Chapter 7
(Megan POV)
Matatamis pakingan ang salitang lumabas sa bibig ni Tatang, ngunit napakapait nito tangapin. Natutuwa siya dahil alam niyang wala akong kalaban-laban sa kanya, at wala talagang chansa na papayagan niya akong makalabas ng buhay dito sa territoryo niya.
Saka napakalayo ng mga sinasabi niya kesa sa ginagawang reaction ng kanyang katawan. Hangang sa may kinuha siya kulay itim na bagay, at halos hindi ako makapagsalita… Dahil kinasa niya ito sa harapan ko, at nilapag sa may mesa.
“Pakakasalan mo ang anak ko. Ayon na din sa kontrata na pinirmahan ng mga kapatid mo.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yun.
“Kontrata?” Ano naman ang kinalaman ko sa kontrata. Sila ng mga kapatid ko ang nag-uusap at hindi ko nga kailangan ma-involve sa bagay na kagaya nito. Anong kalokohan ang mayroon sa kontrata?
Napatango si Tatang at isinandal ang kanyang likuran sa upuan, saka sinenyasan ang butler, lumapit ito sa kanya at binigay ang ilang kulay asul na folder. Yun… Yung mga folder na dala ni Metal kanina.
“See the terms for yourself.” Saka nga inilapag sa harapan ko.
Di ako nagdalawang-isip na kunin ito, at nadismaya ako… Dahil sa bawat kontrata… Sa bawat hulihan na pahina, nakasaad doon, na kapag hindi nakapagbayad ang nangutang, pumapayag silang makasal ako sa pamilyang inutangan. Malinaw na nakasulat ang pangalan ko. Ano ito pinagplanuhan ng matandang uklubin na to?!
Anong klaseng kasunduan ito? At ang mga kapatid ko naman pinirmahan nila. Para dibang pinagbili nila ako?! Alam nilang hindi sila makapagbabayad, at handa silang ibenta ako.
Nakakatawa. Inisip ba nila na kapatid nila ako kahit paano?
“Nabasa mo siguro na kailangan mo magpakasal sa pipiliin ko para sayo. At yun ay ang anak ko. O kung gusto mo ako ang pakasalan mo. Diba, mas magandang ideya na ang anak ko ang pakasalan mo?” Sinabi niya yun at natawa sa hindi naman nakakatawang biro.
Hindi na talaga ito nakakatawa.
Mahigpit akong napahawak sa huli kong nahawakan na kontrata. Kung pupunitin ko ba ang papel na ito, mawawalan ba ng bisa ang kontrata? Sa tingin ko, hindi.
Nag-iisip ako ng paraan kung paano pa nga ito lulusutan ng biglang tumunog ang isang phone, at kinuha ito ng butler saka ibinigay kay Tatang. Nang dahil dito, nabasag ang tension sa loob ng silid.
“Think about it iha. Excuse me.” Saka naman niya sinagot ang tawag.
“What?” At umangat ang paningin nito sa akin. Ngumisi… “I see. And the diagnose…”May kinalaman ba ang tawag na ito sa akin, dahil makatitig si Tatang parang… “Well, the organization will cover it. Give him the best treatment and services. And if her daughter agree with me, I can even send my doctors there. Take care of it.” Saka nito ibinaba ang tawag. “May kinalaman sayo ang tawag na yun kanina. Tawag mula sa hospital kung saan dinala ang Tatay mo.”
“Kamusta na po ba siya?” Kaagad gusto kong marinig ang lahat ngang detalye tungkol sa aking ama.
“Sa tingin ko alam na ito ng tatay mo. At hindi niya hinahayaan na malaman mo. Gusto mo bang malaman ang tinatago ng iyong ama.”
“Sabihin niyo na po sa akin.”
Ngumisi ito. “Ginusto mo. Mayroong stage four blood cancer ang iyong ama, kaya hindi siya maka-recover. Leukemia, stage four. Sayang naman ang iyong ama…” At ang mukha nito meron ngang paghihinayang… Paano pa ako… Na umaasang gumaling ang aking ama balang araw. “Hindi alam ng mga doktor doon kung hangang kailan na lang ang iyong ama. Lumalaban naman ito, at ayaw ka atang iwan na ganito ang sitwasyon mo, Megan.”
“No.” Iling ko. “Hindi yan maari. Walang ganyan kalalang sakit si Pa—.”
