang sinasabi na hindi nga ako marunong umintindi.“I want you naked.”“No.”“Do you want me to call them again? Nahihirapan ka ba masyado maghubad. Sure. Me—.”“Maghuhubad ako.”“Everything.”Mga mata niya nawiwili sa nakikita niyang hindi ako mapakali at nahihiya ako ng sobra, sa kailangan ko ngang gawin na maghubad sa kanyang harapan. Kaya naman ang pantalon kong kupas na… kailangan ko rin yun hubarin. Napakatahimik ng paligid. At ang tanging maririnig mo ang tunog ng orasan na hudyat na isang segundo na naman ang lumipas.Wala na akong nagawa kundi hubarin ang pantalon ko, at di ko namalayan tumulo na sa aking mga mata ang luhang hindi ko inaasahan. Sobra akong nagagalit ngayon sa nangyayari sa akin. At tanging pagluha lamang ang nagagawa ko.Sa harapan niya, naka-panty at bra na nga lang ako. Tuluyan akong niyakap ng malamig na hangin. Alam kong hindi dito magtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang ang
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama