Share

Chapter 2 Last Will

((( Julius POV’ s )))

Hindi ko maunawaan kung bakit laging umaalis ang aking ama lalo na labas pasok siya ng bansa. Naiiwan lamang ako sa napakalaking bahay na lahat ng sulok mayroong bantay, kung hindi man may kamera.  Wala akong makausap at lumalaking napakatahimik.

Nagkukulong lamang ako sa aking silid kapag wala akong interest pumunta kung saan ko man naisin. Sa bintana lagi kong nakikita ang paglisan ng aking ama matapos kumain kami ng agahan. Na alam ko buwan ang papalipasin upang muli ko siyang makita. 

Tutorial ang aking edukasyon. Libro ang pampalipas oras ko.

Kung nanaisin ko man lumabas, nag-iikot ako sa munting gubat ng Del Canthlize Villa sakay ng isang munting puting kabayo habang nakasunod na tauhan ng aking ama.

Isang araw, habang nakatanaw ako sa malayo. Gumitla sa akin ang boses ng aking ama.

“Ang nag-iisang Del Canthel na sinasabing maiiwan mag-isa sa mundo ay laging nag-iisa.” sinabi niya iyon habang ibinibigay ng tauhan niya ang pamingwit sa kanya.

Hindi ko siya nilingon.  Naupo lang ako sa isang tulay na yari sa kahoy at lubid.

“Hindi ko nais na lumaki ka ng ganyan Julius. Lalo na iiwan ko sa'yo ang napakalaking responsibilidad. Sa pamilya at kompanya.”   Lumapit siya sa akin. Inabot ang isang pamingwit. Simpleng ngisi lamang ang itinugon ko, na ikanaabot ko ng pamingwit. Naupo din siya sa sahig ng tulay malapit sa akin.

“Noong bata pa ako, mahilig ako mamingwit mag-isa, para makahuli ng marami.” Hinagis niya ang pampain saka ko naman isinunod yung akin.

“Lagi kasi akong kawawa kapag kasama ko ang tatlo kong kapatid na pawang nakakatanda ng husto sa akin. Dahil mag-isa ako noon. Marami akong nahuli.” bahagyang tingin niya sa akin.

“Pero… hindi ko inaasahan na may masamang pangyayari akong madadaratnan. Boung Del Mendevil ay pinatay. Alam mo na siguro iyong tungkol sa Del Mendevil Masacre. At noon din itinakas ako ng pinakamatandang Del Mendevil. Nagtanong ako tunkol doon sa nangyari at bakit yun nangyari?” tinapik ako sa balikat.

“Sabi niya sa akin. Napakamakapangyarihan ng Del Mendevil pagdating sa pera. Ang mga Uncle ko o sabihin na nating kapamilya natin ang mismong nagbalak ng patayan. Isa-isahin ang lahi ng Del Mendevil kung saan ang labanan matira ang matibay at maari niyang masolo ang kayamanan ng Del Mendevil. Si Lolo, ang pinakamatandang Del Mendevil noon ang tumapos ng gulo. Nagpapatayan lang naman sila. Kaya inutos niya na kung sinuman ang humangad ng labis na kasakiman tungkol sa yaman ng Del Mendevil ay papatayin.” Napalingon ako sa kanya.

“Noon. Kasing gulang mo lang ako. Wala pa akong kaalam-alam tungkol sa kapangyarihan ng Del Mendevil kaya naman bilang isang bata naiwan ako mag-isa. At nang lumaki ako ng husto namalayan ko na lang si Lolo at ako na lamang ang natitira. Kaya ng pumanaw si Lolo sa akin na kapangalan ang lahat-lahat ng mga ari-arian ng pamilyang Del Mendevil at ang habilin ng pinakamatandang Del Mendevil.” napabuntong hininga ito. “Ang masasabi ko lang Julius, mahirap magpatakbo ng kompanya mag-isa.”

Sa mga oras na yun pinipilit ko unawain ang sinasabi niya.

“At ngayon Julius , kapag namayapa na rin ako. Gustuhin mo man o hindi. Ikaw ang sasalo ng responsibilidad kong iiwan. Unang-una tungkol sa kompanya na kailanman di pa nakakatikim ng pagbagsak. Pangalaw ang habilin ng matandang Del Mendevil tungkol sa ating pamilya. Sa ngayon ikaw na lamang ang batang nag-iisang Del Mendevil. Ipangako mo kahit anong mangyari, mag-aasaw ka at gagawa ng isang mapagmahal na pamilya. At muli mong papayabungin ang pamilya ng Del Mendevil na hindi ko nagawa ng maayos.”

Palubog na ang araw nang umuwi kami. 

Bago ako umakyat sa aking silid may sinambit sa akin ang aking ama na nagpalaya sa sarili ko. Dahil alam ng lahat kung ano ang sanhi na ikinamatay ng aking ina.

“Julius. Kahit kailan di kita sinisi sa pagpanaw ng iyong ina. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Pareho tayo nawalan at walang may gustong mangyari yun. Walang dapat sisihin.” at ngumiti siya sa akin. Na agad naman ako nilapitan ni Sya,  ang katulong na nagpalaki sa akin.

“Mabuti at nagkaroon ng oras si Master James upang masundan ka at samahan doon. Bukas, aalis na naman siya.” na ikinalungkot ko.

@DeathWish

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Saly Gilo
nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status