“Narinig mo kanina. Maari kong ipadala ang lahat ng pinakamahusay na doktor para sa iyong ama, ang kailangan mo lang gawin, ang sumang-ayon sa pinaplano ko para sayo. Yun nga ang pakasalan ang aking anak.” Na ginamit na nga ni Tatang ang pagkakataon na ito. “Saka lahat ng gastusin ay ako ang bahala. Ano ang sa tingin mo, iha?”
“Yun kung pakakasalan ko ang anak niyo.” Na yun nga ang punto ng sinasabi niya. Tutulungan niya ako kapag nangako nga akong pakasalan ko ang anak niya. Ginagamit na niya ang sitwasyon ni Dad para nga makipag negotiate na sa akin.
“Matalino ka. Agad mong nakukuha ang nais kong iparating sayo. Kaya ko naman na pilitin ka sa pamagitan lang ng mga kontratang pinirmahan ng mga kapatid mo. Ngunit, mas maganda yung talagang kailangan na kailangan mo nang kumapit sa patalim. Ang iyong ama. At dahil nagugustuhan kita, at natutuwa ako sa pinapakita mo iha, bibigyan kita ng bonus, gagawin ng mga tauhan ko ang lahat ng paraan para ng mapahaba ang buhay ng iyong ama. Kasi, tignan mo naman iha ang realidad, sa trabaho mo ngayon, kaya mo ba talagang maibigay ang pangangailangan ngayon ng iyong ama? Ang bayarin sa hospital at medication niya? Lumala nga ata ang sitwasyon niya dahil hinayaan niyong lumabas siya sa hospital kahit kailangan niya roon manatili. Ikaw iha, pumili ka, kung alin ang mas makakabuti para sa iyong ama.”
Sa sinuswerte nga naman si Tatang… Dumagdag pa ang bagay na maari niyang gamitin sa akin para tangapin ang alok na ito.
Napatitig ako sa kanyang mga mata, hindi ko na itinago ang kanina ko pang nais itanong sa kanya.
“Maari ko bang malaman, bakit ako? Bakit ako ang pinagtitripan niyo? Alam ko kasi Planado na itong lahat na kontratang pinirmahan ng mga kapatid ko. Bakit pangalan ko ang naka-saad dito? Sa magkakapatid hindi lang naman ako ang bukod tanging babae sa amin. Nagkataon lang na ako na lang yung dalaga. Kasi parang ako talaga ang pinupuntirya niyo. Matagal na.” Tanong ko na naghalo-halo na nga ang emotion ko, at ang confusion ko hindi ko na makontrol.
“Dapat lang na ikaw.”
“Bakit? Eh, ang daming maganda po sa paligid. Dito mismo sa Mansion niyo ang gaganda pa ng mga katulong kesa sa akin.”
Natawa bigla si Tatang. “Gusto mo ba palayasin ko ang mga sa tingin mo maganda sayo?”
Napa-iling kaagad ako. Hindi naman sa nagbibiro ako Tatang… “Bakit nga po, ako?”
“Simple lang ang sagot riyan iha. Alam ko mahuhulog sayo ang aking anak.”
Talaga ba? O sadyang wala na sa tamang pag-iisip ang matandang uklubin na ito. Palibhasa… Tumatanda na at nagkakaroon na ata ng wild imagination. Hindi na ngayon uso yang mga arrange marriage na yan. Kasal muna bago mainlove?! HINDI NA YAN USO!
Alam kong hinding-hindi mahuhulog sa akin ang anak niya, and vice versa. Hindi din ako. Ngunit sa sinabi nga ni Tatang… Dapat mamuhay nga tayo sa realidad. Hindi ko kakayanin bayaran ang gastusin ni Tatay sa hospital. Dahil nga sa pagtitipid ko, instead maka-recover ng si itay, nagkaroon pa tuloy ng panibagong sakit, at malala na ito. Bakit kasi hindi man lang ito sinabi sa akin ni Papa.
Saka hindi nga ako basta-basta makakalabas ng buhay sa lugar na ito. Ang baril sa ibabaw ng mesa, isang hint na patay ako kapag hindi ko tinangap ang alok ni Tatang. Isang bala lang, wala na ako. Di ko pa alam kung saang karagatan nila ako itatapon.
Talagang wala naman akong choice, kundi pumayag sa kagustuhan ni Tatang.
“Paano po kung hindi gusto ng anak niyo na maging asawa ako? Ano po ba ang gagawin niyo? Siguro naman po hindi ko na yan kasalanan. At kapag siya mismo ang tumangi, maari bang itigil niyo na ang kalokohan na ito?”
