((( Janine POV’ s )))
Nakahiligan ko nang dumaan sa lumang kapilya galing sa trabaho ko bilang Cashier sa isang fast food chain.
Ginagawa ko yun para magdasal. Bisitahin si Sister Ema at ang paglagay ko ng bulaklak sa isang flolera.
Bago ako dumiretso sa kapilya dinadaanan ko muna yung isang matanda na nagbebenta ng ilang bulaklak.
“Kauwi mo lang Iha?” bati nito sa akin ng makita akong lumalapit.
“Opo. Pabili po ako ng tatlong tangkay ng puting rosas.”
“Sige pili ka.” Kumuha ako ng tatlo. Binayaran at nagpaalam.
Papasok na sana ako ng kapilya ng mapansin ko ang isang sasakyan na parang ngayon lang naligaw sa lugar namin.
Bumukas yung bintana. Isang lalaking nakasandal ang ulo sa manibela ang nakita ko. Problemado yata?
Naalala ko tuloy iyong nangyari sa akin at nangyayari pa ngayon sa akin. Napadpad ako sa harapan ng kapilyang ito.
Umiiyak ako dahil parang wala na akong maaninag na pag-asa sa buhay ko. Maulan noon. Mismo sa may sidewalk ako naupo na parang baliw kaharap ang simbahan. Ang dami kong problema at sa awa ni God nabibilang ko pa.
Paralizado ang aking ama.
Tatlo kaming magkakapatid, ay apat na pala.
Si Ate Nadine, anak ng stepmom ko. Oo may stepmom ako. Siya yung pinakamatanda sa amin na may anak na isa si Lilibeth. Iniwan ng asawa at humawak sa saya ng ina niya para mabuhay, which is kargo pa ng aking ama noong di pa parilizado.
Si Kuya Dexter tunay kong kapatid sa ama at ina. Kaya lang isang tambay at dinig ko sa sabi-sabi isang Rugby Gang.
Si Amy ang anak ni tatay kay Stepmother. Ayon pinag-aaral, iba naman ang inaatupag. Barkada at kung umuwi malalim na ang gabi.
Si Tatay lang ang nagtatrabaho non bilang porman sa isang construction agency.
Nag-aaral pa nga ako eh. Kaya nga lang nang maparalitiko. Nanlumo ako ng husto. Kailangan ko tumigil sa pag-aaral.
Kaya heto ako ngayon basang -basa sa ulan. Di ko alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa pamilya namin.
Hangang sa di ko na maramdaman yung patak ng ulan.
Nang inangat ko ang aking paningin, isang madre na nakangiti at pinapayungan ako.
“Iha. Hindi makakatulong ang ginagawa mo. Magkakasakit ka niyan. Kung may problema ka, halika sa loob nang mapag-usapan natin yan.”
Yun si Sister Ema. Napakapositibo niyang Madre at malaki ang naitulong ng paalala niya sa akin lalo na kung bakit hangang ngayon nakakayanan ko pa ang mga palalang problema sa loob ng aking pamilya.
At ngayon. Napangiti ako. Oras ko na rin siguro magpalakas ng loob ng iba para ipagpatuloy niya ang kanyang buhay. Unti-unti akong lumapit nang bigla ako madulas.
“Aray!” Aww! Sakit sa puwit.
@DeathWish
((( Julius POV’s ))) Napaangat ako ng paningin at paglingon ko sa bintana, isang babae ang nadulas. Ewan, bigla na lang ako kumilos. Binuksan ang pinto.&
((( Julius POV’s )))Tumayo ako at lumapit sa vase ulit. Ang bulaklak na gustong ibigay ng babaeng yun sa akin. Kinuha ko yung isa at isinilid sa bulsa ko. Lumabas ako ng kapilya. Napabuntong hininga ako. Dahil nang dahil sa babaeng yun bigla kong nakaligtaan yung hinah
((( Sya POV’s ))) Bakas parin sa mga mukha ni Master Julius ang kalungkutan simula ng makoma ang kanyang ama. Limang taon din siya naghintay na maari pang bumalik ang kanyang ama.Ngunit tulad ng kanyang ama kailangan niya m
((( Julius POV’s ))) Nagising ako sa tunog ng phone ko. Bumangon ako at kinuha yun.Si Deo ang Caller.“Sir, pasensya na po kung naistorbo kita ng ganito kaaga.”
((( Janine POV’s )))Hindi talaga magbabago ang buhay namin kung hindi sila magbabago. Kahit andito ako para ipakita na kailangan nilang talikuran ang mga ginagawa.“Clarita.”&
((( Atty. Wenziel POV’s ))) Napakatigas talaga ng ulo ng binatang yun!“O kayo ano pa ang tinutunganga niyo! Sundan niyo si Julius!”“Pero Sir may sinabi siya.”
((( Julius POV’s )))Nagulat ako sa kanya. Ang ibig lang sabihin di niya alam na ako nga si Julius? Napangiti ako.“Bingi. Juliusn pangalan ko.”“Dinagdagan lang naman pal
((( Julius POV’s ))) Malapit na ako sa sasakyan ng...“Teka. Heto na sasama ako. Kailangan mo siguro ng makakausap eh. Basta iuwi mo ako na buhay at buong-buo.”“Tss. Sas