Ngumisi si Tatang. “Nakikipaglokohan ba ako sayo iha? Hindi. Alam mo kung ako sayo hindi ako mag-aalala tungkol sa bagay na yan. Ngunit kung hinahamon mo talaga ako iha, kung magkakagusto ba sayo ang anak ko, bakit hindi kita pagbigyan. How about a little trade?”
“A trade?” Bigla nga akong nacurious.
“I’ll forfeit your family’s debt. I’ll pay for all your father’s hospital bills and I’ll set you free, in exchange of… Sa loob ng dalawang buwan, magawa mong pumayag ang aking anak na itake over ang family business namin as my heir. Kung magagawa mo yan, then you got everything. I’ll set you free according to what I have said. But if you fall in love with him… Then you will give me a grandson. What do you think Megan?”
Sa totoo lang kung may tubig sana dito, kanina ko pa yun nilagok. In two months… Not bad. Mabilis naman matapos at lumipas ang mga araw. Saka getting his son to agree to take over the gang didn’t seem difficult at all. Diba nag-iisa lang siyang anak, so wala naman siyang choice. At siguradong panalo na ako. Yun nga lang dapat na hindi ako mahulog sa anak niya. Ang tanong mahuhulog naman kaya ang loob ko sa kanya? HINDI.
Mas mabuti na ito dahil may deadline at may chansa na hindi nga ako panghabang buhay na kasal sa anak nito. Dalawang buwan…
Napatango ako.
“Para saan ang tangong yan iha. I want to hear a respond.”
“Yes. It’s a deal.”
“Great. Pumayag ka na din.”
“Teka lang lilinawin ko lang. Kung mapapayag ko ang anak niyo sa nais niyo, hindi ba papalayain niyo na kami at wala nang utang.”
“I stick with my words iha. That’s the deal. Ngunit ngayon hindi mo pa nga nagagawa, kaya pakakasalan mo ang anak ko. Bukas ang kasal ninyong dalawa. I have everything prepared and ready to go. Your dress, the venue, the guests, and everything else has been settled. Ang kailangan ko lang sa occasion na yan ay bride, at meron na ako niyan ngayon. Welcome to our family, iha.”
“Si-sinabi niyo na bukas na ang kasal?” Na talagang nagulat ako, at biglang may kung ano sa akin na nagpapanic bigla.
“Yes. Bukas iha.”
Parang matutuluyan ata akong mawawalan ng malay dahil… Paano ba nilagay ko ang aking sarili sa ganitong sitwasyon, at sumang-ayon na nga ako kay Tatang.
*** Back to Present***
Sa kasunduan na pinag-usapan namin ng Old Master Quinn, ngayon na ako nagdadalawang-isip magagawa ko ba talaga ang mga yun? Ang kumbinsihin ang anak nito na pangatawan ang grupong iiwan sa kanya ni Tatang… Ngunit yung pangalawang kasunduan namin ang mahulog kay Damian ay talaga namang impossible, mahilig lang ako sa gwapo, pero marunong ako tumingin ng mga attitude nga tao.
Nang makarating ako sa hospital, kasama ang mga tauhan ng Quinn, hindi ko inaasahan ang madadatnan ko kay itay. Halos madaming tubo ang nakakabit sa kanya. Sinunod nga ni Tatang ang sinabi at ipinangako niya na bibigyan ng lahat na special na treatment ang aking ama. Kanya nga nakapangalan ang lahat ng gastusin. Di ko alam kung magkano na ba ang aabutin, kahit isa araw lang ang nagdaan. Wala siyang malay at sinabi naman ng doktor na maya-maya lang magkakamalay na ito.
“Miss Cindy, maari niyo ba muna akong iwan?” Ang personal assistant na binigay nga sa akin, at kaagad naman ito sumang-ayon, kasama ang mga kasamahan niya lumabas sila ng silid.
Kinuha ko naman ang kamay ng aking ama… At naalala ko ang pinaranas niyang buhay sa aming magkakapatid noong hindi pa nangyayari ang aksidente.
“Maayos niyo naman kami pinalaki, bakit ganoon na lang ang mga kapatid ko. Masyado bang na-ispoiled?” Mahina kong tanong sa kanya, at hindi ko kailangan na sisihin ito sa kanila. Kasi malaki na ang mga kapatid ko, may sariling pag-iisip at alam nila ang tama sa mali. Ngunit bakit nga ba sila ganito. Parang ipinagbili nila ako.
May luhang lumabas sa aking mga mata na agad ko namang pinunas. Ewan kung ano nga ba ang mga dahilan nila. Hindi ko pa sila nakaka-usap. Hindi ako nabigyan ng pagkakataon na lapitan sila kanina. Di man lang ba sila pupunta dito sa hospital para kamustahin kayo Pa?
Pero kahit na nga ganito ang mga kapatid ko, pangako… Hindi ko sila gagayahin. Manindigan ako na kailangan ko kayo alagaan, dahil naging mabuti kayong magulang sa akin. Itong pinasok kong situation, iisipin ko na lang na gagawin ko ito para sa inyo. Oras na din para bumawi, at ako naman ang mag-aalaga sa inyo. At poprotektahan kayo, gaya ng pagprotekta niyo at pag-aaruga sa amin noon.
“Asahan ko tay na gagaling pa kayo ha. Wag na wag kayong susuko. Ihahatid niyo pa ako sa altar at yun ang tunay ko ngang kasal, sa taong mahal ko.”
@Death Wish
Chapter 8(Megan POV)“Miss Megan, maari ba naming makuha ang detalye sa dati niyang physician?” tanong sa akin ng Nurse. At kaagad naman nagflash sa isipan ko yung doktor at ang katuwang nito ay ang gwapong Nurse na si Miguel.Binigay ko naman ang detalye tungkol sa doktor ni Papa, at maya-maya lang napatayo ako sa aking kina-uupuan ng may pumasok na mga doktor, at nakabuntot sa kanila si Miguel. Hindi na naman ako makapagsalita, lalo na ng binati ako nito ng isang ngiting, parang matutunaw ang buo kong pagkatao. Alam kong labis siyang nagtataka kung bakit bigla na lang andito sa mamahaling hospital si Itay. Ngunit narinig ko sa usapan na mananatiling doktor ni itay ang ina-assist ni Miguel. Ibig bang sabihin nito, makikita ko parin si Miguel.Maganda na hindi maganda… Nalilito ako sa pakiramdam kong ito. Masaya dahil makikita ko si Miguel, ngunit kung makita ko naman ang puso ko, hindi mapakali.“Miss Megan.” Kuha ng attention ko ni Cindy, at mas lalong lumapit ito sa akin, para mah
Chapter 9(Megan POV)Hindi nga ako nagkamali. Lumanding kami sa gusaling yun, at sa rooftop… Sinalubong ako ng ilang mga tauhan ng pamilyang Quinn. Akala ko ba magiging independent ang paninirahan namin dito sa penthouse?Unang bumaba si Metal, habang yung Secretary naman ni Damian, nagpa-iwan dahil nga nagmamatigas nga ang lalaking yun sa kanyang ama. Kering-keri mo yan Damian. Sabihin mo at patunayan mo kung gaano mo kasi kamahal yang si Maddie Maddison mo.Eh bakit sa tuwing nailalathala ng isipan ko ang pangalan na yan, bakit kumukulo ang dugo ko? Hehehe. Ewan ko. Parang naging kaaway ko ata sa nauna kong buhay yang si Maddie Maddison.Sa pagbaba ko naman at inalok ni Metal ang kamay niya sa akin para alalayan ako, di ko na pinansin at nagkusa ako.“Thank you.” Pang-iinsulto ko sa kanya. Ngunit, parang mapapatalon ako sa gulat dahil si Cindy, ang sama nga ng paningin sa akin.“Andito ka pala.”“Sumunod kayo sa akin Miss Megan.” Walang emotion na sinabi niya, habang mas inis naman
Chapter 10 (Megan POV)Saka ako ba talaga ang kailangan na mag-umpisa na conversation namin?Sa Oo, Megan dahil kailangan mong kaibiganin ang lalaking yan. Mapapadali ang lahat ng ito kapag sumang-ayon siya na siya ang bahalang mamuno sa organization na iiwan ng kanyang ama.Sabagay. Ngumiti ako. “Hello, hindi tayo nagkakilala ng maayos.” Saka nilahad ko sa kanyang harapan ang kamay ko. “Ako si Megan Gomez, and it’s nice to meet you.”Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko, ngunit ang lalaking ito… Parang pinapahiya ako sa aking sarili. Hindi nito tinangap ang kamay ko, kaya inurong ko na lang.“Alam ko na ang pangalan mo, and I know that you don’t truly think that it’s nice to meet me. I could say the same thing. Tss. It’s bulshit meeting you.” Na hindi nga siya nagdalawang isip na sabihin yun sa akin.Ang ugali niya… Bakit hindi na lang siya sumabay sa agos? Kaya yung pilit kong ngiti, asar na napangisi.“Yap. Tama ka nga. Sa totoo lang din, kilala na kita. Kaya, mabuti pang kumain
Chapter 11 (Megan POV)“Ayos na ba ito?” Tanong ko sa kanya.Ngumiti siya na parang sinasabi na hindi nga ako marunong umintindi.“I want you naked.”“No.”“Do you want me to call them again? Nahihirapan ka ba masyado maghubad. Sure. Me—.”“Maghuhubad ako.”“Everything.”Mga mata niya nawiwili sa nakikita niyang hindi ako mapakali at nahihiya ako ng sobra, sa kailangan ko ngang gawin na maghubad sa kanyang harapan. Kaya naman ang pantalon kong kupas na… kailangan ko rin yun hubarin. Napakatahimik ng paligid. At ang tanging maririnig mo ang tunog ng orasan na hudyat na isang segundo na naman ang lumipas.Wala na akong nagawa kundi hubarin ang pantalon ko, at di ko namalayan tumulo na sa aking mga mata ang luhang hindi ko inaasahan. Sobra akong nagagalit ngayon sa nangyayari sa akin. At tanging pagluha lamang ang nagagawa ko.Sa harapan niya, naka-panty at bra na nga lang ako. Tuluyan akong niyakap ng malamig na hangin. Alam kong hindi dito magtatapos ang lahat, nagsisimula pa lang ang
Chapter 12 (Megan POV)Tinali ko ang aking buhok at naghanap nga ako ng damit na mas ikokomportable ko. Halos lahat ng damit sa walk-in closet ko, branded at napakamahal noon. Noon okey pa ang buhay namin, yung tatlo kong kapatid na babae mga shopping freak yun. Kaya alam kong ang mamahal ng mga branded na nandito.May nakuha akong pwede na maging blouse saka isang square pants na hindi nga pagkakamalan na pajama lang. Sa lagay ko ngang ito, hindi nga nagmumukhang fashionista. Pero cute parin.Bangunot man ang pinagdadaanan mo Megan ngayon, pero isipin mo na lang na matatapos din ito. Lahat mayroong katapusan, masaya man yan o kalungkutan.Binuksan ko na ang mga bintana ng silid ko at tinali ang mga kurtina. Maya-maya lang papasok na dito ang sinag ng araw, at mas nauna pa nga ako kay haring araw na magising. Panibagong araw para iwasan na mabali ang utos ni Damian, at ayoko na yun maulit pang nangyari kagabi. Sobrang hindi nakakatuwa.Napaunat ako ng aking mga kamay at kunwaring nap
Chapter 13 (Megan POV)Maaga nga ako natulog, pero nagising at Naalimpungatan sa ingay na naririnig ko. Grupo ng ilang tao na pumasok sa suite. May inaasahan ba akong isang banda na pumunta dito? Pero mali… Ang naririnig ko mga halakhak ng mga malalanding babae, ng makalapit na nga ako sa may pintuan. Sobrang Nakakabadtrip. Sa totoo lang hindi naman kami lumaking mga babaing kung tumawa sagad, lalo na kung di naman nakakatawa.Tsk. Anong klaseng mga bisita ba ito ni Damian? Bisita nga ba ni Damian?Kahit na nga, tiniis ko na lang ang ingay at pilit na gustong bumalik sa pagkakatulog. Ngunit, sinasagad talaga ako ng mga halakhak at hagikhik ng mga babaing parang nasa labas lang ng aking pinto. Hindi ito multo o pinaglalaruan lang ako ng maligno, alam kong mga totoo silang tao. Kaya naman nilakasan ko na ang aking loob na lumabas upang patahimikin ang mga taong yun. Ang ayoko sa lahat, yung na-iistorbo ang tulog ko.Magaling na Damian. Pagdating talaga sa pagiging demonyo nito nangung
Chapter 14 (Megan POV)Kung kukuha nga siya ng stylish para sa akin, okey lang, hindi naman ako ang mababawasan ng kayamanan diba?“Yun lang ba Master Damian? Since wala na yung mga maingay na mga babae, siguradong makakatulog na ako pagkatapos ngang makain ko itong ice cream. Want some?”“Tss. FYI, that’s mine.”“Uhmmm. Hahatian mo ba ako? Hahaha. Okey ibabalik ko na lang.”Ngunit namalayan ko na lang kinuha sa akin ni Mrs. Zu. Ngayon nasa dinig table kami at inihanda na nga yung ice cream sa harapan namin. Nagkatitigan kami ni Damian… Sigurado ba siyang kakainin niya yung ice cream kaagad na hindi pa siya kumakain ng hapunan?! Eh, magkakasakit siya kapag ginawa niya yan. Saka hating-gabi na. Kailangan niyang kumain ng maayos.“Master Damian…” Nang sasandukin na sana niya ang kanyang chocolate ice cream. Natigilan naman at umangat ang paningin sa akin. “Uhmm… Ano, talaga bang kakainin niyo na yan? Eh, hindi pa po kayo naghahapunan at baka magkasakit kayo.”Sabagay kung magkasakit si
Chapter 15(Megan POV)Sa mga mata ni Papa natutuwa siya na marinig yun. Ngunit sumabat na naman si Paul at binangit ang pangalan na hindi ko inaasahan na maririnig.“Kamusta na daw kayo ni Kuya Alfred, sabi ni Papa nitong nakapagsalita siya ng bahagyang.”Alfred. Natahimik ako. Ang unang lalaking manliligaw at sinagot ko naman. Sa akala ko kasing kaya niyang mapaghintay habang ginagawa nga ang bagay na manligaw… Ayun sumuko na lamang. Ahahaha. Edi wow, kung ganoon naman talaga ang lalaki hindi mapaghintay dapat sa kanila hinihiwalayan. Hindi yung binibigay ang gusto nila at tino-tolerate na lang. Kaya lang minahal ko din ang lalaking yun. Kaya nga nasasaktan din ako paano. Hiniwalayan niya ako na parang wala siyang pakialam. Kung nasaan man siya ngayon sana maayos lang ang kalagayan niya. Pasensya na kung hindi pa nga ako handa na isuko ang bagay na wala pa ngang basbas ang pagsasama namin.Minsan iniisip ko din kung naalala pa ba ako ng mokong na yun, kahit kunti man lang. Pero sa g
(Dahlia POV)Malaki ang ipapasalamat ko sa tulong na binibigay ng kompanya sa akin. At kailangan ko pa kapalan ang mukha ko, para humingi ng advance since nga walang-wala kaming pera ni Grandma. Nakakahiya pero nilakasan ko ang aking loob, at alam kong hindi tatangihan ni Sir Venal ang pabor ko. Napakabait nito, at walang alintanang ginagawa ang lahat pagdating sa akin. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan niya, sadyang wala lang talaga akong malapitan. Promise babawi ako sa kanya.Kaagad naman umalis si Sir Venal matapos ngang iremind sa akin, na mamaya kakain ako sa harapan ng boss namin. Since madami na din naman akong kinain, alam kong kunti na lang ang kakainin ko. Saka nakakahiya talaga, di ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa aking sarili kung para saan ba ito.Hinahawakan ko ang kamay ni Grandma at pinisil-pisil ito. Nalilito ako kung nais ko ba ito magising o manatili siyang matulog para di nito malaman ang nangyari. Napabuntong-hininga na lamang ako.Bumalik ang da
(Dahlia POV)Nang makapasok ako sa banyo, tinignan ko ang laman ng paperbag. Puro dress ang naroroon. May binili naming pang-ilalim, pero yung damit talaga… Alam kong kung magkano ang isa noon. Sa sikat at mamahaling brand pa sila namili.Isinuot ko na lamang yung skirt na mahaba, at white chiffon blouse. Habang yung skirt kulay beige. Dahil medyo tinatagos ng lamig ang blouse, isinuot ko yung longsleeve. Tuck in, para nga hindi magmukhang manang. May ternong dollshoes yung skirt, at ng tumitig ako sa salamin, maganda. Simple, ngunit maganda. Prefer ko yung mga damit na plain lang at walang kahit ano-anong print.Paglabas ko, wala na sila Madam Lilith. Itinabi ko na lamang sa sulok yung mga paperbag, ng mapansin kong may kung ano sa may mesa. At ng lapitan ko, biglang kumalam ang tiyan ko.Pagkain… Masasarap na pagkain. At sa hinuha ko, ang pagkain na yun para sa akin.Storm Corporation, natural ba sa kompanya na ganito ang ipamalas na pagtulong sa kanilang mga empleyada?(Venal POV)
(Venal POV)Parang isang papel na inihipan ng hangin ng mismo sa aking mga mata nawalan nga ng malay si Miss Dahlia. Kaagad ko itong nilapitan at binuhat. Tumawag naman ng attention ang mga assistant ko, at sa isang silid nga namin idinala si Miss Dahlia.Over fatigue ang dahilan kung bakit nawalan siya ng malay. Normal na mabibigla ang katawan niya sa mga nangyari.Mag-uumaga na, at wala parin siyang malay. Naalala ko ang sinabi ni Master Dryzen na ipagluluto niya ng agahan si Miss Dahlia. Bahagyang nakalimutan ko ang tungkol roon. Nasisigurado ko kanina pa yun gising, at walang kaalam-alam sa mga nakalipas na oras kung ano ang nangyari kay Miss Dahlia.Tinawagan ko si Lilith, at kinumpirma niya sa akin na maaga itong nagising at abala na si Master Dryzen sa pagluluto.“Maari mo bang sabihin sa kanya, na hindi makakarating si Miss Dahlia.”“Natutuwa akong sabihin yan kay Master Dryzen ngunit hindi matutuwa ito sa maririnig niya sa aking bibig. Bakit anong problema ng babaing yan? Suk
(Dahlia POV)At nagising ng, tumunog ang phone ko. Nagbabakasakaling sila Carlo at Karen… Pero hindi, si Sir Venal. Tungkol ba ito sa paggamit ko ng Card? At napansin ko ang orasan, magmamadaling araw na para hindi pa siya nagpahinga at mapansin pa in case man may nakukuha siyang notification sa paggamit ko ng Card.Hindi ko naman maaring di sagutin… Sinagot ko.“Miss Dahlia…” Bati niya sa akin. “Sir Venal…” Saka narinig ko itong huminga ng malalim.“I’m sorry, ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol sa nasunog niyong bahay. Napasugod ako ngayon dito. Mabuti na lamang at wala kayo dito ng mangyari ang sunog. Ngunit alam kong mabigat parin sa inyo ang nangyaring aksidente. Maari ko bang malaman kung nasaan kayo?”“Sir Venal…”“Miss Dahlia?” At tuluyan na naman akong naiyak.Wala na akong lakas na loob na magsalita pa, hangang sa ibinaba ko na lamang ang tawag ng hindi ko sinasabi kay Sir Venal kung nasaan nga ako.Pero hindi ko inaasahan, na lumipas lamang ang ilang minuto, napuno bigl
(Dahlia POV)Lumapit ako sa information desk, at naki-usap sa nurse na iiwan ko muna si Grandma. Pumayag naman ito, ngunit ng tumalikod na ako at ilang hakbang pa lamang ang layo ko sa kanya…“Anong klaseng kamag-anak ba yun. Nasa loob pa nga ng emergency room ang kanyang abuela, hindi pa nga inilalabas, aalis kaagad. Di naman sinabi kung ano ang rason.”Kaya natigilan ako. Ang galit na akala ko, wala… Akala ko pangamba lamang, ay biglang sumabog. Saka hindi ko aakalain na sa kanila ko mabubuhos ang frustration na aking nararamdaman.Napalingon ako, at tahimik na bumalik ulit sa information desk.“Sa nasusunog ang bahay namin, miss. Ano ang sa tingin mo ang dapat kong gawin?!”At napapikit ako bago pa man lumala ang sitwasyon. Huminga ng malalim… At ayoko nang dagdagan pa ang pwerwisyong nangyayari.Kaya humingi ako ng pasensya.“Sorry, hindi ko sinasadya na pagsigawan ka. Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala ng husto kay grandma. Ngunit kailangan ko bumalik ng bahay dahil nasusunog
(Dahlia POV)“Miss Dahlia… May nangyari ba?”Umiling ako kaagad. Medyo nalilito ako kung para saan ba ang tanong niya at pag-aalala sa akin. Nang maalala ko na tumakas ako, at siguradong yun ang tinutukoy niya.Bigla akong napayuko sa harapan niya. “Pasensya na Sir Venal kung umalis kaagad ako. May kailangan kasi ako ayusin.”Ayusin. At di ko nga alam kung saan magsisimula.“Maayos po bang nakakain ang CEO?”Napatango naman ito bilang tugon, at nakahinga kahit paano ng makumpirma na ayos lang ako.“Nalaman ko na hindi ka pa nakakauwi sa inyo. Kaya pinahanap kita.”“Sir Venal…” Alam kong mayroong utos ang CEO sa kanya na ihatid-sundo ako sa bahay namin. Ngunit ang weird. Hindi ko maintindihan kung para saan itong ginagawa nila. Kung may kinalaman ito sa special na trabaho na nais nilang tangapin ko, siguro nga yun ang dahilan.“Ayos lang naman ako, Sir Venal. Wag kayong masyadong mag-alala sa akin. Sanay po akong umuwi ng ganitong oras, kahit mag-isa. Kaya nga po nais ko sanang tangiha
(Dahlia POV)“Punyeta!” Muli niyang mura. “Magising ka nga Dahlia! Wag kang mayabang! Marami na akong napatunayan, habang ikaw, wala. Wala kang magagawa kundi tangapin ang alok ko, sa ayaw mo man o hindi! Advice ko sayo at dapat kang makinig, hindi magandang kalabanin ang isang kagaya ko. Kung ako sayo dapat na kaibiganin mo ako! Minsan lang ako mabait, Dahlia.”“Minsan? Nakakatakot naman Yuki.” Ang pag-iisip ng babaing ito, napaghahalataan na makitid ang isipan. “Hindi niyo ako mapipilit.” Tigasan kong sinabi. “Hindi mo ako matatali at hindi ako magiging sunod-sunuran sayo. Kapag tinangap ko ang alok mo, yun ang magsisilbing katangahan ko.”“Dahlia!”“Lalaban ako.” Titig ko sa kanyang mga mata, at aktong babangon na ako sa kinakaupuan ko ng biglang hinawakan ng dalawang katulong ang balikat ko.“Tss. Hinahamon mo talaga ako Dahlia at parang may hinahanap ka. Pwes ibibigay ko sayo, at dapat pagsisihan mo kaagad at mamulat ka sa katotohanan na dapat tangapin mo ang alok ko sayo habang
(Dahlia POV)“Kung hindi ko lang alam na magnanakaw ka Miss Yuki, sa bookstore pa lang lumuhod na ako sa harapan niyo. Ngunit mas mababa ka pa sa mas mababang nilalang, kung hindi ka marunong rumespeto ng pinaghirapan ng ibang tao.”“Puny*ta.” Biglang mura nito. Medyo nagulat ako dahil, ang mukha niya hindi bagay sa lumabas sa kanyang bibig. Sabagay andito ako para hindi makipagkabutihan sa kanya. “Tss. Hindi ko na ata kailangan itago ang ugali ko, Dahlia. Hindi ko na kailangan magkunwari. Dapat ka nang matakot dahil hindi mo ako kilala! Simpleng utos lang naman, uupo ka lang naman diba? At kapag sinabi kong uupo ka, mauupo ka! Upo!”Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatitig sa kanyang mga mata. Malungkot ngunit nakakatakot.Lumapit ang dalawang katulong nito sa akin, upang sapilitan na paupuin ako sa harapan ni Yuki. Mala-anghel ang mukha niya sa mga tarpulin na nakikita ko. Ngunit isa lang pala itong maskara. Ang akala ko isa siyang mabait, mahinhin at tahimik na babae. Yun pala n
(Dahlia POV)“Alam mo Miss hindi ko rin inaasahan na magkikita ulit tayo. Pero andito na nga ulit ako sa harapan mo.”“Para saan?!”Napangising-aso ito. “Andito kami dahil napag-utusan lang ng kapatid ng boss ko. At alam kong kilala mo kung sino ang tinutukoy ko.”“Si Yuki.”“Pero lilinawin ko, hindi siya kapatid ng boss namin. Sampid lang naman siya sa pamilya.” Mapait niyang sinabi laban sa pangalan na binangit ko. Tila ba may lihim na galit si Cedrick sa kanya. “Nagkakilala na kayo kanina.”“Oo. Ang babaing walang ikinalayo sa boss mo. Magnanakaw at manloloko.”“Hulaan ko, pumunta ka na naman sa stasyon ng pulis. Bakit Miss Dahlia? Sa tingin mo ba may magagawa sila? Nagpapatawa ka lamang sa lagay na yan.”“Nagbabakasakali lang ako na may tumulong sa akin laban sa—.” Natigilan ako dahil mas lumapit siya sa akin at ibinaba ang kanyang labi sa aking tenga.“Wag kang tanga. Napaka-useless ng ginagawa mo, Miss Dahlia.” Ngumisi siya. Malapit na ngumisi sa mukha ko. “Kahit na ang pinakama